You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Capiz
District of Maayon

GUINBIALAN INTEGRATED SCHOOL


Guinbialan, Maayon, Capiz

Unang Pagsusulit sa Filipino 7


Ikalawang Markahan
Pangalan: _______________________________________________________ Petsa: ______________
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Ilang salitang Bisaya na nakasalungguhit ang ginamit sa pangungusap bilang pamalit sa katumbas nitong
salita sa Filipino. Piliin at bilugan ang tamang sagot mula sa pagpipilian.
1. Si Mang Juan ay namasol sa karagatan dala ang kaniyang lambat habang nakasakay sa kaniyang
bangka.
A. lumangoy B. naligo C. nangisda D. nawala
2. Hindi nakalilimutan na magbigay ni Aling Maring ng balon sa kaniyang anak araw- araw.
A. regalo B. baon C. saging D. payo
3. Ang mga prutas ay guibaligya nila sa palengke.
A. ipinagbili B. ipinamigay C. ipinadala D. iniwan
4. Gustong-gusto niya ang sabaw ng sinigang na aslom.
A. init B. asim C. pait D. alat
5. Ginagawa niya ang lahat dahil sa pamilyang kaniyang gihigugma. Ang gihigugma ay…
A. minamahal B. hinihintay C. binabantayan D. iniisip

Panuto: Tukuyin at isulat sa sagutang papel ang titik ng konotatibong kahulugan ng mga salitang
nakasulat ng mariin kaugnay ng nakaugalian ng mga Pilipino.
6. Ang kulay itim ay karaniwang iniuugnay sa:
A. pagluluksa at kalungkutan C. paghihirap at gutom
B. pag-ibig at pagkabigo D. giyera at kaguluhan
7. Ang oyayi ay kaugnay ng:
A. Bangka, pamingwit, at isda C. ina, hele at sanggol
B.. Walis, bunot at basahan D. rosas, gitara at pag-ibig
8. Ang balitaw at kundiman ay karaniwang iniuugnay sa:
A. Pangangaso
B. paggawa ng mga gawaing bahay
C. Panliligaw o pagsasaad ng pag-ibig
D. Pagiging matampuhin
9. Ang hilig sa pag-awit ng mga Pilipino ay karaniwang iniuugnay sa:
A. Pagiging malungkutin C. pagiging masayahin
B. Pagiging masipag D. pagiging matampuhin
10. Ang awiting bayan ay karaniwang iniuugnay sa:
A. Materyal na kayamanan ng isang bayan
B. Pagdurusang dinanas ng isang bayan
C. Kultura’t kaugalian ng isang bayan
D. Politika sa isang bayan
Suriin ang barayti ng wikang ginamit ng bawat tauhan sa usapang naganap sa isang family reunion.
Kilalanin at isulat sa patlang kung ang nakadiin ay balbal, kolokyal, lalawiganin, pambansa o
pampanitikan.
11.___________Lola: Ang pagdating ninyo ay tila sobrang nagdulot sa akin ng kaligayahan.

12.___________Lisa: Si Lola naman, so emotional!

13.___________ Rose: Let her be, Lisa. Time to shine ito ni Lola.

14.___________Tiya Gloria: O sige, kaon na mga bata. Magdasal na muna tayo.

15.___________Mark: Ang daming pagkain. Mabubusog ako nito!

Inihanda ni:

CRISTIAN D.ALONZO
Guro sa Filipino

You might also like