You are on page 1of 2

Lahat ng mga estudyante ay may iba’t-ibang paraan sa pagkatuto na kung tawagin ay Learning

Styles, kung saan ang mag aaral ay natututo sa paraang biswal at kinestetik. Ang biswal na pagkatuto
ay gumagamit lamang ng mata upang matuto, samantalang ang kinestetik na pagkatuto ay ang mga
hands-on activities. Mahalaga ang kaalaman sa paraan ng pagkakatuto dahil napapadali ang proseso
ng pagkatuto at upang maitugma ng tagapagturo ang nararapat na estratehiya ng pagtuturo sa
paraan ng pagkatuto.

Ayon sa mga modalidad na Vark, mayroong 4 na magkakaibang paraan ng pagkatututo na


maaaring magamit ng isang mag-aaral: Visual, Auditory, Read/Write at Kinesthetic (VARK). Ang bawat
mag-aaral ay gumagamit ng isa o higit pa sa mga ito na nakakatulong sa kanila sa pagkatuto ng
bagong mga impormasyon . Sa Visual o Biswal na pagkatuto ay ang mga paglalarawan ng
impormasyon sa pamamagitan mga numero at tsart; Auditory o patungkol sa panding kung saan mas
natututo ang mga mag-aarak sa naririnig na impormasyon gaya ng mga lektura at talakayan;
Read/Write na kung saan ang mga nag-aaral ay natututo sa impormasyon na ipinakita ay batay sa
teksto; at Kinesthetic kinestetik na nagpapakta ang mga kongkretong karanasan na kumokonekta sa
materyal sa katotohanan.

Ang pamamaraan ng pagkatutol ay nagkakaiba dahil sa iba’t ibangsalik na nakakaapekto sa


pag-aaral ng isang indibidwal, halimbawa nito ay ang kapaligiran at emosyon ng isang mag-aaral.
Mahalagang malaman ang kapamaraanan ng pagkatuto upang maitugma ng tagapagturo ang
nararapat na estratehiya na kanyang gagamitin upang maintindihan ng kanyang mga mag-aaral ang
talakayin.

Nakakaapekto din sa mga estudyante ang wikang gamit sa paraan ng pagkatuto. Ang ibang mag
aaral ay mas natututoi sa wikang Filipino gamit ang biswal na pamamaraan, samantalang ang ibang
mag aaral ay mas natuto sa wikang Ingles gamit ang kinestetik na pamamaraan, o natuto sa parehong
wika gamit ang parehong pamamaraan.

Ayon sa TITON, ang kasanayan sa wika ay hindi lamang sa kaalaman sa gramatika o sa tuntuning
gramatikal kundi gayundin ang kasanayan sa angkop at matagumpay na pag-unawa at pagpapaunawa
ng nais ipahayag ng nag-uusap. Kaya mahalaga na malaman ang gamit ng wika sa biswal at kinestetik
na pagkatuto.

Nasasaad sa Executive Order (EO) No. 210 o EO 210 noong Marso 17, 2003 na muling nagtatakda
sa wikang Ingles bilang pangalawang wika sa pagtuturo sa mga pribado at pampublikong paaralan.
Nilalayon ng kautusang ito na paunlarin pa ang kasanayan ng mga estudyanteng Pilipino sa wikang
Ingles.

Ilang manunulat at guro naman ang nagtangkang pigilan ang pagpapatupad ng dalawang
kautusang ito. Ayon sa isang petisyong isinampa ng mga grupong nagsusulong sa wikang Filipino, sa
pangunguna ng Wika ng Kultura at Agham, Inc. (WIKA), labag umano sa Saligang Batas ang dalawang
kautusan. Anila, taliwas ang mga kautusang ito sa isinasaad sa Article XIV Section 6 ng Saligang Batas,
na “…dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod
ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang ng pagtuturo sa
sistema pang-edukasyon.”

Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang pamamaraan sa pagkatuto lalong lalo na sa


paggamit ng wikang Filpino at wikang Ingles ng mga tagapagturo ng mga mag-aaral sa ikaanim na
baitang, mapaunlad ang pamamaraan sa pagkatutol ng mga mag-aaral,makatulong sa mga guro na
ipaunawai ang leksyon sa mga mag-aaral at malaman ang kabisaan ng biswal at kinestetk sa pag-aaral
na ginagamit sa ngayon. Mahalaga ang pag-aaral nito upang matugunan ang kakulangan at
pangangailangan ng bawat mag-aaral sa kanilang pag-aara.a

You might also like