You are on page 1of 27

1

KABANATA I
ANG SULIRANIN
PANIMULA

Di maitatanggi na madalas gamitin ang mga Computer Softwares sa lalong


pagpapaunlad ng kaaalaman ng mga estudyante, gayundin ang mga Guro. Madalas na
nakakatulong ang mga nasabing softwares sa mga bagay na pang akademiko, halimbawa
nalang ang paggawa ng mga presentations o kaya naman ang pagsasaayos ng mga papel
pang-eskwelahan.
Isa na sa mga pangunahing ginagamit upang katulungin ng mga estudyante at
guro ay ang mga tinatawag na Microsoft softwares. Kabilang na dito ay ang ang MS
Word, MS Powerpoint, at iba pa. Nakakatulong ang mga ito sa mas lalong pagpapabilis at
pagpapadali ng mga gawaing pang akademiko, gayundin ang lalo pang pagpapalawak ng
imahinasyon ng mga gumagamit nito.
Nakakapagpaunlad kung paano nila mas lalong gawing interaktibo ang kanilang
mga gawa, sa pamamaraang nalalapatan nila ito ng kanilang mga angking galing sa
larangan ng panghihikayat, pagdidisensyo, at pagoorganisa ng kanilang mga papel na
kanilang dapat gawin.
Sa ganitong paraan, ang mga nasabing software ay nakatutulong sa mga mag-
aaral upang maging mas mabilis at mas epektibo sa kanilang mga pag-aaral. Bukod pa
rito, ang mga ito ay nagbibigay ng mga kakayahan upang mapabuti ang mga dokumento
ng mga mag-aaral at magdagdag ng mga elemento na nagbibigay ng mas malaking
kaakit-akit para sa kanilang mga guro.
Kaya, ayon kina Jones at Smith (2018), ang mga mag-aaral na gumagamit ng
Microsoft Word, Excel, at PowerPoint, para sa mga sulatin ay nagpapakita ng mas
mahusay na organisasyon, gramatika, at kalidad ng pagsusulat kumpara sa mga
gumagamit ng ibang software.
Ang layuning pag-aaral na ito ay suriin ang mga epekto ng paggamit ng mga
Microsoft app sa mga akademikong gawain ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng
pagsusuri sa mga karanasan, at pananaw, naglalayong malaman kung paano ang mga ito
2

ay nakakaapekto sa kanilang pag-aaral, produktibidad, at pangkalahatang karanasan sa


pagkatuto.
Sa pangkalahatan, ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang mas malalim pa
na pagtuklas sa antas at epekto ng mga Microsoft softwares sa mga pang-paaralang
gawain ng mga mag-aaral sa ika-11 Baitang, ay mahalaga sa mas lalo pang pag papa-
unlad ng mga estratehiyang ginagamit sa pagtuklas ng kaalaman ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAD NG MGA SULIRANIN


Ang pag-aaral na ito ay nilalayong alamin kung ano ang antas ng kaalaman sa
paggamit ng mga mag-aaral sa Microsoft software at epekto nito sa mga pangpaaralang
gawain ng mga mag-aaral sa ika-11 baitang ng DMGMHS.
Binigyan ng mga kasagutan ang sumusunod na katanungan:

1. Ano ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga Microsoft apps sa
ika 11 na baitang sa Mataas na Paaralan ng Don M. Gonzalvo Memorial High School?
2. Ano ang epekto ng paggamit ng mga Microsoft apps sa mga pang-paaralang gawain ng
mga mag-aaral?
3. Ano-ano ang mga maaring gawing rekomendasyon ukal sa lalo pang pagpapalawak ng
kaalaman sa paggamit ng mga Microsoft apps ng mga mag-aaral sa Don M. Gonzalvo
Memorial High School?

Asampsyon/Mga Pala-Palagay
1. Mayroong iba’t ibang antas ng kaalaman ang mga mag-aaral sa paggamit ng mga
Microsoft Softwares.
2. Mayroong iba’t ibang epekto sa paggawa ng mga pampaaralang gawain ng mga
estudyante ang mga Microsoft apps.
3

Haypotesis:
H0. Ang antas ng paggamit ng mga mag-aaral sa mga Microsoft apps ay may
makabuluhang kaugnayan sa paggawa ng kanilang mga pampaaralang Gawain.

