You are on page 1of 20

Kabanata 1

Panimula

Ang wikang Ingles ay isang international na linggwahe. Ito ay ginagamit sa

buong mundo, at napakaraming pagbabago ang naidudulot nito. Sa lahat ng mga bansa

sa mundo, kabilang na ang Pilipinas, itinuturo ang wikang ito at ang mga kagamitan nito

mula elementarya hanggang kolehiyo. Subalit na itinuturo ito ng maaga sa mga

paaralan, maraming paring mga mag-aaral ang hindi marunong gumamit ng wika nang

maayos, lalo na sa Kolehiyo.

Sa lahat ng antas ng edukasyon, itinuturo ang iba’t-ibang kagamitan at aplikayon

ng wikang Ingles. Sa kolehiyo, mas pinagtutuunan ng pansin ang kagamitang

akademikal ng wika. Karamihan sa mga kolehiyo na mag-aaral ay hindi gaanong

marunong sa paggamit ng Ingles sa akademikal na pamamaraan. Mula sa balarila,

pagbaybay, at basic context recognition, ito lamang ang iilan sa mga kakulangan sa

kaalaman ng mga mag-aaral.

Ang mga kakulangan sa pagkatuto ay binubuo ng kaalaman, kakayahan,

saloobin, pagganyak, kapaligiran, at komunikasyon, ayon kay Dirksen (2016). Ang

pananaliksik na ito ay magpo-focus sa kakulangan sa kaalaman at kakayahan sa

pagsulat ag pagbasang akademikal ng mga mag-aaral na kolehiyo na maaring may

kinalaman sa kanilang kakayahang akademikal.

Ang mga resulta ng pag-aaral na ito ay mahalaga para sa administrasyon ng

paaralan dahil ang pananaliksik na ito ay maaring magsisilbing gabay sa paggawa ng


mga panibago sa pagtuturo upang makamit ang layunin na gumawa ng mga

globalisadong mag-aaral. Maari ding magbigay ng pananaw ang pananaliksik na ito

upang gumawa ng mga bagong curriculum na tumutugon sa kakulangan ng mga mag-

aaral.

Bilang isang globalisadong bansa, kailangan nating paghandain ang ating mga

mag-aaral, lalo na ang mga kolehiyo, para sa mga hamon na dadating sa patuloy na

umuunlad na mundo kung saan ang wikang Ingles ay magsisilbing tulay tungo sa

pagkakaisa ng lahat ng mga bansa.

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang pagkatuto ay nangangailangan ng pag-unawa upang mapaunlad ang

kakayahang pangkaisipan at ang diwa na napapaloob sa bawat impormasyong

makapaglulutas ng mga suliranin. Sa antas ng kolehiyo, inaasahang nasa

pinakamataas na antas na ang kaalaman ng mga mag-aaral sa akademikong gamit ng

Ingles.

Ang bridging na programa ay isang programang tumutugon sa mga

pangangailangan ng mga estudyante sa kolehiyo sa kanilang mga akademikong

kasanayan. Ginagamit ito upang matugunan ang mga kakulangan ng mga mag-aaral sa

mga kasanayang ito at magbigay ng karagdagang tulong upang mas mapaunlad pa ang

kanilang kakayahan sa pagsusulat at pagbabasa.

Sa kasalukuyang pag-aaral, sinasabi ni Garcia (2017) na ang bridging program

ay ginagamit upang matugunan ang mga kakulangan ng mga mag-aaral sa mga


akademikong kasanayan tulad ng pagsusulat at pagbabasa. Sa katulad na kinalabasan,

sinuri ni Perez (2016) ang epekto ng bridging program sa pagpapabuti ng akademikong

kasanayan ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Sa isa pang pag-aaral, ipinakita ni Santos

(2018) na epektibo ang bridging program sa pagpapabuti ng mga kasanayan sa

pagsusulat at pagbabasa ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Sa huli, nilagyan ng

pagbabalangkas ng pagsusuri si Valdez (2019) sa isang bridging program para sa mga

bagong mag-aaral sa kolehiyo upang mas mapabuti pa ang kanilang akademikong

kasanayan.

