You are on page 1of 8

PANAPOS NA PAGSUSULIT SA PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

Pangkalahatang Panuto: Itiman ang bilog ng titik ng wastong kasagutan sa


hiwalay na sagutang papel.

1. Alin ang hindi kabilang sa layunin ng pananaliksik?


A. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa
ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon.
B. Mapagbuti ang umiiral na Teknik na makadebelop ng mga
bagong instrument o produkto.
C. Makalikha ng mga batayan sa pagpapasya sa kalakalan ,
industriya , edukasyon pamahalaan at iba pang larangan.
D. Magkaroon ng limitasyon ang mga umiiral ba kaalaman
2. Alin ang hindi kabilang sa mga katangian ng pananaliksik?
A. sistematik
B. kontrolado
C. mapanuri
D. matalinghaga
3. Alin sa sumusunod ang pananagutan ng mananaliksik?
A. maingat sa mga datos
B. gumagamit ng sistematikong pamamaraan
C. pagiging matiyaga
D. kumikilala sa sa mga pinagkunan ng datos
4. Alin sa sumusunod na gawain ang nagpapakita ng plagyarismo?
A. Hindi man kilala ang awtor ng pinagkunan ng impormasyon ay
binigyan pa rin ito ng pagkilala.
B. Hindi paglalagay nang maayos na panipi sa mga siniping
pahayag.
C. Humingi ng pahintulot sa may akda ng mga gagamiting tala.
D. Pagbanggit sa awtor ng mga pinagkunang sanggunian.
5. Aling bahagi ng pananaliksik ang nagsasaad ng kasaysayan o dahilan
ng pagpili ng paksang tatalakayin.
A. inaasahang awtput o resulta
B. layunin
C. metodolohiya
D. rasyonal
6. Ang bahaging ito ng teksto ang nag-iiwan ng isa o higit pang
kakintalan sa mga mambabasa.
A. panimula
B. katawan
C. wakas
D. banghay
7. Ang halimbawa ng uring ito ng pagbasa ay pagkuha sa
pangkalahatang impresyon sa nilalaman.
A. skimming
B. scanning
C. analytical
D. critical
8. Ang lahat ng salita ay patungkol sa metodolohiya maliban sa isa.
A. datos
B. obserbasyon
C. panayam
D. sarbey
9. Ang pagbasang ito tumutukoy sa paghahanap ng tiyak na
impormasyon sa isang pahina.
A. skimming
B. scanning
C. analytical
D. critical
10. Ang pagbibigay-depinisyon ay anong uri ng teksto?
A. naratib
B. ekspositori
C. argumentatib
D. deskriptib
11. Ang teoryang ito ng pagbasa ay tumutukoy sa teksto na
kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at upang maunawaan ito
ay ginagamit ng mambabasa ang kanyang dating kaalaman.
A. Bottom-up
B. Top-Down
C. Interaktib
D. Iskima
12. Ang uri ng sulating ito ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa
mambabasa.
A. deskriptib
B. prosidyural
C. argumentatib
D. persweysib
13. Ano ang layunin ng abstrak sa isang pananaliksik?
A. tukuyin ang mga sanggunian ng impormasyon
B. ilahad ang mga natuklasan at kongklusyon ng pananaliksik
C. ibigay ang mga personal na opinyon ng mananaliksik
D. ipakita ang mga detalye ng proseso ng pananaliksik
14. Ano ang maaaring maging mga epekto ng paggamit ng ibang tao sa
iyong gawaing akademiko nang hindi pagbigay ng tamang
pagkilala?
A. positibong reputasyon
B. legal na problema
C. dagdag na oportunidad
D. mas mataas na marka
15. Ano ang wastong hakbang sa pagbasa ayon kay William S. Gray?
1-persepsyon 3-reaksyon
2-komprehensyon 4-asimilasyon
A. 1-2-3-4
B. 2-3-4-1
C. 3-4-1-2
D. 4-3-2-1
16. Anong paraan ang hindi ginagamit sa pananaliksik?
A. debate
B. eksperimento
C. interbyu
D. sarbey