H1. Ang antas ng paggamit ng mga mag-aaral sa mga Microsoft apps ay walang
makabuluhang kaugnayan sa paggawa ng kanilang mga pampaaralang Gawain.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang kinalabasan ng pananaliksik na ito ay mahalaga sa mga mag-aaral, guro,
magulang, administrator, at iba pang mananaliksik.
Mag-aaral – makatutulong sa kanilang kung papaano pang mas lalong paunlarin
ang mga pamamaraan nilang nagagamit sa kanilang mga pag-aaral.
Guro – mabibigyan ng mahalagang impormasyon ang mga guro ukol sa kanilang
mga pamamaraan sa paglalahad ng mga gamit sa mga pang-akademikong pagkatuto.
Magulang – nabibigyang kaalaman ang mga magulang na hindi lamang sa lapis
at bolpen nahahanggan ang mga ginagamit ng mga estudyante sa kanilang mga pag-aaral.
Administrator – Nahihikayat na mas lalo pang tuunan ng pansin ang pagtuturo at
pagiimplementa ng mga makabagong teknolohiya sa pagtuturo sa mga mag-aaral.
Iba pang mananaliksik – Magsisilbing gabay sa kanilang ginagawang pag-aaral
na may kaugnay o pagkakahalintulad din sa pananaliksik na ito.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral


Ang pag-aaral na ito ay naglalayong ilahad at alamin ang antas at epekto ng
paggamit ng mga Microsoft softwares sa mga gawang pagkatuto ng mga mag-aaral sa ika
labing-isang (11) baitang.
Ang pag-aaral na ito ay saklaw lamang ng iilang mga indibidwal na siyang aming
magiging mga respondiyante. Mayroon kaming limampu (50) na mag-aaral sa ikalabing-
isa (11) na baitang na siyang tutugon sa aming sarbey kwestyuner sa Don M. Gonzalvo
Memorial High School sa taong panuruan 2022 – 2023. Ang kabuuang marka ay
nagsisilbi ring datos tungkol sa mag-aaral.
4

Katuturan ng talakay
Ginamit ang mga sumusunod na termino ng talakay sa layuning maging malinaw
ang talakayan.

Software – isang hindi nahahawakang bagay na matatagpuan lamang kapag


gumamit ng mga elektronikong gadyet. Isang kagamitan na nakakatulong sa ibat ibang
larangan kung saan ito kinakailangan.
Microsoft software – ito ay matatagpuan lamang sa paggamit ng isang
elektronikong gadyet. Isa itong kagamitan na madalas gamitin ng mga estudyante sa
kanilang paglalahad ng mga gamit pagkatuto.
Antas ng kaalaman – tumutukoy sa lawak, saklaw, o taas ng kaalaman mayroon
ang isang tao na tinataglay sa anumang aspeto o larangan. Sa pag-aaral na ito, ginamit
ang salita ayon sa literal na kahulugan
Epekto – tumutukoy sa mga naging resulta o impluwensya ng isang bagay o
pangyayari.
Sa pag-aaral na ito, ginamit ang salita ayon sa literal na kahulugan
5

TALASANGGUNIAN

Jones, A., & Smith, B. (2018). The impact of Microsoft Word on student
writing quality. Journal of Educational Technology, 42(2), 123-140.
6

KABANATA II
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Nakalahad sa kabanata na ito ang mga kaugnay na literature at pagaral.
Nagsagawa ng masusing pagbabasa at pagsisiyasat sa pribadong aklatan ang mga
mananaliksik at sumangguni sa internet upang makatulung ng Malaki sa isasakatuparan
ng pag-aaral na ito. Nagbasa ang mga mananliksik ng mga nailathala at di nailathalang
pananaliksik, aklat, sumangguni sa internet at gumamit ng iba pang paraan upang maging
ganap ang adhikain ng pag-aaral na ito

