You are on page 1of 3

“Huwag kang lilingon sa katabi mo, baka magkatinginan pa kayo ma-inlove ka pa…”

I. Panuto: Suriin at basahin nang mabuti ang bawat aytem sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Paano isagawa ang pangangalap ng opinyon at katwiran ng ibang tao?
A. pagtatanong C.pagsulat ng dyornal
B. brainstorming D.emersiyon
2. Alin sa mga sumusunod ang paraan ng presentasyong nagpapakita ng pagkakahati-hati o
distribusyon ng isang kabuuan?
A. graph C.Bilog na graph o pie graph
B. tabular D.tekstuwal
3. Magagawa ito sa pamamagitan ng sadyang paglalagay sa sarili sa isang karanasan o
pakikisalamuha sa isang grupo ng tao. Paano ito gawin?
A. pagtatanong C.pagsulat ng dyornal
B. brainstorming D.imersiyon
4. Magagawa ang pananaliksik sa pamamagitan ng pagsagot ng isang questionnaire ng mga
respondente?
A. pagsasarbey C.pagsulat ng dyornal
B. brainstorming D.imersiyon
5. Ilan ang klasipikasyon ng datos?
A. 1 C.3
B. 2 D.4
6. Ano ang tawag sa batayan at sanggunian ng pananaliksik?
A. datos C.laboratoryo
B. pangangalap D.imersiyon
7. Ito ay klasipikasyon ng datos na mayroong limbag na dokumentong kaakibat nito. Halimbawa na
rito ang libro, dyornal, magasin at pahayagan.
A. nakasulat na datos C. nakaukit datos
B. hiindi nakasulat na datos D.pananaliksik sa laboratoryo
8. Ito ay klasipikasyon ng datos na ang halimbawa nito ay ang mga artifacts, fossils, audio-biswal at
iba pang katulad nito.
A. nakasulat na datos C. nakaukit datos
B. hiindi nakasulat na datos D.pananaliksik sa laboratoryo
9. Anong klasipikasyon ng datos na ang mga halimbawa nito ang mga dokumentaryong nabuo sa
mga telebisyon tulad ng sa Kapuso Mo at Jessica Soho (KMJS)?
A. primarya C.tersera
B. sekondarya D.quarta
10. Ang tawag sa makaagham at sistematikong paraan ng pangangalap ng datos ay _____.
A. interbyu C.bilog na graph
B. pananaliksik D.datos
11. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa ginagawang pag-eeksperimento ng mga nasa
larangan ng agham pangkalikasan?
A. pananaliksik sa larangan C.pananaliksik sa aklatan
B. pananaliksik sa laboratoryo D.pananaliksik na kontrolado
12. Magagawa ito sa pamamagitan ng pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o
pangkat, pangyayari, at mga karangian na kaugnay ng paksa. Paano ito isasagawa?
A. pagtatanong C.brainstorming
B. pag-eeksperimento D.bserbasyon
13. Ano ang tawag sa paraan ng presentasyong naglalahad ng patalatang pahayag upang ilarawan
ang mga datos?
A. graph C.tekstuwal
B. tabular D.pie grap
14. Anong uri ng pag-uulat ng datos ang nasa ibaba?
Kasarian Bilang ng Mag- Porsyente (%)
aaral
Lalaki 96 45.07
Babae 117 54.93
Kabuuan 213 100.00
A. graph C.tekstuwal
B. tabular D.pie graph
15. Magagawa ito sa pamamagitan ng pakikinayam sa mga taong Malaki ang karanasan at
awtoridad sa paksang hinahanapan?
A. pagtatanong C.pagsulat ng dyornal
B. pakikinayam o interbyu D.sounding-out friends
16. Ano ang tawag sa isa-isang paglapit sa mga kasambahay, kaibigan, kapitbahay o Kasama sa
trabaho upang magsagawa ng pakikipagtalastasan sa kanila hinggil sa Isang paksa?
A. pagtatanong C.pagsulat ng dyornal
B. brainstorming D.sounding-out friends
17. Ito ay isang popular na estratehiya sa pangangalap ng impormasyon na gumagamit ng rekorder o
kamera at pansulat?
A. Pakikinayam o interbyu C.pagsulat ng dyornal
B. pagtatanong D.sounding-out friends
18. Ito ay ang pangangalap ng impormasyon Mula sa dokumento at babasahing makikita sa aklatan,
internet, museo at iba pa. Anong pamamaraan ng pangangalap ng datos ito?
A. pananaliksik sa larangan C.pananaliksik sa aklatan
B. pananaliksik sa laboratoryo D.pananaliksik na kontrolado
19. Ito ay mga halimbawa ng nakasulat na datos, maliban sa:
A. liham C. aklat
B. pahayagan D. pasalitang panitikan
20. Ang tawag sa mismong pagtungo sa pook ng pinag-aralang paksa ay_____.
A. pananaliksik sa aklatan o sa Lugar na pinaglalagakan ng mga dokumento at
impormasyon.
B. pananaliksik sa laboratoryo C. pananaliksik na kontrolado D.pananaliksik sa
larangan
21. Paano gawin ang pagsubok ng isang bagay bago sumulat ng akda?
A. interbyu C.pag-eeksperimento
B. obsersyon D.sounding-out friend
22. Ininterbyu ni Noli de Castro ang mismong nakasaksi sa pangyayaring banggaan sa San Jose
Mateo. Anong uri ng klasipikasyon ng datos ito?
A. primarya C.tersera
B. sekondarya D.quarta
23. Sa pag-uulat ay kinakailangan ang pagpapaikli ng pahayag. Anong katangian ito?
A. malinaw C.lohikal
B. maikli D.tuwiran
24. Kinakailangang hindi malabo o hindi maaaring magbunga ng iba’t ibang interpretasyon ang pag-
uulat ng datos. Anong katangian ito?
A. malinaw C.lohikal
B. maikli D.tuwiran
25. Ito ay isang uri ng pag-uulat ng datos na gumagamit ng isang istatistikal na talahanayan.
A. tekstuwal na presentasyon C.bilog na graph
B. tabular na presentasyon. D. bar graph