17. Anong uri ng teksto ang mababasa sa ibaba?
Mga Hakbang sa Pagtatanim
Una, ihanda ang binhi o punlang gagamitin.
Pangalawa, ihanda ang lupang pagtataniman o plotting.
Ikatlo, itanim na ang binhi na 0.6 cm ang lalim.
Ikaapat, siguraduhing may sapat na tubig at katamtamang sikat ng
araw.
A. argumentatib
B. deskriptib
C. persweysib
D. prosidyural
18. Ayon sa teoryang ito ng pagbasa, ang isang mambabasa ay
gumagamit ng dating kaalaman upang patunayan kung ang
kanyang hinuha ay tama, kulang o dapat baguhin.
A. Bottom-up
B. Top-Down
C. Interaktib
D. Iskima
19. Bahagi ito ng isang pananaliksik na kakikitaan ng talaan ng mga aklat,
jornal, pahayagan, magasin o website sa pinagkuhaan ng
impormasyon.
A. Datos
B. Pagpili ng paksa
C. Konseptong papel
D. Talaan ng Sanggunian/Bibliyograpiya
20. Bakit mahalaga na magbigay ng tamang pagkilala sa pinagkuhanan
ng impormasyon sa iyong gawaing akademiko?
A. upang mapalitan ng mas maraming ideya ang iyong gawa
B. upang mapanatili ang integridad at kredibilidad ng iyong
trabaho
C. upang makatanggap ng parangal mula sa paaralan
D. upang mapataas ang iyong marka sa klase
21. Binibigyang kahulugan dito ang mga salitang mahahalaga o pili na
ginagamit sa pananaliksik.
A. instrumento
B. kahulugan ng katawagan
C. rasyonal
D. saklaw at limitasyon
22. Dito nagaganap ang pagpili ng paksang isusulat, pangangalap ng
mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat.
A. actual Writing
B. pre-writing
C. rewriting
D. revision
23. Isa sa mga layunin ng pagsulat ay impormatib, alin sa mga halimbawa
ng teksto ang kabilang sa layuning ito?
A. editoryal
B. balita
C. liham- pangangalakal
D. maikling kuwento
24. Isa sa mga layunin ng pagsulat ay transaksyunal, alin sa mga
halimbawa ng sulatin ang kabilang sa layuning ito?
A. anekdota
B. liham- pangangalakal
C. balita
D. maikling kuwento
25. Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay impoimasyon at
instruksyon kung paano isasagawa ang isang bagay.
A. deskriptib
B. prosidyural
C. argumentatib
D. Persweysib
26. Ito ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga
sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita.
A. pagsulat
B. panonood
C. pagsasalita
D. pagbasa
27. Ito ay ang teorya ng pagbasa na tumutukoy sa paggamit ng dating
kaalaman upang makabuo ng hinuha sa kanyang binabasa.
A. Bottom up
B. Top Down
C. Interaktib
D. Iskima
28. Ito ay isa sa mga makrong kasanayang gumagamit ng mental at
pisikal na aktibti.
A. pagbasa
B. pagsulat
C. pakikinig
D. panonood
29. Ito ay paglalarawan sa datos sa paraang patalata.
A. grapikal
B. naratib
C. tabular
D. tekstuwal
30. Ito ay proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang
malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong
pamamaraan.
A. pamanahong papel
B. pananaliksik
C. takdang – aralin
D. panayam
31. Ito ay teorya ng pagbasa na tumutukoy sa pagkilala ng mga serye ng
mga nakasulat na simbolo.
A. Bottom-up
B. Top-Down
C. Interaktib
D. Iskima
32. Ito ay uri ng pagsulat na nakapokus sa imahinasyon ng mga
manunulat na maaaring piksyonal at di-piksyonal.
A. akademik
B. propesyunal
C. journalistic
D. reperensyal
33. Ito ay uri ngpagsulat ng paglalarawan kapag gumagamit ng
matatalinghagang pananalita.
A. karaniwan
B. masining
C. konotatibo
D. denotatibo
