You are on page 1of 3

Hakbang sa Pananaliksik

 Ayon kay Villafuerte, “Ang pananaliksik ay pagtuklas sa isang teorya, pagsubok sa teoryang iyon, at
paglutas sa isang suliranin. Ito ay isang masusuing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga idey, konsepto,
bagay, isyu, tao at iba pangnais bigyang-linaw, patunayan at pasubalian.
 Ayon kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isang masistema, kritikal at empirikal na
imbestigasyon sa isang proposisyong haypotetikal.
 Para naman kina Calderon at Gonzales (na kay Bernales, 2009), ang pananaliksik ay isang
siyentipikong metodo ng pangangalap, pagkaklasipika, pagsasaayos at presentasyon ng mga datos
para sa pagtuklas ng katotohanan at pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng tao.

Mga Hakbang sa Pananaliksik


May mga sinusunod na mabisang hakbang upang ang nagsasagawa ng pananaliksik ay magkaroon ng
isangmaayos at masistemang paraan.
1. Pagpili ng tamang paksa. Ang Paksa ay bahaging pinagtutuunan ng pansin o pinag-uusapan sa
pangungusap; tema o pinag-uusapan sa alinmang teksto o akda. Dito ay isinasaalang-alang ang interes ng
mananaliksik. Sinusuri kung ang paksangnapili ay napapanahon, makabuluhan, at kailangan ng
mananaliksik nito o ng higit na malaking kliyente- ang lipunan o ang bansa sa kabuuan. Gayundin,
kailangan niyang mabatid kung paano lilimitahin o gagawing tiyak ang isang napakalawak na paksa.
2. Paghahanda ng balangkas. Dito ay inihahanda ang estruktura ng buong organisasyon ng
gagawingpananaliksik.
3. Paghahanda ng bibliyograpi. Dito ay masusing hinahanap ng mananaliksik ang pagpili at pangangalap ng
aklat, magasin, journal, at iba pang mga mapagkukunan ng datos para sa gagawing pananaliksik. Lahat ng
nakalap ay gagawan ng sanggunian, ito ay paalbabetong listahan ng mga aklat, artikulo at iba pang
sanggunian na ginamit upang mabuo ang pananaliksik.
4. Pangangalap ng mga kinakailangang datos at materyal. Dito ay binabasa ang nilalaman ng mga aklat,
magasin at journal na binanggit sa itaas. Pinagpapasyahan
ng mananaliksik kung aling mga datos dito ang mahalagang makuha at maisama sa gagawin niyang ulat.
Sa pangangalap ng datos ay maraming paraan ang ginagamit ng mananaliksik, maliban sa aklat.
Sarbey
Ang sarbey ay isang palatanungan o kuwestiyonaryo na may mga pagpipiliang sagot. Ito ay isang
lipon ng katanungan na inisip, kabilang ang metodo ng pananaliksik upang matamo ang mga kasagutan
para sa mga tiyak na mga tanong. Ang mga sumusunod ang ilan sa mga posibleng lamanin ng isang survey.

a. Multiple Choice- Ito ay mas mabilis na paraan ng pagpapasagot sa isang survey. Mas madali itong
sagutin kumpara sa iba dahil sa pipili lamang ang tinatanong ng sagot sa iilang titik.
Hal.
Alin sa mga sumusunod ang mas gusto mong kainin?
a.Gulay c. Prutas
b.Junk Food d. Karne
b. Pagkilala sa sinasang-ayunan-Nilalagay ang listahan na nagpapahayag ng kanilang mga sinasang-
ayunan at di sinasang-ayunan.
Hal.
Punan ng ekis (X) ang SA kung sang-ayon, W kung walang sagot, at DS kung hindi sang-ayon sa
tapat ng mga pahayag na nakasulat sa kaliwa.

SA W DS
Madali akong naiintindihan sa wikang ginagamit ko.

