You are on page 1of 2

KAPALIGIRAN

Dumaan ang habagat sa Luzon. Nagdulot ito ng


pinsala sa tao. Maraming lugar sa Maynila, Pampanga,
Quezon, at Aurora ang lumubog sa baha. Nagmistulang
malaking karagatan ang mga ito. Lumutang din at
natangay ng baha ang tambak na basura. Malaking
halaga ang nawala sa libo-libong mamamayan. Maraming
pananim ang nasira sanhi ng malakas at patuloy na pag-
ulan. Marami ring buhay ang nakitil. Nasira ang mga
bahay, tulay, at malalaking gusali. Isang dahilan nito ay
ang pagguho ng lupa o landslide.

Maiiwasan sana ang pagguho ng lupa sa mga


kabundukan kung isasagawa ng mga tao ang programa
ng Kagawaran ng Pangangalaga sa Kapaligiran at Likas
na Yaman. Ang muling pagtatanim ng puno sa gubat o
reforestation sa mga nakalbong kabundukan ay
makatutulong sa pag-iwas ng pagguho ng lupa.

Malaki ang magagawa nating mga kabataan. Iwasan


natin ang paggamit ng mga plastik at ang pagtatapon ng
basura kung saan-saan.Mag-umpisa tayong maglinis ng
paligid at magtanim ng mga puno sa mga bakanteng lupa
ng ating bakuran. Gawin itong luntian upang maging
maganda ang kapaligiran.
Mga Tanong:

1. Ano ang sanhi ng paglubog ang mga bahay at pananim?


a. Natumba ang mga puno.
b. Malakas ang hanging habagat.
c. Dumaan ang habagat sa maraming lugar.
d. Nagmistulang dagat ang maraming lugar.

2. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng pangungusap sa kahon?


Nagmistulang malaking karagatan ang maraming lugar.

a. Maraming lugar ang lumubog sa karagatan.


b. Naging bahagi ng karagatan ang maraming lugar.
c. Malapit sa malawak na karagatan ang lugar na nabanggit.
d. Maihahambing sa karagatan ang nangyari sa maraming lugar.

3. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakitil sa binasang seleksyon?


a. naalanganin
b. nagkasakit
c. nagulo
d. nawala

4. Ano kaya ang sanhi ng pagguho ng lupa?


a. Walang bakod ang mga lupain.
b. Maraming mga puno ang pinuputol.
c. Kulang sa paghahanda ang mga tao.
d. Hindi agad nasabi ang pagdating ng habagat.

5. Bakit kailangang alagaan ang kapaligiran? Kailangang alagaan ang kapaligiran upang
__________________________.
a. maiwasan ang habagat
b. maiwasan ang pagbabaha
c. makatulong sa komunidad
d. maitayo ang nasirang mga bahay

6. Ano ang pangunahing ideya na tinalakay sa seleksyon? Tinalakay sa seleksyon ang


_______________________________.
a. sanhi ng habagat
b. mga tinamaan ng habagat
c. pangangalaga sa habagat
d. habagat at ang mga dulot nito

7. Ano ang ginamit ng may-akda upang ipaabot ang mensahe nito?


a. Tinalakay ang bunga at solusyon ng paksa.
b. Ibinigay ang mga problema tungkol sa paksa.
c. Inilahad ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
d. Gumamit ng maraming halimbawa sa buong seleksyon.

You might also like