You are on page 1of 20

TALUMPATI NG

PASASALAMAT
Ni Jonhpol Victoriano
Sa lahat ng naririto, sa ating
panauhing pandangal, Bro.
Vince Saulong, sa ina ng ating
paaralan, Ginang Remedios D.
Ilagan, sa ating pang-ulong
guro, Ginang Lilybeth I. Dela
Vega, sa
masisipag na mga guro, sa
mga mahal naming mga
magulang, at mga kapwa
ko
magsisipagtapos, isang
mapagpala, mapagpalaya at
magandang araw po sa ating
lahat.
Sabi ni John F. Kennedy, “we
must find time to stop and thank
the people who make a
difference in our lives”.
Huminto at magpasalamat daw
tayo sa mga taong gumawa ng
pagbabago
sa ating buhay. Kaya sa
pagkakataong ito, sa araw ng
aming pagtatapos, mag-uukol
kami ng
oras at pasasalamat sa mga
taong naging bahagi ng aming
tagumpay.
Bilang isa sa siyamnapu’t
walong (98) magsisipagtapos sa
araw na ito, nais naming ipaabot
ang aming lubos na
pasasalamat, unang-una sa ating
Panginoon na laging nagbibigay
ng lakas,
talino, tibay, at tatag upang
magpatuloy ang bawat isa sa
hakbangin ng buhay at
Kaniyang pag-
iingat at paggabay upang
makamit naming ang aming
pangarap at masunod ang
Kanyang
kalooban.
Sa mga namumuno sa
paaralang ito, salamat po
sa inyong maayos at
sistematikong
pamumuno at pamamalakad. Sa
aming mga naging guro na
nagsikhay sa pagtuturo ng aralin
upang masiguradong kami ay
may natutunan kahit sa paraang
modyular, sa pagtutuwid sa mga
nagawang mali, sa
pagbibigay ng mga payo
na aming magagamit saang
lugar man kami
mapunta, sa pagsisilbi
bilang aming pangalawang
magulang dito sa paaralan
na aming
pangalawang tahanan, sa
paghubog sa aming pagkatao,
tanggapin po ninyo ang aming
lubos at
walang sawang
pagpapasalamat.
Sa aming mga magulang na
nag-alaga sa amin simula
noong kami’y mga sanggol pa
lamang, nagturo sa amin kung
paano maglakad, nagpakain at
nag-alaga sa tuwing kami’y
may
sakit, nagtiis magtrabaho sa
ilalim ng matinding sikat ng
araw, nagsakripisyo na
mapalayo samin
upang magtrabaho sa Maynila o
sa ibang bansa para matustusan
lamang ang aming pag-aaral,
tanggapin po ninyo ang
aming buong pusong
pasasalamat. Nawa’y
mapasaya namin kayo
ngayong araw ng aming
pagtatapos, dahil sa wakas,
ang inyong mga paghihirap,
pagtitiis at
pagsasakripisyo ay nagbunga
na.
Sa mga kapwa ko
magsisipagtapos, mga
kaklase at mga kaibigan,
salamat sa hindi
pagsuko, sa hindi pagbitaw sa
mga pangarap, at sa hindi
pagtigil upang maging
“gradweyt” na
matatawag. Siguro kung
tayo ay sumuko at
bumitaw, malamang walang
98 na magtatapos
ngayon. Salamat sa lahat
ng tawanan, kulitan,
kalokohan at damayan.
Salamat sa ala-ala,
malungkot man o masaya na
babaunin natin sa ating
pagtanda. Alam ko na pagtapos
ng araw na
ito, mag-uumpisa na tayong
tahakin ang ating sari-sariling
landas, siguradong mahirap
iyon pero
tandaan natin ang sinabi ni
Monkey D. Luffy “No matter
how hard or impossible it is,
never lose
sight of your goal.”
Nais ko na rin sanang gamitin
ang pagkakataong ito upang
pasalamatan ang aking mga
magulang, Papa George at
Mama Roda Victoriano, hindi
sapat ang salitang “Salamat”
upang isa-
isahin ko ang mga nagawa
ninyo para sa akin at sa ating
pamilya. Naiintindihan ko po
kung gaano
kahirap ang buhay kaya’t
kailangan kong magsikap at
iyon ay dahil sa inyo.
Gusto ko ring pasalamatan ang
isa sa aking naging guro na
nagmulat sa akin sa aking
kahinaan. Ma’am Gina,
maraming salamat po, hindi ko
po alam kung tanda niyo pa po
yung
sinabi ninyo sakin na mahilig
ako magmadali, kaya hindi ko
na naaayos ng pagsagot yung
mga
dapat kong sagutan. Pinag-
isipan ko po ng mabuti yung
sinabi ninyo at napagtanto ko
po na tama
kayo. Dahil doon tila may
nagbukas sa akin na bagong
pinto, kaya maraming salamat
po talaga.
Mula sa 98 puso na tumitibok
para magpatuloy, mula sa 98
buhay na nahubog at nabago,
mula sa aming 98
nagsipagtapos ngayong
panuruang 2021-2022, salamat
po sa pagpapanday
sa amin upang maging
Gradweyt ng K to 12: masigasig
sa mga pangarap at matatag sa
mga
pagsubok.
Muli, magandang hapon po
sainyong lahat

You might also like