You are on page 1of 45

Ang aralin na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo bilang isang

mag-aaral. Ito ay makatutulong upang magkaroon ng


kaalaaman sa mga dapat isaaalang-alang sa paghahanda at
pananaliksik ng akademikong pagsulat. Ang sakop ng aralin ay
mabatid ang katangian ,etika at responsibilidad ng
mananaliksik.. Ang mga salitang ginamit dito ay angkop sa
lebel ng pang-unawa ng mag-aaral na naaayon sa pamantayan
nito.
Katangian ng Mananaliksik
Malaki ang bahaging ginagampanan ng isang mananaliksik sa pagsulat
ng panimulang pananaliksik. Dahil dito, may mga katangiang dapat
isaalang-alang ang isang mananaliksik.
a. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa iba’t ibang
mapagkukunan tulad ng aklat, makabagong teknolohiya (internet),
midya o anumang institusyong kinabibilangan.
b. Sistematiko sa paghahanap ng mga kakailanganing materyales at
pagkakaroon ng maayos na iskedyul kung paano isasagawa ang
pangangalap ng mga datos.
c. Maingat sa pagpili ng mga datos. Kinakailangang ito ay
batay sa katotohanan at maingat tinitimbang ang bawat
panig lalo na sa pagbibigay ng komento, interpretasyon at
rekomendaasyon.
d. Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon at
rekomendasyon. Hindi kailangang tanggapin lahat ang
mga datos na nakalap bagkus ay kinakailangan ang
masusing pag-aanalisa mula rito.
e. Matapat sa pagsasabi na ang pag-aaral na isinasagawa
ay may kahalintulad . Hindi kailangang angkinin ang
nasimulan ng iba.Kinakailangan din ang katapatan sa
pagkuha ng mga datos kung saan o kanino ito nanggaling.
f. Responsable sa mga pinagkuhanang datos at
pagsisigurong maayos ang kalalabasang opananalisik
mula sa pormat, nilalaman at prosesong pagdadaanan.
Ang Etika ng Pananaliksik ay mga gawaing sulatin o reserts
kung saan humahanap ang mananaliksik ng impormasyon para
sa mga problema o katanungan sa isang bansa o lugar upang
masagot at mailapat ang nararapat ng solusyon dito.
Etika at Responsibilidad ng Mananaliksik
a. Kilalanin na ang mga ideyang inilagay sa pananaliksik/pagsulat ay hindi
nanggaling sa iyo o may orihinal ng nagmamay-ari ng mga ito.
b. Huwag kumuha ng datos nang walang pahintulot
c. Iwasang gumawa ng mga personal na obserbayon lalo na kung ito ay
negatibo.
d. Huwag mag-shortcut sa pagbibigay ng interpretasyon, rekomendasyon sa
mga datos na nakalap.
e. Sikapin na huwag mandaya sa mga nakalap na impormasyon . Ang gawaing
ito ay makapagdudulot ng suliranin sa iyong pananaliksik
Pag-iwas sa Plagiarism -teknikal na salitang ginagamit
sa wikang Ingles na nangangahulugan ng pangongopya
nang walang pahintulot o pagkilala sa may-akda.
• Panuto : Suriing mabuti ang sumusunod na sitwasyon pagkatapos,
sagutin ang kasunod na tanong. Isulat ang sagot na titik sa papel.
• 1.Isang kilalang negosyante ang inakusahan ng pagkopya ng ilang
linya sa iba’t ibang talumpati ng mga kilalang tao. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI kasama sa naging batayan ng kanyang
paglabag? A. Hindi binuod (summarize) o hinalaw (paraphrase)
• B. Hindi paglalagay ng panipi sa hiniram na direktang salita
• C. Hindi gumawa ng pagbabago o modipikasyon ng datos.
• D. Hindi pagbanggit sa may-akda ng bahaging sinipi at kinuhanan ng
ideya.
• 2. Ginawa ng isang estudyante sa pag-aaral-doktoral sa isang malaking
unibersidad ng bansa ang maramihan at malawakang pagkopya ng mga
sipi at datos nang hindi binigyang-kredito ang pinagkuhanan. Umabot
sa Korte Suprema ang matagalang imbestigasyon kung saan ay
binigyan ng karampatang parusa ang estudyante. Ano ang naging
parusa sa paglabag?
• A. Binawi ang digri na nauna nang ibinigay sa kaniya.
• B. Binigyan ng bagsak na grado ng guro ng unibersidad.
• C. Suspensyon sa kanilang pag-aaral sa unibersidad.
• D. Binawi ang kopya at pinagbayad ng kaukulang halaga.
• 3. Isang senador noong 2012 ang inakusahan ng pangongopya ng ilang pahayag sa
isang talumpati kaugnay ng Reproductive Bill. Ipinapakita nito ang maling
paggamit, "pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik, lengguwahe, at pahayag ng
ibang tao" sa layuning angkinin ito na magmukhang kaniya. Anong batas ang
nilabag sa salaysay?
A. Etika C. Plagirismo
B. Copyright D. Property Code
4. Nagsumite ng isang group paper ang tatlong mag-aaral ng
isang kilalang unibersidad sa Metro Manila. Inireport ang kaso
sa Student Disciplinary Tribunal ng naturang eskwelahan. Ano
ang naging parusa sa kanilang paglabag?
A. Binawi ang digri na nauna nang ibinigay sa kanila.
B. Binigyan ng bagsak na grado ng guro ng unibersidad.
C. Suspensyon sa kanilang pag-aaral sa unibersidad.
D. Binawi ang kopya at pinagbayad ng kaukulang halaga.
5.Nagsumite ng iskrip si Linda sa kaniyang guro sa script writing. Humiram
siya ng iskrip sa kaibigan at sinabing gagamitin niya lamang ito upang gawan
ng ebalwasyon at kritika sa klase ngunit ipinasa niya ito bilang kaniyang
sariling gawa. Ano ang paglabag sa etikal na pagsulat ang kanyang ginawa?
A. Pinahahalagahan ang katapatan kaugnay ng paraan ng pagkuha ng ma
datos.
B. Hindi pag-angkin ang hindi sa iyo at pag-aming hindi sa iyo nanggaling
ang ideya o datos.
C. Lakas ng loob na harapin at tanggapin ang ideyang humahamon sa
sariling ideya at pangatuwiranan ito.
D. Pagsisisikhay, hindi basta sumusuko sa gitna ng mga pagsubok upang
makakuha ng mga datos.
Panuto : Subukin ang kaaalaman sa aralin.Basahin at
unawain ang sumusunod. Isulat sa sagutang papel ang titik
ng tamang sagot.

