You are on page 1of 4

I. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pangungusap.

1. Ito ang pundasyon ng pananaliksik. C


a. datos
b. metodolohiya
c. kaugnay na literature
d. layunin
2. Ito ang itinuturing na pinakamahalagang yunit ng pananaliksik. A
a. datos
b. metodolohiya
c. kaugnay na literature
d. layunin
3. Ito ay kalipunan ng mga pamamaraan na ginamit ng mananaliksik upang maisakatuparan
ang ginagawang pag-aaral. B
a. datos
b. metodolohiya
c. kaugnay na literature
d. suliranin
4. Dito nagsisimula ang lahat ng mga katanungan na dapat masagot sa kabanata apat ng
pananaliksik. D
a. datos
b. metodolohiya
c. kaugnay na literature
d. suliranin
5. Ito ay nangangahulugang ang isinulat ay pansamantala at maaaring iwasto ang ilang bahagi.
A
a. burador
b. pansamanatalang balangkas
c. pinal na balangkas
d. pansamantalang bibliograpiya

II. Tama o Mali


6. Ang pangunahing ideya o tesis ay inilalahad sa pamamagitan ng isa o dalawang
pangungusap na nagsasaad ng pinakamahalagang ideya na idedepensa ng mananaliksik.
TAMA
7. Ang praktikal na tanong ay umuusisa o sumisiyasat tungkol sa isang pangyayari o sitwasyon.
MALI
8. Iikot ang buong pagsulat at pagsasagawa ng pananaliksik sa pangangalap ng datos. MALI
9. Isinasaad ang pangunahing ideya o tesis sa pagpapahayag ng layunin. TAMA
10. Ang pansamantalang balangkas ay gabay ng mananaliksik sa pagsulat ng burador. MALI
11. Ang bunga ng pananaliksik ay maaaring solusyon sa isang suliranin ng lipunan o ng
organisasyon.TAMA
12. Ang mga metodong ginagamit upang makakalap ng datos mula sa kalahok ng pag-aaral ay
kabilang sa pangunahing sanggunian. TAMA
13. Inilalahad sa metodolohiya ang mga prosesong isasagawa upang makakalap ang datos.
TAMA
14. Ang qualitative na disenyo ng pag-aaral ay ginagamitan ng sarbey at estadistika. MALI
15. Ang kaugnay na literatura ay nagsisilbing gabay ng mananaliksik sa pagpili at pagbuo ng
angkop na disenyo ng pag-aaral. TAMA

