You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division of Marinduque
POCTOY NATIONAL HIGH SCHOOL

FILIPINO 8
IKALAWANG MARKAHAN
Pangalan:_________________________ Petsa:___________________
Baitang at Seksyon:_________________ Iskor:___________________

Panuto: Basahin ang mga katanungan at isulat ang titik nang wastong sagot bago ang bilang.

1. Isang sikat na awitin/tula na ginamit sa mga kilos protesta Noong 1986.


A. Lupang tinubuan
B. Lupang hinirang
C.Bayan ko
D.Bayani
2. Anong tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod?
A. Sukat
B. B.Saknong
C.Tugma
D.Taludtod
3. Ano ang tawag sa linya ng isang tula?
A. Sukat
B. Saknong
C. Tugma
D. Taludtod
4. Ano ang tawag sa huling tunog sa linya ng isang tula?
A. Tugma
B. Talinghaga
C. Sukat
D. Taludtod
5. Ito ay binubuo ng apat o higit pang mga taludtod?
A. Sukat
B. Tugma
C. Saknong
D. Talinghaga
6. Mayroon bang mga tula na walang tugma?
A. Opo
B. Wala po
C. Siguro po
D. Hindi ko po alam
7. Ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma at kariktan?
A. Malayang taludturan
B. Tradisyunal
C. Berso blangko
D. Wala sa nabanggit
8. Ito ay isang tulang may sukat bagamat walang tugma?
A. Malayang taludturan
B. Tradisyunal
C. Berso blangko
D. Wala sa nabanggit
9. Ito ay tulang walang sukat at walang tugma?
A. Malayang taludturan
B. Tradisyunal
C. Berso blangko
D. Wala sa nabanggit
10. Kinikilalang “Ama ng Makabagong Panulaang Filipino”?
A. Alejandro G. Abadilla
B. Jose Corazon de Jesus
C. Jose P. Rizal
D. Genoveva Edroza Matute
11. Ito ay biglaang pagtatalo ng lalaki at babae ng mga taga-Cebu.
A. Batutian
B. Balitao
C. Duplero
D. Siday
12.Siya ang tagapagdaloy ng Balagtasan?
A. Bulakla
B. Paruparu
C. Bubuyog
D. Lakandiwa
13 Dahilan kung bakit isinunod ang tawag na balagtasan sa pangalan ni Francisco Baltazar.
A. bilang alaala sa kaniyang kadakilaan
B. bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan
C. upang lalo siyang tangkilikin ng mga makata
D. sapagkat siya ang pinakamahusay na mambibigkas noong kaniyang
kapanahunan
14 Sino ang pinag-aagawan ni Bubuyog at Paruparu?
A. Kampupot
B. Lakandiwa
C. Dahon
D. Paso
15 Bakit masining ang balagtasan?
A. Masining ito dahil sa malikhaing pagpapalitan ng katwirang patula.
B. Masining ito dahil sa kumpas ng mga kamay.
C. Masining ito dahil nagsimula ito kay Francisco Balagtas.
D. Masining ito dahil tungkol ito sa kultura ng mga Pilipino.
16. Ang tinagurian ‘Ama ng Sarsuwela’ ay si __________________.
A. Aurelio Tolentino
B. Severino Reyes
C. Juan Abad
D. Lola Basyang
17. Ito ay anyo ng dulang musikal.
A. Sarsuwela
B. Tula
C. Awit
D. Balagtasan
18. Ito ang panahon namulaklak ang sarsuwela sa Pilipnas.
A. Kastila
B. Amerikano
C. Hapon
D. Bagong Lipunan
19. Pinakaluluwa ng sarsuwela.
A. Direktor
B. Iskrip
C. Entablado
D. Yugto
20. Siya ang nagdala ng sarsuwela sa Pilipinas noong 1880.
A. Severino Reyes
B. Juan Abad
C. Alejandro Cubera
21. Ito’y isang uri ng sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw ng may-akda tungkol
sa isang paksa.
A. sanaysay
B. tula
C. alamat
D. mito
22. May dalawang uri ang sanaysay, ito ay ang __________________.
A. pormal at di pormal
B. maragsa at malumi
C. tula at dula
D. sukat at tugma
23. Ito’y kasangkapang ginagamit ng tao para sa pakikipag-ugnay sa kapwa.
A. tunog
B. wika
C. musika
D. nota