Ang pag-aaral na ito ay may layuning suriin ang epektibong pagpapatupad ng

bridging na programa sa pagpapabuti ng kakayahan sa pagsusulat at pagbabasa ng

mga mag-aaral sa kolehiyo.

Balangkas Teoretikal

Upang makabigay ng sustainable na kapaligiran para sap ag-unlad ng mga mag-

aaral, ang University of Southern Philippines Foundation ay maaring gumagawa ng

makabuluhang kontribusyon sa katiyakan ng kalidad sa mga kurso sa pamamagitan ng

paggamit ng konsepto ng constructive alignment. Upanng mas mapabuti ang kalidad ng

mga kurso, ang pananaliksik na ito ay kalaunang magbibigay ng dokumentadong

pagsusuri sa aplikasyon ng constructive alignment.

Ang batayan ng pag-aaral na ito ay ang Bigg’s Constructive Alignment Idea

(2006). Mahalaga ang parehong elemento ng kasangkapan at pagsasama-sama ng

paradaymang ito. Ang aspetong "constructive" ay tumutukoy sa ginagawa ng mag-


aaral. Ito ay tungkol sa pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng angkop na mga

gawain sa pag-aaral, samantalang ang aspetong "coordination" ay may kaugnayan sa

ginagawa ng guro. Ang pinaka-importanteng aspeto ng anumang sistemang pang-

edukasyon ay ang pagkakatugma ng lahat ng bahagi nito, lalo na ang mga estratehiya

sa edukasyon at mga gawain sa pagtatasa, sa mga aktibidad sa pag-aaral na may

kinalaman sa mga layunin. Sa paraang ito, ang mga mag-aaral ay "nahuhuli" at

pinapakatagang magpakawala sa sarili ngunit walang nakuha na kinakailangang

kaalaman.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang pagtatasa ng kakayahan sa

pagbasa at pagsulat akademiko ng mga mag-aaral na nasa kolehiyo ditto sa University

of Southern Philippines Foundation sa Academic Year 2022 – 2023.

Ang mga sumusunod na partikular na isyu ay isaalang-alang batay sa naunang

paglalarawan ng paksa:

1. Ano ang lebel ng kakayahan sa pagbasa at pagsulat ng mga mag-aaral na

kolehiyo sa wikang Ingles?

2. Anong bridging programa ang maaring gawin upang matulungan ang pag-unlad

ng kaalaman sa akademikal na paggamit ng Ingles ng mga mag-aaral?


Saklaw ng pag-aaral

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay magpo-focus sa kaalaman sa

pagbasa at pagsulat akademiko ng mga mag-aaral na kolehiyo sa USPF. Ang mga

tagatugon sa pananaliksik na ito ang mga mag-aaral na kasalukuyang nag-aaral sa

A.Y. 2022-2023 sa USPF. Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng

paggamit ng Google Forms, kung saan ang mga respondente ay magpupunan ng mga

form na may mga tanong na may kinalaman sa pag-aaral.

Katuturan ng mga Katawagan

Ang mga katawagan na ginamit sa pag-aaral ay ang mga sumusunod:

 Bridging program - isang programa ng pagtuturo na naglalayong matulungan

ang mga mag-aaral na may mga kakulangan sa pagsusulat ang pagbasang

akademikal sa wikang Ingles.

 Akademikal na pagsulat – akademikal na pagsusulat gamit ang wikang Ingles.

 Akademikal na pagbabasa – akademikal na pagbabasa gamit ang wikang

Ingles.

 IELTS – International English Language Testing System; standardized test na

ginagamit sa pag-tasa sa kakayan ng mga mag-aaral sa wikang Ingles.


