You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department Of Education
REGION V – DIVISION OF ALBAY
OAS POLYTECHNIC SCHOOL
ILAOR NORTE, OAS, ALBAY

Unang Markahang Pagsusulit sa


Pagsulat sa Piling Larang- Akademik

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa mga sumusunod na bilang. Isulat sa sagutang papel
ang titik ng tamang sagot.

1. Opisyal na tala o record ng mahalagang puntong napag-usapan sa pulong ng isang grupo o


organisasyon.
a. adyenda b. katitikan c. panukalang proyekto d. talumpati
2.Inihanda upang mabigyan ang guro ng pagkakataong masukat at masuri ang halaga at pakinabang
ng ihahandang proyekto ng isang mag-aaral o grupo ng mag-aaral.
a. adyenda b. katitikan c. panukalang proyekto d. talumpati
3. Tinatawag na isang pormal na pahayag sa harap ng publiko ayon sa UP diksyunaryong Filipino.
a. adyenda b. katitikan c. panukalang proyekto d. talumpati
4. Naglalahad ng paninindigan sa isang problema o isyu.
a. Pananaliksik b. Pag-aaral c. Pagtanggap d. Posisyong Papel
5. Anyo ng Talumpati na laganap sa mga program ng paggawad o pagkilala sa kahusayan ng isang
tao.
a. Pagtanggap b. pagtatapos c. Pamamaalam d. Luksampati
6. Naglalayong magbigay ng impormasyon sa tagapakinig. Maari itong magturo ng isang teorya o
impormasyon.
a. Impormatibo b. Naglatahad c. Mapang-aliw d. Mapanghikayat
7. Ito’y anyo ng talumpati na nagsisilbing parangal o paggunita sa alaala ng isang taong yumao.
a. Luksampati b. Pag-aalay c. Pamamaalam d. Pagtatapos
8. Bahagi ng ritwal sa isang salu-salo na nagpapahayag ng pagpapahalaga at pagkilala sa taong
pararangalan.
a. Brindis b. Impormatibo c. Pag-aalay d. Pangtanggap
9. Naglalayong manghikayat o mag-imbita sa mga tagapakinig na kumilos tungo sa pagbabago.
a. Impormatibo b. Naglalahad c. Mang-aliw d. Mapanghikayat
10. Kadalasang binibigkas ng natatanging mag-aaral na may pinakamataas na grado o pinakamahusay
sa klase.
a. Pag-aalay b. Pamamalam c. Pagtanggap d. Pagtatapos
11. Maaring ito ay papuri sa piling tao, bayani, o panauhing pandangal.
a. Pag-aalay b. Pamamalam c. Pagtanggap d. Pagtatapos
12. Halos katulad ng talumpating impormatibo, ngunit may kasama itong demonstrasyon
a. Impormatibo b. Naglalahad c. Mapang-aliw d. Mapanghikayat
13. Ito ay madalas na maririnig sa mga personal na salosalo gaya ng anibersaryo, kasal, kaarawan, o
victory party.
a. Impormatibo b. Nagtalahad c. Mapang-aliw d. Mapanghikayat
14. Bahagi ng talumpati na kailangang mag-isip ang mananaysay ng estratehiya upang makuha
kaagad ang atensyon ng tagapakinig.
a. Katawan b. Konktusyon c. Simula d. Wakas
15. Sistematiko at organisadong paglalatag ng mga punto, ideya at iba pang mga nais sabihin.
a. Katawan b. Konklusyon c. Simula d. Wakas
16. Muling pag-uulit at pagdidiin sa mahalagang punto ng binibigkas na akda na maaaring balikan
ang pangunahing pangungusap upang mailarawan sa madla na ito ay natatalakay nang husto.
a. Katawan b. Konklusyon c. Simula d. Wakas
17. Binabalangkas ang proseso ng pag-aaral mula sa simula hanggang sa katapusan upang maging
maayos at sistematiko ang pagsisimula ng isang proyekto.
a. Adyenda b. Katitikan c. Panukalang Proyekto d. Talumpati
18. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng pokus ang pananaliksik, naihahalintulad sa pagbibigay ng
pangalan sa isang nilalang.
a. Layunin b. Pag-aaral c. Pananaliksik d. Tentatibong Pamagat
19. Nililikha ang ________upang maging organisado at sistematiko ang isasakatuparang pananaliksik,
a. Layunin b. Pag-aaral c. Talaan ng Gawain d. Tentatibong Pamagat
20._______ ay bukas sa anumang rebisyon. Maaari itong kaltasan o dagdagan sang-ayon sa payo ng
isang guro
a. Adyenda b. Katitikan c. panukalang Proyekto d. Talumpati
21. Ang mga itatalang_______sa panukalang proyekto ang magsisilbing pangako ng isang
mananaliksik.
a. Adyenda b. Layunin c. Talaan ng Gawain d. Tentatibong Pamagat
22. Masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya,konsepto,bagay,tao, isyu at iba pang ibig
bigyang linaw, patunayan o pasubalian.
a. Pananaliksik b. Pagsisiyasat c. Pagsusuri d. Pag-aaral
23.Ang mga datos ay kinuha sa mga di-kumikiling o di kinikilingang mga datos.
a. Pananaliksik b. Pagsisiyasat c. Pagsusuri d. Pag-aaral