Epektos ng MS Softwares Sa Mga Pampaaralang Gawain


Ang Korporasyon ng Microsoft ay nakaimbento ng mga Softwares na nakatulong
at malawakang ginagamit sa ibat ibang sektor ng araw-araw na gawain, kabilang na rito
ay ang sa edukasyon. Nang dahil sa pagunlad ng teknolohiya, ay nagkaroon ng pagtaas
ng popularidad ang mga nasabing Softwares sa mga mag-aaral pati Narin sa mga guro.
Binago nito ang pamamaraan ng paggawa ng mga gawaing kaugnay sa pang-akademiko.
Kaya, ayon kina Jones at Smith (2018), napag-alaman na ang mga mag-aaral na
gumagamit ng Microsoft Word, Excel, at PowerPoint, para sa mga sulatin ay nagpapakita
ng mas mahusay na organisasyon, gramatika, at kalidad ng pagsusulat kumpara sa mga
gumagamit ng ibang software.
Gayun pa man, base sa pag-aaral nina Garcia at kawanihan (2020), ang mga mag-
aaral na gumagamit ng Microsoft OneNote (isang aplikasyon sa pag-sasayos ng mga tala)
ay mayroong mas mataas na kakayahan mag organisa ng kanilang mga materyales na
ginagamit sa kanilang pag-aaral; mas madaling nakakayanang tapusin ng mas maaga ang
kanilang mga takdang-aralin.
Ang mga Softwares ng Microsoft ay nagbibigay-daan para sa pakikipagtulungan
at epektibong komunikasyon sa pagitan ng mga mag-aaral at mga guro. Halimbawa, ang
Microsoft Teams (isang Software para sa komunikasyon at pakikipagtulungan), ay
nagpapadali ng mga talakayan sa real-time, pagbabahagi ng mga file, at pamamahala ng
mga proyekto.
Kaya, para humaba pa ang talakayan, natuklasan nina Johnson at Brown (2019),
na ang mga mag-aaral na gumagamit ng Microsoft Teams ay nakaranas ng pagpapabuti sa
7

kanilang mga kakayahan sa komunikasyon at pakikipagtulungan, na nagdulot ng mas


magandang resulta sa kanilang mga gawain sa pangkat.
Ang mga Software ng Microsoft ay nag-aalok ng mga interaktibong mga
kasangkapan na nagpo-promote ng aktibong pag-aaral at pakikilahok ng mga mag-aaral.
Ang aplikasyon tulad ng PowerPoint ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na lumikha
ng nakahahalina na presentasyon at nagpapaunlad ng kahusayan sa kritikal na pag-iisip.
Natuklasan ng pagsasaliksik nina Lee at Kim (2021) na ang paggamit ng mga
presentasyong multimidya gamit ang mga aplikasyon ng Microsoft ay may positibong
epekto sa motibasyon ng mga mag-aaral, pagtatago ng impormasyon, at pangkalahatang
karanasan sa pag-aaral.
Ang mga aplikasyon tulad ng Immersive Reader sa Microsoft Word ay
tumutulong sa mga mag-aaral na may mga kahirapan sa pagbasa sa pamamagitan ng mga
tunog. Kaya, sa pagsasaliksik nina Simpson at kawanihan (2022) napatunayan na ang
pag-integrate sa mga aplikasyon ng Microsoft ay may positibong epekto sa mga mag-
aaral na may mga kapansanan sa pag-aaral, na nagpapabuti sa kanilang pagkaunawa sa
binabasa.
Ayon sa Pag-aaral na isinagawa nina Siefred Guino at Kawani (2019), napag-
alaman na ang mga mag-aaral nan as ika labing-dalawang baitang sa Paaralan ng Baybay
National High School, na nasa 55% na mga respondents ay baguhan, 36% naman ay may
sapat na kaalaman, at 9% lang ang magaling sa paggamit ng Microsoft PowerPoint.
Gayunpaman, inilalahad ni Salehi (2019). Na mas nagiging tumpak ang gramar
ng mga gurong nagtuturo ng Ingles na paksa na gumagamit ng Microsoft Word, kaysa sa
mga gurong gumagamit ng lapis at papel. Pinapakita sa pag-aaral na ito na talagang
nakakatulong ang paggamit ng mga nasabing Softwares sa kaalaman ng mga guro, at
tinutulungan na paunlarin pa ang kanilang mga kaalaman sa ibang lingwahe