1. Katangian ng mananaliksik kung saan nangangalap


ng mga datos mula sa iba’t ibang mapagkukunang
mga impormasyon.
a. Matiyaga c. Mapamaraan
b. Sistematiko d. Maingat
2. Pagdudukomento at pag-iiskedyul ng mga gawain tungo sa
pagbuo ng pananaliksik
a. Matiyaga c. Mapamaraan
b. Sistematiko d. Maingat
3. Pinipili ang mga datos batay sa katotohanan at kredibilidad ng
pinagkunang imporrmasyon.
a. Matiyaga c. Mapamaraan
b. Sistematiko d. Maingat
4. Teknikal na salitang ginagamit sa wikang Ingles kaugnay ng
pangongopya ng gawa ng iba nang walang pagkilala .
a. Plagiarism c. Pagnanakaw
b. Libelo d. Pang-aapi
5. Hindi lahat ng datos ay basta mo tinatanggap kundi sinusuri at
tinitingnan ang mga implikasyon, kabulugan at kaugnay na
ideya. Ikaw ay may katangiang bilang
a. Kritikal c. Analitikal
b. Maingat d. Mapanuri
Pagsasanay :
Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

1. Alin ang hindi kabilang sa paraan ng paglalagom ng mga hinangong kaisipan mula sa
ibang dalubhasa.
a. Buod b. Abstrak c. Halaw d. sinopsis
2. Pinakabuod ng isang pananaliksik. Maaaring gamiting batayan ng ibang mananaliksik
a . Bionote b. abstrak c. sinopsis d. buod
3. Naglalaman ito ng iba’t ibang batis na kaalaman mula sa nasaliksik na kaugnay na
literatura o isang pag-aaral.
a. Paggamit ng buod c. Paggamit ng bionote
b. Paggamit ng abstrak d. Paggamit ng sinopsis
 
4. Ito ay buod ng nilalaman ng isang pananaliksik. Mahalaga ito upang matukoy
agad ang resulta ng isang pag-aaral.
a. Sinopsis b. abstrak c. Halaw d.Lagom

5. Mga dahilan kung bakit nagsusulat ang isang tao, Alin ang hindi madalas
ginagawa ng mga mag-aaral?
a. nagsusulat upang matuto
b. nagsusulat upang kumita
c. nagsusulat upang makilala
d. nagsusulat upang mabuhay
Paglalapat
Panuto: Punan ang patlang mula sa iyong natutuhan sa tinalakay na aralin.
Batay sa lahat ng pagsasanay na iyong isinagawa, ano na ngayon ang pagkaunawa mo sa salitang
abstrak, sintesis at buod.
Paano natin ginagamit ito sa ating pag-aaral? Sa anong pagkakataon nagagamit natin ito sa ating
gawain sa klasrum. 
Mahalagang mabatid natin ito sapagkat mapapadali nating mailahad ang ating mga nasasaisip at
nararamdaman sa iba’t ibang pagkakataon ng ating gawaing pasulat.
Tandaan laging pahalagahan ang bawat kaalaman na iyong natututuhan.
Punan ang patlang upang mabuo ang pahayag.
Natuklasan ko na ang mga pagbabasa ng abstrak
ay_______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Mahalagang malaman natin ang paggamit ng sintesis dahil
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
___________________________________________________
3. Ang pagbubuod ay mahalaga dahil ito ay
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
______________________
Pagtataya

• Panuto :Basahin at unawain ang mga pangungusap sa ibaba. Alamin natin kung
naaalala mo ba ang mga ito. Ilagay sa sagutang papel ang mga sagot. Kung ano
ang ipinapahayag ng mga sumusunod.
1. Akronim na ginagamit sa pagsulat ng abstrak.
2. Haba o bilang ng salita maaaring isaalang-alang sa pagbuo ng abstrak.
3. Pagbibigay ng lagom sa isang pangunahing akda o ideya.
4. Anong panauhan ang dapat gamitin sa pagsulat ng abstrak.
5. Mga batis ng kaalaman mula sa iba’t ibang dalubhasa. Maaaring maisulat ang
pagkakatulad o pagkakaiba ng ideya.  
PAGNINILAY

GANAP NA NAUNAWAAN BAHAGYANG NAUNAWAAN KAILANGAN PANG MAUNAWAAN


Takdang-Aralin:
Kilalanin at isa-isahin ang iba’t ibang uri ng akademikong sulatin
Maraming Salamat
Hanggang sa Muli

You might also like