You are on page 1of 3

LATHALAIN

Fine Kung FINES!

FINES, ang kadalasang ginagamit na paraan ng mga guro upang disiplinahin ang mga mag-
aaral. Ang disiplina ay isa sa mga kinakailangang taglayin ng Isang tao tungo sa matagumpay
na kinabukasan. At ang pinakamahalagang alituntunin ng disiplina ay ang pagsunod. Hindi
natin maitatanggi na ang fines ay naging dagdag suliranin ng mga mag-aaral at ng kanilang
mga magulang.

Ang paaralang MARAPONG NATIONAL HIGH SCHOOL (MNHS) ay nagpatupad ng FINES dulot
ng pagkahuli o hindi pagsali ng mga mag-aaral sa " FLAG RAISING" na ginagawa araw-araw
tuwing umaga. Alam naman ng mga mag-aaral na ang pagsali sa "FLAG RAISING" ay isa sa
kanilang responsibilidad na dapat gampanan. At hindi natin maitatanggi na ang fines ay
naging dagdag suliranin ng mga mag-aaral at ng kanilang mga magulang.

Napag-alaman ang samu't saring reaksyon ng mga mag-aaral batay sa pagpapatupad ng


batas na "Bagul Niyo, Uling Ko" sa paaralang MARAPONG NATIONAL HIGH SCHOOL (MNHS)
upang paigtingin ang pagdidisiplina sa mga mag-aaral. Kung ating susuriing mabuti ang mga
mag-aaral sa Marapong National High School (MNHS), hindi lahat ng mga mag-aaral ay
maginhawa ang buhay. Iilan sa kanila ay mga "working students". Mahirap para sa kanilang
ang napatupad na batas o kasunduang ng mga guro o ng paaralan ngunit napabatid na ng
punong guro sa mga mag-aaral ukol sa batas na ito bago paman ito simulan. Ito ay hindi
nakapukos sa "BAGUL" na maibibigay ng mga bata ngunit ito ay nakapukos sa pagpapatibay
sa pundasyon ng pagdidisiplina ng mga mag-aaral at sa pagwalang bahala sa mga aktibidad
na ginagawa ng paaralan para mas lalong pausbungin ang kanilang kaalaman.

Isinasaalang-alang rin ng mga guro ang kinabukasan ng mga mag-aaral dahil ang
napagkasunduang batas o ang bagul na mailikum ay may nakalaang ULING o PROYEKTO para
sa mga mag-aaral ngayon at sa mga susunod sa kanila. Sapagkat ang proyektong ito ay
nakalaan para sa kanila at kanilang magagamit sa panahon na kinakailangan. Ang batas na
natupad ay pinamumunoan ng organisasyon na Supreme Student Government (SSG) na
pinangungunahan ng isa sa mga magagaling na guro sa paaralang MNHS na si Bb. Rizza Abal.
Ngayon ating mahinuha na wala dapat ikabahala ang mga mag-aaral at lalong- lalong na ang
mga magulang dahil may pundasyong nakalaan ang paaralan para sa malilikum na bagol sa
napatupad na batasan.

Pebrero 14, Anong ganap?


Ang Araw ng mga Puso (Valentine’s Day) ay ang pagdiriwang ng kapistahan ni San
Balentíno na ginaganap tuwing Pebrero 14. Dito ipinapahiwatig ng mga magkakasintahan,
mga mag-asawa at mga pamilya ang kanilang pag-ibig sa isa't isa at nagpapadala ng mga
bulaklak, kard at donasyon, kadalasan hindi sinasabi ang pangalan. Si San Balentíno, ayon sa
Katolisismo, ang siyang patron ng mga magkasintahan. Kung tutuusin, isang ordinaryong
araw ang Pebrero 14 ngunit sa bawat puso ng mga Pilipino, ito ang pinaka espesyal na araw
upang ipagdiwang ang kanilang pagmamahal hindi lamang sa kaniliang asawa o kasintahan
ngunit pati na rin sa kanilang mga magulang, sa mga anak, mga kaibigan at kaibigan.