Kabanata 2

Rebyu at Pag-aaral ng mga Kaugnay na Literatura

Internasyonal

Ayon kay Lee (2017), pagdating sa ika-apat (4) na baitang, ang mga mag-aaral

ay nagsisimula na sa pagbabasa upang matuto mula sa pagtutong magbasa. Maaring

sabihin na ang pagbabasa ay patuloy sa buong karera ng edukasyon ng isang tao

habang natatagpuan ng mag-aaral ang iba't ibang uri ng pagsusulat na matatagpuan sa

iba't ibang akademikong paksa. Gayunman, sa kasong ito sa Pilipinas, karaniwan nang

humihinto ang mga mag-aaral sa pagpapabuti ng kanilang mga kasanayan kapag

natutunan na nila kung paano magbasa. Ito ay isa sa mga kadahilanan na

nagpapahirap sa pag-unlad ng mag-aaral sa paksang ito; ang pagkatuto ng pagbabasa

ay lubos na magkaiba sa pagkatuto kung paano magmaneho ng isang wika.

Karamihan sa mga mag-aaral ay naghahangad na makakuha ng trabaho sa

ibang bansa. Upang makamit nila, kailangan nilang maging kwalipikado sa paggamit ng

wikang Ingles, lalo na sa akademikal na pamamaraan. Tinalakay nila Knight, et. al.

(2016) na ang pananatiling pagtaas ng globalisasyon sa kolehiyo, mga pagsubok and

oportunidad na makikita, at ang mga paraan sa pagtugon nito. Dahil sa mabuting at

malinaw na dahilan, mayroong mga matitigas na pamantayan ang mga pamantasan sa

Estados Unidos para sa pinakamababang marka sa mga pagsusulit ng TOEFL o

IELTS. Bagaman nasa ika-22 na puwesto ang ating bansa sa larangan ng global na

kaalaman sa Ingles, kakaunti lamang ang mga estudyanteng makapagtatapos sa

internasyonal na paaralan dahil sa kakulangan ng kaalaman sa wika.


Sinabi ni Wachen, Pretlow, at iba pa (2016) na maraming mag-aaral ang

pumapasok sa kolehiyo nang hindi pa handa sa mga kakayahan at kaalaman na

kailangan para magtagumpay sa pag-aaral ng kolehiyo. Isang mahalagang punto ng

pagbabago para mapataas ang pagiging handa sa kolehiyo ay ang paglipat mula sa

hayskul patungo sa kolehiyo. Nararapat na ang kurikulum sa pagtuturo sa wikang Ingles

para sa kolehiyo ay nakatuon sa panibago at akademikal na gamit.

Ang isa pang kadahilanan na nagpapahirap sa pag-unlad ng mga mag-aaral ay

ang patuloy na paglaki ng mga isyu sa ekonomiya. Ayon sa pananaliksik ni Singh

(2014), ang pag-aaral ay naglalayong masiguro na ang mga mag-aaral ay may sapat na

kasanayan at kaalaman upang magtagumpay sa kanilang unibersidad. Gayunpaman,

may mga hamong kinaharap ang programa, tulad ng kakulangan sa mga guro at

kawalan ng sapat na pondo, ngunit patuloy itong pinaghahandaan at pinapabuti upang

masigurong tagumpay ang mga mag-aaral.

Lokal

Sa pananaliksik ni Orpilla (2016), nilayon niya na masuri ang epekto ng bridging

program sa tagumpay ng mga mag-aaral sa tertiaryong edukasyon sa Pilipinas. Ginamit

niya ang isang kwalitatibong kasaysayan ng mga programa ng bridging sa tatlong

unibersidad sa Pilipinas upang masiguro na makakamit ang mga layunin ng pag-aaral.

Lumitaw na ang mga programa ng bridging ay nakatulong sa mga mag-aaral na

magtagumpay sa kanilang kurso sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kanilang

kakayahan sa pag-aaral, pagtitiyak ng kanilang kahandaan para sa kolehiyo, at


pagpapalakas ng kanilang kumpiyansa sa sarili. Pinakamahalaga, nagpakita ang pag-

aaral na ang mga programa ng bridging ay may potensyal na magbigay ng

pagkakataon sa mga mag-aaral na magtagumpay sa kanilang academic career.

