You are on page 1of 2

Cabiao District naglunsad ng bagong programa sa pagbasa

Naglunsad ng bagong programa s apagbasa ang Cabiao District sa pangunguna ng tagapasid pampurok
na si Maam Noemi Censon Sagcal, PhD kasama ang mga punong guro nito. Ang nasabing programa ay
ang Oplan Basa: Bawat Batang Kabyawenyo ay Bumabasa. Layunin nito na magkaroon ng Pre – reading
assessment ang mga mag-aaral sa buong distrito.

Nagsimula ang programa sa January 12 at n agtapos sa January 16, 2024. Ang Cabiao Central School ay
isa sa mhga huling paaralan na napuntahan ng programa. Pinabasa ang mga mag-aaral ng Grade 1 – 3 sa
wikang Filipino at ang mga Grade 4-6 naman sa English. Ang mga punong guro ay ang mga nagpabasa ng
mga maikling kwento na may kaakibat na katanungan.

Sa programa ding ito ay namarkahan ang mga mag-aaral batay sa kung sila ay word, phrase, sentence
reader gayundin kung sila ay independent, instructional o nasa frustration.

Sa darating na pagtatapos ng taong panuruan ay muling babalik ang mga punong guro upang muling
magpabasa. Sa ganitong mga programa daw ayon sa mga punong guro ay wala ng mga mag-aaral na
maiiwan pagdating sa pagbabasa.

Early Registration para sa Taong Panuruan 2024-2025, sinimulan na ng DepEd

Nagsimula ang Early Registration para sa taong panuruan 2024-2025 na itinakda ng Department of
Education. Maaari nang ilista ang mga pangalan ng mga bata.

Nagbukas ang Early Registration para sa mga mag-aaral sa elementary, junior at senior high school sa
mga pampublikong paaralan at prioridad nito ay ang mga mag aaral sa Kindergarten, Grade 1, Grade 7 at
Grade 11.

Ang nasabing Early Registration ay nagsimula noong January 27 at magtatagal sa February 23, 2024.

Hinihikayat ng mga paaaralan sa pampubliko at maging sa pribado na magsagawa sila ng kani-kanilang


mga aktibidad sa maaaring pagpaparehistro sa loob ng kanilang mga paaralan.

Ang Cabiao Central School ay nakilahok sa programang ito na kung saan ay ang mga guro ay nag-abang
sa mga mag-aaral na magpapalista sa early registration.

CCS, nakilahok sa 236K puno program ng Deped

Masiglang nakibahagi ang mga mag-aaral sa Cabiao Central School sa simultaneous Tree Planting Activity
ng Deped na tinawag ding 236Kpuro regalo para sa mga kabataan sa kapaskuhan.
Aabot sa 30 na mga puno ( fruit-bearing trees ) ang itinanim ng mga mag-aaral kasama ang supreme
elementary learners government at YES-O officers sa pangunguna ng kanilang mga adviser na sina
Maam Rica Tugna at Maam Edlyn Franco.

Nailunsad ang programang ito noong Disyembre 6, 2023 at buong Pilipinas ang nakilahok ditto.

Ayon sa Deped, layunin ng programang ito na isulong ang environmental preservation at itanim sa
isipan ng mga kabataan ang environmental responsibility. Dagdag pa dito ang matiyak ang pagkakaroon
ng isang clean and green environment para sa mga kabataang pinoy at sa mga susunod na henerasyon.

You might also like