You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education

PALATUNTUNANG PAGTATAPOS 2023


Paksa: “Gradweyt ng K-12: Hinubog ng Matatag na Edukasyon.”

PAGBIBIGAY HUDYAT SA PAGSISIMULA NG PALATUNTUNAN

Tagapagdaloy: Sa loob lamang po ng ilang minuto ang Palatuntunang Pagtatapos ng


paaralang ____________________________________ ay magsisimula na. Inaasahang matatapos ang
ating gawain sa loob ng dalawang oras. Dahil dito, hinihiling ang pakikiisa ng lahat upang
mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng pagsasagawa ng palatuntunan. Mangyaring
iwasan po natin ang paulit-ulit na pagtayo sa ating kinaroroonan at ang paggawa ng
anumang kilos na pupukaw sa atensyon ng mga taong magsisipagganap sa palatuntunan.

( Maaari pang magdagdag ng ilang mga habilin ang tagapagdaloy sa mga taong sasaksi sa
palatuntunan, depende sa sitwasyon at pangangailangan. )

PANIMULA

Guro 1: Maganda at mapagpalang araw po sa ating lahat at malugod po namin kayong


tinatanggap sa ating palatuntunan. Ngayong araw na ito, ating bigyang pugay ang
kasigasigan ng ating mga mag-aaral na hinubog at pinanday ang kakayahan at kaalaman ng
isang mahusay na edukasyon na kanilang magiging sandata sa pagkamit sa tugatog ng
tagumpay.

Guro 2: Gayundin naman, sabay-sabay nating saksihan ang isang panibagong kasaysayan sa
buhay ng ating mga mag-aaral na matapang na hinarap at sinuong ang hamon sa akademya
ng Taong Panuruan 2022-2023. Mga hamong napagtagumpayan dahil sa kapit-bisig na
pagkilos ng ating mga lider edukasyon, mga guro, mga magulang, mga lingkod bayan, at mga
miyembro ng ating komunidad, na ginawa ang lahat ng mabuting hakbang upang
masigurong…..

Guro 1 at 2: …..ang mga “ Gradweyt ng K-12: Hinubog ng Matatag na Edukasyon.”


(Sa bahaging ito magsasabay ang Guro 1 at 2)

1
PROSESYUNAL

Guro 1: Mga ginoo at binibini, tumindig at ating tunghayan ang prosesyunal ng mga
magsisipagtapos, mga mag-aaral na may karangalan, mga guro, administrador ng paaralan,
panauhing pandangal, tagamasid pandristo, tagamasid pansangay, pansangay na kawaksing
tagapamanihala ng mga paaralan, at pansangay na tagapamanihala ng mga paaralan.

• Pagpasok ng mga Magsisipagtapos at mga Magulang


(Sa bahaging ito babanggitin ng mga tagapagdaloy ang pangalan ng bawat pangkat
na pumapasok sa bulwagan)

• Pagpasok ng mga Opisyales ng Paaralan, Panauhing Pandangal at Ibang Hanay


ng Kagawaran/Opisyales
(Sa bahaging ito babanggitin ng mga tagapagdaloy ang pangalan ng mga opisyales ng
paaralan, panauhing pandangal at opisyal ng kagawaran na pumapasok sa bulwagan)

ENTRANS OF KOLORS

Guro 1: Manatili po tayong nakatindig. Mga minamahal ang Entrans of Kolors.

PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS

Guro 2: Ang Palatuntunang Pagtatapos ay handa ng magpatuloy, tayo ay magbigay pugay sa


ating watawat sa pamamagitan ng pag-awit ng ating pambansang awit na susundan naman
ng Awit ng DepEd Rehiyon III, at Awit ng Tarlac sa kumpas ni Ginoo/Binibini __________________.

INBOKASYON

Guro 1: Marapat lamang na tayo ay magpasalamat at magpuri sa Dakilang Lumikha na siyang


tunay na may-akda ng gawaing ito, sa pamamagitan ng isang panalangin sa pangunguna ni
Ginoo/Binibini __________________________.

MENSAHE NG PAGTANGGAP
Guro 2: At ngayon, upang tanggapin tayong lahat sa mahalagang pagdiriwang na ito,
salubungin natin ng isang masigabong palakpakan si _____________________________, May Mataas
na Karangalan para sa kaniyang mensahe ng pagtanggap.

Guro 1: Maraming salamat _________________________________ sa iyong mainit na pagtanggap sa


mga nagsipagdalo sa pagdiriwang na ito.
(Maaaring magdagdag ng adlib ang tagapagdaloy kung kinakailangan.)

2
PAGPAPAKILALA NG MGA MAGSISIPAGTAPOS AT
PAGPAPATIBAY SA MGA GANAP NA MAGSISIPAGTAPOS

Guro 2: At upang ipakilala ang mga mag-aaral na magsisipagtapos sa Taong Panuruan


2022-2023, na masidhing naglaan ng talino at kakayahan sa pag-aaral, tinatawagan natin sa
ating entablado ang butihin at dedikadong Punong Guro ng ____________________________________,
na si ____________________________________.

Guro 2: Pagkatapos ng pagpapakilala ay masasaksihan naman nating lahat ang pagpapatibay


at pagpapatunay sa mga ganap na magsisipagtapos na isasagawa ng ating masigasig na
Pansangay na Tagapamanihala ng Lalawigan ng Tarlac / Kinatawan ng Pansangay na
Tagapamanihala ng Lalawigan ng Tarlac ___________________________________________. Kaalinsunod
nito, ang kaniyang mensahe sa ating mahal na mga mag-aaral.

