You are on page 1of 90

LET

GENERAL
REVIEW
FILIPINO
EDUCATION--
MALAYUNING KOMUNIKASYON
SA FILIPINO

FELIX D. TUBERA, LPT, MAED


MORNING SESSION
DISCUSSION
ASSESSMENT
RATIONALIZATION
ARALIN 1: METALINGGWISTIKA AT

WIKA
MASUSING PAGTALAKAY SA WIKA
Ayon kay Henry Gleason (1988),
ang wika ay masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit sa komunikasyon ng
mga taong kabilang sa isang kultura.
Sa katuturang ibinigay ni Gleason ay
nakapaloob ang ilan sa mga pangunahin at
pandaigdigang katangian ng wika:
 Masistemang balangkas
 Sinasalitang tunog
 Pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo
 Ginagamit sa komunikasyon
 Pantao
 Nakaugnay sa kultura
PANDAIGDIGA ANG WIKA AY MAY

NG KATANGIAN MASISTEMANG
BALANGKAS
NG WIKA
Kapag sinasabing masistema,
ang ibig ipakahulugan nito ay
• PONE
may kaayusan o order. Bawat MA
• MORP • SINT
EMA AKS
wika kung ganoon ay may TUNOG
• PON SALITA AT
PANLAPI • MORP
OLOHI
PANGUNGU
SAP • SAM DISKU
RSO

OLOH BITL
kaayusan o order ang istruktura. IYA
YA A

May dalawang masistemang


balangkas ang wika: ang
balangkas ng mga tunog at ang
balangkas ng mga kahulugan.
ANG WIKA AY SINASALITANG TUNOG
Maraming mga tunog sa paligid na makahulugan ngunit hindi
lahat ay maituturing na wika. Ilan sa mga halimbawa ay ang
alarma ng orasan, kulog sa kalangitan. Wang wang ng patrol ng
pulis, lagaslas ng tubig, sagitsit ng pinipritong isda at napakarami
pang iba na may kahulugan. Subalit ang mga ito ay hindi
nabubuo sa pamamagitan ng mga sangkap ng pananalita kaya
hindi matatawag na wika. Ang mga tunog ng isang wika ay
nabubuo sa tulong ng iba’t ibang sangkap ng pagsasalita tulad ng
dila, labi, babagtingang tinig, ngalangala at iba pa.
ANG WIKA AY PINILI AT ISINASAAYOS
SA PARAANG ARBITRARYO

Ang kahulugan ng arbitraryo ay


napagkasunduan. Ang bawat wika ay pinili
at isinasaayos sa paraang pinagkasunduan
ng pangkat ng mga taong gumagamit nito.
Ang mga tunog na binibigkas ay pinili at
isinaayos para sa layunin ng mga
gumagamit nito.
Sa bawat pagsasalita ng tao, pinipili niya ang mga
angkop na salitang bibigkasin sa paraang mauunawaan
ng kausap ang buong mensaheng nais iparating.
Isinasaayos din ang mga pahayag batay sa gramatikal
at semantikal na sistemang sinusunod ng bawat wika.
Halimbawa:
Ang wikang Bagobo ay pinili at isinaayos para
gamitin ng isang grupong kabilang sa tribung Bagobo.
ANG WIKA AY GINAGAMIT SA KOMUNIKASYON

Ang komunikasyon na galing sa salitang


Latin na communis na ang ibig sabihin
ay to work publicly with ay nagbibigkis
sa mga tao para magkaisa. Ito ay
nagsisilbing pandikit para sa mga
mamamayan para magsama-sama para
magkaisa.
ANG WIKA AY PANTAO
Naiiba ang wikang pantao sa tunog na
nililikha ng mga insekto at hayop. Ang
wika ng tao ay ginagamit kaugnay sa
pagsasalin at pag-uugnay ng kultura
samantalang ang tunog ng insekto ay
ginagamit sa sariling lahi.
ANG WIKA AY NAKAUGNAY SA

Ang wika at KULTURA


kultura ay dalawang
bagay na hindi magkahiwalay. Sa
pamamagitan ng wika, nagkakaalaman at
nagkakaugnayan sa pamumuhay,
saloobin, tradisyon, mithiin at paniniwala
ang mga tao.
ANG WIKA AY NATATANGI

