You are on page 1of 4

Talumpati sa Araw ng Pagtatapos

Sa pinagpipitagan naming Pangulo ng IHMS,/ Gng. Felicidad A. Dunglao/, sa minamahal


naming kanyang Pangalawang Pangulo,/ Gng. Zenaida A. Lacdan ,/ sa ipinagmamalaki naming
panauhing pandangal,/ Bb. Ayeza Andrea Espaol,/ sa aming mga katangi-tanging guro,/
aming mga magulang,/ mga kaibigan/ at mga kapwa ko mag-aaral,/ magandang umaga po sa
ating lahat. / Maligayang pagdating po/ sa ika-29 na Pangkahalatang Pagtatapos/ sa
Immaculate Heart of Mary School!/
Ang araw na itoy di lamang po tanda ng aming tagumpay/ sa nakalipas na anim na taong
pagpupunyagi sa mababang paaralan,/ hudyat din po ito ng pagdiriwang at pasasalamat./
Pagdiriwang sapagkat /pasimula rin po ito ng panibagong kabanata sa aming buhaykabataan./ Pasasalamat sapagkat/ sa patuloy po naming pag-abot ng aming mga pangarap,/
may mga gurong lagi pa rin handang gumabay sa amin/ karamay ng aming mga magulang./
Makasaysayan at makabuluhan po ang araw na ito./ Kalakip nito ang mga pagbabagong pangedukasyon/ dulot ng Enhanced Basic Education Act of 2013/ o mas kilala po bilang
programang K-to-12 ng ating pamahalaan./ Ano nga ba ang K-to-12?/ Sa ilalim po nito,/ ang
ating pangunahing edukasyon/ ay binubuo na ng K para sa Kindergarten/ at ng 12 para sa
susunod na anim na taon ng edukasyong Elementarya,/ apat na taon sa Junior High School /at
dalawang taon sa Senior High School./ Mas hinigpitan at tinutukan po ang pagtuturo/ ng mga
batayang kaalaman sa Elementarya at Junior High School;/ at sa Senior High School /naaayon
po sa career path na gusto ng isang estudyante ang mga subject na kanyang kukunin/ maging
ito poy para sa akademya,/ technical and vocational education/ o sa sports and arts./ Sa
karagdagang dalawang taon,/ naniniwala po ang ating pamahalaan/ na higit na mapapahusay
at mabibigyan ng sapat na panahong mahinog at mapaunlad/ di lamang ang mga kaalaman,
talento at skills ng kabataang Pilipino/ kundi pati na rin ang kanyang karakter at kabuuang
personalidad./ Inihahanda rin po nito/ ang mga kabataan/ di lamang para sa kolehiyo kundi
sa pagkakataong makapagtrabaho,/ magkaroon ng mas magandang buhay/ at maging mas
produktibong bahagi ng ating bansa./ Layunin din po ng K-to-12 na isulong sa mas mataas na
antas/ ang kwalipikasyon at kakayahan naming mga kabataan/ ng naaayon sa pamantayang
internasyunal at pangangailangan/ ng mga bansa sa Asya at ng buong daigdig/ - ang maging
globally competitive saan mang dako ng mundo./