Sintesis ng Pag-aaral
Ang mga pag-aaral na inilahad ay nakatulong ng malaki sa mananaliksik para
mabuo ang pananaliksik na ito. Ang pananaw ng mga mananaliksik tulad nina: Jones at
Smith, Garcia, Johnson at Brown, Lee at Kim, Simpson, Siefred Guino, Salehi. Ang mga
8

pag-aaral kaugnay sa epekto ng paggamit ng Microsoft softwares ay nagpapakita ng


pagkakatugma sa mga kaugnay na pag-aaral.
Ang ideya na pahayag nina Jones at Smith (2018) at Garcia at kawanihan (2020),
ay nagtutulungan. Ito’y nagsasabi na ang mga mag-aaral na gumagamit ng Microsoft
Softwares ay nagpapakita ng mas mahusay na organisasyon, gramatika, at kalidad ng
pagsusulat.
Kapwa naman nagkakasundo ang mga pahayag nina Johnson at Brown (2019) at
Lee at Kim (2021), na ang paggamit ng mga nasabing Softwares ay may positibong
epekto sa mga mag-aaral.
Tila nagkakatugma naman ang pag-aaral na isinagawa nina Jones at Smith (2018)
at Salehi (2019), na ang paggamit ng mga Microsoft Softwares nagpapaganda ng gramar
ng mga gumagamit nito.

Gap/Hugpong ng Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pagaanalisa sa mga nasaliksik na mga
kaugnay na pag-aaral. Natagpuan na ang kasalukuyang pag-aaral ay wala pang
kaparehong nailimbag na pananaliksik dahil ito ay nakatuon antas ng kaalaman at epekto
ng paggamit ng mga Microsoft softwares ng mga mag-aaral sa ika labing isang baitang
(11). Ang makabuluhang antas at epekto ng paggamit ng Microsoft softwares sa mag-
aaral ang siyang sentral na pokus ng pag-aaral na ito. Ang mga taga tugon ay mga mag-
aaral sa ika-11 na baitang sa nasabing panuruan na taon.

Mga teoryang sanligan ng pag-aaral


Ang pananaliksik na isinagawa ay naayon sa mga Technology Acceptance Model
ni Fred Davis, at Social Cognitive Theory ni Albert Bandura,
Ayon Kay Fred Davis (1989), ang mga gumagamit ng makabagong teknolohiya ay
naimpluwensyahan ng dalawang bagay: kapakinabangan sa sarili, at kadalian ng paggamit. Ang
kapakinabangan sa sarili ay tumutukoy sa kung paano naniniwala ang isang indibidwal na
mapapadali ang kanyang mga Gawain. At ang kadalian naman ng paggamit ay ang pananaw ng
isang indibidwal na hindi kailangan ng maraming pag-aaral ang gawin bago gamitin ang isang
bagay.
9

Ayon naman sa Teorya ni Albert Bandura (1986), ang indibidwal ay natututo base
sa kung ano ang ginagawa ng mga nasa paligid nya, at mga epekto ng kaniyang ginawa.
Maiiugnay ang teoryang ito sa kasalukuyang pag-aaral sa paraang, ang paggamit ng
Microsoft Softwares sa paligid ng isang mag-aaral ay nakaka-impluwensya sa paggamit
Narin nya ng mga nasabing Softwares.
10

Technology Acceptance
Pigura 1
Model
Balangkas Teoritikal
Ang mga gumagamit ng
makabagong teknolohiya ay
nakabatay sa
kapakinabangan sa sarili, at
kadalian ng paggamit.

Paggamit ng Microsoft Software ng mga


Mag-aaral

Social Cognitive Theory


Ang indibidwal ay
natututo base sa kung ano
ang ginagawa ng mga
nasa paligid nya, at mga
epekto ng kaniyang
ginawa
11

Pigura 1
Balangkas Teoritikal

ANTAS NG KAALAMAN AT EPEKTO NITO SA PAGGAWA NG PAMPAARALANG

GAWAIN NG MGA MAGAARAL SA IKA 11-BAITANG SA MATAAS NA PAARALAN

NG DON M. GONZALVO MEMORIAL HIGH SCHOOL

Don M. Gonzalvo Memorial High School

Taong panuruan 2022 - 2023

Antas ng kaalaman sa paggamit ng Epekto ng paggamit ng Microsoft


Microsoft Apps software sa mga magaaral
12

Pigura 2
Balangkas Konseptual

Balangkas ng Konseptual

Sa ikinalilinaw ng paglalahad ng pananaliksik na ito ang balangkas ng kaisipan ay


isinagawa. Ang modelo nito ay makikita sa sinundang pahina.

