You are on page 1of 2

Nagpamalas ng Pagkakaisa: Matagumpay na Brigada Eskwela sa San Juan

Integrated School

Nakamit na tagumpay ng pagkakaisa at bayanihan, nagtipon-tipon ang mga

guro, mag-aaral, mga magulang, at mga miyembro ng komunidad sa San Juan

Integrated School upang isagawa ang taunang Brigada Eskwela mula Agosto 14

hanggang 19, 2023.

Sa loob ng anim na araw, hindi nagpatumpik-tumpik ang mga volunteers sa

paglilinis, pag-aayos, at pagpapalakas ng pasilidad ng paaralan. Matiyagang

nagpintura, naglinis, at nagkumpuni ang mga magulang, kasama ang mga

benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), upang siguruhing handa

at maayos ang kapaligiran para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Pinuri ng mga lokal na opisyal at mga lider ng paaralan ang dedikasyon at

pagtutulungan ng bawat isa sa pagtupad sa layuning mapalakas ang kalidad ng

edukasyon sa komunidad. "Ito ay patunay na sa pagkakaisa, kaya nating malampasan

ang anumang hamon sa edukasyon," ani Gng. Annaliza Monce, punong-guro ng San

Juan Integrated School.

Napakita rin ang diwa ng bayanihan sa pamamagitan ng paggawa ng learning

materials at pagpapatupad ng mga edukasyonal na programa at kampanya. Ang mga

guro at magulang ay nagkaisa sa pagtulong sa paghahanda ng kagamitan at

impormasyon upang mapalakas ang pagtuturo at pag-aaral sa paaralan.


Sa huli, buong-pusong pinasalamatan ng paaralan ang lahat ng mga nagbahagi

ng kanilang oras, kakayahan, at pagmamahal upang gawing matagumpay ang Brigada

Eskwela. Sa pagpapatuloy ng ganitong pagtutulungan, tiwala ang lahat na

magtatagumpay ang misyon na mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa San Juan

Integrated School.

You might also like