Sinuri naman ni Quitoriano (2017) ang epekto ng bridging program sa pagganap

ng mga mag-aaral sa isang unibersidad sa Pilipinas. Ginamit niya ang mga datos sa

academic performance ng mga mag-aaral na sumailalim sa bridging program at mga

hindi sumailalim sa programa upang masiguro ang mga natuklasan. Lumitaw na ang

mga mag-aaral na sumailalim sa bridging program ay may mas mataas na grade point

average kaysa sa mga hindi sumailalim. Makikita rin sa resulta ng pananaliksik na ang

mga mag-aaral na sumailalim sa bridging program ay mas nakakapagtapos sa oras at

mas nakakapasa sa mga pagsusulit sa kolehiyo. Bilang resulta, sinusuportahan ng

pananaliksik na ito ang kakayahan ng bridging program na magbigay ng pagkakataon

sa mga mag-aaral na magtagumpay sa kanilang tertiary education.

Ang pag-aaral naamn ni Cabansag at Reyes (2019) ay tumatalakay tungkol sa

bridging programs sa Pilipinas. Ito ay isang pagsusuri ng mga kaugnay na literatura

upang maunawaan ang kalagayan ng mga bridging program sa Pilipinas, kung paano

ito nabuo at nagbago sa mga nakalipas na taon, at ang epekto nito sa mga mag-aaral.

Sa pag-aaral na ito, nagpakita ang mga mananaliksik ng mga kahalagahan ng bridging

program sa pagpapabuti ng kakayahan sa pagsusulat at pagbabasa ng mga mag-aaral,

lalo na sa mga asignaturang pang-akademiko. Gayunpaman, nagbigay din ang pag-

aaral ng ilang mga isyu at hamon sa mga bridging program tulad ng kakulangan ng mga

qualified teachers at mahigpit na schedule.


Kabanata 3

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Paglalahad

Ang kasalukuyang pag-aaral ay gumamit ng pamamaraang pang-quantitative.

Maayos ang pagpapakilala sa mga variableng ginamit at kilala rin ang paraan ng pang-

quantitative na pagsusuri. Ginamit ang questionaire bilang instrumento ng pananaliksik.

Ang pagkuha ng datos ay batay sa questionaire na ipinamahagi sa mga respondent at

ito ang pangunahing instrumento ng pag-aaral. Ang disenyo ng questionaire ay ginawa

upang makalikom ng sapat na impormasyon kaugnay ng mga layunin ng pag-aaral.

Populasyon at Tagatugon

Ang pag-aaral na ito ay nangangailangan ng 50 kolehiyong estudyante sa

University of Southern Philippines Foundation. Bibigyan sila ng pagsusulit na mag-

tatasa sa kanilang kakayahan sa pagsusulat at pagbabasang akademikal sa wikang

Ingles.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pagsusulit na International English Language Testing System (IELTS) ay

ginamit upang malaman ang kasanayan sa pagsusulat at pagbasang akademiko ng

Ingles. Ang nabanggit na pagsusulit ay global na pamantayan kapag nagsusuri ng


kakayahan sa Ingles. Karaniwang may limang bahagi ang pagsusulit na ito: pakikinig,

pabasang akademikal, pagsusulat akademikal, karaniwang pagbabasa, karaniwang

pagsusulat, ang pagsasalita. Para sa pananaliksik na itom gagamitin lamang ang

pagbabasa at pagsusulat akademiko na bahagi. Ang mga resulta ng pagsusulit na ito

ay nagsilbing pundasyon para sa lahat ng analisis na isinagawa ng mga mananaliksik.

Pamamaraan sa Pagkalap ng Datos

Bibigyan ng pagsusulit ang mga tagatugon sa pamamagitan ng Google Forms.

Ang IELTS na pagsusulit ay nagkakahulugan ng 40 puntos bawat bahagi, pagbabasa at

pagsusulat.

Pamamaraang Istatistika

Dahil ang datos sa pag-aaral na ito ay quantitative at continuous, angkop na

gamitin ang mga deskriptibong estadistika upang maipaliwanag ang mga marka. Ang

gagamitin na pamamaraang istatistika ay ang Measures of central tendency (mean,

median, and mode) at measures of variability (standard deviation, variance, and range).
Kabanata 4

Paglalahad at Pagpapakahulugan ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagsusuri at pagpapakahulugan ng

mgamga datos na nakalap mula sa pagsusulit na binigay sa mga mag-aaral.