Mga Sangkap. Ang mga sangkap ng pananaliksik na ito ay kinabibilangan ng


mga respondiyenteng mag-aaral sa ika labing-isang (11) na baitang sa mataas na paaralan
ng Don M. Gonzalvo Memorial School. Sila ang magiging tuon ng pananaliksik na ito
sapagkat magbubuhat sa kanila ang mga pangunahin at mahahalagang impormasyon na
tutukoy sa makabuluhang antas ng kaalaman at epekto ng paggamit ng mga Microsoft
Softwares sa mga pang-paaralang Gawain ng mga estudyante.

Pamamaraan. Ang pamamaraang pagsusuri ang ginamit at ito ay sa tulong ng


talatanungan na papasagutan sa mga piling taga-tugon na mga mag-aaral. At ito rin ay
ginamitan ng pagkalap ng mahalagang record o datos ng mga mag-aaral na siyang
magiging katuwang na respondiyente.

Ipinatukoy rin sa mga mag-aaral ang antas ng kanilang kaalaman sa pag-gamit ng


mga Microsoft Softwares sa inilahad na talatanungan. Sa tritment ng datos ay gumamit
ng angkop na mga istadistikang kagamitan.

Kinalabasan. Sa pananaliksik na ito inaasahang may makabuluhang epekto sa


mga pang-paaralang gawain ang antas ng kaalaman sa paggamit ng mga Microsoft
softwares ng mga mag-aaral.
13

TALASANGGUNIAN

Garcia, C., et al. (2020). “The effects of using Microsoft OneNote on student
productivity and time management”. Educational Technology Research and
Development, 68(3), 567-584.

Johnson, D., & Brown, K. (2019). “Enhancing collaboration and


communication in higher education with Microsoft Teams”. Journal of Interactive
Learning Environments, 27(4), 512-528.

Lee, S., & Kim, J. (2021). “The impact of Microsoft PowerPoint on student
engagement in the classroom”. Computers & Education, 179, 105189.

Simpson, R., et al. (2022).” Enhancing accessibility in education with


Microsoft apps: The impact on students with learning disabilities”. Journal of
Assistive Technologies, 15(1), 75-91.

Siefred, G.,et al. (2019). “Level of Proficiency in Using Microsoft Office


Applications of Grade 12 Students in Baybay in National High School (Grade 7-
12)”.

Salehi et al (2019). “International Journal of Research in English Education


4:1”.
14

KABANATA III

METODO AT PAMAMARAAN

Ang kabanatang ito ay tumatalaky sa disenyo ng pananaliksik at paglalarawan ng


mga pinagmulan ng mga datos at mga kalahok, pamamaraan ng pagkalap ng istadistikang
kagamitan at kung paano ipuproseso ang mga nakalap na datos.

Pamamaraang Ginamit

Sa pag-aaral na ito, gumamit ang mga mananaliksik ng Descriptive-Correlational


na pamamaraan sa pananaliksik. Ginamit ang deskriptibong pamamaraan sa paglalahad
at paglalarawan ng mga antas ng kaalaman sa paggamit ng Microsoft Softwares ng mga
mag-aaral at correlational naman upang makita kung may kaugnay ang paggamit ng mga
Microsoft Softwares sa mga pang-paaralang Gawain ng mga mag-aaral.
Mga Respondyente

Ang mga tagatugon ng pag-aaral na ito ay limampung (50) iba’t ibang mag-aaral
na galing sa ika labing-dalawang baitang sa mataas na Paaralan ng Don M. Gonzalvo
Memorial High School, taong panuruan 2022 -2023.

Mga kagamitan sa paglikom ng mga datos

Sa paglikom ng datos, gumamit ng piling kagamitan upang makakalap ng mga


impormasyong kinakailangan. Ang pangunahing gamit ay talatanungan o sarbey
kwestyoner. Nang sa gayon ay maging ganap ang pananaliksik.

Talatanungan o Sarbey Kwestyoner

Ito ang pangunahing ginamit sa pangangalap ng mga datos. Sa pamamagitan ng


mga nakalap na kaugnay na literature at pag-aaral, nagging Madali ang pagbuo ng
talatanungan dahil ito ang karagdagang batayan. Sa pagbuo ng talatanungan, naging
batayan ang mga mungkahi na ibinigay na title proposal lalong lalo na ang suliranin ng
15

paag-aaral, ayon nga kay Garcia (2014), ang isang epektibong talatanungan ay dapat
magtaglay ng mahalagang bahagi tulad ng panuto, paguuri-uri o klasipikasyon, at liham
na humihingi ng permiso at pasasalamat sa mga respondyente.