Ang wikang ginagamit ko ay mas madaling gamitin sa labas ng klase.

c. Likert Scale- isa sa mgaparaan kung papaanong sinusukat ng isang tao ang sarili niya.
Hal.
Bilugan ang bilang na tugma sa wikang ginagamit mo. 1 bilang mas malapit sa ingles at 5 bilang mas
malapit sa Filipino
Ingles Filipino
1---------2---------3---------4---------5
Panayam
Mga dapat tandaan sa pakikipanayam:
a. Paghahanda para sa Panayam
a. Magpaalam sa taong gusting kapanayamin
b. Kilalanin ang taong kakapanayamin
b. Pakikipanayam
a. Magingmagalang
b. Magtanong nang maayos
c. Itanong ang lahat ng ibig malaman kaugnay ng paksa
d. Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam. Magpasalamat
e. Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam

5.Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa balangkas. Aayusin ng mananaliksik ang mga nakalap na datos ayon
sa uri ng paglalahad o batayang gagamitin sa ulat.
6. Pagsulat ng Pananaliksik. Maayos na isinagawa ang pasulat na ulat batay sa naunang ginawang
preparasyon ng mananaliksik. Kadalasan, ito ay inaabot ng isa o higit pang linggo depende sa uri ng
pananaliksik na isinasagawa.
7. Pagrereserba ng papel. Dumaraan ang unang draft ng isinulat sa masusing editing upang matiyak na may
kawastuhan sa paggamit ng wika at estilo.
8. Pagsulat ng pinal na papel
Internet
Maaring kumunsulta sa mga libro o internet subalit mas makatotohanan ang impormasyon na
manggagaling mismo sa isang mapagkatiwalaang batis.
Isyu sa Pananaliksik
Plagiarism- ang pagkopya ng sulatin, disenyo, balangkas, plano, karikatura, o anumang likhang-isip, tahasan man o
hindi, o maging bahagi man lang nito, nang walang pahintulot sa orihinal na nagmamay-ari ay isang akto ng
Plagiarism.

Paraan ng Pangangalap ng Datos sa Pananaliksik

5. Pangangalap ng mga kinakailangang datos at materyal. Dito ay binabasa ang nilalaman ng mga aklat,
magasin at journal na binanggit sa itaas. Pinagpapasyahan
ng mananaliksik kung aling mga datos dito ang mahalagang makuha at maisama sa gagawin niyang ulat.
Sa pangangalap ng datos ay maraming paraan ang ginagamit ng mananaliksik, maliban sa aklat.
Sarbey
Ang sarbey ay isang palatanungan o kuwestiyonaryo na may mga pagpipiliang sagot. Ito ay isang
lipon ng katanungan na inisip, kabilang ang metodo ng pananaliksik upang matamo ang mga kasagutan
para sa mga tiyak na mga tanong. Ang mga sumusunod ang ilan sa mga posibleng lamanin ng isang survey.

d. Multiple Choice- Ito ay mas mabilis na paraan ng pagpapasagot sa isang survey. Mas madali itong
sagutin kumpara sa iba dahil sa pipili lamang ang tinatanong ng sagot sa iilang titik.
Hal.
Alin sa mga sumusunod ang mas gusto mong kainin?
a.Gulay c. Prutas
b.Junk Food d. Karne
e. Pagkilala sa sinasang-ayunan-Nilalagay ang listahan na nagpapahayag ng kanilangmgasinasang-
ayunan at di sinasang-ayunan.
Hal.
Punan ng ekis (X) ang SA kung sang-ayon, W kung walang sagot, at DS kung hindi sang-
ayon sa tapat ng mga pahayag na nakasulat sa kaliwa.

SA W DS
Madali akong naiintindihan sa wikang ginagamit ko.

