You are on page 1of 2

Gradweyt ng K to 12: Hinubog

ng Matatag na Edukasyon (Kto


12
Graduates: Molded through a
Resilient Educational Foundation
Gradweyt ng K to 12:
Hinubog ng Matatag
na Edukasyon (Kto 12
Graduates: Molded
through a Resilient
Educational Foundatio
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division of Palawan
Balabac District
MELVILLE ELEMENTARY SCHOOL
Balabac, Palawan

MENSAHE SA PAGTATAPOS 2022-2023

Labis ang aking kagalakan at pagmamalaki na ipaabot ko ang aking pagbati sa mga
magsisipagtapos sa elementarya sa taong panuruan 2022-2023. Ang inyong pagsusumikap sa
anim na taong pag-aaral ay mabibigyan na ng katuparan sa pamamagitan ng pagkamit ng
katibayan ng pagtatapos.

Batay sa tema, “GARDWEYT NG K-12: HINUBOG NG MATATAG NA


EDUKASYON (K TO 12 GRADUATES: MOLDED THROUGH A RESILIENT
EDUCATIONAL FOUNDATION),” nagsasaad na ang mga kabataang magtatapos sa
Kurikulum ng K to 12, ay hnubog at pinatibay ng panahon na maaaring makipag sabayan sa
larangan ng edukasyon saan mang dako ng mundo.

“Patuloy tayong magsilbing


pundasyon na humuhubog sa matatag na edukasyon ng ating
henerasyon”.
Sa aking mga kasamahang mga guro salamat, nawa;y “Patuloy tayong magsilbing
pundasyon na humuhubog sa matatag na edukasyon ng ating henerasyon”.

Sa inyong pagtatapos, ito ay magbubukas ng maraming pagkakataon na inyong maipamalas


ang inyong kaalaman, kasanayan at magandang pag-uugali sa inyong mga magulang, kapwa,
komunidad at sa ating bansa. Sa inyong muling paglalakbay sa susunod na antas ng pag-aaral,
laging tandaan na ang edukasyon ang maghahasa sa inyong kaisipan at maghahanda sa
inyong kinabukasan upang ang pangarap na inyong inaasam-asam ay matupad.

Magbigay pugay sa PANGINOON sa mga biyayang ipinag kaloob niya sa inyo at hilinging
muli ang kanyang patnubay na kayo ay gabayan sa tatahakin landas sa pag-aaral.
Hangad ko na magkaroon kayo ng tibay ng loob na maisulong ang katuparan ng inyong mga
pangarap

Maligayang Pagtatapos sa inyong lahat at pagpalain kayo ng Maykapal!

ROGER N. ORIBIANA JR.


Head Teacher III
MELVILLE ELEMENTARY SCHOOL

You might also like