You are on page 1of 4

BINACUD INTEGRATED SCHOOL

Binacud, Sinait, Ilocos Sur


SENIOR HIGH SCHOOL
FINALS – SECOND SEMESTER
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t – Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________


Lebel at Seksyon: ________________ Date: ______________
Maraming Pagpipilian: Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap at isulat ang
titik ng iyong sagot bago ang bawat bilang.

1. Ang pananaliksik ay isang ___________________________.


A. Gawain na nakatuon sa mga sabi-sabi.
B. Pag-aaral ng mga nakaraang pangyayari lamang.
C. Masistemang gawain ng pagsusuri at pag-aaral ng mga material.
2. Ito ang pinakamahalagang katangian ng mahusay na pananaliksik.
A. Obhektibo
B. May Sistema
C. Pagiging orihinal
3. Ang tulong ng mga repondente ng pananaliksik ay maaaring mas magpaunlad sa isang pag-aaral. Anong
katangian ng pananaliksik ang ipinahihiwatig nito?
A. May Sistema
B. Dumaan sa pagsusuri at validasyon
C. Napapanahon at naglalatag ng solusyon
4. Sa pangkalahatan, maaaring masabing ang isang pananaliksisk ay kwalitatibo o kantitabo.
A. Obhektibo
B. May Sistema
C. Pagiging orihinal
5. Ang isang pananaliksik ay marapat na magkaroon ng malinaw na pagtingin, mungkahi at hakbang kung paano
ilalatag ang solusyong iminumungkahi. Anong katangian ito ng isang mahusay na pananaliksik?
A. Obhektibo
B. Dumaan sa Pagsusuri at validasyon
C. Napapanahon at naglalatag ng solusyon
6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang mahusay na mananaliksik?
A. May kinikilingan
B. Matiyaga at Disiplinado
C. Marunong magsulat at magrebisa
7. Mahalaga ang pananaliksik sa pagkat pinapaunlad nito an gating kakayahang pang-isip at nililinang ang mga
makrong kasanayang pangwika. Ito ay tumutukoy sa kahalagahan ng pananaliksik aling aspeto ng lipunan?
A. Sa Lipunan
B. Sa Paaralan
C. Sa sarili at pamilya
8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga natututunan sa paggawa ng pananaliksik?
A. Pinapaunlad ang kakayahang pag-iisip.
B. Pinapaunlad ang sariling interes lamang.
C. Pinatatalas nito ang kritikal at malikhaing pag-iisip.
9. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapatunay sa kalagahan ng pananaliksik sa paaralan?
A. Pinapaunlad ang kakayahang pang-isip.
B. Tumutugon sa anumang krisis na kinakaharap ng lipunan.Nagbibigay daan sa mas praktikal at
C. sistematikong pagpapahalaga sa edukasyon.
10. “Research is an indispensable tool for national development”,ang pananaliksik ay nangangahulugang?
A. Pagkakaroon ng research-based na gawain.
B. Pagkakataong maging produktibong kasapi ng pamilya.
C. Pagtugon sa anumang isyung kinakaharap ng isang lipunan.
11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay sa kahalagahn ng pananaliksik sa daigdig?
A. Ito ay nakatuon sa kurikulum ng paaralan para sa mga research-based na gawain.
B. Anumang bagong tuklas na kaalaman ay hindi dapat ipagdamot ng isang komunidad.
C. Nagkakaroon ng aktibong pakikibahagi ang indibidwal sa mismong lipunang ginagalawan.
12. Alin sa mga sumusunod ang pinakadapat sundin sa pagpili ng pokus ng pananaliksik?
A. Kaykahayan ng mananaliksik na magtanong nang wasto.
B. Kailangan ng sapat na kaalaman at kahusayan ukol sa konsepto.
C. Marapat maging malinaw sa isip ng mananaliksik ang pangunahing isyu.
