You are on page 1of 27

SUMINAG ka MAPES Patuloy ang pagSINAG sa landas na naglilinang sa mga kabataan,

tungo sa magandang kinabukasan


105940
CURRICULUM FRAMEWORK IN FILIPINO K-12
Batang Makabansa na Nagbabasa para sa Bansang Makabata
TUNGUHIN:
SA PAGTATAPOS NG KEY
STAGE 1, LAHAT NG MAG-
AARAL SA K-3 SA REHIYON
3 AY GANAP NA HINUBOG
SA MGA TUNTUNIN NG
PAGBASA, PAGSULAT, MAY
KRITIKAL NA PAG-IISIP AT
MAAARING MADALING
UMANGKOP SA
KATOTOHANAN NG
KANILANG KAPALIGIRAN.
Batang Makabansa na Nagbabasa para sa Bansang Makabata
Pagpapaliwanag sa Konseptwal na Balangkas ng
FILIPINO
Ito ang kabuuang balangkas na minimithi sa mga
mag-aaral sa Filipino na nagtataglay ng mga kasanayan sa
kamalayang ponolohikal, palabigkasan at pagkilala sa
salita, pasalitang wika, bokabularyo, katatasan at pag-
unawa sa binasa sa Key Stage 1 sa tulong ng mga suporta
sa kurikulum- de kalidad na guro, kagamitang
pampagtuturo, kapaligirang ICT, pagtataya, pamamahala
at pangangasiwang paaralan, tulong teknikal, kahalagahan
at ugnayan ng pamayanan-industriya.
Ginamit ang asul na kulay dahil ito ay simbolo ng
kapanatagan (Sikolohiya ng mga Kulay). Dilaw ang simbolo
ng kahusayan ng guro sa mga kasanayang lilinangin.
Kahel ay simbolo ng kalakasan ng guro at mag-aaral
upang makahikayat ng atensiyon at pagiging mapanuri sa
mga kailangang linangin sa iba’t ibang kasanayan. Itim ay
sumisimbolo sa kakulangan ng kaalaman at kasanayan.
Samantala ang hugis ng Hexagon na may pare-
parehong sukat ay nangangahulugan ng pagbuo ng isang
holistikong mag-aaral na sandiganan ng anim na elemento
sa pagkatutong bumasa na sinusuportahan ng kurikulum.
Batang Makabansa na Nagbabasa para sa Bansang Makabata
Konseptuwal na Balangkas ng Filipino
Nasa sentro ng hexagon ang mag-aaral, tulad ng
konseptuwal na Balangkas ng K to 12, 2016 na inaasam
nating lahat na makadebelop ang holistikong katauhan ng
lahat ng uri ng mag-aaral. Nasa likod ng mag-aaral ang
guro na kung saan ay napakahalagang papel ang
ginampanan, lalo na sa panahon ng pandemya. Ang guro
ang nagbabalak at nagpapasiya ng mga angkop na
estratehiya at interbensiyon upang makamit ang
inaasahang bunga ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Siya
ang nagbabalak ng mga angkop na pamamaraan batay sa
kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral, angkop sa mga
paksang-aralin at sitwasyon (Belvez, 2000).
Ang ilaw na kulay dilaw ay nagpapahiwatig sa
positibong emosyon tulad ng kaligayahan, kasabikan,
awtentiko, pag-asa at pagkamalikhain ng mga mag-aaral na
dapat na mapanday upang matamo ang minimithi ng
Kagawaran ng Edukasyon upang siya’y maging Filipinong
Inobatibo, Batang pang-Edukasyon 4.0 at Responsableng
Pilipino.
Rasyonale
Isa sa mga layunin ng Mababang Paaralan ng Mapaniqui ay ang lubos na pagkaroon
ng kasanayan sa pagbasa at pagsulat maging ang katatasan sa paggamit ng wikang
Filipino, dahil naniniwala kaming magiging susi ito tungo sa pagkakaroon ng epektibong
komunikasyon para sa kanilang pang-araw-araw na pakikipagtalastasan sa tulong na
rin ng makabagong teknolohiya upang maging hayag sa komunikatibong pakikilahok
ang aming mag-aaral sa mga nagaganap sa ating kapaligiran. Sa nakalipas na dalawang
taon ng pandemya ramdam ng lahat ang pagbaba ng kalidad ng mga mag-aaral sa
larangan nang pagsulat, pagbasa at higit sa lahat ang kanilang kakayahan sa pang-
unawa. Ito ang hamon sa bawat guro sa aming paaralan na matugunan ang
pagkukulang na ito upang matiyak na ang bawat isa ay makakaagapay sa hamon ng
panahon.
Batay sa resulta ng mga batang sumailalim sa Regional Diagnostic Assessment
(RDA) noong Setyembre 2022. Naitala na mayroon lamang 61.54% sa Baitang 1, 27.55%
sa Baitang 2, at 29.03% sa Baitang 3 sa araling Filipino ang nakakuha ng minimum na
kasanayang nalinang sa mga kumpetensi ng K-3 sa aming paaralan.
Rasyonale
Maliban sa resulta ng RDA, ang isa pang hamon sa kaguruan sa K-3 ay ang
mababang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa sa isinagawang Paunang Pagtatasa
gamit ang Early Grades Reading Assessment (EGRA) noong Nobyembre, 2022. Kung
saan ang resulta ng EGRA sa aming paaralan, ay umaabot lamang sa 34.71% ang mga
bata sa baitang 1 hanggang 3 ang may kakayahang nalinang sa Oryentasyon sa mga
Limbag, Kaalaman sa Pangalan ng Letra, Kaalaman sa Tunog ng Letra, Pagkilala sa
Unang Tunog ng mga Salita, Pagbasa ng mga Pamilyar na Salita, Pagbasa ng mga
Inimbentong Salita, Pagbasa nang Malakas, Pagbasa nang may Pag-unawa, Pag-unawa
sa Pakikinig, at Pagsulat nang Padikta.
Upang matugunan ang nabanggit na mga puwang, kinakailangan na palakasin
ang kakayahang magbasa ng mag-aaral sa Kinder hanggang Ikatlong baitang at
itaguyod ang kultura ng pagbabasa na isang kinakailangang kasanayan sa mga
nilalaman. Upang makamit ang layuning ito, ang planong interbensyon ng araling
Filipino ay palakasin ang programang ECARP (Every Child A Reader Program) sa tulong
nang interbensyon gamit ang anim (6) na elemento sa pagkatutong bumasa.
Batayang Pagsusuri
sa
Asignaturang Filipino
MAPANIQUI EGRA RESULT
MAPANIQUI EGRA RESULT
70.00% 66.11%