Ang bawat wika ay may kanyang


sariling set ng mga tunog, yunit
panggramatika at kanyang
sistema ng palaugnayan. Ang
bawat wika ay may katangiang
pansarili na naiiba sa ibang wika.
ANG WIKA AY NAGBABAGO/DINAMIKO
Ang panahon ay patuloy na nagbabago kaya ang
pamumuhay ng tao ay nagbabago rin dulot ng
agham at teknolohiya. At dahil ang wika at
kultura ay may ugnayan pati wika ay nagbabago.
Ang wika ay buhay patunay rito ang patuloy na
paglawak ng talasalitaan ng wika kaya minsan ay
nababago ang alpabeto at ang sistema ng
palabaybayan.
ANG WIKA AY MALIKHAIN
Taglay ng wika ang mga tuntunin na makabubuo ng
salita, parirala, sugnay at pangungusap. Ang
katutubong nagsasalita ng wika ay may kakayahang
lumikha ng mga bagong salita, parirala, sugnay at
pangungusap na maaaring hindi pa niya kailanman
nasasabi, nababasa o naririnig.
ARALIN 1: METALINGGWISTIKA AT
MASUSING PAGTALAKAY SA WIKA

KAHALAGAHAN
NG
WIKA
INSTRUMENTO NG KOMUNIKASYON
Ang wika pasalita man o pasulat, ay
pangunahing kasangkapan ng tao sa
pagpapahayag ng damdamin at
kaisipan. Sa micro level, ang
dalawang tao ay nagkakaunawaan sa
pamamagitan ng ng epektibong
paggamit ng wika.
NAG-IINGAT AT NAGPAPALAGANAP NG
KAALAMAN
Maraming kaalaman ang naisasalin sa ibang
salinlahi at napakikinabangan ng ibang lahi dahil
sa wika. Ang mga nobela ni Rizal halimbawa, ay
naisulat ilang daang taon na ang lumipas ngunit
patuloy pa rin itong napakikinabangan sa ating
panahon dahil may wikang nagkakanlong dito at
nag-iingat hanggang sa kasalukuyan.
NAGBUBUKLOD NG BANSA
Sa panahon ng mga katipunero, wikang
Tagalog ang naging daan upang mapag-
isa ang kanilang mga hinaing. Tagalog
ang kanilang opisyal na wika sa kanilang
pakikipaglaban sa mga Kastila, samantala
ang mga propagandista naman ay wikang
Kastila.
LUMILINANG NG MALIKHAING PAG-IISIP
Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kuwento o
nobela o di kaya’y kapag tayo’y nanonood ng
pelikula, parang nagiging totoo sa ating harapan
ang mga tagpo niyon. Maaaring tayo’y
napapahalakhak o napapangiti, natatakot o
kinikilabutan, nagagalit o naiinis, naaawa o
naninibugho. Ito ay nagpapagaan ng ating
imahinasyon
IBA’T IBANG
TEORYANG
PINAGMULAN NG
WIKA
TEORYANG BOW-WOW

Ayon sa teoryang ito,


maaaring ang wika raw
ng tao ay mula sa
panggagaya sa mga
tunog ng kalikasan.
22
TEORYANG POOH-POOH

Unang natutong magsalita ang mga


tao, nang hindi sinasadya ay
napabulalas sila bunga ng mga
masisidhing damdamin tulad ng
sakit, tuwa, sarap, kalungkutan,
takot, pagkabigla at iba pa.
23
TEORYANG YOHEHO

Pinaniniwalaan ng mga
nagmungkahi ng teoryang
ito na ang tao ay natutong
magsalita bunga diumano
ng kanyang pwersang
pisikal.
24
TEORYANG TARARA-
BOOM-DE-AY

Likas sa mga
sinaunang tao ang
mga ritwal.
25
TEORYANG TATA

Ayon naman sa teoryang


ito, ang kumpas o
galaw ng kamay ng
tao na kanyang ginagawa
sa bawat partikular na
okasyon 26
TEORYANG DING-DONG

Kahawig ng teoryang bow-


wow, nagkaroon daw ng wika
ang tao, ayon sa teoryang ito,
sa pamamagitan ng mga
tunog na nalilikha ng bagay-
bagay sa paligid. 27
TORE NG BABEL
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lamang ang wika noong unang
panahon kaya’t walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao.
Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos,
naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at
nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na
ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang
makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang
kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang
Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay
ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kabanata 11:1-8)
28
TEORYANG YUM-YUM
Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay
tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa
alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon.
Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan
ng bibig ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng
teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga proponent ng
teoryang ito sa pinagmulan ng wika.