13. Isa sa mga nagpapabilis ng takbo ng pananaliksik ang kakayahan ng mananaliksik na magtanong ng wastong mga
tanong sa mga partisipants. Ito ay tumutukoy sa anong batanyang proseso ng pananaliksik?
A. Paglilinaw ng mga konsepto
B. Pagpili ng pokus ng pananaliksik
C. Pagtukoy ng mga mahalagang tanong sa pananaliksik
14. Alin sa nga sumusunod na pagpapakahulugan ng batayang proseso ng pananaliksik ang HINDI kabilang sa
paglilinaw ng mga konsepto?
A. Pagkakaroong ng direksyon sa pagsasaliksik ng konsepto.
B. Salat sa kaalaman sa paggamit ng balangkas ng konsepto.
C. Kailangan ang sapat na kaalaman at kahusayan sa konsepto.
15. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga ginagamit sa pangangalap ng datos?
A. Outreach program
B. Direktang panayam
C. Community Profiling
16. Ang paglalarawan, paghahambing, estadistikal na tritment at pagsusuri sa kung ano ang magiging paksa at
disenyo ng pag-aaral ay patunay sa _____________________ ng datos.
A. Pagsusuri
B. Pangangalap
C. Paglalahad at presentasyon
17. Ang paglalahad at presentasyon nga datos ay nangangahulugang ___________________.
A. Ang pagsulat sa pangwakas na kabanata.
B. Ang pagsusuri para sa validasyon ng mga datos.
C. Ang kakayahan ng mananaliksik na mabalangkas ang posibleng konklusyon.
18. Pagkatapos ng pagsulat sa pangwakas na kabanata ng pananaliksik, ang kasunod ay ang ________.
A. Paglalahad ng datos
B. Presentasyon ng datos
C. Pagsasagawa ng mungkahing hakbang
19. Ang pagkopya ng sulatin, disenyo at balangkas ng anumang likhang-isip ng walang pahintulot sa orihinal na amy-
ari ay tinatawag na?
A. Plagiarism
B. Copyreading
C. Proofreading
20. Saklaw nito ang malawak o ang tiyak na oras sa paksa ng pananaliksik.
A. Edad
B. Kasarian
C. Panahon
21. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng mas tiyak na paksa?
A. Kabataang lalaki
B. Panahon ng Digmaan
C. Mga Mag-aaral sa Senior High School
22. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng tiyak na paksa ukol sa digmaan?
A. World War II
B. Unang Panahon
C. Panahon ng Digmaan
23. Ito ay bahagi ng tentatibong balangkas na sumasagot sa tanong na, “ Ano ang mayroon sa pananaliksik na ito”?
A. Rasyunal
B. Mga tiyak na layunin
C. Pangkalahatang layunin
24. “Anu-ano ang mga gustong matuklasan ng pananaliksik na ito?”, ay sumasagot sa anong bahagi ng balangkas ng
pananaliksik?
A. Mga haypotesis
B. Mga tiyak na layunin
C. Mga suliranin sa pag-aaral
25. Nilalaman ng bahaging ito ng pananaliksik ang mga batayang isyu ng paksa na nagbibigay saysay sa pag-aaral.
A. Mga tiyak na layunin
B. Pangkalahatang layunin
C. Mga suliranin sa pag-aaral
26. Ito ang pinakalohikal na mga palagay ukol sa isyu na inilalagay sa unang bahagi ng pananaliksik nang sa huli ay
mapapatunayan.
A. Rasyunal
B. Mga haypotesis
C. Mga tiyak na layunin
27. Isa itong batayang uri ng haypotesis na nakatuon sa paglalahad ng positibong ugnayan ng dalawang salik sa
pananaliksik.
A. Naratibo
B. Prediktibo
C. Deklaratibo
28. Tinitiyak ng bahaging ito ng pananaliksik ang magiging tunguhin ng pag-aaral at ang pokus ng paksa.
A. Mga tiyak na layunin
B. Saklaw at dalimitasyon
C. Kahalagahan ng pag-aaral
29. Tinutukoy sa uri ng pananaliksik na ito na walang direktang ugnayang umiiral sa mga salik na naitala ng