Ang ginamit na pagsusulit ay ang standardized test ng IELTS. Ang pag pagtasa ng mga

puntos ay isinagawa sa 9-band scoring system. Bawat puntos ay may kaakibat na band

score, at bawat band score ay may kaakibat na lebel ng kaalaman.

Puntos Band Score


40 - 39 9
38 - 37 8.5
36 - 35 8
34 - 33 7.5
32 - 30 7
29 - 27 6.5
26 - 23 6
22 - 19 5.5
18 - 15 5
14 - 13 4.5
12 - 10 4
9 - 8 3.5
7 - 6 3
5 - 4 2.5

Talaan 1: Puntos at Band Score


Band Score Skill Level
9 Expert user
8 Very good user
7 Good user
6 Competent user
5 Modest user
4 Limited user
3 Extremely limited user
2 Intermittent user
1 Non-user
0 Did not attempt

Talaan 2: Kasanayan o Skill Level

Ang mga sumusunod ang mga puntos at band score ng mga tagatugon sa dalawang

pagsusulit:
Pagbabasa Pagsusulat
Tagatugon Average Band Score
Puntos Puntos
1 10 12 11 4
2 13 28 20.5 5.5
3 16 25 20.5 5.5
4 19 23 21 5.5
5 11 11 11 4
6 20 11 15.5 5
7 23 13 18 5
8 24 23 23.5 6
9 25 10 17.5 5
10 11 26 18.5 5.5
11 23 18 20.5 5.5
12 11 23 17 5
13 10 10 10 4
14 24 27 25.5 6
15 12 26 19 5.5
16 19 21 20 5.5
17 22 12 17 5
18 13 24 18.5 5.5
19 22 21 21.5 5.5
20 10 16 13 4.5
21 10 11 10.5 4
22 22 15 18.5 5.5
23 18 24 21 5.5
24 27 15 21 5.5
25 12 16 14 4.5
Talaan 3.1: Puntos at Band Score ng mga Tagatugon

26 16 20 18 5
27 12 22 17 5
28 24 28 26 6
29 15 25 20 5.5
30 16 22 19 5.5
31 11 16 13.5 4.5
32 16 14 15 5
33 17 12 14.5 5
34 21 26 23.5 6
35 15 22 18.5 5.5
36 22 25 23.5 6
37 25 20 22.5 6
38 16 28 22 5.5
39 21 12 16.5 5
40 18 27 22.5 6
41 18 16 17 5
42 10 15 12.5 4.5
43 18 13 15.5 5
44 12 14 13 4.5
45 14 28 21 5.5
46 17 14 15.5 5
47 12 14 13 4.5
48 14 26 20 5.5
49 14 25 19.5 5.5
50 11 24 17.5 5

Talaan 3.2: Puntos at Band Score ng mga Tagatugon

Ang mga sumusunod ay ang porsyento ng mga band score:


Tsart 1: Porsyento ng Band Score

Batay sa impormasyon na nakuha, 22% sa mga mag-aaral ay nakakuha band score na

4, 16% ang 4.5, 18% ang 5, 20% ang 5.5, at 24% ang 6. Ibig sabihin na karamihan sa

mga tagatugon ay maalam sa paggamit ng Ingles sa akademikong pagsusulat at

pagbabasa.

Gamit ang Average Scores, makukuha ang mga measures of central tendency o ang

mean, median, at mode.

