Kabanata 5

You might also like

You are on page 1of 5

Kabanata 5

PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito nakapaloob ang mga pinakamahalagang detalye ng aming


pag-aaral, ang konklusyon at rekomendasyon na nabuo batay sa naging resulta ng aming
pananaliksik.

Lagom
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang “Pananaw ukol sa Wikang
Ingles Bilang Wikang Panturo ng mga Piling Mag-aaral mula sa 2nd Year Level ng
Kursong BBTLED - Home Economics ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
Taong 2022-2023.”

Sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay bumuo ng apat na


mga tanong na siyang sinagot ng mga mag-aaral. Una, kinuha ang demograpikong
propayl ng mga respondente partikular na ang kanilang edad at kasarian kung saan
lumabas sa resulta ng pag-aaral na ang sampung mga respondente na nagsagot ng sarbey
ay halos may magkakatulad at magkakalapit na porsyento. Ang mga edad na may
dalawampu’t taong gulang at ang mga may edad na labing siyam na taong gulang ay may
magkatulad na porsyento na apatnapung porsyento (40%). Samantalang ang natitirang
dalawampung porsyento (20%) naman ay ang mga respondenteng may edad na
dalawampu’t isang taong gulang. Kaugnay nito, lumabas din sa resulta ng pag-aaral na ito
na ang kasarian ng mga mag-aaral ay may pantay na bilang. Limampung porsyento
(50%) sa kanila ay babae, samantalang ang natirang limampung porsyento (50%) rin ay
mga lalaki.

Para naman sa ikalawang tanong, ninais malaman ng mga mananaliksik ang antas
ng kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa paggamit ng Wikang Ingles bilang wikang
panturo sa paaralan. Batay sa kanilang karanasan sa usaping pag-unawa sa mga tekstong
nakalimbag sa wikang Ingles, nagkaroon ng magkakaparehong tugon ang 4 sa mga
respondente kung saan inilathala nila na lubos nilang nauunawaan ang mga tekstong
65

nakalimbag sa wikang Ingles dahil sa ito ang wikang kanilang kinagisnan at wikang
Ingles na ang midyum ng pagtuturo sa kanilang paaralan. Samantala, 4 din ang nagsabi
na sapat lang ang kanilang kaalaman sa naturang wika at 2 naman ang nagsabi na hindi
nila lubos na nauunawaan ang mga tekstong nakalimbag sa wikang Ingles dahil sa sila ay
nahihirapan unawain ang mga teksto lalo na kung ito ay ginamitan ng matatalinhagang
salita. Kaakibat nito, pinatunayan nila na mayroon silang sapat na kakayahan sa pagsulat
ng mga akademikong sulatin gamit ang wikang Ingles na may katumpakan at kahusayan
dahil sa matataas na markang nakukuha nila sa mga araling partikular ang Ingles bilang
midyum sa pagtuturo. Habang ang apat naman sa kanila ay pinatunayan ang kanilang
kahusayan at kagalingan sa pagsulat ng wikang Ingles sa iba't -ibang mga dahilan at ito
ay ang mga sumusunod: dahil sa pidbak ng guro, nakauunawa o nakaiintindi ng wikang
Ingles, paggamit ng mga komprehensibong salita at paggamit ng tamang bantas at
preposisyon.

Para naman sa ikatlong tanong, inalam din ng mga respondente ang persepsyon
ng mga respondente ukol sa Wikang Ingles bilang wikang panturo kung saan nagkaroon
ng walong magkakatulad na sagot ang mga kalahok sa pamamagitan ng paglalathala nila
na ang wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo sa loob ng paaralan ay nakakapaghasa
ng abilidad, pagkatuto, at kaalaman. Ngunit sa kabila ng magandang epekto nito,
dalawang respondente ang nagsabi na may hindi magandang epekto ang paggamit ng
wikang Ingles sapagkat nagdudulot ito ng pagkalimot sa sariling wika. Dagdag pa rito,
inalam din ng mga mananaliksik ang kanilang opinyon hinggil sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mahusay na kakayahan sa Wikang Ingles sa loob paaralan. Ayon sa
tugon ng aming respondente, lima ang naglahad na ang pagkakaroon ng mahusay na
kakayahan sa paggamit ng wikang Ingles ay nagiging daan sa pagtaas ng kanilang
kumpiyansa sa sarili. Tatlo naman sa mga respondente ang nagsaad na ang mga nakasulat
sa wikang ingles na mga akda, asignatura o sanaysay ay nakatutulong sa kanilang
pag-aaral. At panghuli, dalawa sa aming respondente ang nagsabing na pagkakaroon ng
mahusay na kakayahan sa wikang Ingles ay nakakapagbigay sa kanila ng maraming
kaalaman.
66

At para naman sa ikaapat na tanong, inalam din ng mga mananaliksik ang epekto
ng Wikang Ingles sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon sa tugon ng aming respondente,
anim na respondente ang nagsaad na nakatutulong ang paggamit ng wikang Ingles sa
pagkatuto nila sa mga asignatura dahil nagbibigay ito ng malawak na access sa mga
impormasyon na kinakailangan na makikita nila sa internet na nakalimbag sa wikang
Ingles. Dalawa naman sa aming respondente ang nagsaad na nakatutulong ang paggamit
ng wikang Ingles sa pagkatuto dahil napapalawak nito ang kanilang bokabularyo. Isa
naman sa aming respondente ang nagsabi na nakatutulong ang wikang Ingles upang
hikayatin na pag-igihin pa ang pag-aaral ng mga mag-aaral para sa kanilang kinabukasan,
at panghuli, isang respondente naman ang nagsaad na ang wikang Ingles ay nakatutulong
sa pagkatuto dahil napapaunlad nito ang pagkikipagkapwa tao at pakikisalamuha ng mga
mag-aaral. Gayunpaman, nagkaroon din ng hindi maayos na talakayan batay sa mga
kalahok dahil inilahad nila ang hindi magandang epekto ng paggamit ng wikang Ingles sa
kanilang pagkatuto. Sinaad ng limang mga respondente na ang kakulangan sa kaalaman
tungkol sa wikang Ingles ay ang siyang hadlang at nakapipinsala sa kanilang pagkatuto sa
asignatura. Apat na respondente naman ang nagsaad na nakakapinsala o nakakahadlang
ang wikang Ingles sa kanilang pagkatuto dahil sa mga salitang Ingles na may malalalim
na termino at kahulugan. At panghuli, isa naman sa aming respondente ang nagsabi na
nakakapinsala o nakakahadlang ang paggamit ng wikang Ingles dahil sa hindi
pagkakaintindihan sa pagitan ng guro at mga mag-aaral.

