GENERAL EDUCATION
FILIPINO
1. Ito ang nagmumungkahi ng mga hakbang, plano, patakaran at gawain hinggil sa wika.
A. Komisyon sa Wikang Filipino
B. Surian ng Wikang Pambansa
C. Komisyon ng Pambansang Wika
D. Surian ng Wikang Pilipino
2. Anong antas ng wika ang MERON at NASAN?
A. Balbal
B. Kolokyal
C. Panretorika
D. Pampanitikan
3. Anong uri ng pang-uring pamilang ang TATLUHAN, APATAN, at ANIMAN?
A. Panunuran
B. Palansak
C. Patakaran
D. Patakda
4. Alin ang salitang hindi kabilang sa pangkat?
A. Dasal
B. Buti
C. Bait
D. Magalang
5. Aling pangatnig ang angkop gamitin kung nais ipakita ang pagbubukod at pagtatangi?
A. Pamukod
B. Panapos
C. Paninsay
D. Panlinaw
6. Alin ang pang-abay sa pangungusap?
A. Hinihintay
B. Kamakalawa
C. Mamasyal
D. Mga bata
7. Aling proseso ang nagpapakita kung paano gumagana ang ginagamit na mga sangkap sa
pagsasalita at kung paanong ag hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong.
A. Lalim ng Artikulasyon
B. Antas ng Artikuasyon
C. Punto ng Artikulasyon
D. Paraan ng Artikulasyon
8. Ang mga salitang tulad ng SARIWA at MAKATA ay binibigkas nang _____.
A. Malumay
B. Mabilis
C. Malumi
D. Maragsa
9. Anong uri ng pang-abay ang nakasulat sa malaking titik? “PARANG ‘di matutupad ang
pinapangarap nation para sa kanya.”
A. Pamaraan
B. Pang-agam
C. Panlunan
D. ondisyunal
10. Aling pangungusap ang ginagamit ng wastong pagbabantas?
A. “Isipin mo na lamang dumagsa ang mga kamag-anak ng buwaya.” wika ni Tata Selo.
B. “Isipin mo na lamang dumagsa ang mga kamag-anak ng buwaya”. wika ni Tata Selo.
C. “Isipin mo na lamang dumagsa ang mga buwaya,” wika ni Tata Selo.
D. “Isipin mo na lamang dumagsa ang mga buwaya”, wika ni Tata Selo.
11. Patakbong lumapit si Scarlet sa kanyang mga kalaro. Alin ang pang-abay sa pangungusap.
A. Patakbo
B. Kanya
C. Lumayo
D. Kalaro
12. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng menor na pangungusap?
A. Aalis sila
B. Wala sa kanila ang hinahanap ko.
C. Mabuti ako.
D. Gusto raw.
13. Inihatid sa huling hantungan ang mga nasaawi. Alin ang simuno sa pangungusap?
A. Nasawi
B. Inihatid
C. Huli
D. Hantungan
14. Alin sa mga salita ang may diptonggo?
A. Duyan
B. Bughaw
C. Watawat
D. Sayawan
15. Alin sa mga sumusunod ang tambalanang ganap?
A. Samot-sari
B. Panhik-panaog
C. Balik-skwela
D. Alilang-kanin
16. Anong pagbabagong morpoponemiko ang naganap sa mga salitang tulad ng nilikha at
nilipad?
A. Asimilasyon
B. Pagpapalit ng Ponema
C. Pagkakaltas ng Ponema
D. Metatesis
17. Anong varayti ng wika ang walang rul o grammar na sinusunod?
A. Dayalek
B. Pidgin
C. Idyolek
D. Creole
18. Anong uri ng parilang simuno ang ginamit sa pangungusap na ito?
“Isaalang-alang natin ang bukas.”
A. Pariralang Pandiwa
B. Pariralang Nominal
C. Pariralang Pang-abay
D. Pariralang Pang-Uri
19. Ito ay pagbasang may mataas na antas, sistematiko, komplikado, at komparatibo.
A. Sintopikal
B. Kritikal
C. Batayang Antas
D. Inspeksyunal
20. “Nagbabara ang butas ng ilong ni Roberto sa tuwing maaalala ang kataksilan ng kaibigan.”
Ano ang kahulugan ng bahaging may salungguhit?
A. Sumasama ang pakiramdam
B. Di makahinga
C. Sinisipon
D. Naiinis
21. “Maalis ako sa susunid na buwan.” Anong varayti ng wika ang salitang “maalis”?
A. Dayalek
B. Sosyolek
C. Etnolek
D. Idyolek
22. Ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap na ito? Namili ng mga bagong damit si Helena.
A. Pokus sa Gamit
B. Pokus Benepaktib
C. Pokus sa Layon
D. Aktor
23. Ang talipandas na si Adolfo ay nakapanlinlang ng maraming tao. Ang salitang talipandas ay
nangangahulugang ____.
A. Masama
B. Sinungaling
C. Mapagkunwari
D. Mandarambog
24. Alin ang nagsasaad ng palagiang kilos?
A. Palasumbong
B. Pinagsusumbongan
C. Magsumbong
D. Taga-sumbong
25. Kailangan kong magsikap ____ Mabuti sa pag-aaral para sa aking mga magulang.
A. Nang
B. Todo
C. Ng
D. Higit
26. Hindi madali ang maging ____ ng bansa.
A. Panggulo
B. Pang-ulo
C. Pangulo
D. Pa-ngulo
27. Ipinapahayag nito na ang wika ay naunawaan ng lahat at napagkasunduan ng ating
lahi/pangkat.
