You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
CONCEPCION INTEGRATED SCHOOL
Concepcion, San Simon Pampanga
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARTS 5
School Year 2019-2020

Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at piliin ang wastong titik sa bawat bilang.
1. Ang _________ ay kwento tungkol sa pinanggalingan ng isang bagay.
A. alamat C. kwentong bayan
B. kasabihan D. kwentong pambata

2. . Paano mo pahahalagahan ang mga disenyo ng mga Pilipino?


A. ipagmalaki C. tumahimik lang
B. sirain D. walang pakialam

3. Ang ____________ ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa pamamagitan ng pag-iwan


ng bakas ng isang kinulayang bagay.
A. drawing C. painting
B. paglilimbag D. sketching

4. Gumagawa kayo ng iyong mga kaklase ng isang likhang-sining ng bigla mong natabig ng di
sinasadya ang water color na ginagamit nio. Ano ang gagawin mo?
A. isusumbong sa guro C. pupunasan
B. magagalit D. pababayaan lang

5. Siya ang tanyag na pintor na gumagamit ng paglilimbag sa kanyang mga obra tulad ng Fruit Picker
Harvesting. Siya ay si _____________?
A. Bernardo Carpio Fernando C. C. Jose Botong Francisco
B. Amorsolo D. Juan Luna

6. Isa sa magandang katangian ng mga Pilipino ay ang ________________ sa kultura tulad ng mga
nakagisnang sariling mito o alamat na nagmula pa sa ating mga ninuno.
A. matiisin C. matipid
B. mapagmahal D. mapagmalaki

7. Ang _______________ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento


o mito, mga kuwento na binubuo ng isang partikular na tao, relihiyon o paniniwala.
A. alamat C. kwento
B. awiting bayan D. mitolohiya

8. Ang mga sumusunod ay mga kilalang alamat sa Pilipinas maliban sa isa.


A. Bernardo Carpio C. Sleeping Beauty
B. Bundok Makiling D. Si Malakas at Maganda

9. Ang mga sumusunod ang mga gamit sa paglilimbag sa papel.


A. papel o karton, limbagang plato, disenyo
B. papel,pinta,hulmaham,lapis
C.lapis,papel,rubber,kahoy,pinta,gunting,hulmahan
D. linoleum, rubber (sole of shoes) kahoy na inukit

10. Ano ang gagawin mo pagkatapos mong gamitin ang iyong mga arts materials pagkatapos ng
inyong klase?
A. magliligpit at itatago ang mga gamit
B. hayaan lang sa sahig
C. tawagin ang kaklase at ipaligpit ang mga gamit
D. itapon sa basurahan lahat ng gamit

11. Maisasagawa ang paglilimbag sa paggamit ng __________.


A. Manila paper C. Puting Papel
B. Papel de Hapon D. Softwood na nilagyan ng disenyo
12. Ang bagong pamamaraan ng paglilimbag ay sa pamamagitan ng __________.
A. Paglalagay ng hugis C. Paglalagay ng kulay
B. Pagtitiklop sa papel D. Pag- iiwan ng bakas

13. Saan inilalagak ang mga likhang sining ng mga sikat na pintor at iskultor na mga Pilipino upang
maingatan?
A. Bahay C. Silid Aralan
B. Museum D. Simbahan
14. Ang mga sumusunod na bagay ay maaring gamitin sa paglilimbag sa papel MALIBAN sa
A. barya C. dahon
B. balat ng kahoy D. hangin

15. “ Nasan ka Pina?” ang pag-aalalang sabi ng kaniyang Ina, nagulat na lamang siya ng may nakita
siyang bunga sa likod ng kanilang bakuran nagtataka ito na napansin nya na parang maraming mata
ito kaya tinawag niya itong Pinya. Ang pangyayaring ito ay hango sa isang alamat, ano kaya ang
pamagat ng kuwentong ito?
A. Ang Alamat ng Ina at ang Pinya C. Ang Alamat ng Pinya
B. Ang Alamat ng prutas D. Ang Alamat ng Mag-Ina

16-20 Gumawa ng isang paglilimbag gamit ang iba’t ibang bagy na makikita sa ating paligid.

Batayan ng Pagsusuri:
Napakahusay- 5 puntos
Mahusay- 3 puntos
Hindi gaanong mahusay- 1 puntos

Inihanda ni:
CARLO D. YAMBAO
T-I

You might also like