Noong Pebrero 14 taong 2023, nagsagawa ng aktibidad ang paaralang MARAPONG


NATIONAL HIGH SCHOOL (MNHS) para sa Araw ng mga Puso. Ang organisasyon ng Supreme
Students Government (SSG) na kung saan pinamumunoan ni Bb. Rizza Abal ay nagsagawa ng
Dating Booth at Photo Booth na kung saan patuk na patok ito sa mga kabataan o sa mga mag-
aaral lalong lalo na ang Dating Booth. Sapagkat dito nabibigyan ng pagkakataon ang mga
mag-aaral upang maka-date at makasayaw ang kanilang mga napupusoang mga kaklase o
kamag-aral. Patuk rin naman ang kanilang Photo Booth sa mga magbabarkada at sa ibang
mga magkasintahan. Naroon din ang Coronation Day para sa mga nanalo bilang King and
Queen of Hearts 2023 na naganap sa hapon. Si Bb. Angel Inding at G. Eron Tamparong na
nagmula sa Gr. 10 Pearl na kung saan ang tagapayo ay isa rin sa pinaka aktibong guro ay
magaling na guro na si G. Harry Cerdoma ay siyang nakasungkit sa truno bilang King and
Queen of Hearts sa taong 2023.

Hindi rin nagpapahuli Ang JS Prom Night na kung saan pinangungunahan ng Gr. 10 at Gr.
12. Naglalabasan Ang ganda at kagwapohang taglay ng mga mag-aaral ng MNHS sa gabing
iyon. Hindi rin nagpapahuli pagdating sa pormahan at rampahan ang mga guro sa MNHS.
Sama-samang ipinagdiriwang ng Marapongians ang Araw ng mga Puso ng punong-puno ng
kasiyahan at pagmamahalan. Dahil sa pagtutulong ng mga mabubuting at matiyagang mga
guro at sa tulong rin ng mga masisipag na mag-aaral ng Marapong National High School ay
matagumpay nilang naisagawa at ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso.

Ang paaralan ay ang institusyon kung saan ito itinuro at natutunan. Binubuo ito ng isang
pangkat ng mga guro at mag-aaral. Maaari itong maging pampubliko o pribado. Ito ay
tinatawag ding lugar, totoo o perpekto, kung saan ang Isang tao ay nagmomodelo ng kanilang
pagkatao, pinapanday ang kanilang karakter at buhay na nagpapayaman sa mga karanasan.
Ang paaralan rin ang pangalawang tahanan ng mga mag-aaral. Pangalawang tahanan na
siyang nagpapatuloy sa paggabay sa mga mag-aaral sa tamang landas.

Ang paaralan ng MARAPONG NATIONAL HIGH SCHOOL (MNHS) ay kilala bilang isa sa
pampublikong paaralan ng Rehiyon 9 ng Zamboanga Peninsula na matatagpuan sa Marapong,
Sergio Osmeña, Zamboanga del Norte. Isa rin ang paaralang ito na nakalikum ng mga iba't
ibang tagumpay pagdating sa larangan ng edukasyon. Isa sa napabilang ang paaralang ito sa
ASEAN SCOUT JAMBOREE buwan ng desyembre taong 2017 na kung saan ginanap sa
lalawagin ng Davao City. Napabilang rin ang MNHS sa nasasabing 11th Regional Scout
Jamboree na naganap noong buwan ng desyembre taong 2022. Sa taong ding iyon nasungkit
ng MARAPONG NATIONAL HIGH SCHOOL (MNHS) ang Isa sa mga tagumpay na inaasam-asam
ng mga guro, mag-aaral at ng mga magulang, ang pagiging opisyal na indipendente na kung
saan ito ay tinatawag noon na Sergio Osmeña National High School, Marapong Extension.

Sa tulong at sa pangunguna ni G. Wilson Inding SGOD kasama ang kanyang mga kasamahan
sa Quality Assurance Division, G. Elvis C. Adavan bilang Supervisor ng District ll, G. Genes E.
Balagot bilang punong guro ng MNHS, G. Sareno P. Gio bilang punong barangay kasama ang
kanyang mga opisyalis, at mga guro sa paaralan ng MNHS sa pagproseso ng mga dokumento
na dapat ihanda at isumiti upang pormal na maaprobahan at madeklara bilang isang
independenting paaralan sa barangay ng Marapong, Sergio Osmeña Zamboanga del Norte.

Noong ika-walo ng nobyembre taong 2022, opisyal na ideniklara at inaanunsyo ng


punong guro ng MNHS na si G. Genes Balagot kasama ang punong barangay na si G. Sareno P.
Gio na naging opisyal na indipendente ang MARAPONG NATIONAL HIGH SCHOOL (MNHS) na
kung saan ito ang kinokonsidera nilang pinakamalaki nilang tagumpay na matagal na nilang
ninanais at inaasam.

You might also like