You are on page 1of 4

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBAT’ IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

BAITANG 11 - GAS

Pangalan: ___________________________________ Petsa: ________ Iskor: _______


Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong o pangungusap sa bawat
bilang. Itiman ang titik ng pinakaangkop na sagot.

1. Ito ay isang uri ng dipiksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mababasa na sumang-ayon
sa manunulat hinggil sa isang isyu.
A. Argumentatibo B. Persuweysib C. Naratibo D. Prosidyural
2. _______ ay naglalahad ng iba’t ibang impormasyon at katotohanan upang suportahan and isang
opinion gamit ang argumentatibong estilo ng pagsulat.
A. Manunulat B. Argumento C. Naratibo D. Persuweysib
3. Ito ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon o di piksiyon.
A. Argumentatibo B. Persuweysib C. Naratibo D. Prosidyural
4. Ito ay uri ng tekstong naratibo na kung saan pumipili ng paksang mahalaga at makabuluhan.
A. Oryentasyon B. Estruktura C. Naratibo D. Paksa
5. ________ nakapaloob ditto ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting, at oras o panahon kung
kailan nangyari ang kwento.
A. Oryentasyon B. Estruktura C. Naratibo D. Paksa
6. Ito ay isang uri ng tekstong naratibo na kung saan malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng
kwento.
A. Narasyon B. Estruktura C. Naratibo D. Paksa
7. _______ ito ay detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang senaryo sa unang bahagi upang
maipakita ang setting at mood.
A. Oryentasyon B. Estruktura C. Naratibo D. Pamamaraan ng Narasyon
8. _______ ito ay nagbibigay ng mga pahiwatig o Hints hinggil sa kung ano ang kahihinatnan o
mangyayari sa kwento.
A. Diyalogo B. Foreshadowing C. Naratibo D. Comic Book Death
9. ______ sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-uusap ng mga tauhan upang
isalaysay ang nangyayari.
A. Ellipsis B. Plot twis C. In medias res D. Diyalogo
10. Ito ay tahasang pagbabago sa direksiyon o inaasahang kalalabasan ng isang kwento.
A. Oryentasyon B. Estruktura C. Plot twist D. Pamamaraan
11. Ito ay isang Teknik kung saan pinapatay ang mahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang
lilitaw upang magbigay-linaw sa kwento.
A. Comic Book Death B. Estruktura C. Naratibo D. Pamamaraan
12. ______ ito ay nagsisimula sa dulo ang salaysay patngong simula.
A. Oryentasyon B. Estruktura C. Naratibo D.Reverse Chronology
13. Ito ay isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon ng isang
tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga
literature at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan at resulta ng empirical na pananaliksik.
A. Deskriptibo B. Estruktura C. Skimming D. Argumentatibo
14. Ito ay tumutukoy sa pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng pakikipanayam, sorbey, at
eksperimentasyon.
A. Naratibo C. Intensibo
B. Empirikal na Pananaliksik D. Pamamaraan ng Narasyon
15. Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian.
A. Deskriptibo B. Resolusyon C. Skimming D. Argumentatibo
16. Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong ________ ng masusing imbestigasyon kabilang na ang
pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensiya.
A. Deskriptibo B. Resolusyon C. Skimming D. Argumentatibo
17. ______ ay pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan.
A. Proposisyon B. Argumento C. Skimming D. Divorce Bill
18. Ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging makatuwiran ang isang panig.
A. Proposisyon B. Argumento C. Skimming D. Divorce Bill
19. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisiyon upang
makapagbigay ng mahuay na ____________.
A. Proposisyon B. Argumento C. Skimming D. Divorce Bill
20. Ito ay katangian ng tekstong argumentatibo na kung saan nakapipili ng angkop na paksa, at pinag-
iisipan ang ibat-ibang napapanahon at mahahalagang isyu na may bigat at kabuluhan.
A. Mahalaga at napapanahong paksa
B. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa teisi sa unang talata ng teksto.
C. Matibay na ebidensiya para sa argumento.
D. Malinaw at lohikal na transisiyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.
21. Ang tekstong argumentatibo ay nangangailangan ng detelyado, tumpak, at napapanahong mga
impormasyon mula sa pananaliksik na susuporta sa kabuuang tesis.
A. Mahalaga at napapanahong paksa
B. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa teisi sa unang talata ng teksto.
C. Matibay na ebidensiya para sa argumento.
D. Malinaw at lohikal na transisiyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.
22. Ipinapaliwanag ng manunulat ang konteksto ng paksa sa pamamagitan ng pagtalakay nito sa
pangkalahatan.
A. Mahalaga at napapanahong paksa
B. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa teisi sa unang talata ng teksto.
C. Matibay na ebidensiya para sa argumento.
D. Malinaw at lohikal na transisiyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.
23. Transisyon ang magpapatatag ng pundasyon ng teksto.
A. Mahalaga at napapanahong paksa
B. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa teisi sa unang talata ng teksto.
C. Matibay na ebidensiya para sa argumento.
D. Malinaw at lohikal na transisiyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.
24. Ang bawat talata ay ay kailanagan tumalakay sa iisang pangkalahatang ideya lamang at nagbibigay
direksiyon sa buong teksto.
A. Mahalaga at napapanahong paksa
B. Maayos na pagkasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng argumento.
C. Matibay na ebidensiya para sa argumento.
D. Malinaw at lohikal na transisiyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.
25. Ito ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksiyon kung
paanong isagawa ang isang tiyak na bagay.
A. Deskriptibo B. Resolusyon C. Prosidyural D. Argumentatibo
26. _______ ay makapagbibigay ng sunod-sunod na direksiyon at impormasyon sa mga tao upang
tagumpay na maisagawa ang mga gawain sa ligtas, episyente, at angkop na paraan.
A. Naratibo B. Prosidyural C. Skimming D. Argumento
27. ______ ito ay isang uri ng tekstong prosidyural na nagbibigay ng gabay at mga paalala na maaaring
hindi nakaayos nang magkakasunod.
A. Protokol B. Layunin C. Skimming D. Proposisyon
28. Nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur.
A. Layunin o target na awtput C. Ebalwasyon
B. Kagamitan D. Metodo
29. Serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto.
A. Layunin o target na awtput C. Ebalwasyon
B. Kagamitan D. Metodo
30. Nakapaloob ditto ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganinupang kumpleto ang
isasagawang proyekto.
A. Layunin o target na awtput C. Ebalwasyon
B. Kagamitan D. Metodo
31. Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa.
A. Layunin o target na awtput C. Ebalwasyon
B. Kagamitan D. Metodo
32. Ito ay isang diskusyon o sulatin na may iba’t-ibang diskurso gaya ng pagbibigay-impormasyon,
pangangatuwiran, o simpleng paglalabas lang ng mga iniisip o damdamin tungkol sa isang paksa.
A. Protokol B. Blog C. Cohesive devices D. Proposisyon
33. Ito ay ginagamit sa pagbebenta.
A. Online brand advertising C. Cohesive devices
B. Blog D. Proposisyon

