You are on page 1of 5

Learner Activity Sheet (LAS)

FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pangalan: _____________________________ Lebel: __________________

Seksiyon: _____________________________ Petsa: __________________

12. Pangangalap Ng Datos

Pamagat

Panimula (Susing Konsepto)

Iba’t ibang Paraan ng Pangangalap ng Datos

Internet - Ang internet ay maituturing na makabago at mabilis na mapagkukunan
ng datos. Sa tulong ng search engine ay madaling mahahanap ang isang paksa o ideya o
datos na kakailanganin. Kailangan lamang maging maingat at mapanuri sa paggamit ng
internet sapagkat sari-saring impormasyon ang matatagpuan dito.
Sa paghahanap ng mga impormasyon sa mga aklat, internet at iba pang babasahin,
kinakailangang isaalang-alang ang sumusunod:

1. Tiyaking maging mapanuri sa pagkuha ng datos o impormasyon.

2. Gumamit ng maraming bilang ng sanggunian at huwag masiyahan sa iisang sanggunian
lamang.
3. Tiyakin din ang pagiging napapanahon ng mga impormasyon.
4. Kung maaari, tiyakin na ang mga otoridad na pinagmulan ng impormasyon ay may
kredibilidad o eksperto/dalubhasa sa kanyang larangan.

Pagsasagawa ng Sarbey – Pamimigay ng papel sa napiling respondyente.

Ang questionnaire o talatanungan ang karaniwang ginagamit sa pagsasagawa ng sarbey.
Ito ang pinakamabilis na paraan sapagkat may tiyak na katanungan na sinasagot ang mga
respondyente. Karaniwan din ang pagkakaroon nito ng tiyak na sagot na pagpipilian. Sa
paggamit ng sarbey, kinakailangang isaalang-alang ang mga sumusunod:
1. Mainam na gamitin ito sa mas malawak na sakop ng respondyente.
2. Tiyaking may pagpipiliang sagot ang respondyente upang maging konbinyente sila
sa pagsagot.
3. Makabubuti rin na nasa anyong tseklist ito.
4. Tiyaking mababasa at mauunawaan ng mga respondyente at diwang nakapaloob sa
bawat pahayag.

Pagsasagawa ng Panayam
1. Isahan o Indibidwal - binubuo ng isang tagapanayam at isang kinakapanayam
2. Maramihan o Pangkatan- binubuo ng isang tagapanayam at isang grupong
kinakapanayam o isang pangkat na tagapanayam at isang taong kinakapanayam.
Pakikipanayam - Ito ang direktang paghahanap ng mga impormasyon na magkaharap
ang mananaliksik at ang taong magbibigay ng impormasyon. Mabuti ang ganitong
pamamaraan lalo na kung may nais linawin na kasagutan ang mananaliksik. Sa
pagsasagawa nito, kinakailangang isaalang-alang ang sumusunod:
1. Makabubuting bigyan ang kinapapanayam ng letter of consent ng kanilang
pakikilahok sa pag-aaral
2. Tiyaking may dalang interview guide ang mananaliksik upang maging mabuti ang
daloy ng pagtatanong.
3. Planuhing mabuti ang itatanong.
4. Tiyakin sa kinapapanayam na ang mga impormasyong kanyang ibibigay ay magiging
kumpidensyal at magagamit lamang sa pag-aaral.
5. Humingi ng pahintulot sa napiling taong kakapanayamin bago ito isagawa.
6. Humingi ng pahintulot sa kinapapanayam kung gagamit ng recorder o video.
7. Maging magalang at mapagpasalamat matapos ang panayam.

Kasanayang Pagkatuto at Koda

 Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang
pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng
pananaliksik (F11PU – IVef – 91)
Panuto
Naunawaan mo ba ang susing konseptong ibinigay ko? Maaari kang magtanong
kung may hindi ka nauunawaan hinggil dito mag-txt o mag-personal message ka lang sa
akin at tutulungan kitang maunawaan mo ito.
Bago ang gawaing ihnihanda ko para sa iyo, panatilihing mong maging malinis ang
iyong mga kagamitan at siguraduhing sinunod ang tamang paghuhugas ng kamay. Nasa
ibaba ang mga gawain at kaukulang panuto.

