You are on page 1of 2

Foundation Day Narrative

Makulay, Masigla at Masaya, yan nga ang mga salitang babagay sa nagdaang pagdiriwang ng ika-
th
76 Founding Anniversary ng General Tinio National High School na ginanap noong March 3-4, 2022.
Kaakibat ng pandemyang ating nararanasan, hindi ito naging hadlang upang bigyang pagkilala at
alalahanin ang pagkakatatag ng ating inang paaralan na siyang nagsilbing ikalawang tahanan ng mga
mag-aaral. Kaagapay nga ng nasabing pagdiriwang ay ang temang “Overcoming Mediocrity: Make a
Change, Be the Change”. Ito ay isang repleksyon ng pagbabalik tanaw hindi lamang kung paano
nagsimula ang ating paaralan bagkus ito rin ay pagkilala sa naging kontribusyon ng ating paaralan na
siyang naging bahagi ng buhay ng bawat mag-aaral at maging ng komuninad.

Kaakibat nga ng nasabing pagdiriwang ang iba’t ibang aktibidad na nilahukan ng mga guro at
kawani ng paaralan. Lahat nga ito ay naging posible sa tulong at pangunguna ng butihing punong guro
ng paaralan, Ma’am ADORA B. DELA CRUZ.

Nagsimula ang unang araw ng pagdiriwang sa isang Misa ng pasasalamat na dinaluhan ng mga
guro at kawani ng paaralan. Pagkatapos nito ay ang isang opening program ang isinagawa bilang pormal
na pagbubukas ng nasabing selebrasyon na dinaluhan ng mga guro at kawani maging ng mga deped at
lgu officials ng ating bayan. Kaakibat ng unang araw ng pagdiriwang ay ang kauna unahang Search for
Mr. and Ms. Foundation 2022 (Faculty Edition) na syang highlight ng unang araw ng selebrasyon. Dito ay
nagpamalas ang ibat ibang guro at kwani ng paaralan ng kani kanilang angking talento sa pagindak at
pagrampa suot ang ibat ibang kamangha manghang kasuotan. Sa isinagawang patimpalak, ito ay
nagpapakita na ang mga guro ay hindi lamang para sa loob ng silid aralan bagkus sila rin ay may angking
talent pagdating sa maringal na pagtatanghal.

Kaakibat ay pagkakaisa at pagtutulungan, yan nga ang mga aral na hatid sa pamamagitan ng
isang palaro ng lahi sa siyang naging highlight ng ikalawang araw ng pagdiriwang. Ito ay nilahukan ng
iba’t ibang guro at kawani mula sa iba’t ibang departamento ng paaralan. Dito ay iba’t ibang palaro ang
isinagawa tulad na lamang ng sack race, egg catching, ring race at iba pa. Dito ay ipinamalas ng mga guro
ang kanilang pagkakaisa, pagtutulungan, diskarte at stratehiya sa nasabing palaro. Isang aktibong
partisipasyon ang ipinamalas ng mga guro at kawani na kung saan may mga umuwing wagi at talunan
ngunit hindi ito ang mga namutawi sa kanilang isipan kung hindi ang hatid na saya, pagkakaisa at
pagtutulungang ipinamalas ng bawat isa.

Para sa mga certified miners, isang ukay for cause naman ang isinagawa ng paaralan sa
pangunguna ng lahat ng departamento na kung saan iba’t ibang damit ang inilahad at ibinenta sa madla.

Nagsagawa rin ang paaralan ng isang boodle fight na kung saan ang mga guro at kawani ng
paaralan ay naghanda ng ibat ibang kakanin at sabay-sabay na kumain ng mga inihandang pagkain. Ito
ay nilahukan ng ibat ibang departamento ng paaralan na kung saan lahat ay samang nagbahagian ng
mga inihandang pagkain ng bawat departamento.

Nagwakas ang selebrasyon sa isang grand parade na kung saan ang mga guro at kawani ng
paaralan ay sama samang nakilahok at pumarada sa ating bayan. Ito ay isinagawa upang ipadama sa
kumunidad na sila ay kabilang sa naging selebrasyon ng paaralan. Dito ay natunghayan ng komunidad
ang naggagandan at nagkikisigang mga guro na nagsilbing lakan at lakambini ng bawat departamento.

At para naman sa pangwakas na programa, isang GRAND ZUMBA EXERCISE ang isinagawa na
nilahukan muli ng mga guro at kawani ng paaralan. Lahat ay nagningning suot ang kanilang mga
dilawang damit at sabay sabay na nagpamalas ng isang dance exercise na nagpapakita na ang mga guro
at kawani ng paaralan ay hindi lamang pang loob ng kani kanilang mga silid-aralan at opisina bagkus ay
kayang kaya ring magpalamas ng aking husay sa pagsasayaw.

Isang paglilinaw lamang, ang lahat ng mga programang inilahad ay isinagawa alinsunod sa
mandatory health protocols na inilabas ng IATF.
Lahat ay may simula at katapusan. Isang kabanata na naman nga ang nagtapos sa kasaysayan ng
ating inang paaralan. Ngunit kaakibat ng pagtatapos na ito ay ang ating pagharap naman sa bagong
yugto at panibagong pagsisimula na punong puno ng pag-asa at kasaganahan. Katulad na lamang ng
naksaad sa ating GTNHS March, “TO SERVE AND TO HONOR YOU” yang nga ang ating layunin bilang
isang GTNian. Dahil Once a GTnian always a GTnian! Maraming Salamat po.

You might also like