Iba-iba man po ang pagtingin natin sa K-to-12/ resulta man ito ng ASEAN economic
integration,/ mapalad pa rin po ang batch namin na maging isa sa mga naunang mag-aaral/ sa
ilalim ng bagong kurikulum na ito./ Mas natuto po kaming magpahayag ng aming mga saloobin
at pang-unawa/ tungkol sa aming mga aralin./ Higit pa po sa mga nakasulat sa aming mga
aklat,/ natuto kaming mas magsaliksik kung bakit ganito o ganyan,/ at kung anu-ano nga bang
kahalagahan ng mga ito sa kasalukuyan./ Mas naging sensitibo po kaming ilapat/ang aming
mga natututunan sa tunay na buhay./ Reality check wika nga nila./
Ikaw,/ ako,/ tayong lahat ay bahagi ng Kabataang Mula sa K-to-12,/ Tagapagdala ng
Kaunlaran ng Bansang Pilipinas./
Hamon po ito sa aming mga kabataan/ upang lalo naming pagyamanin/ ang magandang
edukasyong aming nakamit sa nakalipas na mga taon./ Kahit ilang beses pa po kaming mabigo
sa aming mga mithiin,/ patuloy pa rin po kaming magpupursigi,/ magtitiis,/ magtitiwala sa
aming mga kakayahan/ at mananalig sa Maykapal./ Try and try until you succeed!/ Di ba po/
nagbunga naman ang kasabihang ito/ sa ating Miss Universe 2015/ na si Bb. Pia Alonzo
Wurtzbach./ Sabi nga po ni OTWOL director Antoinette Jaodane/ "Minsan/ may mga bagay na
kailangang hintayin nang matagal/ para kapag makuha mo na sa wakas,/ mas masarap..."
/#masmatamisangtagumpaynapinaghirapan/
Immaculanians,/ lahat tayoy may angking kagalingan/ upang makatulong sa ating pamilya,/
kapwa/ at lipunan./ Tayo na ang kabataan ngayon/ - mas matatag,/ may sariling pag-iisip at
paninindigan./ Kung may Timon si Serena Marquesa sa Dolce Amore sa kanyang pamamasyal
sa Maynila,/ tayo naman ang mga timon o makina ng bangkang Pilipinas/ na siyang gagabay
sa patuloy nitong paglalayag tungo sa kaunlarang inaasam./ Nakasalalay sa ating kabataang Kto-12/ ang pag-usbong ng minimithing pagbabago/ para sa isang mas maliwanag na
kinabukasan para sa bagong henerasyon./ Kung hindi tayo magsisikap ngayon,/ kailan pa? /At
kung hindi tayo,/ sino pa?/
Kalakip ng aming pagtanggap sa hamong ito/ ang isang pangako./ Nangangako po kami aming
sintang paaralang IHMS,/ saan mang dako kami mapadpad,/ patuloy kaming magsisikap upang
maging kapaki-pakinabang na mga mamamayan ng ating bansa/ sa matuwid na daan./
Magtutulong-tulong rin po kaming mapangalagaan/ ang ating kalikasan at mundong

ginagalawan./ Patutunayan po namin kay Gat Jose Rizal,/ ang ating pambansang bayani/ na
kami ngang mga Kabataan ang Pag-asa ng ating Bayan./
Sa aming pagsulong sa kinabukasan,/ nais po naming magpasalamat sa mga biyayang aming
natamo/ higit sa lahat,/ sa mga taong naging bahagi ng aming paglaki at paglalakbay-aral./
Salamat po sa aming sinisintang paaralan,/ sa iyong pamunuan,/ mga dakilang guro/ at sa
lahat ng mga bumubuo rito./ Sa loob ng maraming taon,/ pinanday po ninyo ang aming pagiisip,/ pagkatao/ at pananampalataya/ upang sa loob ng tamang panahon/ kami ay maging
mabubuting mamamayan ng ating lipunan./
Salamat po sa inyo, /aming mga magulang at mga kapamilya/ sa inyong patuloy na
pagmamahal,/ pag-aaruga,/ pang-unawa,/ pagtatanggol/ at pag-alalay sa amin sa tuwina./
Higit pa po sa mga materyal na bagay/ ang ipinagkaloob ninyo sa amin./ Iniaalay po namin sa
inyo/ ang mga katibayan na ito ng aming pagtatapos./ Maraming salamat po sa inyong mga
sakripisyo,/ pagdarasal/ at pagsisikap na kamiy mapag-aral./
Sa iyo aking Mama Lennie,/ maraming salamat po/ kasi lagi kang nandyan para sa amin ni
Kuya./

