You are on page 1of 38

BASA BIHASA CURRICULUM

IMPLEMENTATION
DIVISION
PANGUNAHING LAYUNIN NG
SANGAY

Zero Drop-out Rate


100% Participation Rate
100% Achievement Rate
PHIL-IRI FILIPINO
PHIL-IRI FILIPINO
BASA BIHASA
(Bagong
pAmamaraan at
eStratehiya ang
Adbokasiya, katuwang ang
CURRICULUM
Babasahin at IMPLEMENTATION
Instrumentong ,
DIVISION
Hahasa ,
Aagapay at
Susukat sa lebel ng
pAgbasa)
Ang BASA BIHASA (Bagong pAmamaraan at
eStratehiya ang Adbokasiya, katuwang ang Babasahin at
Instrumentong ,Hahasa , Aagapay at Susukat sa lebel ng
pAgbasa) ay isang mungkahing proyekto sa
Pagbasa na nakatuon sa pagpapaunlad ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral
at guro sa Sangay ng Lungsod ng Calapan.
Ang proyektong ito ay kinapapalooban
ng mga gawain at pagsasanay na kung
saan mag aangat at maghahasa sa
kakayahan ng mga mag-aaral at guro sa
larangan ng pagkilala ng mga salita ,
komprehensyon, at bilis sa pagbasa .
Ang proyektong ito ay magpapakita rin
ng kanilang pagmamahal sa pagbasa at
maging isang bahagi na rin ng kanilang
pamumuhay na magiging salamin
upang ang Sangay ng Lungsod ng
Calapan ay maging tahanan ng
aktibong mambabasa .
Legal na Basehan
DepEd Memorandum No. 173, s. 2019 - “HAMON:
BAWAT BATA BUMABASA (3Bs Initiative)”

DepEd Memorandum No. 175, s. 2018 – National


Reading Month

2012 DO 50, S. 2012 – GUIDELINES ON THE


UTILIZATION OF FUNDS FOR EVERY CHILD A
READER PROGRAM (ECARP)
Balangkas Konseptwal
Inaasahang Bunga

Naglalayon ang proyektong ito na


matugunan ang kahingian ng Kagawaran na
ang lahat dapat ng mag-aaral ay nakababasa
nang may pang-unawa.
 
Inaasahang Bunga

  Sa tulong ng masusing paggabay ng mga


Punongguro, mga Tagamasid Pampurok, mga
Tagamasid Pansangay at lupon ng mga mamamahala
sa nasabing programa, ang mga guro ay patuloy na
naglalaan ng oras sa pagpapabasa upang matugunan
ang marami pang mga pangangailangan ng mga mag-
aaral sa larangang ito kaya inaasahang walang Non-
Reader na mag-aaral sa Sangay ng Lungsod ng
Calapan.
Layunin

 Matamo na ang lahat ng mga batang


pumapasok ay bumabasa nang may
pang-unawa.
 Makamit ang pagtaas ng 15% na
bahagdan sa Malayang pagbasa sa
bawat panuruan na magmumula sa
2023 hanggang 2028.
Layunin

 Matukoy ang mga batang may kahinaan sa pagbasa sa


pamamagitan ng paggamit ng mga kagamitan sa Phil-
IRI at ng mga nakalakip na dokumento (different
forms).
 Mabigyan ang mga guro ng gabay upang matukoy at
maisagawa ang karampatang gawain para sa mga
mag-aaral na may kahinaan sa pagbasa batay sa lebel
ng kanilang pangangailangan.
Layunin
 Masundan ng mga guro ang lahat ng
mga mag-aaral sa kanilang katayuan sa
pagbasa sa panahon ng kanilang pag-
aaral mula Grade 1 hanggang grade 10.
 Masuri ang pag-unlad ng gawain ng mga
guro sa pagpapabasa.
Layunin

Maging mahusay sa pagbasa ang


lahat ng mga mag-aaral sa Sangay
kaakibat ng pagpapatupad ng
layuning Zero Non-Reader.
Inaasahang Awtput

 Makakapagsumite ang lahat ng gurong


tagapayo ng resulta ng antas ng mga mag-
aaral sa larangan ng pagbasa sa kanilang
punongguro batay sa mga petsang nakasaad
sa proyekto.

 Pagpapaibayo ng mga Pampaaralang


Programa sa Pagbasa.
Inaasahang Awtput
 Sa bawat susunod na mga buwan, patuloy na
susukatin ng guro ang kaantasan ng mga mag-aaral at
ito ay papatnubayan ng punongguro at mga tagamasid
upang makapagbigay ng mga karampatang suhestyon
na magpapaunlad ng kanilang mga estratehiya o mga
pamamaraan.

 Sa bawat kwarter ng taon ,ang lahat ng mga paaralan


ay inaasahang magsusumite ng resulta sa pagbasa
gamit ang mga dokumentong nakapaloob sa proyekto.
Sakop ng Pagsasagawa

Setyembre 2022 Hanggang Agosto


2023 ang unang pagsasagawa at
ipagpapatuloy pa hanggang sa mga
sunod na mga panuruang taon.
SY 2023 – 2024 hanggang SY 2027-
2028
Mga Paalala:
 
1. Ang gurong tagapayo/guro sa Filipino ang tatasa sa kakayahan ng
mga mag-aaral sa larangan ng pagbasa.
2. Ang punongguro katuwang ang koordineytor sa Filipino ay pag-
aaralan ang isinumiteng datos para sa karampatang pagbibigay
agapay o tulong sa mga guro.
3. Ang mga materyales na gagamitin ay alinsunod sa mga kagamitang
ginagamit ng bawat paaralan batay sa kanilang mga programa sa
pagpapabasa.
4. Alinsunod sa ginawang pamamaraan sa paaralan, ang mga lupon ng
mga Tagamasid Pansangay at Pampurok ay patuloy na magbibigay ng
kanilang rekomendasyon at suhestiyon upang matugunan ang mga
pangangailanagan ng mga bata sa pagbasa.
Mga Paalala:
 
1.Para sa patuloy na pagpapaunlad ng proyekto ang lahat ng
mga paaralan ay hinihikayat na magsumite ng kanilang
datos kada tatlong buwan ,magsisimula ito sa buwan ng
Setyembre, Disyembre, Marso at Hunyo upang patuloy na
mabigyang pansin ang mga mag-aaral na nangangailangan
ng pagpatnubay at upang makita na rin ang kanilang antas
sa pagbasa.
2.Para sa pagpapatuloy ng pagpapaunlad ng proyekto,
hinihikayat din ang lupon ng mga tagamasid na magbigay
ng kanilang ulat at rekomendasyon para sa ikakaunlad ng
programa.
Mga Paalala:
 
1.Ang resulta ng bawat paaralan at purok ay gagawan ng pag
aanalisa ng Tagamasid Pansangay sa Filipino.
2.Isusumite ang ginawang pag aanalisa sa CID-Chief at SDS
para sa mga puna at rekomendasyon para sa ikauunlad ng
programa.
 
Sakop ng Proyekto

Lahat ng Paaralang Pampubliko


sa Lungsod ng Calapan
Pinakainaasahang Bunga ng Proyekto

Mapaunlad at mapataas ang


kalagayan ng bawat mag-aaral sa
larangan ng pagbasa Ninanais din na
makamit pa ang ibang mga layunin
nakalakip sa programang ito.
Maraming
Salamat Po…

You might also like