Ang wikang ginagamit ko ay mas madaling gamitin sa labas ng klase.

f. Likert Scale- isa sa mgaparaan kung papaanong sinusukat ng isang tao ang sarili niya.
Hal.
Bilugan ang bilang na tugma sa wikang ginagamit mo. 1 bilang mas malapit sa ingles at 5 bilang mas
malapit sa Filipino
Ingles Filipino
1---------2---------3---------4---------5
Panayam
Mga dapat tandaan sa pakikipanayam:
c. Paghahanda para sa Panayam
a. Magpaalam sa taong gusting kapanayamin
b. Kilalanin ang taong kakapanayamin
d. Pakikipanayam
a. Maging magalang
b. Magtanong nang maayos
c. Itanong ang lahat ng ibig malaman kaugnay ng paksa
d. Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam. Magpasalamat
e. Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam
Internet
Maaring kumunsulta sa mga libro o internet subalit mas makatotohanan ang impormasyon na
manggagaling mismo sa isang mapagkatiwalaang batis.
Isyu sa Pananaliksik

Plagiarism- ang pagkopya ng sulatin, disenyo, balangkas, plano, karikatura, o anumang likhang-isip, tahasan man o
hindi, o maging bahagi man lang nito, nang walang pahintulot sa orihinal na nagmamay-ari ay isang akto ng
Plagiarism.

Pananda ng Pagsasaayos ng Datos


Sa Filipino, ang mga panandang ito ay kadalasang kinakatawan ng mga pang-ugnay. Ipinapakikilala nito ang mga
pang-ugnay na namamagitan sa mga pangungusap o bahagi ng teksto.
Mga tungkuling ginagampanan ng pananda:
1. Mga panandang naghuhudyat ng pagkasunod-sunod ng mga kilos/ pangyayari o Gawain:
a. Sa pagsisimula: Una, sa umpisa, noong una, unang-una
b. Sa gitna: Ikalawa, ikatlo, …., sumunod,pagkatapos, saka
c. Sa wakas: sa dakong huli, sa huli, wakas
2. Pagbabagong-lahad- sa ibang salita, sa kabilang dako, sa madaling salita
3. Pagbibigay-pokus- bigyang pansin, pansinin, tungkol sa
4. Pagdaragdag- saka, at, sa pagdaragdag, pagpapatuloy
5. Paglalahat- bilang paglalahat, sa kabuoan, samatuwid
Pagtitiyak o pagpapasidhi- siyang tunay, walang duda

Pagsulat ng Resulta sa Pananaliksik

Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos


Ang bahagi ng pananaliksik na Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ay ang pinakamahalaga. Sa
kabanatang ito Inilalahad ang nilalaman ng pag-aaral na kinapalolooban ng mga nakalap na datos mula sa mga
kaisipang nasaliksik sa mga aklat, tesis, disertasyon, jornal at iba pa.
a. Pag-ugnay-ugnayin ang mga kaisipang nasaliksik upang mabuo ang ang paglalahad sa
bawat paksang tatalakayin.
b. Suriin ang kaisipang natalakay sa pamamagitan ng paglalahad ng mga datos na nakalap
mula sa mga sarbey, pakikipanayam, at mga hinangong sanggunian.
c. Iinterpret o bigyang kahulugan ang kaisipang nasaliksik batay sa resulta ng pag-aaral.
Maaring gumamit ng talahanayan, grap, tsart at iba pang kaugnay ng mga ito.

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Sa paglalagom ng resulta, ipakita ang pinakamahalang resulta na nakita sa pag-aaral. Ibase naman ang
konklusyon sa nakitang mga resulta sa pag-aaral. Ang konklusyon ay ang kabuoang pahayag na maaring
makapagbigay ng kasagutan sa suliranin ng pananaliksik. Sa pagbibigay naman ng rekomendasyon, itukoy ito sa
mga partikyular na sektor at siguraduhing ang mga ito ay magagawa, dahil ang rekomendayon ay ang mga planong
dapat bigyan ng aksyon at maaring isaman sa mga susunod na pananaliksik. Maaring ang mga rekomendasyon ay
mga sariling pananaw at kaisipan ng may-akda tungkol sa ikabubuti at ikasusulong ng ganitong pag-aaral. Dapat
ding matukoy sa rekomendasyon ang maiaambag ng ginawang pag-aaral sa pamumuhay ng tao sa partikular na
sektor na kaniyang kinabibilangan upang magsilbing pakinabang sa kanyang lipunang ginagalawan.

You might also like