You are on page 1of 3

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

Ikatlong Lagumang Pagsusulit (Huling Markahan)

Pangalan: ______________________________ Antas/Seksyon: _______________ Iskor: _____


Panuto: Basahin nang maigi ang mga tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay uri ng akademikong pagsulat na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang
komunidad o samahan.
A. Paglalahad B. Posisyong papel C. Replektibong sanaysay D. Panukalang proyekto
2. Ito ay uri pa rin ng akademikong pagsulat na komprehensibong nagpapaliwanag ng isang bagay, pook,
o ideya.
A. Paglalahad B. Posisyong papel C. Replektibong sanaysay D. Panukalang proyekto
3. Ito ay uri pa rin ng akademikong pagsulat na tinatawag ding pakikipagtalo o argumentasyon na
maaaring maiuugnay sa sining ng paglalahad ng mga dahilan.
A. Paglalahad B. Posisyong papel C. Replektibong sanaysay D. Panukalang proyekto
4. Ito ay katangian ng layunin ng Panukalang Proyekto na nagsasaad ng solusyon sa mga suliranin.
A. Logical B. Specific C. Practical D. Measurable
5. Ito ay katangian ng layunin ng Panukalang Proyekto na may basehan o patunay na naisakatuparan ang
nasabing proyekto.
A. Logical B. Specific C. Practical D. Measurable
6. Ito ay katangian ng layunin ng Panukalang Proyekto na nagsasaad ng paraan kung paano makakamit
ang proyekto.
A. Logical B. Specific C. Practical D. Measurable
7. Sa pagbabalangkas ng Panukalang Proyekto, mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod maliban
sa isa:
A. Badyet B. Layunin C. Makinabang D. Kita ng Proyekto
8. Sa pagsulat ng Panukalang Proyekto ay mahalagang taglayin ang mga sumusunod maliban sa isa:
A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito
D. Paglalahad ng Agarang Pagtugon sa Panukalang Proyekto
9. Bahagi ito ng Panukalang Proyekto na makikita ang mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat
isagawa ang panukala.
A. Badyet B. Layunin C. Makinabang D. Plano ng Dapat Gawin
10. Dito makikita ang talaan ng pagkasunod-sunod ng mga gawaing isasagawa para sa pagsasakatuparan
ng proyekto.
A. Badyet B. Layunin C. Makinabang D. Plano ng Dapat Gawin
11. Ito naman ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad ang mga taong makikinabang
ng proyekto at benepisyong makukuha nila mula rito.
A. Badyet B. Layunin C. Makinabang D. Plano ng Dapat Gawin
12. Ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa posisyong papel maliban sa isa:
A. Makapagbibigay na ng matibay na ebidensya ang pagbibigay ng sanggunian.
B. Kailangang mapatunayang mali o walang ang mga counterargument na nakalahad sa sulatin.
C. Ang pagbibigay ng opinyon at katotohanan ay kapwa mahalagang ebidensyang magagamit sa
pagsulat.
D. Ang pangangalap ng impormasyon o pananaliksik ay hindi na gaanong kailangan sa pagbuo ng
sulatin.
13. Ang mga sumusunod ay dapat isaalang-alang para sa mabisang pangangatwiran sa Posisyong Papel
maliban sa isa:
A. Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid.
B. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid.
C. Kakulangan ng sapat na katwiran at katibayang makapagpapatunay.
D. Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang makapanghikayat.
14. Mabibiyang - kahulugan ang paglalahad sa mga sumusunod maliban sa isa:
A. Ito ay naglalarawan ng isang bagay.
B. Ito ay hindi nagpapahayag ng isang paninidigan.
C. Ito ay nagpapaliwanag ng obhetibo, at walang pagkakampi.
D. Ito ay may sapat na detalyeng pawing pampalawak ng kaalaman sa paksa.