29
TEORYANG SINGSONG

Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na


ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa,
pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang
mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya
na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang
salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi
maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
30
TEORYANG HEY YOU!
Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng
linggwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na
kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon
kay Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na
nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at
pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang
pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag
din itong teoryang kontak.
31
TEORYANG COO-COO
Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa
mga tunog na nalilikha ng mga sanggol.
Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga
matatanda bilang pagpapangalan sa mga
bagay-bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala
ng marami na ang mga bata ang nanggagaya
ng tunog ng mga matatanda.
32
TEORYANG BABBLE LUCKY
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula
sa mga walang kahulugang bulalas ng tao. Sa
pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw
siya nang ang mga hindi sinasadya at walang
kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay
naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na
kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.
33
TEORYANG HOCUS POCUS
Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang
pinanggalingan ng wika ay tulad ng
pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong
aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.
Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng mga unang
tao ang mga hayop sa pamamagitan ng mga
mahikal na tunog na kalaunan ay naging
pangalan ng bawat hayop. 34
TEORYANG EUREKA
Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang
ito. Maaari raw na ang ating mga ninuno ay may
ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong
tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na
bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha,
mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at
naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga
bagay-bagay (Boeree, 2003). 35
TEORYANG LALA

Mga pwersang may


kinalaman sa
romansa. Ang salik na
nagtutulak sa tao upang
magsalita.
36
TEORYANG MAMA

Ayon sa teoryang ito, nagmula


ang wika sa mga
pinakamadadaling pantig ng
pinakamahahalagang bagay.
Pansinin nga naman ang mga
bata.
37
TEORYA AYON KAY RENE
DESCARTES
Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya’t
likas sa kaniya ang gumamit ng wika na aangkop sa
kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao
lalo na sa kaniyang utak gayundin sa pagsasalita
upang magamit sa mataas at komplikadong antas ang
wikang kailangan niya hindi lamang para mabuhay
bagkus magampanan ang iba’t ibang tungkulin nito sa
kaniyang buhay.
38
TEORYA AYON KAY PLATO
Nalikha ang wika bunga ng
pangangailangan. Necessity is the mother
of all invention. Sa paniniwalang ito, gaya
ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing
pangangailangan din ng tao ang wika kung
kaya’t naimbento ito ng tao.
39
TEORYA AYON KAY JOSE RIZAL

Kung lahat ng likas na bagay ay


galing sa Poong Maykapal, bakit
hindi ang wika? Naniniwala ang
pambansang bayani na kaloob at
regalo ng Diyos ang wika sa tao.
40
TEORYA AYON KAY CHARLES
DARWIN
Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya’t nabuo ang
wika. Survival of the fittest, elimination of the weakest.
Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang
tao, kailangan niya ng wika. Ito ay nakasaad sa aklat na
Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of
Language”, sinasaad dito na ang pakikipagsapalaran ng
tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang
makalikha ng iba’t ibang wika.
41
WIKANG ARAMEAN
May paniniwalang ang kauna-unahang
wikang ginagamit sa daigdig ay ang
lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga
sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram)
at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang
kanilang wika.
42
HARING PSAMMATICHOS
Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto,
gumawa ng isang eksperimento si Psammatichos kung
paano nga ba nakapagsasalita ang tao. May dalawang
sanggol siyang pinalaki sa loob ng kuweba at mahigpit na
ipinag-utos na hindi ito dapat makarinig ng anumang salita.
Sa tagal ng panahon nakapagsalita raw ng “Bekos” ang
dalawang bata na ang ibig sabihin ay tinapay. Sa maikling
sabi, likas na natututuhan ng tao ang wika kahit hindi ituro
ang pinanghahawakan ng teoryang ito.
43
ANTAS NG WIKA
• Pormal

Pamp
Pamb
anitika
ansa
n

Lalawi Koloky
Balbal
ganin al
• Impormal

44
PORMAL

Pambansa—ito ang antas ng wikang ginagamit sa mga paaralan at sa


tanggapan ng gobyerno.. Mga salitang pormal subalit madaling
maintindihan.

Pampanitikan—antas ng wika na ginagamit kadalasan sa iba’t ibang


akdang pampanitikan sa kadahilanang nangangailangan ito ng
natatanging kasanayan katulad ng paggamit ng idyoma o tayutay.