Pamamaraan

Gawain 1:
Tukuyin ang kaisipang maaaring ikabit sa mga salitang nasa loob ng kahon. Isulat
ang iyong sagot sa blangkong kahon sa ilalim.
Concept Cluster:

Pangangalap
ng Datos

Dokumentar-
Sarbey Obserbasyon yong Panayam
Pagsusuri
Gawain 2:
Gumawa ng halimbawang materyales: talatanungan o talaan ng mga tiyak na
detalyeng hahanapin ng mananaliksik (5 halimbawa) na gagamitin sa naitakdang
pamamaraan sa pangangalap ng datos. Isaalang-alang ang pamantayan sa paggawa ng
talatanungan.
_________________________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________
Katangian 10 Puntos 6 Puntos 3 Puntos 1 Puntos

Pokus at May isang malinaw May isang tiyak na May kalabuan ang Hindi nakabuo ng
Detalye at tiyak na direksyon, ngunit direksyon na isang malinaw na
direksyon na may ilang patutunguhan ng talatanungan at
susuporta sa katanungang nabuo mga katanungan talaan ng datos.
pangangalap ng na lumisya sa
mga datos layunin ng
pananaliksik
Organisa- Nailahad nang Nailahad nang Hindi malinaw Hindi nakabuo
syon mahusay ang mga maayos ang mga ang pagkakaha- nang maayos na
katanungan. katanungan ngunit nay ng mga mga katanungan.
Mahusay ang may ilang katanungan.
pagkahaha-nay ng katanungan na wala
mga katanungan sa wastong
mula sa umpisa pagkakasu-nod-
hanggang sa sunod.
katapusan.
Estruktu-ra, Mahusay ang Mainam ang Nakaga-gawa ng Hindi maayos ang
Gramatika, pagkakaa-yos ng pagkakaayos ng mga mga pangungu- mga pangungu-
Bantas, mga salita at salita at sap na may sap at hindi
Pagbabay- pangugu-sap. pangungusap. May saysay. Maraming maunawaan.
bay Walang pagkaka- kaunting mga pagkaka- Lubhang
mali sa gramatika, pagkakamali sa mali sa maraming
bantas, at baybay. gramatika, bantas, at gramatika, pagkakama-li sa
baybay. bantas, at baybay. grama-tika,
bantas, at baybay.

Gawain 3:
Tukuyin kung anong pamamaraan sa pananaliksik ang tinutukoy sa sumusunod na
aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.

a. Interbyu c. Obserbasyon
b. Sarbey d. Dokumentaryong Pagsusuri

_____ 1. Ninanais mong makakuha ng mga impormasyon sa isang dalubhasasa paksang

napili.
_____ 2. Pakikisalamuha sa isang pangkat etniko upang pag-aralan ang kanilang ugali,
pamumuhay at tradisyon.
_____ 3. Pagkuha ng mga impormasyon sa isang tiyak na populasyon na naglalayong bumuo
ng pangkalahatang kongklusyon.
_____ 4. Naglalayong kumuha ng isang malawakan at malalimang impormasyon sa
naisagawa nang dokyumentasyon.
_____ 5. Pagmamasid sa kilos, ugali at problemang kinahaharap ng mga estudyanteng
naninirahan sa isang dormitoryo.
Pangwakas

Ngayon ay lubos mo nang naunawaan ang paraan sa pangangalap ng datos.

Upang lubos na malaman kung iyo ngang natutuhan ang nasabing paksa, narito ang
isang gawain na susukat sa iyong mga natutuhan.
Batay sa isinagawang talatanungan, i-type ito sa MS Word at i-send sa gmail account
ng guro na may pormat na:
Arial
12
1.5 spacing

Sanggunian
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Ni Lolita T.
Bandril et al ph. 168-179

You might also like