15. Mahalagang taglayin ng may-akda ang sapat na kasanayan sa paggamit ng wika. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI kabilang sa teknikal na pagkakasulat ng sanaysay?
A. Kaisahan B. Kagandahan C. Kawastuhan D. Kaangkupan
16. Mabibiyang - kahulugan ang sanaysay sa mga sumusunod maliban sa isa:
A. Naglalahad ang sanaysay ng matalinong kro at makatwirang paghahanay ng kaisipan.
B. Nagpapahayag ang may-akda sa kanyang nakalap na datos at ebidensya sa isang bagay.
C. Nagpapahayag din ang may – akda sa sarili niyang pangmalas, kuro-kuro at damdamin.
D. Naglalahad din ito ng mga personal at pansariling pananaw ng manunulat tungkol sa isang paksa.
17. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng replektibong sanaysay maliban sa isa:
A. Nagpapakita ito ng personal na paglagong isang tao.
B. Ibinabahagi nito ang kalakasan at kahinaan ng sumulat.
C. Nakabatay sa mga karanasan ng ibang tao sa pagsulat nito.
D. Binabahagi rin ng sumulat ang kanyang mga natutuhan at paano ito gagamitin.
18. Dapat isaalang-alang ang mga sumusunod sa pagsulata ng replektibong sanaysay maliban sa isa:
A. Magkaroon ng tiyak na paksa
B. Gumamit ng mga pormal na sa salita sa pagsult nito.
C. Magtaglay ng patunay o patotoo batay sa naobserbahan
D. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan na panghalip.
19. Iilan sa mga uri ng sanaysay ay ang mga sumusnod. Alin ang hindi kasali?
A. Anekdota B. editorial C. sosyo-politikal D. makasiyentipiko
20. Sa wakas, sa loob ng walong taong pag-aaral sa hayskul, nakapagtapos na rin si Keneth. Ninais niyang
isulat ang kanyang mga karanasan bilang estudyante. Aling sulatin ang kanyang isusulat?
A. Paglalahad B. Posisyong Papel C. Panukalang Proyekto D. Replektibong Sanaysay
21. Isang sikat na editor ng pahayagan si Noemi. Wala siyang pinalalampas na isyung panlipunan at walang
ding takot sa kanyang pinaninindigan. Aling sulatin ang kanyang pinagkikitaan?
A. Paglalahad B. Posisyong Papel C. Panukalang Proyekto D. Replektibong Sanaysay
22. Ninanais ng pangkat ng mga guro na panatilihin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Aling sulatin ang
isusulat?
A. Paglalahad B. Posisyong Papel C. Panukalang Proyekto D. Replektibong Sanaysay
23. Sa pagsulat ng panimulang bahagi ng replektibong sanaysay, tandaang ito ay dapat makapukaw ng
atensiyon ng mambabasa. Alin sa mga sumusunod ang dapat taglayin?
A. Maaaring gumamit ng kilalang pahayag mula sa isang tao, tanong, anekdota at iba pa.
B. Dapat naglalaman ito ng paksa at layunin ng pagsulat ng sanaysay.
C. Isulat ito sa loob ng isang talata lamang.
D. Lahat ng nabanggit
24. Sa pagsulat ng isang mahusay na posisyong papel, dapat sundin ang tamang hakbang sa pagsulat nito.
Ayusin ang mga sumunod ayon sa wastong pagkasunod-sunod.

a. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis


b. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.
c. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso.
d. Buoin ang balangkas ng posisyong papel.
e. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon.
f. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kailanganing ebidensiya.

A. c, a, b, f, e, d B. c, b, a, e, f, d C. c, a, e, b, f, d D. c, b, f, a, e, d
ANSWER KEY IN FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT (HULING MARKAHAN)

1. D
2. A
3. B
4. C
5. D
6. C
7. D
8. D
9. B
10. D
11. C
12. D
13. C
14. A
15. A
16. B
17. C
18. D
19. A
20. D
21. A
22. B
23. D
24. B

You might also like