60.00% 55.23%

50.00% 43.10%
36.82%
40.00%
31.38%
27.62% 28.45%
30.00% 25.52%
19.67% 21.76%
20.00%

10.00%

0.00%
C1 C2 C3-A C3-B C4 C5 C6-A C6-B C7 C8

Batay sa resulta ng Early Grade Reading Assessment, makikita na ang kategoryang C5 o Pagbasa ng
inembentong salita na may 19.67% ang nakakuha ng may pinakamababang resulta na sinundan naman ng
C6-B o Pagbasa ng may pang-unawa na may 21.76%.
MAPANIQUI PHIL-IRI RESULT
MAPANIQUI PHIL-IRI RESULT

45.00%
40.59%
40.00% 34.66%
35.00%
30.00% 23.10%
25.00%
20.00%
15.00%
10.00%
1.65%
5.00%
0.00%
Frustration Instructional Independent Non-Reader

Lumabas sa resulta na mayroong hindi nakakabasa o non-reader na may porsyentong 1.65, habang 23.10 na
porsyento naman ang hirap magbasa.
MAPANIQUI RDA RESULT
MAPANIQUI RDA RESULT
70.00%

60.00% 61.54%

50.00%

40.00%

30.00% 31.51%
29.03% 30.56%
27.55% 27.27%
20.00%

10.00%

0.00%
Grade 1 Grade 2 Grade 3 Grade 4 Grade 5 Garde 6
MENU NG MGA INTERBENSYON
SA PAG-AARAL
PROJECT AKAP (ANAK KUMUSTA ANG PAGBABASA?)
Interbesyon sa Pagbasa
Proyekto ng Mapaniqui Elementary School bilang tugon sa “HAMON: BAWAT BATA BUMABASA” naka-
angkla sa DepEd Memorandum no. 173, s. 2019 at School Learning Recovery Plan.
PROJECT AKAP (ANAK KUMUSTA ANG PAGBABASA?)
Interbesyon sa Pagbasa
Proyekto ng Mapaniqui Elementary School bilang tugon sa “HAMON: BAWAT BATA BUMABASA” naka-
angkla sa DepEd Memorandum no. 173, s. 2019 at School Learning Recovery Plan.
PROJECT AKAP (ANAK KUMUSTA ANG PAGBABASA?)
Interbesyon sa Pagbasa
Proyekto ng Mapaniqui Elementary School bilang tugon sa “HAMON: BAWAT BATA BUMABASA” naka-
angkla sa DepEd Memorandum no. 173, s. 2019 at School Learning Recovery Plan.
Interbensyon sa Pagbasa
PARAAN SA PAGSASAGAWA NG #FILTUNOG
AKSYON TUNOG:
1. Iparinig at ipanood ang isang awit na may kasamang tunog ng letra Paalala sa guro: maaaring lumikha
ang guro ng sariling awit at kilos ng bawat letra at gawing batayan ang awit ng alpabasa. Hayaang masabi ng mag-aaral
ang tunog ng bawat salitang naririnig sa awit.