II. Panuto: Basahin at suriin ang mga sitwasyon. Tukuyin ang ginamit na estratehiya sa pangangalap ng
datos.Piliin lamang sa kahon ang tamang sagot.

Pakikinayam o interbyu Brainstorming

Obserbasyon Pagsasarbey

Pagbabasa at pananaliksik Imersyon

Pgtatanong o Questioning Pag-eeksperimento

Pagsulat ng Dyornal Sounding-out friends

1. Namigay ng questionnaire si Alden sa tatlumpung(30) respondente sa paaralan ng JLGSAT para


sa kanyang pananaliksik. Anong estratehiya ang ginamit?
2. Lumapit si Ryan sa kanyang mga kaibigan at kapit-bahay upang makipag-usap tungkol sa
kanyang
pananaliksik.
3. Isinailalim ang mga mag-aaral ng USM-KCC sa isang karanasan kung kaya sila ay nagsasanay
sa iba’t ibang paaralan.
4. Nagbabasa ng mga aklat si Johan upang makakalap ng mga mahahalagang impormasyon
tungkol sa kanyang isinagawang pananaliksik.
5. Kinakailangang malaman o matukoy ni Haina ang mga kaugalian ng mga mag-aaral sa Grade 8
Leeuwenhoek kung kaya siya ay nagmamasid.
6. Nagsulat o nagtala ang mga mag-aaral ng mga mahahalagang impormasyon bilang repleksyon
sa kanilang natutunan.
7. Ininterbyu ng mga mag-aaral ang gobernador ng North Cotabato upang makuha nito ang mga
datos tungkol sa malalang problemang kinakaharap ng probinsya.
8. Nangangalap ng opinyon at katwiran ang guro sa kanyang mag-aaral bilang pagbabalik-Aral o
review.
9. Naglatag ng mga katanungan ang mga mag-aaral bago natapos ang talakayan.
10. Idinaan muna sa pagsubok o eksperimento ang mga pagkain at pagkatapos ay isinulat ang
naging resulta o kinalalabasan nito.

III. Panuto: Suriin nang mabuti ang mga pahayag.Ilagay ang TAMA kung wasto ang nilalaman ng
pahayag tungkol sa pananaliksik at MALI kung hindi wasto ang pahayag.

____1. Upang makakalap ng mga impormasyon ay kailangang magsaliksik sa pamamagitan nang


pakikipanayam o interbiyu sa mga taong malaki ang karanasan sa paksa.
____2. Sa pananaliksik, hindi na kailangang dumaan sa paglalatag ng mga tanong tungkol sa tiyak na
paksa.
____3. Ang pinakamabisang mapagkukunan ng mga impormasyon ay gamit ang mga libro o internet at
hindi ang mga taong mismong kasangkot sa paksa.
____4. Ang pananaliksik ay isang masistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa o
pangyayari.
____5. Ang mga taong lumilikom ng mga datos ay tinatawag na mananaliksik.

You might also like