You are on page 1of 3

Module 1

3 Salalayang kaalaman sa Pananaliksik

1. Pagbasa

2. Pagsulat

3. Pananaliksik

1.1. Pagbasa

Mga pananaw o teorya sa Pagbasa

a. Bottom-up- Ang proseso ng pag-unawa ay nagsimula sa teksto (bottom) patungo sa sa


mambabasa (up).
b. Top-Down- Ayon sa proponent nito, ang mambabasa ay isang napaka-aktib na participant sa
proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak
sa kaniyang isipan at may sariling kakayahan sa wika (language proficiency) at kaniyang
ginagamit habang siya ay nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng teksto. Ang Top
Down ay maari lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi para sa mga baguhan. (Mambabasa
(top) tungo sa teksto (down).
c. Interaktib- Ang teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-
unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kaniyang kaalaman sa wika at sa mga
saliring konsepto ng kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyon awtor-mambabasa at
mambabasa-awtor.
d. Iskima- Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbasa ay naidaragdag sa dati nang iskima,
ayon sa teoryang ito. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang isang teksto,
siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kaniyang iskima sa paksa. Maaring
binabasa na lamang niya ang teksto upang patunayan kung hinuha o hula niya tungkol sa teksto
ay tama, kulang o dapat baguhin.

1.2 Pagsulat

Mga hakbang sa pagsulat

a. Ano ang paksa ng teksto?


b. Ano ang aking layunin?
c. Saan at paano ako makakakuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa?
d. Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na makahulugan ang
aking paksa.
e. Sino ang babasa ng aking teksto. Para kanino ito.
f. Paano kp maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking paksa?
g. Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsulat? Kalian ko dapat ito ipasa?
h. Paano o madedebelop o mapagbubuti ang aking teksto? Ano-ano ang mga dapat ko pang gawin
para sa layuning ito.
3 Proseso ng Pagsulat

1. Pre-Writing- Dito nagaganap ang paghahanda sa pagsulat. Ginagawa rito ang pagpili ng paksang
isusulat at ang pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat.

Pre-Writing na Makakatulong sa Manunulat:

 Pagsulat sa journal
 Brainstorming
 Questioning
 Pagbabasa at pananaliksik
 Sounding-out friends
 Pag iinterbyu
 Pagseserbey
 Obserbasyon
 Imersyon
 Eksperimentasyon

2. Actual Writing- Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat. Nakapaloob dito ang pagsulat ng
burador o draft.
3. ReWriting- Dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong grammar,
bokabulari at pagkakasunod-sunod ng mga ideya o lohika.

1.2. Pananaliksik

Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa


a. Kasapatan ng Datos
b. Limitasyon ng Panahon
c. Kakayahang Pinansyal
d. Kabuluhan ng Paksa
e. Interes ng Mananaliksik

Mga Pahinang Preliminari o Front Matters

a. Fly leaf- Pinakaunang pahina ng pamanahong-papel. Walang nakasulat na kahit ano sa pahinang
ito.
b. Pamagating Pahina- Nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong-papel. Nakasaad dito kung
kanino iniharap o ipanasa ang papel, kung saang asignatura at pangangailangan, kung sino ang
gumawa at panahon ng kumplesyon.
c. Dahon ng Pagpapatibay- Ito’y kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at
pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel.
d. Pasasalamat o Pagkilala- Pasasalamat para sa: Mananaliksik, Guro, Magulang at sa Panginoon.
e. Talaan ng Nilalaman- Dito nakatala ang kaukulang bilang kung saan matatagpuan ang bawat
pahina.
f. Talaan ng mga Talahanayan at Grap- Nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o grap na
nasa loob ng pamanahong papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
g. Fly leaf 2- Blangkong pahina bago ang katawan ng pamanahong-papel.

Kabata I: Ang suliranin at Kaligiran nito.

a. Panimula o Introduksiyon
b. Layunin ng Pag-aaral
c. Kahalagahan ng Pag-aaral
d. Saklaw at limitasyon
e. Depinisyon at terminolohiya

Kabatana II: Mga Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura

a. Walang Pagkiling
b. Nauugnay/relevant sap ag-aaral
c. Sapat ang dami o hindi napakakaunti o napakarami.

Kabanata III: Disenyo at paraan ng Pananaliksik

a. Disenyo ng Pananaliksik- Nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral.
b. Respondente- Kung ilan sila at paano at bakit sila napili.
c. Instrumento ng Pananaliksik- Inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap
ng mga datos at impormasyon. Iniisa-isa dito ang hakbang na kaniyang ginawa at kung maaari,
kung paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang. Maaring dito mabanggit ang interbyu o
pakikipanayam, pagcoconduct ng serbey at pagsagot ng surbey-kwestyoner sa mga respondent.
d. Tritment ng Datos- Inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga
numerical na datos ay mailalarawan. Sapat na ang porsyento o bahagdan matapos mai-tally ang
mga kasagutan sa kwestyoner ng mga respondent.

Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga datos.

Sa kabanatang ito inilihad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstwal at
tabular o grapik na presentasyon. Dito inilalahad ng mananaliksik ang kaniyang analisis o pagsusuri.

Kabanata V: Lagom, Konklusiyon at Rekomendasyon

a. Lagom- buo ng datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensitibong


tinalakay sa Kabanata III.
b. Konklusiyon- Mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pagkalahatang pahayag
at paglalahad batay sa mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik.
c. Rekomendasyon- Mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa
pananaliksik.

You might also like