PAGGAWAD NG DIPLOMA
SA MGA MAG-AARAL NA MAGSISIPAGTAPOS

Guro 1: Maraming salamat po ______________________________ (Punong Guro), at


________________________________ (Pansangay na Tagapamanihala/Kinatawan ng Pansanay na
Tagapamanihala), sa pagpapakilala at pagpapatibay sa ating mga magsisipagtapos.

Dahil ang inyong pagtatapos ay ganap ng pinagtibay, humanda na kayo sa pagtanggap ng


inyong orihanal na diploma na siyang katibayan at simbolo ng inyong hindi matatawarang
dedikasyon sa pag-aaral at pagbibigay halaga sa yaman ng edukasyon.
Sa pagkakataon pong ito, ating hinihiling ang butihing Punong Guro ng ating paaralan na
si______________________________, at and ating masigasig na Pansangay na Tagapamanihala ng
mga Paaralan ng Lalalawigan ng Tarlac / Kinatawan ____________________________, upang
Samahan tayo sa pag-aabot ng orihinal na diploma sa ating mga magsisipagtapos.
(Babasahin ng Tagapagdaloy / Tagapayo ang pangalan ng mga magsisipagtapos na
tatanggap ng diploma.)

PAGGAWAD NG PARANGAL
Guro 2: Matapos na maipagkaloob ang diploma sa ating mga mag-aaral na nagsipagtapos, ay
igagawad naman natin ngayon ang medalya ng tagumpay sa mga mag-aaral na nagkamit ng
karangalan sa kanilang pagtatapos, mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan sa kanilang
pagkapanalo sa iba’t ibang patimpalak na nilahukan, at mga mag-aaral na nagpakita ng husay
sa iba’t ibang disiplinang pang-akademiko.

3
At sa pagkakataon pong ito, ay muli nating inaanyayahan ang ating Punong Guro na si
_________________________, upang samahan tayo sa paggawad ng parangal.
(Babasahin ng Tagapagdaloy / Tagapayo ang pangalan ng mga gagawaran ng parangal)

MENSAHE NG PASASALAMAT
Guro 1: Binabati naming kayong lahat sa inyong pagpapakita ng husay sa pag-aaral. Ang mga
medalyang inyong natanggap ay sumasalamin sa inyong pagpupunyaging maging mahusay
sa akademya. Hiling namin na kayo ay magpatuloy sa pagkamit ng mataas na antas ng
karunungan at magpatuloy sa pagpapamalas ng galing sa mga landasing nais ninyong
tahakin.

Batid nating lahat na hindi makapangyayari ang Palatuntunang Pagtatapos na ito kung wala
ang mga taong naging sandalan at katuwang ninyo sa inyong pag-aaral. Ang salitang salamat
ay makatutulong upang ipadama sa kanila ang lubos nating pagkilala sa kanilang malaking
kontribusyon sa pagdiriwang na ito. Kaya upang ihatid ang mensahe ng pasasalamat, ating
tinatawagan si _____________________________, nagkamit ng May Pinakamataas na Karangalan.

AWIT NG PAGTATAPOS
Guro 2: Ang musika ay nagdudulot ng kapanatagan sa ating mga kaluluwa sa panahon ng
pagkabalisa, kalungkutan, at pag-aalala. Ito rin ay ekspresyon ng ating kasiyahan, at
pagmamahal. Simbolo ng pagdiriwang, gabay, at paalala. Kung kaya, ating damhin ang
mensahe ng awit ng pagtatapos mula sa ating mga magsisipagtapos na
pinamagatang______________________________.

PANGWAKAS NA PANANALITA
Guro 1: Pasalubungan po natin ng masigabong palakpakan ang ating ______________________, na
si _____________________, sa kaniyang panghuling pananalita.

RESESYUNAL
Guro 2: Ang pagtatapos ay naganap na. Isang yugto ng inyong mga buhay ang magsasara sa
araw na ito. Ngunit bukas, ay panibagong yugto naman ang magbubukas.

Guro 1: Panibagong yugto na kayo ang siyang susulat at uukit ng kasaysayan nito.
Panibagong yugto ng inyong bukas na punong-puno ng pag-asa.

4
Guro 2: Nawa’y bitbitin ninyo sa inyong paghayo ang aral at pinakamataas na prinsipyo ng
inyong inang diwa. Gamitin ninyo ito upang pumaimbulog at walang sawang pumagaspas
hanggang makamit ang rurok ng katagumpayan.

Guro 1: At sa inyong pagtatagumpay, huwag kalimutang mag-alay ng pasasalamat sa ating


Poong Maykapal.

Guro 2: Ako po si ___________________________________.


Guro 1: At ako naman po si _____________________________. Ang inyong mga guro ng palatuntunan.

Guro 1 at 2: Maligayang bati at Magandang araw po!

Guro 2: Ang mga nagsipagtapos sa kanilang resesyunal.

( Paalala: Para resesyunal, unang isasagawa ang Eksit of Kolors, na susundan ng paglabas ng
Administrador ng Paaralan, Panauhing Pandangal, Tagamasid Pandristo, Tagamasid
Pansangay, Pansangay na Kawaksing Tagapamanihala ng mga Paaralan, Pansangay na
Tagapamanihala ng mga Paaralan, mga Guro, mga Tagapagdaloy, at mga nagsipagtapos.)

You might also like