Hinahangaan ko po/ ang iyong katatagan/ na kamiy maitaguyod at mapalaking

maayos/ sa gitna ng mga pagsubok/ at di makakailang hirap mo/ sa pag-intindi sa aming mga
ugali at gawi./ Sa aking kapatid na si Kuya Gab,/ salamat sa pag-iingat at pangangalaga mo sa
akin sa tuwina./ Mahal na mahal ko kayo!/
Sa mga kapwa ko kamag-aral,/ salamat sa lahat ng mga alaala,/ samahan/ at pagkakaibigan./
Hindi natin maitatawid ang bawat araw/ kung wala ang ating mga kwentuhan,/ tawanan,/
kulitan,/ kantiyawan,/ asaran,/ pantitrip,/ tuksuhan sa mga lovelife daw,/ iyakan,/ tulungan
at katagumpayan./ Aminin ninyo,/ mamimiss natin ang bawat isa/ kahit na sabihin pang may
mga tampuhan paminsan-minsan./ Di ko malilimutan yung panahon na napalabas tayo sa
classroom/ kasi di tayo nakikinig sa nagle-lecture ng earthquake drill,/ yung napakasaya
nating mga intramurals,/ yung iyakan noong recollection/ at syempre pa/ yung mga
grupong 7G,/ TF,/ Partner in Crime/ na nakasama ko through thick and thin./ Ikinasisiya
kong napabilang ako sa pinakamagandang section,/ ang St. Bernadette./ Proud ako sa ating
narating./

Sa pagkakataong ito,/ nais ko pong pasalamatan ang isang napakabuting kaibigan/ na


nagsilbing nanay-nanayan ko at bestie,/ ang aking mommy, si +Franceska Marie Lubuguin./
Saan ka man naroroon ngayon,/ maraming salamat dahil marami akong natutunan sa iyo/ di
lamang sa pag-aaral ko kundi pati na rin sa mga pananaw sa buhay./ Maaga man ang iyong
naging paglisan,/ alam kong masaya ka na sa piling ng Maykapal./ Salamat muli/ kasi alam
naming bilang aming anghel Cheska,/ patuloy mo kaming ginagabayan at isinasama sa iyong
mga dasal dyan sa kalangitan./ Miss na miss ka na namin./
Nagpapasalamat din po kami/ sa mga tao sa ating lipunan na kaagapay ng ating pamahalaan/
sa patuloy nilang pagsisikap na mabigyan kami/ ng mas maayos at mas payapang pamayanang
ginagalawan/ upang kamiy lumaking mabuti at kasiya-siya./
At higit kanino man,/ ang aming pong taos-pusong pasalamat sa Iyo,/ aming Poong-Maykapal,/
sa angkin naming kagalingan/ at tinatamasang karunungan./ Naway gamitin Mo po kami/
upang matulungan namin ang aming Inang Bayan/ na makamit ang mga pagbabago at
kaunlarang nilalayon nito./
Congratulations Batch 2016!/ Kalugod-lugod nating natupad/ ang mga kinakailangan sa anim
na taong pagpupunyagi sa mababang paaralan./ Manatili tayong mapagkumbaba/ at isa-puso
nating lahat/ ang ating mga natutunan sa IHMS./ Gamitin natin ang mga ito/ sa muli nating
paghakbang/ sa mas malaki pang kabanata ng ating buhay-pag-aaral,/ ang Junior High
School./ Taas-noo/at buong tiwala po naming tinatanggap/ ang hamon ng K-to-12./
Goodluck sa ating lahat!/ Naway sa K-to-12,/ matagumpay nating mabigyan-lakas/ si Juan
Dela Cruz /upang mapaunlad niya/ di lamang ang kanyang sarili at pamilya/ kundi higit sa
lahat ang buong bansa./
Mabuhay ang Kabataang K-to-12!/ Mabuhay tayong mga Immaculanians!/
Muli,/ ang aming pasasalamat/ at mainit na pagbati sa tagumpay nating lahat!/

Angelica V. Dela Via


Grade 6 Bernadette

You might also like