Ang talatanungan para sa mga mag-aaral ay binubuo ng tatlong bahagi.


Nakapaloob sa unang bahagi ang mga tanong ukol sa kung gaano ka-pamilyar ang mga
mag-aaral sa nakalagay na Microsoft Software. Ang ikalawang bahagi ay kinapapalooban
ng kung ano ang antas ng kaalaman ng mag-aaral sa paggamit ng mga nasabing
Softwares. At ang huling bahagi ay kinapapalooban ng mga tanong ukol sa kung ano ang
epekto ng paggamit ng mga Microsoft Softwares sa kanilang mga pang-paaralang
Gawain.

Pagkatapos mabuo ay ipinakita ito sa tagapayo upang suriin ang relayabiliti nito .
matapos aprubahan ang talatanungan, isinaalang-alang ng mga mananaliksik ang mga
mungkahi at gumawa sila ng pinal na talatanungan. Ang pinal na talatanungan ay
personal na ipinamudmod at ipinasagot ng mga mananaliksik sa mga respondyenteng
mag-aaral sa ilalim ng pahintulot ng punong-guro ng Don M. Gonzalvo at pamamatnubay
ng mga guro sa ikalabing isang baitang. Agad na nakolekta ang talatanungan makalipas
ang isang araw matapos itong masagutan.

Mga istadistikang Ginamit

Sa pagbibigay ng angkop nap ag-aanalisa at interpretasyon sa mga datos na


nakalap. Ginamit ang weighted mean, standard deviation, at pearson product-moment
correlation. Ang ibang mga terminolohiyang ginamit sa tritment ng mga datos ay hiniram
mula sa wikang ingles, dahil sa kawalan ng lexicon nito sa Filipino

Weighted mean o tamtamang bigat. Ang ginamit upang matukoy ang bilang ng
mga mag-aaral sa ika labing-isang baitang at ang kabuuang bilang ng saloobin ng mga
mag-aaral sa epekto ng paggamit ng mga Microsoft Softwares sa kanilag mga pang-
paaralang gawain.

Ang pormula ay:


16

TWF
WM =
N

Kung saan:

WM = Weighted Mean

TWF = Total Weighted Mean

N = Total Number of Respondents

Standard deviation. Ang ginamit sa pagtukoy kung homogenous o heterogenous ang


antas ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga Microsoft Softwares, ginamit ang pormula
na,

SD = √∑ (x−x ¿) ¿
N
17

TALASANGGUNIAN

Carlito D. Garcia, Ed, D., “Measuring and Evaluating Learning Outcomes: A


Textbook in Educational Assessmen 1 and 2, Second Edition” (2013), ph, 110 at 127
18

APENDIKS
19

TALATANUNGAN
20

TALATANUNGAN
(Para sa mga Mag-aaral)

Mga Respondyente:

Maalab na pagbati!

Ang magiging kinalabasan ng pananaliksik na ito ay inaasahang makapagbigay


ito ng mga imporamasyon at datos na makakatulong sa mga mag-aaral na maunawaan
ang antas ng kaalaman at epekto ng paggamit ng mga Microsoft Softwares sa mga pang-
paaralang gawain ng mga mag-aaral. Nais namin hilingin ang tulong ng mga mag-aaral sa
ika labing-isang (11) baitang upang maisakatuparan ang layunin ng pananaliksik na ito.

Maraming pong Salamat!

Mga Mananaliksik

Pangalan: ____________________ Edad:____

Grado at Seksyon: ______________

Ito po ay isang sarbey na naglalayong alamin ang inyo pong antas ng


kaalaman at nagiging epekto sa inyong mga gawang pang paaralan ng mga Mirosoft Softwares,
kagaya ng MS Word, MS powerpoint, at iba pa. Makakatulong po sa mga Mananaliksik ang inyo
pong masidhing kooperasyon at pagsagot nang totoo sa mga sumusunod na mga katanungan.
Pakilagyan ng tsek (/) ang mga espasyong nakalaan na aangkop sa inyo pong preperensya.

I. Dalas ng paggamit ng Microsoft Softwares ng mga Mag-aaral

Microsoft Gaano mo kadalas nagagamit ang mga ito?


