You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – IV

IKATLONG MARKAHAN
PANGALAN: ____________________________________________BAITANG/PANGKAT:
_______________________________
I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay ang siyang pinagkakakilanlan ng isang bansa na nabuo mula sa mga awitin, sayaw,
kwentong bayan,
tula at iba pa.
a. Bandila b. Kalabaw c. Anahaw d. Kultura
2. Ano ang ibig ipahiwatig ng kasabihang, “Ubos-ubos biyaya, bukas ay nakatunganga.”?
a. Ang kabutihan ng loob ay mas mahalaga kaysa sa kagandahan.
b. Matutong huwag mag-aksaya ng kung anong mayroon ka.
c. Magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.
d. Wala sa nabanggit
2. Ano ang kahulugan ng salawikaing “ Kapag may itinanim, mayroong aanihin.”?
a. Kung may pagsisikap, mayroong makukuhang biyaya.
b. Maging patas sa paglalaro at huwag mandaraya.
c. Maging maingat sa mga salitang bibitawan.
d. Huwag maging mapagmataas.
3. Ano ang maaring mangyari kung di maipapasa o maitatala ang nalalabi nating kultura?
a. Maari itong mawala ng tuluyan c. Ito ay patuloy paring makikilala
b. Ito ay hindi magbabago d. Ito ay lalong mauunawaan
4. Ano ang mangyayari kung patuloy nating susuportahan ang mga makabanyagang paniniwala
at gawi?
a. Maari itong makadagdag sa panibagong pagkakakilanlan ng ating kultura.
b. Maaring maging sanhi ito ng unti unting pagkawala ng ating kultura.
c. Magniningning ang ating sariling kultura.
d. Wala sa mga nabanggit.
5. Ang mga Pilipino, bagama’t iba’t iba ang itsura at kaugalian ay nararapat na irespeto at
igalang.
a. Tama b. Pwede c. Mali d. Wala sa mga nabanggit
6. Mayroon kayong bagong kamag-aral na Maranao at di siya matatas na magsalita ng tagalog.
Ano
ang nararapat mong gawin?
a. Layuan mo siya dahil siya ay naiiba.
b. Huwag mo na lamang siyang pansinin.
c. Kausapin at tulungan mo siyang matutunan ang iyong dayalekto.
d. Pagtawanan siya dahil kakaiba ng kanyang paraan ng pagsasalita.
7. Sa isang lakbay-aral natunghayan mo kung papaano namumuhay ang mga Agta. Nakita mo na
kakaiba ang
kanilang kasuotan kumpara sa nakasanayan mo. Ano ang iyong magiging reaksyon?
a. Pagtatawanan ko siya dahil sa kakaiba ang kanyang paraan ng pananamit.
b. Pupunahin ko at kukutyain ang kanyang pisikal na mga katangian.
c. Irerespeto ko ang kanilang nakagawian.
d. Hindi ko sila papahalagahan.
8. Binigyan ka ng iyong kaibigan ng isang pitakang pampangkat etniko na gawa ng mga Ifugao.
Ano ang
iyong mararamdaman?
a. Matutuwa ako dahil nagkaroon ako ng isang mahalaga at katangi-tanging bagay.
b. Mas nanaisin ko na magkaroon ng bagay na nagmula sa ibang bansa.
c. Magpapasalamat ako ngunit hindi ko ito gagamitin.
d. Wala sa mga nabanggit.
9. Ang isa sa iyong kamag-aral ay mayroong amang Amerikano at inang Pilipino. Siya ba ay
maituturing mong
Pilipino?
a. Opo, dahil siya ay mayroong dugong Pilipino.
b. Hindi, dahi ang kanyang ama ay Amerikano.
c. Pwede, dahil mukha parin siyang Pilipino.
d. Wala sa mga nabanggit.

II. Panuto : Hanapin sa Hanay B ang kaukulang mensahe ng mga linya sa Hanay A. Isulat sa
sagutang papel ang titik ng sagot sa bawat bilang.
HANAY A HANAY B
11. Bisig ko’y namamanhid, baywang a. Maging matalino sa paggasta.
ko’y nangangawit. b. Ang taong nagmamahal sa kanilang bansa
ay ihahandog anumang makakaya makita lang itong Malaya.
__ 12. Kung pagkain sana nabusog pa ako. c. May tagumpay sa pagkakaisa.
__ 13. Ang pag-ibig ay sa gawa, hindi sa d. Hindi madali ang magtanim.
salita. e. Higit na mahalaga ang ikinikilos kaysa
sinasabi._
14. Kaya matibay ang walis, palibhasa’y f. Susi sa tagumpay ang matibay npananalig sa Diyos
nabibigkis.
_ 15. Walang mahalagang hindi inihandog
na may pusong mahal sa bayang
nagkupkop.
.
III. Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pahayag. Piliin ang sagot sa mga salita sa loob ng
kahon.
A. Agta B. Amerasian C. Tau’t Bato D. Indigenious People E. Mansaka
_________16. Sila ay mga katutubo na matatagpuan sa Compostela Valley. Isa sa ikinabubuhay
nila ang pagmimina ng ginto.
________ 17. Sila ay karaniwang matatagpuan sa Isabela, Quezon, at Rizal. Isa sa ikinabubuhay
nila ang
panghuhuli ng pugita o octopus.
________ 18. Ito ang tawag sa isang batang ama ay Amerikano at ang ina ay Pilipino.
________ 19. Sila ay matatagpuan sa Palawan. Marami sa kanila ay nabubuhay sa pangangaso at
pangangalap
ng bungang kahoy.
________ 20. Sila ang mga pangkat etnikong napanatili ang kanilang katutubong Kultura
hanggang ngayon.

You might also like