You are on page 1of 1

Magandang Asal

Magandang asal ating pagyamanin,


Ito’y nagmula sa ninuno natin,
Araw-araw itoy ating gamitin,
Sa pamilya’t sa kapwa palaganapin.

Paggamit ng po’t opo ay maganda,


Paggalang sa kapwa dito makikita,
Gamitin sa bahay at sa eskuwela,
Bilang pagrespeto sa ating kapwa.

Tulad na rin ng pagtulong sa bayan,


Hindi lang pera pwedeng ilaan,
Pagbigay oras at ikaw ay nandiyan,
Isang asal na higit kailangan.

Magandang asal di dapat mawala,


Baka ito di gagawin mo na,
Magandang asal lagi ipakita
Para lahat maayos at masaya

You might also like