24. Ama ng Wikang Pambansa ng mga Pilipino.
A. Jose Rizal
B. Marcelo H. del Pilar
C. Andres Bonifacio
D. Manuel L. Quezon
25. Sa sanysay na “Ako ay Ikaw”, sino ang tinutukoy ng panghalip na ako sa sanaysay?
A. Wikang Pambansa
B. Manuel L. Quezon
C. may-akda
D. tao
26.Ang tekstong may tunguhing ipaliwanag ang isang pangyayari, opinyon, kaisipan at proseso.
A. Pangangatuwiran
B. Pagsasalaysay
C. Paglalarawan
D. Paglalahad
27.Naglalayong buoin ang imahe o isang biswal na konsepto ng bagay-bagay.
A. Pangangatuwiran
B. Pagsasalaysay
C. Paglalarawan
D. Paglalahad
28.Naglalayong maghayag ng sunod-sunod na pangyayari tungo sa kalutasan ng suliranin ng
tauhan.
A. Pangangatuwiran
B. Pagsasalaysay
C. Paglalarawan
D. Paglalahad
29. Naninindigan sa sariling opinyon at hinihikayat na mapaniwala ang katalo sa
kanyang panig.
A. Pangangatuwiran
B. Pagsasalaysay
C. Paglalarawan
D. Paglalahad
30.Naglalayong maglahad ng mga kuro-kuro o pananaw ng may-akda.
A. Maikling Kuwento
B Tula
C. Sanaysay
D. Nobela
31.Ano ang palaging sinasabi ng estudyante sa kanyang guro bago ito umuwi.
A. “ Goodbye Teacher “
B. “ Aalis na po ako teacher “
C. “ Ingat po kayo palagi teacher”
D. “ Paalam napo Teacher”
32.Ano ang ibig sabihin ng salitang Nagdumali ?
A. Nag-aapura o gustong maging mabilis.
B. Tumanim sa isip at nabuo sa kaisipan
C. Umalis
D. Nabundol
33. Bakit natuwa ang guro sa bata?
A. Dahil mabait siyang bata.
B. Dahil siya ay malambing na bata.
C. Sapagkat ang bata ay gumagawa ng maliit na bagay sa kanya upang siya ay mapasiya
nito.Mula sa pagbibigay sa kanya ng tsinelas hanggang sa pagtulong nito sa pag-aayos sa
klase.
D. Siya ay masunurin kahit anong inutos sa kanya ay ginagawa niya.
34.Bakit kaya nasabi ng guro ang pahayag na “Nang sandaling iyon, siya ang aking naging guro.”
A. Dahil sa siya ay nagsisisi sa kanyang ginawa o nasabi at napagtanto niya na hindi lang
ang bata ang dapat matuto sa paaralang kundi pati na rin ang guro at natutong
magpakumbaba dahil sa ipinakitang magandang kalooban ng batang iyon.
B. Ipinadama ng bata ang pagmamahal sa kanyang guro sa pamamagitan ng pagsunod nito
sa kanyang mga utos.Karapat-dapat naman ang guro sa pagmamahal ng bata dahil ang
guro sa umpisa ay naghahangad na maging masaya ang bata.
C. Sinuklian ng guro ang pagmamahal bata sa pamamagitan ng pag-unawa sa bata kung ito
ay pumupunta sa mga lugar na ipinagbabawal sa paaralan
D. Tama ang ginawa ng guro nap ag-uunawa sa bata dahil gusto din niyang lumigaya ito.
35.Paano sinuklian ng guro ang pagmamahal ng mag-aaral?
A. Dahil sa siya ay nagsisisi sa kanyang ginawa o nasabi at napagtanto niya na hindi lang
ang bata ang dapat matuto sa paaralang kundi pati na rin ang guro at natutong
magpakumbaba dahil sa ipinakitang magandang kalooban ng batang iyon.
B. Ipinadama ng bata ang pagmamahal sa kanyang guro sa pamamagitan ng pagsunod nito
sa kanyang mga utos.Karapat-dapat naman ang guro sa pagmamahal ng bata dahil ang
guro sa umpisa ay naghahangad na maging masaya ang bata.
C. Sinuklian ng guro ang pagmamahal sa bata sa pamamagitan ng pag-unawa sa bata kung
ito ay pumupunta sa mga lugar na ipinagbabawal sa paaralan
D. Tama ang ginawa ng guro nap ag-uunawa sa bata dahil gusto din niyang lumigaya ito.
Inihanda ni:

MA. RIEZA R. FATALLA

Iwinasto ni:

DR. CHERRY ANN F. DEL MUNDO


GOODLUCK!!

You might also like