You are on page 1of 1

MY INSPIRATIONAL MESSAGE

Ive been witnessing and attending numbers of investitures in my 10 years in scouting, but still every time the ceremony
happen it still give me goosebumps. Lalo na sa mata ng mga magulang na Makita nilang isang ganap na scout ang
kanilang mga anak.

Meron isang batang lalaki akong nakilala na katulad ninyo nasa elementarya nangarap din magsuot ng type A, sumama
sa mga backyard camping, umakyat at Makita ang ganda ng Makiling pero dala ng kahirapan sa buhay tanging
neckerchief at kalabaw lang ang nabili sakanya ng kanyang ina. Pagtungtong nya ng Junior High School nagging
malamlam ang BOY SCOUTS OF THE PHILIPPINES sa kanya gawa na din cguro na masyadong competitive pagdating sa
academics. Hindi nagtapos ang pangarap ng batang at ito paglipas ng napakaraming taon sa kanyang napiling kurso
muling kumatok sa pintuan ng kanyang puso ang BOY SCOUT OF THE PHILIPPINES bilang isang adult leader. Adult leader
na nagging tagapayo ng ilang mga batang scouts sa kanilang pagtahak sa mundo ng scouting.

Sa panahong sya ay nagging leader doon plang nya naranasan ang dating mga pangarap lamang ang makapagsuot ng
type A, sumama sa mga backyard camps, magtayo ng tent, magluto ng itlog mula sa papel pati na rin ang matulog sa
ilalim ng puting ilaw at sa dilaw na buwan 

Taong 2018 kinalampag naman sya ng BSP upang magkaroon pa ng mas mataas na pangarap at magsanay sa loob ng
pitong araw at anim na gabi sa bundok makiling. Dito naranasan nya ung tinatawag nilang “SCOUTING’S PREMIER
TRAINING”.

Hindi maitatanggi na ang batang’ dati ay nangarap lang na makapgsuot ng type A, makasama sa backyard camps ngaun
ay “NASA INYONG HARAPAN NAGBIBIGAY NG ISANG SIGLANG PANANALITA”

My gentle reminder to you this morning as a new members of the world wide movement with over 500 million members
Is coming from the PARABLE OF A PENCIL O ANG PARABULA NG LAPIS

- May limang bagay na kailangan mong malaman,” sabi niya sa lapis, “Bago kita ipadala sa daigdig. Lagi mong
tatandaan ang mga ito, at huwag mong kalilimutan kailanman, at ikaw ay magiging isang pinakamahusay na
lapis.”

1. Makagagawa ka ng mga dakilang bagay, ngunit mangyayari lamang ito kung hahayaan mong hawakan ka ng
isang Kamay.”
2. Makararanas ka ng napakasakit na pagtatasa sa pana-panahon, ngunit kakailanganin mo ito upang ikaw ay
maging mas mabuting lapis.”
3. Makararanas ka ng napakasakit na pagtatasa sa pana-panahon, ngunit kakailanganin mo ito upang ikaw ay
maging mas mabuting lapis.”
4. “Ang pinakamahalagang bahagi mo ay kung ano ang nasa iyong loob.”
5. Kung saan ka gamitin, mag-iiwan ka ng bakas. Anuman ang mangyari, magpatuloy ka sa pagsulat.”

- Naunawaan ito ng lapis at nangakong tatandaan ang mga habilin. Pumasok siya sa kahon na taglay sa puso ang
layunin ng kanyang Manlilikha. Ngayon, ipalagay mong ikaw ang lapis na iyon. Lagi mong tandaan ang mga
habilin at huwag kalilimutan ang mga ito kailanman, at makakamit mo ang pinakarurok ng pagiging tao na
maaari mong maabot.

1. Makagagawa ka ng mga dakilang bagay, ngunit mangyayari lamang ito kung hahayaan mong hawakan ng
Diyos ang iyong kamay, at kung hahayaan mong makabahagi ang iyong kapuwa sa mga biyayang
ipinagkaloob sa iyo.
2. Makararanas ka ng napakasakit na pagtatasa sa pana-panahon sa iyong pagtahak sa samutsaring suliranin ng
buhay; ngunit kakailanganin mo ito upang ikaw ay maging mas malakas
3. Maiwawasto mo ang mga kamaliang maaari mong magawa.
4. Ang pinakamahalagang bahagi ng iyong sarili ay kung ano ang nasa iyong kalooban.
5. Sa bawat landas na iyong tahakin, magiiwan ka ng bakas. Anuman ang mangyari, ipagpatuloy mo ang
pagtupad sa iyong mga tungkulin at pangarap.

HUWAG KANG MASISIRAAN NG LOOB KAILANMAN. HUWAG NA HUWAG MONG IISIPIN NA WALANG SILBI ANG IYONG
BUHAY AT WALA KANG KAKAYAHANG LUMIKHA NG PAGBABAGO.

NILIKHA KA UPANG LUMIKHA NG MGA DAKILANG BAGAY.

You might also like