Softwares
21

Hindi- Madalang Minsa Madalas Palagi


Kailanman n

1.) Microsoft
Word

2.) Microsoft

Power-point

3.) Microsoft
Excel

4.) Microsoft
Notes

5.) Microsoft
Publisher

6.) Microsoft

Outlook

II. Kahusayan ng mga magaaral sa Paggamit ng MS Softwares

Microsoft Gaano ka kahusay sa paggamit ng mga ito?


Softwares

Hindi Marunong Mahusay


Marunong

1.) Microsoft
Word

2.) Microsoft

Power-point

3.) Microsoft
Excel

4.) Microsoft
Notes

5.) Microsoft
Publisher

6.) Microsoft

Outlook
22

II. Persepsyon ng mga Mag-aaral ukol sa Paggamit ng mga MS Softwares

Mga Pahayag ukol sa paggamit


ng mga Microsoft Softwares Tugon ng Magaaral
Sumasang-ayon Hindi Sumasang-ayon

1.) Nagkakaroon ako ng


Magandang impresyon sa
aking mga kaklase, dahil
mahusay akong gumamit ng
mga ito
2.) Mas maganda ang
paggawa at paghahanda ng
aking mga presentasyon
3.) Napapalawak ang aking
imahinasyon ukol sa
paggawa ng pang-paaralang
Gawain
4.)mahalaga sa mga
akademikong gawain ang
pagiging pamilyar sa
paggamit ng nasabing
Softwares
5.) Nagiging mas interaktibo
ang mga presentasyon na
ginawa sa MS Powerpoint
kaysa sa mga sulat-kamay
6.) Mas
natatandaan/natututo
ako ang mga kaalaman na
nakapaloob sa mga MS
Power-point
23

LIHAM
24

Republic of the Philippines


Department of Education
Region V
DON M. GOZALVO MEMORIAL HIGH SCHOOL
Cabinitan, Ragay, Camarines Sur

23 June 2023

Nelifer P. Melchor, PhD.


Punong-guro
Don M. Gonzalvo Memorial High School

Ginagalangan naming Punong-Guro:

Kami po ay mag-aaral ng Don M. Gonzalvo Memorial High School mula sa ika-


11 na baitang na Strand ng General Academic Strand (GAS) at kumukuha ng
asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Kaugnay
po sa aming pag-aaral na pumapatungkol sa “ANTAS NG KAALAMAN AT EPEKTO
NG MGA MICROSOFT SOFTWARES SA PANG PAARALANG GAWAIN NG MGA
MAG-AARAL SA IKA LABING-ISANG BAITANG NG MATAAS NA PAARALAN
NG DON M. GONZALVO MEMORIAL HIGH SCHOOL“, Nais po sana naming
magsagawa ng sarbey, interbyu, at kumuha ng datos sa mga mag-aaral na nasa baitang
11.

Ang inyong malugod na pahintulot ay may malaking maitutulong sa katuparan ng


aming Pananaliksik.

Lubos na Gumagalang,

Donna Ross Almazan


Edyssa Faye Garzon
Cedric B. Balababa
Adriane E. Lindog
Kyla Penaflorida
Renz V. Borja

NOTED:

JOAN C. ROBRIGADO
Guro ng Pagbasa at Pagsusuri

APPROVED:

NELIFER P. MELCHOR, PhD.


Punong-Guro
25

DATOS
PANTALAMBUHAY
26

DATOS PANTALAMBUHAY

Pangalan : Adriane Lindog

Tirahan : Upper Sta. Cruz, Ragay,

Camarines Sur

Gulang : 17

Kapanganakan : March 11, 2006

Nasyunalidad : Filipino

Relihiyon : Iglesia Ni Cristo

Magulang : Cesar Lindog

Alma Eseo

Institusyong Pinag-Aralan:

Elementarya : Upper Sta. Cruz Elementary School,


Upper Sta. Cruz, Ragay, Camarines Sur
2017-2018
27

DATOS PANTALAMBUHAY

Pangalan : Adriane Lindog

Tirahan : Upper Sta. Cruz, Ragay,

Camarines Sur

Gulang : 17

Kapanganakan : March 11, 2006

Nasyunalidad : Filipino

Relihiyon : Iglesia Ni Cristo

Magulang : Cesar Lindog

Alma Eseo

Institusyong Pinag-Aralan:

Elementarya : Upper Sta. Cruz Elementary School

Upper Sta. Cruz, Ragay, Camarines Sur

2017-2018

You might also like