You are on page 1of 2

1. Mabuhay! Magandang umaga/hapon po sa inyong lahat.

Pasalubungan po
natin ng masigabong palakpakan ang mga mag-aaral na magsisipagtapos sa
taong panuruang 2017-2018 sa paaralang elementaryang ___________
kasama ang mga guro, magulang, punongguro, pinuno at tagapamanihala,
tagamasid at panauhin.

2. Bilang pagbubukas ng palatuntunan, ang madla’y inaanyayahang tumayo


para sa pag-awit ng LUPANG HINIRANG (na pamumunuan ng CHORALE,
kung mayroon) sa pagkumpas ni___________, susundan poi to ng pag -awit
ng Himno ng Lunsod____, pagkumpas ni_______ at ng Panalangin na
pamumunuan ni _________ batang nagkamit ng may Mataas na Karangalan.

3. Masasaksihan po natin ngayong hapong/umagang ito ang ika___ taong


pagtatapos sa Paaralang Elementaryang______________. Malugod po
naming ipinababatid na sa mahalagang pagdiriwang na ito ay kapiling natin
ang ating Kagalang-galang na Punong Lungsod, Mayor ___________.
Kinatawan ng Distrito_______,Kgg. _______________, mga Konsehal, at
mga Pinuno ng Barangay. Pangalawang Tagapamanihala, Pinunong
Namamahala sa Sangay mga Paaralang Lungsod,_______________,
Tagamasid Pampurok (sa elementarya) na si ___________.

PASALUBUNGAN PO NATIN SILA NG MASIGABONG PALAKPAKAN.

4. Ipakikilala ang mga magsisipagtapos at patutunayan ng ating punongguro,


na si _____________ ang kanilang pagtatapos sa Taong Panuruan 2017-2018 sa
Paaralang Elementarya at susundan poi to ng pag-abot ng katibayan at
paggawad ng medalya sa mga mag-aaral na may karangalan ng ating
pinagpipitagang TAGAPAMANIHALA ng Sangay ng mga Paaralang Lungsod,
Lungsod _______ si _____________, (sa elementarya, ang pagpapatunay ay
gagawin ng Tagamasid Pansangay/Tagamasid Pampurok).

PALAKPAKAN PO NATIN SILA.

5. Pababaunan ang mga nagsipagtapos ng inahahalagang mensahe mula sa


ating dalawang panauhing pandangal na ipakikilala ng ating Punongguro na si
____________.

6. Maraming salamat po. Kagalang-galang na Kongressman at Mayor ng


Lungsod _____, sa inyo pong napakahalagang mensahe na ibinahagi ninyo
sa amin sa araw na ito. Natitiyak po naming na ang inyong mensahe ay
magsisilbing inspirasyon at gabay naming sa pagtahak ng bagong landas ng
pakikipagsapalaran tungo sa maunlad na kinabukasan.

BIGYAN PO NATIN SILA NG MASIGABONG PALAKPAKAN.

7. Ngayon naman pakinggan natin ang pananalita ni _____________, ang


nagkamit ng may Pinakamataas na Karalangan.

8. Hinihiling na magsitayo ang mga nagsipagtapos para sa kanilang


Panunumpa ng Katapatan sa pangunguna ni __________ ang Batang
nagkamit ng may mataas na karangalan.

9. Bago ang pangwakas na Awit, malugod po naming ipinababatid na kapiling


din natin ngayon sina ___________________, ____________________.
Kanin apo lamang ay kapiling din natin si _________________ subali’t dahil
po sa iba pa niyang “commitments” ay nagpasabi po siyang hindi na niya
tatapusin ang seremonyang ito.

10. Ngayon po’y pakinggan natin ang mga nagsipagtapos para sa pangwakas na
awit na pinamagatang, ________ sa pamumunoi ng Chorale, (kung
mayroon) at sa pagkumpas ni _________.

11. Sa ngalan po ng pamumunuan ng aming paaralan at mga guro, taos-pusong


binabati naming ang mga nagsipagtapos, ang kanilang mga magulang, mga
gurong pumatnubay at lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga
tumulong, nagbigay ng mga medalya at gantimpala, mga panauhing
nagsidalo at nakiisa, sa pagtatapos na ito.

Maraming-maraming salamat po at mabuhay tayong lahat.

12. Mga Kaibigan, ang resesyonal ay pangungunahan ng mga panauhin,


pangalawang tagapamanihala, pinunong namamahala sa sangay, pungguro, puno
ng kagawaran, magulang, guro at nagsipagtapos.

You might also like