Professional Documents
Culture Documents
IKALAWANG MARKAHAN
2. Ang kultura ng isang bansa ay pinagkakakilanlan nito. Kaya nararapat lamang na alinmang bahagi nito ay __________.
A. Iwaksi B. Kalimutan C. Pangalagaan D. Pagtawanan
6. Ang mga sumusunod ay ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa paggawa ng pansamantalang bibliyograpi. Alin dito ang
hindi kabilang?
A. Pangalan ng awtor B. Mga naglimbag C. Pamagat ng aklat D. Oras ng pagkalathala
8. Ang mga sumusunod na pahayag sa pag-aayos ng datos ay ginagamit sa pagsisimula, alin dito ang hindi kabilang?
A. Sa wakas B. Una C. Ikalawa D. Sa huli
9. “Ikatlo, kuskusin ang iyong mga kamay nang magkasama ng hindi bababa sa 20 segundo.” Alin dito ang salitang ginamit na
nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod o pag-aayos ng datos?
A. kuskusin B. hindi C. 20 segundo D. ikatlo
10.Sa bahaging ito ng pananaliksik ay susuriin na mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga
bagay bang kailangang baguhin at ayusin.
A. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline C. Paglilimita ng Paksa
B. Pagpili ng Paksa D. Pagsulat ng Burdor o Rough Draft
12.Si Jane ay tinulungan ng kanyang kapitbahay sa panahon na nangangailangan siya ng tulong ng mamatay ang kanyang ina. Sa
panahon na nangangailangan rin ng tulong ang taong ito ay tinulungan din niya ito. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinakita Jane?
A. Palabra de Honor B. Bayanihan C. Utang na Loob D. Amor Propio
4. Isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtibay ng katuwiran o rason.
A. pangangatuwiran B. paglalarawan C. pagpapahayag D. pagtutol
5. Hindi ko matanggap kailanman ang mga pagbabagong magdudulot ng kasamaan sa ating lipunan sapagkat nandito tayo sa
mundo upang gumawa ng mga pagbabagong makabubuti sa lahat. Anong hudyat na parirala ang kaniyang ginamit sa
pangangatuwiran?
A. makabubuti sa lahat C. hindi ko matanggap kailanman
B. sapagkat nandito tayo sa mundo D. tanggap ko ang mga pagbabago
6. Lubos akong nanalig sa sinabi mo na ang buhay dito sa mundo ay maganda kung ang lahat ng tao ay marunong magpatawad
at tumanggap ng kapatawaran.
Ano ang pariralang ginamit sa pagtanggap ng pahayag?
A. maganda kung ang lahat ng tao
B. marunong magpatawad at tumanggap ng kapatawaran
C. tunay nga ang sinabi mo
D. lubos akong nanalig
7. Maaring hindi kapani-paniwala para sa inyo ang aking pahayag ngunit sa ipinapakita ng estadistika malinaw na marami pa ring
karahasan ang nangyayari sa ating lipunan.
Ang pahayag na ito ay:
A. nangangatuwiran B. naglalarawan C. nagpapahayag D. nagtatanong
May mga pagkakataon na ang mag-aaral ay walang panggastos sa mga proyekto ng asignatura. Dagdag pa nito ang maraming
mga aktibiti at gawain sa paaralan na nangangailangan ng sapat na panahon para maipasa mo. Paminsan-minsan kumakalam
ang sikmura dahil wala ring sapat na perang pambili ng masustansiyang pagkain. Ang hirap pumasa sa mga asignaturang
nakatuon sa mga lohika o di kaya’y nangangailangan ng matalas na pag-iisip upang maunawaan ang mga konsepto. Marami
talagang kinakaharap na suliranin ang isang mag-aaral.
Ang tao ay may kakayahang gumawa ng malayang pasya sa mga gustong mangyari sa kanyang buhay. May kakayahang mag-isip
upang tumuklas ng solusyon sa mga problema. May kamalayang pansarili upang pamahalaan ang sarili at may pagpapahalaga sa
damdamin ng ibang tao. Tunay na iba-iba ang katangian ng tao.
Iba-iba ang uri ng pambubuskang nararanasan ng mga mag-aaral. Una ay ang pisikal na pambubuska sa pamamagitan ng
panununtok, pananadyak, panunulak atbp. Mayroon ding tinatawag na berbal na pambubuska; pambubulyaw, pamamahiya,
pananakot. Mayroon ding tinatawag na cyberbullying. Ito ay pang-aabuso o pamamahiya gamit ang social media.
10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng pantulong na kaisipan?
A. Ang pisikal na pambubuskang panununtok, pananadyak, panunulak
B. Berbal na pambubuska; pambubulyaw, pamamahiya, pananakot
C. Cyberbullying gaya ng pang-aabuso o pamamahiya sa social media.
D. Uri ng pambubuskang nararanasan ng mga mag-aaral