pananaliksik.
A. Null
B. Patanong
C. Prediktibo
30. Ito ay uri ng haypotesis na nagsisilbing lohikal na tanong sa pananaliksik.
A. Null
B. Patanong
C. Deklaratibo
31. Isa itong uri ng haypotesis na kaugnay ng pagbibigay ng isang kondisyonal na sitwasyon sa paksa.
A. Patanong
B. Prediktibo
C. Deklaratibo
32. Inilalagay sa bahaging ito ng pananaliksik ang mga tiyak na kahalagahan ng pananaliksik sa mga mambabasa.
A. Mga tiyak na layunin
B. Saklaw at delimitasyon
C. Kahalagahan ng pag-aaral
33. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ginagamit na sanggunian sa pag-aaral?
A. Test Paper
B. Diksyunaryo
C. Ensayklopediya
34. Siya ang nagsabing “ Ang pananaliksik ay pagtuklas ng isang teorya, pagsubok sa teoryang iyonat paglutas sa
isang suliranin…..” ?
A. Goodman
B. Bernales
C. Villafuerte
35. Ang mga sumusunod ay mahusay na katangian ng isang pananaliksik, maliban sa:
A. Orihinal
B. Paulit-ulit
C. May pinagbatayan
36. Ang nasa ibaba ay katangian ng isang mahusay na mananaliksik, maliban sa:
A. Bukas ang isip
B. Walang kinikilingan
C. Mabilis magdesisyon
37. Alin sa mga sumusunod ang hindi bahagi ng isang tentatibong balangkas?
A. Rasyunal
B. Kahalagahan
C. Kongklusyon
38. Batayang proseso ng pananaliksik upang maiwasan ang kung saan-saang pagpaling ng pagtalakay ng
mananaliksik:
A. Datos
B. Teorya at sanligan
C. Presentasyon ng datos
39. Ito ang taguri sa makatuwiran, siyentipiko at malinaw na paglalahad ng batayang sanligan kung bakit kailangang
pag-aralan ang isang paksa.
A. Rasyunal
B. Mga tiyak na layunin
C. Pangkalahatang layunin
40. Nilalaman ng bahaging ito ang mga batayang suliranin, isyu, mga pangyayari na nagbibigay-saysay upang ito ay
bigyan ng pansin at paglaanan ng pananaliksik.
A. Haypotesis
B. Suliranin at sanligan
C. Saklaw at delimitasyon
41. Ang estilo na ito ay madalas na ginagamit sa mga disiplinang sikolohiya at iba pang kaugnay na disiplina.
A. MLA
B. APA
C. Chicago
42. Isa itong uri ng haypotesis na kaugnay ng pagbibigay ng isang kondisyonal na sitwasyon sa paksa.
A. Null
B. Prediktibo
C. Deklaratibo
43. Ang paggamit ng mananaliksik ng mga instrumento gaya ng sarbye ay nagbibigay batayan bago simulant ang
mismong pagsulat ng pananaliksik.
A. Pagsusuri ng datos
B. Pangangalap ng datos
C. Presentasyon ng datos
44. Ito ang pinakamasinsing hakbang sa isang pananaliksik papel.
A. Rekomendasyon
B. Pangngalap ng datos
C. Pagsulat ng balangkas
45. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng sekondaryang pinagmulan ng datos, maliban sa:
A. Diyaryo
B. Magasin
C. Lecture note na di lathala
46. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pribadong uri ng dokumento?
A. Rekord sa bangko
B. Desisyon ng Korte
C. Kontrata ng pamahalaan
47. Ito ang uri ng trail na nagmumula sa mga digital storage at platform.
A. E-trail
B. Paper trail
C. People trail
48. Ito ang uri ng trail na tuwirang mula sa sagot sa panayam ng isang eksperto.
A. E-trail
B. Paper trail
C. People trail
49. Ang PNP report ay isang halimbawa ng trail na?
A. Paper trail
B. People trail
C. Technical trail
50. Ito ang pagsusuri ng datos na gumagamit ng matematikal na pormula at iba pang estadistikal na pagsusuri.
A. Kantitatibo
B. Kwalitatibo
C. Eksperimental

You might also like