A. Masistema
B. Dinamiko
C. Likas
D. Arbitraryo
28. Ito ay wikang impormal na nalikha at nabuo sa pagsasama-sama ng mga salitang pinaikli o
pinahaba.
A. Balbal
B. Kolokyal
C. Lalawigan
D. Pampanitikan
29. Ito ang taon na ipinatupad nang pormal ang Filipino bilang wikang Pambansa sa Pilipinas.
A. 1980
B. 1972
C. 1987
D. 1974
30. Alin ang itinuturing na pinakamahalagang bahagi ng balita na siyang unang binibigyan ng
pansin at umaakit sa mambabasa?
A. Lead
B. Tagline
C. Headline
D. Ears
31. Ito ay tumutukoy sa posisyon ng mga salitang pangnilalaman at mga salitang pangkayarian.
A. Ponolohiya
B. Sintaks
C. Morpolohiya
D. Semantika
32. Anong uri ng pagbabagong morpoponemiko ang naganp sa salitang pamunas?
A. Asimilasyong parsyal
B. Pagkakaltas ng ponema
C. Asimilasyong ganap
D. Transposisyon
33. Sa anong bahagi ng pananaliksik matatagpuan ang panimula, kaligiran, at ang conceptual
framework?
A. Kabanata II
B. Kabanata IV
C. Kabanata I
D. Kabanata III
34. Alin sa mga sumusunod ang patungkol sa pagpapahalaga sa pagtitipid?
A. Kapag may isinuksok, may madudukot.
B. Ngayon kakahigin, ngayon tutukain.
C. Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga.
D. Kapag may tiyaga, may nilaga.
35. Isang kayumanggi ang nabuwal sa Bagumbayan nang dahil sa pagmamahal sa Inang Bayan.
Anong uri ng patayutay na pahayag?
A. Pagpapalit-tawag
B. Pagpapalit-saklaw
C. Paglilipat-lipat
D. Simili
36. Anong uri ng panlapi ang ginamit sa nagkamabutihan?
A. Unlapi
B. Kabilaan
C. Hulapi
D. Laguhan
37. Joan has a kidney disease. Si Joan ay may sakit sa ____.
A. Bato
B. BatÓ
C. BatǑ
D. BatŌ
38. Ang ngiti ng magandang dilag ay tila yelong pumapawi sa init ng araw.
A. Pagmamalabis
B. Metafor
C. Simili
D. Onomatopiya
39. Alin ang akda ni Heermogenes Ilagan?
A. Walang Sugat
B. Kahapon, Ngayon, at Bukas
C. Anak ng Dagat
D. Dalagang Bukid
40. May tali sa ilong ang pulis na iyan kaya napawalan ang mga bata ni Meyor.
A. Nasa ilalim ng kapangyarihan
B. May sipon
C. Walanag pang-amoy
D. Diktador
41. Ang tinanggap niyang tulong ay tila hamog sa uhaw na talulot ng bulaklak.
A. Tubig sa halaman
B. Pagkain ng mahihirap
C. Kakarampot na pantawud-gutom
D. Biyayang nakalunas ng kahirapan
42. Alin ang halimbawa ng pang-uring pamilang na PATAKARAN?
A. Dalawa
B. Dalawahan
C. Dadalawa
D. Pangalawa
43. Disenyo ng pananaliksik na nagsisisyasat sa pamamagitan ng talatanungan pakikipanayam.
A. Longitudinal Study
B. Case study
C. Feasibility Study
D. Sarbey
44. Alin ang wasto sa mga sumusunod?
A. Samo’t sari
B. Samot-sari
C. Samut-sari
D. Samu’t sari
45. Ano ang salitang-ugat ng PANANALIG?
A. Panig
B. Panalig
C. Nalig
D. Salig
46. Sa panitikang Pilipino, aling nobela ang unabg sinulat sa wikang Ingles?
A. America is in the Heart
B. Have Cone, Am Here
C. A Child of Sorrow
D. The Hand of the Enemy
47. Ayon sa Teoryang ito, nagmula raw ang wika sa mga salitang namutawi sa bibig ng mga
sinaunang tao bunga ng kanilang nararamdaman.
A. Pooh-pooh
B. Ding-dong
C. Yo-he-ho
D. Bow-wow
48. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?
A. Hinilawod
B. Bidasari
C. Lagda
D. Maragtas
49. Alin ang kasingkahulugan ng “Wala akong kinalaman sa panloloko.”?
A. Hindi, ako si Kardo, ang nanloko sa kanila.
B. Hindi ako si Kardo, ang nanloko sa kanila.
C. Hindi, ako, si Kardo, ang nanloko sa kanila.
D. Hindi ako, si Kardo ang nanloko sa kanila.
50. “Maraming salamat.” Ang pangungusap na ito ay nasa uring ____?
A. Temporal
B. Pormulasyong Panlipunan
C. Sambitla
D. Pamanahon