24. _________sa paghahanap ng materyales, sa pagdodokumento at pag-iiskedyul ng mga gawain
tungo sa pagbuo ng pananaliksik.
a. Matiyaga b. Maparaan c. Maingat d. Sistematiko
25. Pandaraya at di-katanggap tanggap sa pananaliksik na maaaring humantong sa mga problemang
legal.
a.Etika b. Pagnanakaw c. Plagiarism d. Responsibilidad
26. Tinatawag itong pagpapaliwanag na nakasentro sa pagbibigay linaw sa mga pangyayari, sanhi at
bunga ng magkakaugnay na mga ideya.
a.Paglalahad b. Paglalarawan c. Pangangatwiran d. Pagsasalaysay
27. Artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman na ipinapahayag.
a. Pakikinig b. Pagbasa c. Pagsulat d. Pagsasalita
28. Sulating may malinaw na daloy at ugnayan ng pangunahing paksa at detalyadong pagtalakay ng
balangkas ng paksa.
a. Di-pormal b. Kumbinasyon c. Pormal d. Responsibilidad
29. Ipinapahayag dito ang katuwiran,opinion o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang isyu
na nakahain sa manunulat.
a. paglalahad b. paglalarawan c. pangangatwiran d. pagsasalaysay
30. Nakapokus sa kronolihikal o pagkakasunud sunod na daloy ng pangyayaring aktwal na naganap.
a. Paglalahad b. Paglalarawan c. Pangangatwiran d. Pagsasalaysay
31.______ sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao/institusyong pinagkunan ng mga ito.
a. Maingat b. Maparaan c. Responsable d. Sistematiko
32. Ipinapahayag dito ang katuwiran, opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang
isyung nakahain sa manunulat.
a. Paglalahad b. Paglalarawan c. Pangangatwiran d. Pagsasalaysay
33. Matatagpuan ang mga pangunahing pagtalakay sa paksa.
a. Katawan b. Konklusyon c. Titulo o pamagat d. Sistematiko
34.______sa pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon at rekomendasvon sa paksa.
a. Analitikal b. Kritikal c. Matapat d.Responsable
35.Sa pagkuha ng datos na hindi madaling kunin at nag-iisip ng sariling paraan para makuha ang mga
ito.
a. Maingat b. Matapat c. Matiyaga d. Maparaan
36. Ito ay dahil sa mga bunga ng pagsisiyasat ay tinitimbang, tinataya at sinusuri.
a. Dokumentado b. Obhetibo c. Masusi d. Pag-aaral
37. ______sa mga nosyon, palagay,haka-haka at paniniwala.
a. Nagbibigay-linaw b. Nagpapatunay c. Nagpapasubali d. Pagsisiyasat
38. Ang teknikal na salitang ginagamit sa wikang Ingles kaugnay ng pangongopya ng gawa ng iba
nang walang pagkilala.
a. Etika b. Islander c. Plagiarism d. Responsibildad
39. Ang pamagat ng anumang akda ay isang ________ na maaaring angkinin ng nakaisip nito.
a. Akda b. Pamagat c. patent o Copyright d. Pananaliksik
40. Sa kahit na anong gawain, may _______ na sinusunod upang masanay at maisaayos ang mga
gawain.
a.Etika b. Islander c. Plagiarism d. Patent o copyright
41.______sa mga datos at interpretasyon ng iba ukol sa paksa at mga kaugnay na paksa.
a.Analitikal b. Katotohanan c. Kredibilidad d. Konklusyon
42. ______ay mahirap pasubalian kung ito ay napatunayan ng mga ebidensya.
a. Analitikal b. Katotohanan c. Kredibilidad d. Konklusyon
43. Ayon kay _______, "Naituturo ang pagsulat sapagkat hindi naman namamana ang kakayahang
ito.”
a. Isagani Cruz b. Pat Villafuerte c. Mes De Guzman d. Rogelio R. Sicat
44. _______ ito sa mga dati nang pinaniniwalaan pero inaakalang may mali, hindi totoo o hindi dapat
paniwalaan.
a. Nagpapatunay b. Nagpapasubali c. Nagbibigay-linaw d. Pagsisiyasat
45.1to ay tutulong sa ikahuhusay ng pananaliksik.
a. Analitikal b. Obhetibo c. Metodolohiya d. Wika
46. Para kanino mo ba isasagawa ang pananaliksik? Sa mga kababayan mo ba? sa mga dayuhan?
a. Mananaliksik b. Paksa c. Tagatanggap d. Wika 47. Mahalaga para patatagjn ang oryentasyon sa
pananaliksik.
a. Mananaliksik b. Tagatanggap c. Paksa d. Wika
48. Tulad ng anumang gawain, ang_______ay isang Malaki at mabigat na responsibilidad.
a. Bibliograpiya b. Oryentasyon c. Pananalisik d. Paksa
49. Tinatawag itong pagpapaliwanag na nakasentro sa pagbibigay linaw sa mga pangyayari,sanhi at
bunga ng magkakaugnay na mga ideya.
a. paglalahad b. Paglalarawan c. pangangatwiran d. pagsasalaysay
50. Nilalagom ang mga mahahalagang puntos ng papel. Isinasaad sa bahaging ito ang napatunayan o
napag-alaman na talakay sa daloy ng papel.
a. Katawan b. Konklusyon c. Panimula d. Pamagat

You might also like