PAGSASAMA NG TUNOG (ORAL BLENDING)


1. Pagsasama-sama ng mga tunog upang makabuo ng salita (Halimbawa: m-a-m-a = mama) sa paraang paawit.
2. Gawin ito nang paulit-ulit hanggang sa matandaan ang tunog ng mga letrang nakatalagang pag-aralan sa araw na
iyon (depende sa bilang ng mga tunog na kaya ng mag-aaral)
3. Ipaskil ang letrang katumbas ng mga tunog na binuo at gumawa ng “Dingding ng mga Letra” sa silid-aralan.

PAGRUPO NG TUNOG (Oral Segmentation)


4. Balikan ang mga nabuong salita na nasa “Dingding ng mga Salita” Sa gabay ng guro ipabigkas ang mga salitang
nabuo.
5. Pagkatapos ay gabayan sila na igrupo ang mga tunog ng papantig.
6. Babasahin ng guro ang mga salita ng papantig at ipaparinig ito sa mga mag-aaral.
7. Ipauulit sa mga bata ang mga pantig na narinig sa nabuong salita.

PALAKPAK-PANTIG
8. Gawin ito nang palaro. Ihanda ang musika at habang tumutugtog magpakuha ng mga nabuong salita sa dingding.
9. Magpakita ng salita at imomodelo ng guro ang pagpapalakpak ayon sa pantig ng bawat salita.
10. Pagkatapos, ang mga bata naman ang gagaya sa ginawa ng guro. Sa bawat pantig ay may katumbas na palakpak.

Kakayahang Malilinang:
1. Pakikinig
2. Pagsasalita
Interbensyon sa Pagbasa

PARAAN SA PAGSASAGAWA NG #FILBIGKAS


INTERAKTIBONG PAGHUHULA ng mga salita gamit ang teknolohiya
1. Gamit ang teknolohiya ayon sa angkop na APPS sa paghuhula ng salita
2. Gamitin ang gadget sa pagtuturo na nakabatay sa nais na laro maaaring pumili ng apps
upang mahulaan ang salita: halimbawa Kahoot, 4 Pics in 1 word, Mentimeter at iba pa.
3. Batay sa salitang pinahuhulaan ng guro, mag-uunahan ang mga bata sa pagsagot. Ang
pinakamabilis sumagot ang magwawagi.

PAKITA AT IPAKILALA (Tahasang Pagtuturo)


Maghahanda ang guro ng mga salitang kanyang ipabibigkas,
Gamit ang tahasang pagtuturo :
1.Imomodelo ng guro ang unang salitang kanyang ipabibigkas.
2.Sabay-sabay na bibigkasin ng mga mag-aaral ang salitang ipinakilala at binigkas ng guro.
3.Pipili ang guro ng mag-aaral upang bigkasing muli ang salitang ipinakilala.
4. Magpabuo ng isang payak na pangungusap gamit ang salitang binigkas.

Kakayahang Malilinang:
1. Pakikinig
2. Pagsasalita
Interbensyon sa Pagbasa

DUGTUNGANG PAGBASA
1. Magbibigay ang guro ng mga larawan ng mga pangyayari sa
kuwento (5 larawan ) .
2. Pumili ng 5 bata kung kanino ibibigay ang bawat larawan.
3. Bigyan ng 5 minutong paghahanda ang bawat bata, sa gabay ng guro pagsusunod-sunorin ang
mga larawan upang mabuo ang kuwento.
4. Sisimulan ng unang bata ang kuwento na susundan ng susunod na bata hanggang mabuo ang
kuwento na pinagdugtong-dugtong.

TEATRO NG PAGBASA
1. Bumuo ng 2 pangkat na binubuo ng 5 bata.
2. Bigyan ng piyesang babasahin ang bawat pangkat na may 5 tauhan ang kuwento.
3. Ipaliliwang ng guro ang gampanin ng bawat tauhan at rubrics sa Teatro ng Pagbasa.
4. Sa loob ng 10 minuto, mag-eensayo ang bawat grupo ayon sa kanilang gagampanang papel .
5. Makikinig sa pagtatanghal ng bawat pangkat at tatayahin gamit ang rubrics na
napagkasunduan (bigyang tuon ang katatasan sa pagbabasa ng bawat pangkat). Kakayahang Malilinang:
1. Pakikinig
2. Pagsasalita
3. Pagbasa
4. Panonood
5. Pagsulat
Interbensyon sa Pagbasa

 INTERBENSIYONG FIL OKE


Paglalarawan: 
Ito ang paggamit ng iba’t ibang awiting Filipino   upang malinang ang bokabularyo ng mga bata.
Pamamaraan:
 
1.Maghahanda ang guro ng awitin.
2.Tatawag ng piling bata para magsasagawa ng Fil OKE. 
3.Aawit ang mag-aaral gamit ang TV/ white screen.
4.Pagkatapos umawit itanong sa mga mag-aaral ang mga salitang hindi pamilyar sa kanila. 
5.Itanong ang kasingkahulugan nito.
 