34. Ito ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa
kanyang lipunan o kapaligiran.
A. Pagsusuri C. Pananaliksik
B. Argumentatibo D. Prosidyural
35. Ito ay ang preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao.
A. Layunin ng Pananaliksik C. Pananaliksik
B. Argumentatibo D. Prosidyural
36. Ito ay dapat mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri ang kanilang pamamagitan ng
istatistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan.
A. Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga kwatiteytib o istatistikal na metodo.
B. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda.
C. Ang pananaliksik ay sistematik.
D. Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskribsyon
37. Ito ay tumutukoy sa mga pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa mga katanggap-tanggap
na ideya sa kung ano ang tama at mali.
A. Etikal na Pananaliksik
B. Responsibilidad ng Mananaliksik
C. Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.
D. Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa Pananaliksik.
38. Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik,
maging ang mga datos na nakalap.
A. Ang pananaliksik ay empirikal.
B. Ang pananaliksik ay mapanuri.
C. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda.
D. Lahat ng nabanggit.
39. Ito ay presentasyon at interpretasyon ng datos.
A. Pagsusuri ng datos
B. Pangangalap ng datos.
C. Ang pananaliksik ay empirikal.
D. Ang pananaliksik ay mapanuri.
40. Ito ay sistimatikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso ng imbestigasyon na
ginagamit sa pangangalap ng datos sa isang pananaliksik.
A. Layunin ng Pananaliksik
B. Metodolohiya ng Pananaliksik
C. Etika ng Pananaliksik.
D. Balangkas teoretikal.

SUSI NG PAGWAWASTO:
1. B
2. A
3. C
4. D
5. A
6. B
7. D
8. B
9. D
10. A
11. D
12. D
13. D
14. B
15. B
16. D
17. A
18. B
19. B
20. A
21. C
22. B
23. D
24. B
25. C
26. B
27. A
28. A
29. D
30. B
31. C
32. B
33. A
34. C
35. A
36. A
37. A
38. A
39. A
40. B

You might also like