34. Ito uri ng pagsulat na nagaganap sa paaralan.
A. akademik
B. teknikal
C. journalistic
D. reperensyal
35. Kabilang sa mga halimbawa ng sulating ito ay ang police report,
medical report, banghay aralin, mga legal forms at iba pa.
A. propesyunal
B. reperensyal
C. journalistic
D. akademik
36. Nakalagay rito ang sanhi o layunin ng paksang inaaral sa anyong
patanong.
A. disenyo ng pananaliksik
B. kahulugan ng katawagan
C. paglalahad ng resulta
D. paglalahad ng suliranin
37. Nakalahad dito ang sakop at di sakop ng ng pinag-aaralan.
A. disenyo
B. instrumento
C. saklaw at limitasyon
D. tritment ng mga datos
38. Nakalatag dito ang ang teoryang pagbabatayan ng pag-aaral.
A. batayang konseptwal
B. disenyo ng pananaliksik
C. interpretasyon
D. respondente/kalahok
39. Nilalaman ng bahaging ito ang pinakakaluluwa ng isang teksto.
A. panimula
B. katawan
C. wakas
D. banghay
40. Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa pananaliksik.
A. layunin
B. gamit
C. metodo
D. etika
41. Pangkalahatang bahagi ng isang teksto.
A. panimula-katawan-wakas
B. paksa-paliwanag-kongklusyon
C. paglalahad ng tauhan-paglalahad ng suliranin-solusyon-wakas
D. paksa-paninindigan-kongklusyon
42. Sa anong bahagi ng pananaliksik matutunghayan ang hangarin o
tunguhin batay sa paksa?
A. inaasahang awtput o resulta
B. layunin
C. Metodolohiya
D. rasyonal
43. Sa bahaging ito ng teksto ay ipinakikilala ang paksa na kung saan ang
mambabasa ay nakakabuo ng hinuha na hindi malilihis sa tunay na
nilalaman at nagsisilbing malakas na pwersa upang ipagpatuloy ang
pagbabasa.
A. panimula
B. katawan
C. wakas
D. banghay
44. Sa pagbasang ito ay tinitiyak na maunawaan ng mambabasa ang
buong nilalaman ng akda kasama ang pagpuna sa pamagat, simula,
katawan (nilalaman) at wakas ng akda, istruktura ng mga
pangungusap, ang mga ginamit na salita o istilo sa pagsulat,
kalakasan at kahinaan ng paksa at may-akda.
A. skimming
B. scanning
C. analytical
D. critical
45. Saan nabibilang ang tekstong nagkukuwento ng mga yugto ng
pangyayari na maaaring piksyon o di piksyon?
A. naratib
B. dokyumentaryo
C. ekspositori
D. argumentatib
46. Saang bahagi ng teksto nabibilang ang pagbibigay ng lagom?
A. panimula
B. katawan
C. wakas
D. kakintalan
47. Sukatin ang bisa ng komiks bilang alternatibong kagamitang
pampagtuturo sa asignaturang Filipino, Baitang 12.
A. layunin
B. gamit
C. metodo
D. etika
48. Tukuyin ang konsepto ng pagbasa.
A. Ito ay isang interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng
kaisipan.
B. Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga
kaisipan.
C. Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa
pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga
titik at simbolong nakalimbag sa pahina.
D. Lahat ng nabanggit
49. Tukuyin ang nilalaman ng Kabanata I ng sulating pananaliksik.
A. Panimula, Paglalahad ng Suliranin, Kahulugan ng Katawagan,
Batayang Konseptwal, Saklaw at Limitasyon)
B. Disenyo ng Pananaliksik, Respondente, Instrumento ng
Pananaliksik, Tritment ng Datos)
C. Pagsusuri, Interpretasyon, Kongklusyon
D. Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik
50. Uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang
sanggunian hinggil sa isang paksa.
A. propesyonal
B. reperensyal
C. malikhain
D. teknikal

You might also like