Kasanayang malilinang:
•Pagsasalita
•Pagbabasa
*Malayang makapipili ang guro ng awiting gagamitin sa Fil Oke na angkop sa kakayahan ng mga
mag-aaral.
Kakayahang Malilinang:
1. Pakikinig
2. Pagsasalita
3. Pagbasa
4. Panonood
5. Pagsulat
Interbensyon sa Pagbasa

 INTERBENSIYONG FIL OKE


Paglalarawan: 
Ito ang paggamit ng iba’t ibang awiting Filipino upang malinang ang bokabularyo ng mga bata.
Pamamaraan:
 
1.Maghahanda ang guro ng awitin.
2.Tatawag ng piling bata para magsasagawa ng Fil OKE. 
3.Aawit ang mag-aaral gamit ang TV/ white screen.
4.Pagkatapos umawit itanong sa mga mag-aaral ang mga salitang hindi pamilyar sa kanila. 
5.Itanong ang kasingkahulugan nito.
 
Kasanayang malilinang:
•Pagsasalita
•Pagbabasa
*Malayang makapipili ang guro ng awiting gagamitin sa Fil Oke na angkop sa kakayahan ng mga
mag-aaral.
Interbensyon sa Pagbasa
INTERBENSIYONG FIL OKE
Mga Gawain sa Fil OKE batay sa antas ng pagbabasa
Antas ng Hindi  Hirap Bumasa Bumabasa ng May Malayang
Pagbabasa Nakababasa Gabay Nakababasa

Paalala sa Guro: Pagbibigay ng Ibibigay ang Pasagutan sa mga Habing


Gamit ang Kasingkahulugan ng kahulugan ng salita mag-aaral gamit semantika/Word
parehong mga salitang di- sa pamamagitan ng ang Hayponim Networking
pamamaraan, pamilyar sa awitin denotasyon at (Hyponyms) uapang Halimbawa:
magiging gabay konotasyon ng makapagbigay ng
ang tsart na ito sa salita gamit ang maaring sumaklaw
mga Gawain para Venn Diagram sa kahulugan ng
sa antas ng mag- Halimbawa: salitang naibigay
aaral na mula sa awit.
paggagamitan) Halimbawa:
Interbensyon sa Pagbasa

INTERBENSIYONG APAT DAPAT   


Paglalarawan: 
     Ito ay laro na pang digital gamit ang Power Point o tradisyunal na gamit ang blackboard. Ito ay
gawa ng isang malaking parisukat na nahahati sa apat at may talasalitaan sa gitna. Ang larong ito ay
magbibigay sa mag-aaral ng pagkakataon na malinang ang kanyang kasanayan sa talasalitaan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng kasingkahulugan, paglalarawan, konkretong halimbawa, at mga
datos.
PAMAMARAAN:
1.Maghanda ng isang malaking parisukat na nahahati sa apat at may talasalitaan sa gitna. 
2.Pangkatin ang mga mag-aaral na may apat na miyembro sa bawat pangkat.
3.Simulan ang paglalaro ng Apat Dapat. 
4.Isusulat ng miyembro ang mga salitang magkakasingkahulugan, apat dapat ang kanilang
maisusulat. 
5.Ang unang makakapuno ang siyang panalo.

Kasanayang Malilinang:
•Pagsusulat
•Pagbabasa
Interbensyon sa Pagbasa

INTERBENSIYONG APAT DAPAT 


Mga/Mga Gawain Hindi Nakababasa Hirap Bumasa Nakababasa ng Malayang
sa APAT DAPAT may Gabay Nakababasa
batay sa antas ng
pagbabasa

Ibibigay ang Magbibigay ng 2 Isasagawa ang Ibibigay konotasyon ng


kasingkahulugan na Kasingkahulugan, 2 pagpapangkat ng talasalitaan at gamitin
salita kasalungat at mga salita ayon sa sa pangungusap
Halimbawa:Ginto
gagamitin sa punong salita o Denotasyon:
pangungusap batay paksa mamahaling kemikal
sa kanilang (classification) na kumikinang
karanasan  Halimbawa: konotasyon:
Halimbawa: mahalaga

You might also like