You are on page 1of 1

INITIATIVE PLAN

LAYUNIN: Ang proyektong ito ay naglalayong kumonekta sa kabataan para magbahagi ng


kaalaman sa mga batang mahirap na may kakulangan sa edukasyon. Layunin nito na palakasin ang
kanilang kakayahan sa komunikasyon at liderato, nagbibigay ng pag-asa sa kanilang buhay.
Pinapalakas nito ang kabataang guro at mag-aaral, susi sa pagputol ng siklo ng kahirapan at
magtayo ng mas maaliwalas na kinabukasan para sa amin at sa komunidad.

DESCRIPTION: Ang proyektong ito ay nag-uugnay ng mga kabataan na handang ibahagi ang
kanilang kaalaman at kasanayan sa mga batang mahirap na walang sapat na akses sa de-kalidad
na edukasyon dahil sa kahirapan. Maaari itong maganap sa mga accessible na lugar tulad ng
barangay at komunidad.

OBJECTIVES: Isinusulong ang aming proyekto para sa mga batang hindi kayang makapag-aral,
sa pamamagitan ng pagtutulungan ng kabataan o komunidad upang matulungan ang mga
nangangailangan. Dagdag pa rito na itataas nito ang halaga ng edukasyon, tinuturing bilang susi sa
progresong indibidwal at panglipunan.

PROCESS:

1. Identipikasyon ng mga lugar at komunidad na may mga batang hindi kayang makapag-aral.

2. Recruitment ng volunteer na kabataan mula sa paaralan, organisasyon, at iba pang interesadong


indibidual.

3. Paghahanda ng learning materials at modules para sa mga klase.

4. Pagpaplano at pagsasagawa ng klase base sa availability ng mga volunteer at mag-aaral.

5. Regular na pagsusuri at evaluation ng progress ng mga mag-aaral.

6. Pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at iba't ibang sektor ng lipunan para sa suporta at


karagdagang resources.

Sa pamamagitan ng aming proyekto naitataguyod nito ang karapatan ng bawat bata na magkaruon
ng edukasyon. Isang hakbang tungo sa mas malawakang pag-unlad at pag-asa para sa hinaharap.

You might also like