Konklusyon

Batay sa mga datos na sinuri at binigyang pag-aaral ng mga mananaliksik, nabuo


ang mga sumusunod na apat na konklusyon. Una, napag-alaman na ang paggamit ng
wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo ay nakatutulong upang lubos nilang
maunawaan ang mga teksto at aralin na kanilang pinag-aaralan; ngunit, may ilang mga
malalalim na salita o termino na nakalimbag sa wikang Ingles ang hindi nila lubos na
nauunawaan. Ikalawa, may sapat na kaalaman ang mga respondente sa paggamit ng
wikang Ingles sa kanilang pag-aaral dahil sa madalas nilang pagkakaroon ng mataas na
grado sa mga asignaturang ginagamitan ng wikang Ingles at sa mga akademikong sulatin
67

na kinakailangan gamitan ng nasabing wika. Bukod pa rito, nagkakaroon ng mas


malawak na pinagkukunan ang mga respondente ng mga impormasyon na kailangan
nilang makuha at malaman. Kung kaya’t mas unawain ang mga asignatura at gawain na
kanilang kailangan gagawin at iniatas sa kanila ng kanilang mga guro. Ikatlo, ang
paggamit ng wikang Ingles sa loob ng paaralan ay nakatutulong upang mas mahasa pa
ang abilidad ng mga respondente sa pagkatuto at mapalawak ang kanilang mga kaalaman
sa ikalawang wika na kadalasan na ginagamit sa loob ng paaralan bilang midyum sa
pagtuturo. Bukod pa rito, nakakapagbigay ng kumpiyansa sa sarili ang paggamit ng
wikang Ingles sa loob ng paaralan dahil sa paggamit nito ay naipapakita na mahusay at
may kaalaman ang respondente sa paggamit nito sa mga akda, asignatura at sanaysay na
ginagamitan wikang Ingles. At ikaapat at panghuli, inihahanda ang mga respondente na
maging handa para sa kanilang kinabukasan sa pamamagitan ng paggamit ng wikang
Ingles. Nakatutulong ang wikang Ingles upang sa pagtatapos nila ng kolehiyo ay may
sapat silang kaalaman at kakayahan sa pagsasalita nito dahil kadalasan ang wikang Ingles
na ang ginagamit sa trabaho bilang wikang pang-instruksyon. Sa pagkakaroon ng
mahusay na kakayahan sa wikang Ingles ay makapagbubukas ito ng maraming
oportunidad para sa kanila sa pagtatapos nila ng kolehiyo at sa paghahanda nila sa
pagtatrabaho.

Rekomendasyon
Kaugnay ng pag-aaral na ito at batay sa mga nakalap na datos mula sa mga kalahok ay
buong pagpapakumbabang iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na
rekomendasyon:

Para sa mga Mag-aaral

Para sa mga mag-aaral, maaaring gamitin ng mga mag-aaral ang pag-aaral na ito upang
matukoy ang epektibong paggamit ng wikang Ingles sa paaralan na makakatulong sa
kanilang pagkatuto upang lalong umunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral para mas
lalo pa nilang maintindihan o maunawaan ang mga talakayan sa loob ng paaralan.
68

Para sa mga Guro

Para sa mga guro, pagbutihin at paghusayin ang mga estratehiya o pamamaraan ng


pagtuturo ng wikang Ingles sa mga mag-aaral, upang magamit ng mga mag-aaral ang
kanilang mga natutunan hindi lamang sa loob ng paaralan at sa pakikipag-komunikasyon
kung hindi pati na rin sa kanilang kinabukasan.

Para sa Paaralan

Para sa paaralan, magpatupad ng mga alituntunin kung saan ang wikang Ingles bilang
midyum sa pagtuturo ay naglalayong makapagpalawig ng kaalaman at makapaghasa ng
kakayahan ng mga guro at mag-aaral nang hindi napapabayaan ang sariling kultura at
wika ng bansa.

Para sa Kagawaran ng Edukasyon

Para sa Kagawaran ng Edukasyon, mas higit pang pagtuunan ng pansin ang mga polisiya
at pamamaraan na ipinapatupad hinggil sa mga wikang pang-instruksyon. Bukod pa rito,
lalong higit pang magkaloob ng mga teksto, materyal, at mga gamit sa pagkatuto na
nakalimbag ayon sa wika at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa mga susunod na Mananaliksik

Batay sa mga resultang nakuha ng mga mananaliksik, hinggil sa paggamit ng wikang


Ingles sa pagtuturo, inirerekumenda na dagdagan ang bilang ng respondente. Ninanais ng
mga mananaliksik ang ganitong pag-aaral dahil sa pamamagitan nito ay nasusukat kung
ano ang kasalukuyang katayuan at abilidad ng mga estudyante sa paggamit ng wikang
Ingles, at lubos na mauunawaan ang wikang ginamit sa pagtuturo.

You might also like