III. Tukuyin ang disenyo ng pag-aaral batay sa sitwasyon.


16. Nagsagawa ng isang focus group discussion ang mananaliksik upang makakalap ng datos
hinggil sa pananaw ng mga mamamayan sa Brgy. Pag-asa kaugnay ng paggamit ng face shield
sa mga pampublikong lugar. QUALITATIVE
17. Si Lesley ay nagsasagawa ng pag-aaral ukol sa prepeprensya ng mga mag-aaral sa
ginagamit na platform sa kanilang online classes. Gumamit siya ng sarbey upang makuha ang
kailangang datos. QUANTITATIVE
18. Ang paksa ng pananaliksik ni Layla ay may kinalaman sa saloobin at pananaw ng mga
kabataan tungkol sa pamantayan ng kagandahan ng mga Pilipino kung kaya’t siya ay
nagsagawa ng panayam. QUALITATIVE
19. Namahagi ng talatanungan checklist (questionnaire) si Claude upang makakuha ng
kailangang datos sa kaniyang pananaliksik sapagkat nais niyang malaman kung nasiyahan ang
mga naninirahan sa Brgy. Pagmamahal sa proseso ng pagbabakuna sa nasabing lugar.
QUANTITATIVE
20. Ang guro ay nagbigay ng mga pagsusulit sa pagbasa upang malaman kung ilang mag-aaral
ang nagkaroon ng pag-unlad sa kakayahang maunawaan ang binasang teskto pagkatapos
niyang magsagawa ng remedial class. QUANTITATIVE
III. Piliin ang titik ng wastong sagot.
21. Ano ang ginamit na paraan ng paglilimita sa paksang “Epekto ng paglalaro ng online games
sa gawi sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng ABC, Laguna sa taong 2020-2021”? A
a. Paksa+Anyo+Pangkat+Lugar+Panahon
b. Paksa+Pangkat+Lugar+Panahon
c. Paksa+Anyo+Edad+Lugar+Panahon
d. Paksa+Kaso+Pangkat+Lugar+Panahon
22. Ang paksa ng pananaliksik ay nararapat na napapanahong isyu at makakatulong sa iba
pang mananaliksik o lipunan. Aling gabay sa pagpili ng paksa ang tinutukoy nito? C
a. kasapatan ng datos
b. limitasyon ng pag-aaral
c. kabuluhan ng paksa
d. kakayahang pinansyal
23. Alin sa mga sumusunod ang HINDI metodo upang direktang makakalap ng datos mula sa
taong kalahok sa pananaliksik? D
a. Panayam
b. Focus Group Discussion
c. Sarbey
d. Manuskrito
24. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng epektibong pagsulat ng
pamagat ng pananaliksik? B
a. Ang bilang ng mga salita ay dapat hindi bababa sa sampu at hindi tataas ng dalawampu.
b. Ang bilang ng mga salita ay dapat hindi bababa sa sampu at higit sa sa dalawampu.
c. Nararapat na ang pamagat ay malinaw at madaling maintindihan.
d. Nararapat na ang pamagat ay tiyak at tuwiran ang pagkakadisenyo.
25. Anong proseso ng pananaliksik ang nagiging gabay ng mananaliksik sa pagsulat ng
burador? C
a. Pagsulat ng pansamantalang balangkas
b. Paghahanda ng mga impormasyon at pansamantalang bibliyograpiya.
c. Pagsulat ng pinal na balangkas
d. Pangangalap ng mga datos
26. Anong uri ng tanong ang umiikot sa mga paksang tinatalakay sa isang larangan ng pag-
aaral? C
a. Pilosopikal na tanong
b. Praktikal na tanong
c. Disiplinal na tanong
d. Imbesigatibong tanong
27. Ano ang ginamit na paraan ng paglilimita sa paksang “Epekto ng mabilis na pag-usad ng
social media networking sites sa mga mag-aaral ng Masayahin SHS taong 2020-2021”? B
a. Paksa+Anyo+Pangkat+Lugar+Panahon
b. Paksa+Pangkat+Lugar+Panahon
c. Paksa+Anyo+Edad+Lugar+Panahon
d. Paksa+Kaso+Pangkat+Lugar+Panahon
28. Alin sa mga sumusunod na pamagat ang epektibo ang pagkakasulat o pagkakadisenyo? A
a. Preperensya ng mga Mag-aaral ng OEU, Manila sa Pagpili ng mga Papanooring Kdrama
b. Epekto ng Pagbabasa ng Kuwento sa Wattpad sa Bokabularyo
c. Mga Istratehiya ng Promosyon ng mga Produktong Pabango ng XYZ
d. Mga Saloobin at Pananaw ng Mag-aaral sa kanilang mga pag-aaral ng Iba’t Ibang Asignatura
at kanilang marka pagkatapos ng Markahang Pagsusulit at mga Maikling Pagsusulit
29. Nais ni Clint na isang napapanahong isyu ang maging paksa ng kaniyang pananaliksik. Alin
sa mga sumusunod ang pinakaangkop na hanguan ng paksa? C
a. karanasan
b. aklatan
c. dyaryo at TV
d. awtoridad
30. Tiniyak ni Claude na mayroon siyang magagamit na sanggunian tulad ng mga aklat,
dyornal, artikulo at iba pang batayan sa pagpili ng kaniyang paksa. Alin sa mga gabay sa pagpili
ng paksa ng pananaliksik ang kaniyang isinaisip? B
a. kakayahang pinansyal
b. kasapatan ng datos
c. limitasyon ng pag-aaral
d. kabuluhan ng paksa
31. Nagkaroon ng suliranin si Beatrix sa kaniyang isinasagawang pananaliksik sapagkat hindi
sapat ang isang semestre upang maisakatuparan ang pag-aaral. Anong gabay sa pagpili ng
paksa ang HINDI naikonsidera sa sitwasyon? C
a. kakayahang pinansyal
b. kasapatan ng datos
c. limitasyon ng pag-aaral
d. kabuluhan ng paksa
32. Aling bahagi ng pagsulat ng pananaliksik ang tumutulong at gumagabay sa mananaliksik sa
paggawa ng paghahambing sa pagitan ng resulta ng iba pang mananaliksik na may
kaparehong pag-aaral? D
a. metodolohiya
b. paglalahad ng layunin
c. pagsulat ng konklusyon
d. kaugnay na literatura
33. Bilang isang mag-aaral, tiniyak ni Kimmy na ang paksa ng kaniyang pananaliksik ay hindi
magastos at hindi mabigat sa bulsa. Anong gabay ang kaniyang isinaalang-alang? A
a. kakayahang pinansyal
b. kasapatan ng datos
c. limitasyon ng pag-aaral
d. kabuluhan ng paksa
34. Anong proseso ng pananaliksik ang nagbibigay ng pagkakataon sa mananaliksik upang
makapagbigay ng payo o rekomendasyon? D
a. paglalahad ng layunin
b. pagsulat ng pinal na balangkas
c. pagsulat ng burador
d. pagsulat ng konklusyon
35. Naghanda si Miya ng indeks card indeks kard o notebook na paglilistahan ng mga nakalap
na sanggunian. Anong hakbang sa pananaliksik ang inilalarawan ng sitwasyon? C
a. pagsulat ng pansamantalang balangkas
b. paghahanda ng burador at pagwawasto
c. paghahanda ng pansamantalang bibliyograpiya
d. pagsulat ng pinal na balangkas

Batay sa modelo ni Dell Hymes, tukuyin ang inilalarawan ng bawat pangungusap.


36. Ito ay tumutukoy sa mga taong sangkot sa usapan. A
a. Participants
b. Ends
c. Keys
d. Settings
37. Ito ay maaaring pormal o di-pormal na takbo ng usapan na naglalarawan sa
pangkalahatang tono o paraan ng pagsasalita. B
a. Ends
b. Keys
c. Norms
d. Genre
38. Ito ang layunin o mithiin ng usapan gayundin ang maaaring bunga ng pag-uusap. A
a. Ends
b. Keys
c. Norms
d. Participants
39. Ito ay anyo o estilong ginamit sa pag-uusap. C
a. Genre
b. Norms
c. Instrumentalities
d. Keys
40. Ito ay tumutukoy sa kaangkupan at kaakmaan ng usapan ng isang sitwasyon. B
a. Instrumentalities
b. Norms
c. Genre
d. Setting

You might also like