45
Pambansa Pampanitikan

ama haligi ng tahanan


ina ilaw ng tahanan
nanliligaw naniningalang-pugad
mabagal usad-pagong
malawak di-maliprang uwak
kapatid kahiramang-suklay
matalino nagsusunog ng kilay

46
IMPORMAL

Lalawiganin—tinatawag din itong dayalektal na


tumutukoy sa wikang ginagamit sa isang partikular na
lugar o pook. Palasak ito sa wikang Filipino na malimit
ding tawagin bilang “False Friends among Philippine
Language” sa kadahilanang ang iisang salita ay
nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan depende sa kung
saang lugar ito sinasalita.
47
IMPORMAL
SALITA WIKANG TAGALOG WIKANG WARAY-WARAY
Bukid Sakahan (farm) Bundok (uphill)
Putik Putik (mud) Puwit (butt)
Bantay Bantay (guard) Humanda (ready)
Apoy Apoy (fire) Lolo/Lola (grandparents)
SALITA WIKANG TAGALOG WIKANG CEBUANO
Hubad hubad (naked) magsalin (translate)
Habol habol (pursue) kumot (blanket)
Hipon Hipon (shrimp) bagoong (shrimp paste)

48
IMPORMAL
Kolokyal—mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw.
Kadalasan ay mga salitang kinaltas mula sa orihinal nitong
salita.
Orihinal Kolokyal

Tara na Tena
Piyesta Pista
Halika na Lika na
Mayroon Meron
49
IMPORMAL
Balbal—Itinuturing ito na pinakamababang antas ng wika na ginagamit ng
mga tao. Sa wikang Ingles ay tinatawag itong “slang” na madalas na
maririnig sa mga lansangan.
Salita Kahulugan

erpat ama
yosi sigarilyo
parak pulis
tsikot kotse
batsi takas/alis
datung pera
bebot babae/dalaga
toyo may sumpong
olats talo
50
ARALIN 2: BARAYTI AT
BARYASYON NG WIKA

BARAYTI AT
BARYASYON NG
WIKA
51
PANIMULA

Ang barayti ng wika ay dulot ng


pagkakaiba ng antas ng edukasyon,
hanapbuhay o trabaho, henerasyon ng
pagkabuhay o edad, pamumuhay sa
lipunang kinabibilangan, at maging
lokasyon o heograpiya ng isang lugar.
PANIMULA
Ang Barayti ng wika ay bunga din ng
pagkakaroon ng heterogeneous na
wika na nabubuo naman ayon sa
pangangailangan ng paggamit nito na
nagbubunga ng baryasyon ng wika.
PANIMULA
Dahil ang mga tao ay may pagkakaiba,
maging sa pagbigkas at pagsasalita ng wika
ay nagkakaroon din ng Barayti o ‘variety’ sa
wikang Ingles. Sinasaklaw ng Barayti ng
wika ang paraan kung paano binibigkas o
sinasalita ng mga tao ang nalalaman
nilang wika.
PANIMULA
Ang barayti ng wika ay
tumutukoy sa mga
kaibahan o pagbabagong
nagaganap sa iisang
angkan ng wika.
HEOGRAPIKAL NA
DIMENSYON
SOSYAL DIMENSYON

DAYALEK IDYOLEK

SOSYOLEK
GAY LINGO PIDGIN AT CREOLE

CONYO
REGISTER
JEJEMON

JARGON

ETNOLEK
Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng
dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang
gamit ng mga tao ayon sa partikular na
rehiyon o lalawigan na kanilang
kinabibilangan.
Tagalog = Bakit?

DAYALEK Batangas = Bakit ga?


Bataan = Baki ah?
Ilocos = Bakit ngay?
Pangasinan = Bakit ei?
Tagalog = Nalilito ako
Bisaya = Nalilibog ako
Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng
pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa.
Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika
na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang
pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod tangi at
yunik.
“Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro

IDYOLEK “Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez


“Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio
“Hoy Gising!” ni Ted Failon
“Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim
Atienza
“I shall return” ni Douglas MacArthur
SOSYOLEK

Naipapangkat din ang mga tao ayon
sa kanilang personalidad, kasarian,  Mga repa, nomo na.
at katayuang socio-ekonomiko. Ito ay Walwal na! (Jeproks/
balbal)
tinatawag ding pansamantalang  Si Yorme, maraming
Barayti lamang dahil ginagamit lamang nahuli, mga etneb.
(Salitang kanto/ pinauso
ito ayon sa uri ng taong kausap at
ni Mayor Isko Moreno)
sisiguruhing kaya niyang intindihin at  Eow pfouh? Muztah
unawain ang ginagamit na wika. nah? (Jejemon)
 Echoserang frog ka.
Chinorva mo akez.
(Bekimon/ Gay Linggo)
59

╸ tinatawag na “Sosyalek” .Ito ay
uri ng wika na ginagamit ng
isang partikular na grupo. Ang
mga salitang ito ay may
kinalaman sa katayuang sosyo
ekonomiko at kasarian ng
indibidwal na gumagamit ng
mga naturang salita.
Ang Swardspeak (kilala rin bilang "Bekimon"
at "gay lingo") ay isang patagong wika o
salitang balbal na nagmula sa Englog
(pagpapalit wika ng Tagalog-Ingles) na ginagamit
ng ilang mga homoseksuwal sa Pilipinas.

