You are on page 1of 2

Ang Karanasan ng mga Mag-aaral Mula sa Piling Pangkat ng STEM ng FEU HS na Nagmula

sa Pampublikong Paaralan sa Taong 2016-2017


INTRODUKSYON

Itinuturing ang edukasyon bilang isa sa kayamanang hindi mananakaw nang ninoman. Ito ang yugto
kung saan natuto ang isang tao at nasasagot ang mga katanungang mayroon sa kanyang isipan. Hindi
maitatanggi na napakapalad ng isang taong nakatatanggap ng nararapat na pagkatuto at kaalaman.
Kung kaya’t mayroong mga paaralan na siyang kabiyak ng tahanan sa paghulma ng kaisipan ng isang
taong may mga bagay pang tanging pag-aaral ang siyang makasasagot. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito,
may pagitan pa rin na siyang naghahati o nagbibigay ng pagkakaiba sa edukasyong natatanggap ng
bawat isa.

Ito ay ang pagkakaroon ng mga pribado at publikong paaralan. Sinasabing napakalaki ng pagkakaiba ng
pribado sa pampublikong paaralan. Sa katunayan, binigyan ito ng kahulugan ng “Sa Aking Wika” (OCASI
2015) na pahina sa internet at ayon dito, ang paaralang pribado ay tinatawag na independenteng
paaralan sapagkat sila ay maaaring itinayo ng pribadong sektor at hindi nakatatanggap ng pondo mula sa
pamahalaan. Ang mga estudyante dito ay kinakailangang magbayad ng matrikula para makapasok at
karaniwang nakapokus ang pinag-aaralan sa relihiyon, kultura, wika, o partikular na mga pamamaraan
ng pagtuturo. At mula sa tala ng ABS-CBN - News and Current Affairs (2015), tinatayang nasa 2.9 milyon
ang bilang ng mag-aaral sa Pilipinas na nasa ilalim ng pribadong institusyon. Samantala, ayon naman sa
Philippine Star (Carlos,2013), ang pampublikong paaralan ay ipinagawa ng gobyerno upang mabigyan ng
pagkakataon na makapag-aral ang isang taong walang kakayahang makabayad ng malaking salapi para
sa pag-aaral. Ang mga pinag-aaralan dito ay naaayon sa modyul na mula sa kagawaran ng edukasyon na
nasa ilalim ng pamahalaan.

Mapapansing higit na angat ang bilang ng mag-aaral sa Pilipinas ang nag-aaral sa pampublikong paaralan
sapagkat ayon sa pinagkunan ng unang estatistika, mahigit 21 milyon ang mag-aaral ang nasa ilalim ng
institusyong ito. Hindi maipagkakaila na iba’t-iba ang konsepsyon ng mga tao pagdating sa isang mag-
aaral na nag-aaral sa pribadong paaralan at nag-aaral sa pampublikong paaralan. May mga umaangat sa
kanilang paningin at kung paminsan ay nasa ibaba. Ngunit alinsunod sa pagpapatupad ng programang K-
12 ng dating Pangulong Benigno Aquino, partikular sa tinatawag na voucher program, nabigyan ang
bawat isa ng pagkakataon na makapag-aral sa pampribadong paaralan. Ayon nga sa artikulong Rappler
(Geronimo,2016), tumaas ang bahagdan ng mga mag-aaral na nag-aral sa pribadong paaralan. 33% ng
mag-aaral nang Grade 11 ang tinatayang nag-aral sa pribadong paaralan na binubuo ng mahigit 300,000
na estudyante. Sinasabing ang voucher program na nagkakahalagang P22,000 ang nag-udyok sa mga ito
upang makaranas sila na makapag-aral sa mga independenteng paaralan at unibersidad. Kalakip ng
pagkakataong ito ang napakaraming pagbabagong kinaharap at patuloy na kinakaharap ng mga mag-
aaral. Mga bagong kamag-aral, bagong kaguruan at bagong kapaligiran ang ilan lamang sa posibleng
pagbabago na maari nilang kaharapin sa paglipat dito.

Pakikisalamuha at pakikibagay ang kakabit nang pagpapasyang lumipat sa pribadong institusyon ng mga
mag-aaral na nagmula sa pampublikong paaralan. Kasama na rin nito ang positibo at negatibong
maaring maranasan ng mga mag-aral. Positibo sapagkat dito matuto ang mag-aaral na tumayo sa
kanyang sariling paa, nagkakaroon ng mga panibagong karanasan at mas magiging kapaki-pakinabang
ang edukasyong kanyang matatamasa. Samantalang, negatibo naman sapagkat kasabay ng pakikisama
nila sa mga bagong mag-aaral, ang karanasan ng pangungutya, panlalait at iba pang uri ng pam-
“bubully” ng mga kamag-aral nilang matagal nang nag-aaral sa pribadong paaralan. At ito ang nagtulak
sa mga mananaliksik upang isagawa ang pananaliksik na ito.

Sa pamamagitan ng pag-alam ng mga karanasan ng mag-aaral ng FEU High School na nagmula


pampublikong paaralan, maaring mabigyang batid ang ilan sa mga katanungan tulad ng: Bakit iba ang
pakikitungo ng mag-aaral na mula sa pribadong paaralan sa mag-aaral na mula publikong paaralan na
kung tutuusin ay pareho lamang silang nag-aaral? Ano ang nag-uudyok sa mag-aaral ng pribadong
paaralan na maliitin ang maga-aral na mula sa pampublikong paaralan? Ano ang pamantayan ng mag-
aaral ng pribadong paaralan upang matawag na kabilang nila ang mag-aaral ng pampublikong paaralan?
Sa kabila naman mga katanungang ito ay ang pagnanais ng mananaliksik na makapaglahad ng ideya o
kaalaman na tutulong sa mga mag-aaral ng FEU High School, partikular sa mga mag-aaral na nagmula sa
pampublikong institusyon na piniling mag-aral sa pribadong pamantasan, sa kanilang pakikisama dito.

Kasama na rin dito ang benepisyo na maaraing matanggap ng paaralang FEU at mga guro sa paraang
pagkakaroon ng kamalayan at pagbuo ng mga hakbang at batayan para maiwasan ang ganitong
sitwasyon. Gayundin, naglalayon din ang pananaliksik na ito na makapag-ambag ng dagdag na kaalaman
sa papel na isasagawa ng mga susunod na mananaliksik na kung saan ang paksa ay maaring may
kaugnayan dito.

You might also like