Mean = 900.5 / 50 = 18.01

Median: 18.5

Mode = 17

Ang mean na 18.01 ay nangangahulugang sa dalawang pagususlit na ibinigay,

pagbabasa at pagsusulat, ang average score nila ay 18 / 40. Makikita natin na ang

marking ito ay nasa 45% at may band score na 5. Kung pagbabasehan natin ang

grading system sa kolehiyo, ang 45% ay hindi pasado; kung ang pagbabasehan naman

ay ang 9-bond system ng IELTS, ang lebel ng kaalaman ng mga mag-aaral ay nasa

level 5 o karaniwang lebel (modest user)

Ang median score na 18.5 ay nagpapakita na kalahati ng mga mag-aaral sa grupo ay

nakakuha ng score na mas mataas dito at kalahati naman ay mas mababa dito. Ang
halagang ito ay makatutulong upang maunawaan ang pangkalahatang score ng grupo

at hindi masyadong apektado ng mga malalayong halaga o outliers.

Ang mode na 17 ay nagsasabi na itong score ang pinakamadalas na nangyari sa data

set. Habang ang impormasyong ito ay makatutulong upang malaman ang pinaka-

karaniwang score sa grupo, maaaring hindi ito magbigay ng masyadong malawak na

kaalaman tungkol sa kahalagahan ng scores tulad ng magagawa ng median, lalo na

kung ang distribusyon ay hindi simetrikal.

Gamit ang impormasyon na nakuha, maari na nating makuha ang mga measures of

variability, o ang standard deviation, variance, at range.

Pigura 1: Standard deviation formula


Pigura 2: Variance formula

Gamit ang formula sa itaas, ang standard deviation ay nasa 3.89. Ang standard

deviation na 3.89 ay nagpapakita na ang bawat indibidwal na score sa data set ay, sa

kabuuan, mga 3.89 puntos ang layo sa katamtamang score na 18.01. Sa ibang salita,

karamihan ng mga score ay nasa loob ng mga 3.89 puntos mula sa katamtamang

score, ngunit mayroong mga score na malayo sa katamtamang score.

Gamit naman ang formula sa itaas, ang variance ay nasa 15.16. Ang variance na 15.16

ay nagpapahiwatig na ang bawat indibidwal na score sa data set ay, sa kabuuan, mga

15.16 yunit ang layo sa katamtamang score na 18.01, pero kuwadrado. Sa ibang salita,

karamihan ng mga score ay nasa loob ng isang moderate na saklaw ng katamtamang

score, ngunit mayroong mga score na malayo sa katamtamang score.


Ang range naman ay ang kaibahan o difference ng pinakamataas na score at

pinakamababang score. Ang range ay nasa 16. Ito ay nangangahulugan na may

malaking saklaw ng mga scores sa data set.

Kabanata 5

Buod, Konklusyon, at Rekomendasyon

Buod

Sa pagsusulit na ginanap tungkol sa akademikong pagsusulat at pagbabasa, ang

average na puntos na nakuha mula sa dalawang pagsusulit ay 18 / 40. Ang puntos na

ito ay hindi pasado kung pagbabasehan ang Grading system ng kolehiyo. Kung

pagbabasehan naman ang 9-band scale ng IELTS, ang marka ay nasa 5 o

katamtamang kaalaman (modest user).

Base sa mga kalkulasyon, mayroong 3 – 4 na puntos na pinagkaiba mula sa

katamtamang score. Ibig sabihin nito na mayroong katamtamang kaibahan ang mga

sagot ng mga mag-aaral sa pagsusulit. Kung ikukumpara naman ang pinakamataas at

pinakamababang score (range), mayroong 16 na puntos ang ipinagkaiba. Ibig sabihin

na malaki ang saklaw sa pagkakaiba ng mga average scores ng mga tagatugon.

Konklusyon
Base sa mga resulta, ang mga mag-aaral na kolehiyo dito sa University of

Souther Philippines Foundation ay katamtaman lamang ang kaalaman sa akademikong

pagbabasa at pagsusulat sa wikang Ingles. Kung bibigyan mo sila ng pagsusulit, ang

inaasahang marka na makukuha ng karamihan ay hindi pasado. Maaring dahilan ng

mababang resluta ay ang kakulangan sa pamamaraan sa pagtuturo, outdated na

kurikulum ng paaralan, at ang kakulangan ng mga mag-aaral mismo.