GAY LINGO
Ito ay mga salitang naghahalo
ang wikang Ingles at Filipino.
Mas kilala sa tawag na Taglish.
CONYO
Sa ganitong paraan, napapalitan,
nadaragdagan o nababawasan ang mga titik
na nakikita sa karaniwang mga salita.
Halimbawa nito ay "3ow ph0w, mUsZtAh nA?"
"i wuD LLyK tO knOw moR3 bOut u.

JEJEMON
Ito ang mga salitang
kalimitang ginagamit lamang
ng mga taong may iisa o
parehong propesyon.
JARGON
Ito ay uri ng barayti ng wika mula sa
mga pangkat etniko. Ito ay galing sa
salitang etniko at dayalek.
•Adlaw – araw, umaga
•Bagnet – sitsarong gawa sa Iloko
•Vakuul – pantakip sa ulo ng mga taga-Batanes o Ivatan
•Palangga – mahal, iniirog, sinta

ETNOLEK •Banas – mainit, maalinsangan, pagkayamot


•Batok – tradisyonal na paraan ng pagta-tattoo mula sa Kalinga
•Dugyot – marumi
•Kalipay – ligaya, saya, tuwa
•Magayon – maganda, kaakit-akit
•Ambot – ewan, hindi ko alam
Ang pamilya ang pinakamaliit at pinakamahalagang yunit ng isang
pamayanan. Ito rin ang dahil kung bakit kahit sa loob ng tahanan ay
nakagagawa ng kani-kanilang paraan para gamitin ang banggitin ang mga
salita. Ang Barayting ekolek ay tumutukoy sa mga salita at wikang
ginagamit sa loob ng tahanan at kadalasang tumatatak sa mga bata.
Ito rin ay ang ginagamit sa pakikipag-usap araw-araw.

•Mom, dad/ Nanay, tatay/ Mommy, daddy/ Ma, pa


•pamingganan/ platuhan/ lagayan ng kubyertos
•CR/ banyo/ kubeta/ palikuran

EKOLEK
•itaas/ second floor
•mamam/ tubig
•am-am/ kain
•diko/ ditse/ sangko/ sanse/ ate/ kuya
•baby/ bunso
•lola/ granny/ mamu/ la/ inang
•lolo/ granpa/ Papu/ lo/ itang
Mayroon namang Barayti ng wika na walang pormal na
estruktura. Tinatawag na pidgin ang mga wikang ginagamit ng
dalawang indibidwal mula sa magkaibang bansa upang
magkaintindihan. Tinagurian din ang pidgin bilang “nobody’s
native language ng mga dayuhan. Itinuturing din ito bilang
‘make-shift’ language o wikang pansamantala lamang.
•You go there… sa ano… there in the banyo…”
(English carabao)

PIDGIN •“Ako benta mga prutas sa New Year para swerte.”


(Chinese na sumusubok mag-Filipino)
•“What’s up, madrang piporrrr…” (Koreanong si
Ryan Bang sa kaniyang programa)
Ito ang mga salitang mula sa
pidgin na naging bahagi na ng
wika ng mga taong gumagamit
nito sa kanilang lugar.
CREOLE •“De donde lugar tu?” (Taga-saan ka?)
•“Adios!” (Paalam)
•“Buenos dias!” (Magandang umaga!)
•“Buenas noches.” (Magandang gabi.)
•“Mi nombre?” (Ang pangalan ko?)
REGISTER
● May mga uri naman ng wikang ginagamit
lamang sa isang partikular o
espesylaisadong domain. May tiyak na
pakahulugan ang mga salitang ginagamit
dito na tanging ang mga taong
kabilang sa isang partikular na
pangkat lamang ang nakaiintindi o
nakauunawa.
69
KLASIPIKASYON NG REGISTER
 Frozen Register ay gamit sa ating Saligang Batas, Bibliya at himno ng
partukular na institusyon o organisasyon.

 Akademikong Register ay ginagamit sa mga paaralan upang maghatid


ng impormasyon, pananaliksik at pampublikong pagsasalita tulad ng mga
talumpati at debate.

70
 Konsultatibong Register ay isang pormal na paghingi ng payo o opinyon
sa mga kinauukulan tulad ng konsultasyon ng isang pasyente para sa
kanyang doctor o biktima para sa kanyang abogado
 Karaniwang Register ay tumutukoy sa impormal na gamit ng wika sa
diskurso. Halimbawa nito ay ang pakikipag-usap sa iyong barkada.

 Intimasiyang Register ay kadalasang ginagamit ng magkasintahan upang


maglambingan at magsuyuan.

71
PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA
KASAYSAYAN NG PAMBANSANG WIKA
SURIAN/KOMISYON NA NAMAMAHALA SA PAGPAPAYAMAN NG WIKA
URI NG KOMUNIKASYONG
DI-BERBAL

1 PROXEMICS—distansya o
espasyo ang pinapahalagahan.

Halimbawa: employee at employer

75
2
CHRONEMICS—oras
ang pinapahalagahan.
Halimbawa: oras na napagkasunduan

76
3
HAPTICS—haplos ng
kamay.
Halimbawa: Paghaplos sa balikat
kung may problema

77
4
KINESICS—galaw
ng katawan
Halimbawa: pagkaway

78
5
OBJECTICS—tumutukoy sa
bagay na maaaring
ipahalintulad sa tao

Halimbawa: Ang pagdadala ng ruler sa tuwing nagtuturo.


(Ruler: sumisimbolo sa guro)
(Palakol: sumisimbolo sa magsasaka)
79
6
VOCALICS—may tunog
Halimbawa: igham, sut-sut (sit-
sit)

80
7
COLORICS—berbal na
komunikasyon na tumutukoy
sa kulay.
Halimbawa: malalaman mo na may pulis
dahil sa kulay ng kanilang uniporme

81
8
OLFACTORICS—tumutukoy
sa amoy.
Halimbawa: amoy sa pabango

82
9
PICTICS—galaw ng mukha

Halimbawa: masaya, in love, nagagalit,


natatakot

83
10

OCULESICS—galaw ng
mata
Halimbawa: nagseselos, in love, beautiful
eyes.

84
11

PARALANGUAGE—
tumutukoy sa pitch, bolyum
at kalidad ng boses.

85
URI NG KOMUNIKASYON BATAY SA KAUSAP
INTRAPERSONAL
1 Ito ay intrapersonal kung ang komunikasyon
ay nagaganap sa sarili lamang. Kabilang
sa sitwasyong ito ang pagdedesisyon ng
isang tao sa isang paksa. Sa pagtungo sa
pamilihan, nagaganap ang komunikasyon
sa bahaging pipili ang mamimili kung ano
ang kanyang bibilhin.
86
URI NG KOMUNIKASYON BATAY SA KAUSAP
INTERPERSONAL
2 Interpersonal naman ang
komunikasyon
kinasasangkutan na ito
ng higit sa isang tao.
87
URI NG KOMUNIKASYON BATAY SA KAUSAP
KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO
3 Ito ay nagaganap sa dalawa o higit pang
tao. Maituturing na nasa anyong ito ang
isang mananalumpati na nagbibigay ng
kanyang masusing talumpati sa isang
bulwagan. Ang mga kakikitaan ng
ganitong uri ng komunikasyon ay ang mga
seminar, kombokasyon at ilang programa
pa. 88
URI NG KOMUNIKASYON BATAY SA KAUSAP
KOMUNIKASYONG NAGAGANAP SA MALIIT NA PANGKAT

4 Kabilang dito ang mga


pagpupulong na isinasagawa
ng isang organisasyon,
talakayan sa loob ng silid-
aralan, paghuhuntahan ng
mga magkakaibigan.
89
URI NG KOMUNIKASYON BATAY SA KAUSAP
KOMUNIKASYONG PANGMASA
5 ang komunikasyong pampubliko ay nagiging
komunikasyong pangmasa kung sangkot na ang
midya sa paraan ng paghahatid ng mensahe. Ang
SONA ng pangulo ng bansa ay isang halimbawa ng
komunikasyong pampubliko, ngunit kapag ginamit na
ang telebisyon, radio at pahayagan mabibilang na ito
sa ilalim ng komunikasyong pangmasa dahil ang
SONA ay naipaabot na sa kalahatan.
90

You might also like