Kadalasan, sa pagtuturo ng Ingles, binibigay lamang nila ang mga outline at mga

paksa sa hindi mainam na pamamaraan kung saan mas magiging interesado ang mga

mag-aaral. Isa din sa isyu sa edukasyon dito sa Pilipinas ay ang outdated na kurikulum.

Ang mga paksa at pamamaraan na itinuturo ay masyadong makaluma at hindi kayang

makipag-sabayan sa makabago at globalisadong takbo ng mundo. Ang mga mag-aaral

na din ay hindi gaano ka interesado sa pagkatuto. Dahil hindi kaugnay ang wikang

Ingles o di kaya hindi naka sentro ang wikang Ingles sa kanilang kurso ay isa sa dahilan

kung bakit binalewala o nawawalan ng interes ang mga mag-aaral sa pagkatuto.

Upang maibsan ang mga nabanggit na isyu, mahalagang magkaroon ng

malawakang pagbabago sa paraan ng pagtuturo ng Ingles. Kailangan na mas bigyan

ng halaga at pansin ang pagtuturo ng wikang Ingles bilang isang pangunahing wika sa

global na komunikasyon. Dapat ding masiguro na ang mga kurikulum sa mga paaralan

ay nakakasabay sa mga modernong pamamaraan at teknolohiya upang mas

mapalawak ang kaalaman at interes ng mga mag-aaral. Sa ganitong paraan, maaaring

makapagbigay ng mas magandang oportunidad sa mga mag-aaral upang matuto ng

wikang Ingles at maging handa sa mga oportunidad sa global na merkado.


Rekomendasyon

Base sa mga nabanggit sa teksto, isang magandang bridging program para sa

mga mag-aaral na nais matuto ng wikang Ingles ay ang English as a Second Language

(ESL) program. Ang programang ito ay naglalayong matulungan ang mga mag-aaral na

ma-improve ang kanilang kaalaman sa wikang Ingles at maipakita ang kahalagahan

nito sa kanilang mga buhay.

Sa pamamagitan ng ESL program, matututo ang mga mag-aaral ng tamang

gamit ng grammar, vocabulary, at pronunciation ng wikang Ingles. Ito ay makakatulong

sa kanila na magkaroon ng kumpiyansa sa pagsasalita, pagsulat, at

pakikipagtalastasan sa wikang Ingles sa iba't ibang sitwasyon.

Dagdag pa, ang ESL program ay maaaring maglaan ng mga kagamitan at

makabagong teknolohiya upang mas mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral.

Maaaring magkaroon ito ng mga online resources, interactive exercises, at immersion

programs upang masiguro na mas maging interesado at handa ang mga mag-aaral sa

pagkatuto ng wikang Ingles.

Sa ganitong paraan, ang ESL program ay maaaring maging epektibong bridging

program para sa mga mag-aaral na nais matuto ng wikang Ingles at maging handa sa

mga oportunidad sa global na merkado.

Iba pang mga rekomendasyon ay ang mga sumusunod:

1. Baguhin ang paraan ng pagtuturo ng wikang Ingles sa mga paaralan. Dapat

bigyan ng mas halaga at pansin ang pagtuturo nito bilang pangunahing wika sa

global na komunikasyon.
2. Siguruhin na ang mga kurikulum sa mga paaralan ay nakakasabay sa mga

modernong pamamaraan at teknolohiya upang mas mapalawak ang kaalaman at

interes ng mga mag-aaral.

3. Maglaan ng mga kagamitan at makabagong teknolohiya sa pagtuturo upang mas

maipakita ang kahalagahan at kaugnayan ng wikang Ingles sa kasalukuyang

panahon.

4. Mahalagang pahalagahan at pag-encourage sa mga mag-aaral na magkaroon

ng interes sa pagkatuto ng wikang Ingles upang mapabuti ang kanilang

kaalaman at maipakita ang kanilang kakayahan sa global na merkado.

5. Dapat din magkaroon ng patuloy na pag-evaluate at pagbabago sa mga

kurikulum at paraan ng pagtuturo upang masiguro na ang mga mag-aaral ay

handa at nakasabay sa mga oportunidad sa global na merkado.

You might also like