You are on page 1of 30

KATANGIAN AT TEORYA NG

WIKA
IKALAWANG LINGGO
LARO TAYO!
•Magbibigay ang guro ng mga salita at ang
bawat mag-aaral ay magbibigay ng
halimbawa nito. Kung sinoman ang hindi
makapagbibigay ay may nakalaang gawain.
DALAWANG PANGKALAHATANG URI NG
PAGPAPAHAYAG NG WIKA

 PASALITA- Ito ay pagsasatunog ng mga salita na inaayos


sa masining na balangkas na ginagamitan ng paraang pabuga.
 PASULAT- Ito ay pagsasatitik ng mga ponema na bumubuo
ng isanng salita at inaayos sa paraang mag-agham na
pagkakabalangkas na ginagamitan ng simbolo
KATANGIAN NG WIKA

 Ang wika ay masistemang balangkas


Ang lahat ng mga wikang ginagamit ng
mga tao ay masistemang nakabalangkas
KATANGIAN NG WIKA

 Ang wika ay sinasalitang tunog


Sa tao, ang pinakamakabuluhang nilikhang
tunog ay salita. Ito ang nagsisilbing kasangkapan
sa pakikipagkomunikasyon.
KATANGIAN NG WIKA

 Ang wika ay pinipili at isinasaayos


Mahalaga sa isang nakikipagtalastasan na
piliing mabuti at iaayos ang mga salitang
babanggitin,
KATANGIAN NG WIKA

 Ang wika ay arbitaryo


Ang isang taong walang kaugnayan sa komunidad
ay hindi matutong magsalita kung papaanong ang
mga naninirahan sa komunidad na iyon ay
nagsassalita
KATANGIAN NG WIKA

 Ang wika ay ginagamit


Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon
kaya nararapat itong gamitin.
KATANGIAN NG WIKA

 Ang wika ay nakabatay sa kultura


Makikita sa kultura ng mga bansa ang
pagkakaiba-iba. Ito ay paliwanag na may wika o
salita na walang katumbas sa bansa.
KATANGIAN NG WIKA

 Ang wika ay nagbabago


Dinamiko ang wika. Hindi maaaring tumanggi
ang wika sa pagbabago.
KATANGIAN NG WIKA

 Ang wika ay komunikasyon


Ang tunay nawika ay wikang sinasalita .Ang
wikang pasulat ay paglalarawan lamang ng
wikang sinasalita.
KATANGIAN NG WIKA

 Ang wika ay makapangyarihan.


Ito ay nagpapakita ng pagiging kasangkapan
upang labanan ang bagay na salungat sa
paglalarawan at pamamalakad ng tao
KATANGIAN NG WIKA

 Ang wika ay kagilas-gilas.


Bagama’t ang pag-aaral ay isang agham, salita
parina ang kayhirap ipaliwanag.
MGA TEORYA SA
PINAGMULAN NG
WIKA
TEORYA NG PAGLALANG (DEVINE THEORY)

•Sinasabing ang wika ay galing sa


Dakilang Maykapal
•Sa Diyos nagmula ang wika ng mundo
TEORYANG PANTAO ( HUMAN THEORY)

•Ang wika ay ginagawa ng tao upang


maipahayag ang saloobin nito dahil sa
damdamin ang nag-uudyok ng
kanyang-isip
TEORYANG PANLIPUNAN ( SOCIETAL
THEORY)

•Ang wika ay nagbuhat sa pangangailangan


ng isang lipunan na siyang gumagawa ng
sariling wika nito. Ito ay nagawa udyok ng
panganangailangan.
TEORYA NI DARWIN( DARWIN THEORY)

•Ang wika ay mula sa panggagad ng tao


sa mga kilos o galaw ng hayop.
Ginagaya ng tao noon ang kanilang
nakikitang kilos o galaw ng hayop.
TEORYA BOW-WOW( BOW-WOW THEORY)

•Ginagaya ng tao ang tunog na naririnig sa


hayop o kalikasan. Halimbawa nito ay ang
huni ng ibon sa pamamagitan ng pagsipol
ng tao at lagaslas ng tubig sa batis o ilog
TEORYA NG ALON ( WAVE THEORY)

•Ito ang teoryang nagsasabi ang pakikipag-


ugnayan ay parang isang alon na naririnig
kapag nagsasalita. Maihahalintulad sa isang
alon ang ating boses kapag tayo ay nagsasalita.
TEORYANG DING-DONG (DING-DONG
THEORY)

•Ang teorya na nagsasabing ang bawat


bagay sa mundo ay may kasama o
kaugnayan na tunog mula sa materyal na
bagay .
TEORYANG SING- SONG (SING-SONG
THEORY)

•Ang teorya ng wika buhat sa paghuni o


pamamagitan himig ng awiting bayan. Nabuo rin
sa isipan ng ating mga ninuno na ang wika ay
nagmula sa paghuni at pag-awit ng mga diwata sa
kabundukan.
TEORYANG POOH- POOH(POOH-POOH
THEORY)

•Ito ay nagpapahayag ng tao sa


pamamagitan ng nadarama. Halimbawa
nito ay ang mga damdaming ipadarama ng
tao gaya ng paghikbi, pagsigaw at iba pa.
TEORYANG PUNO –SANGA (TREE STEM
THEORY)

•Ang teorya na nagsasabing ang mga


bagong wika ay may pinagmulan. Kung
ang bagong wika ay mga sanga, ang
pinakaunang wika ay ang ugat o puno.
TEORYANG YO-HE-HO(YO-HE-HO THEORY)

•Teorya na nagsasabing gumagamit ang tao ng


salita kapag siya ay gumagamit ng pisikal na lakas.
Halimbawa nito’y kapag nagbubuhat ng mga
mabibigat na bagay ang tao, kapag nagpapalakas
ng katawan , kapag nanganganak at iba pa.
TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY (TA-RA-
RA-BOOM DE-AY THEORY)

•May mga selebrasyon o pagdiriwang ang


mga unang tao na kailangan ng pagkilos,
pagsasayaw, pagsigaw, pagbulong ng mga
gumaganap. Mga tunog ng ritwal.
TEORYANG TA-TA ( TA-TA THEORY)

•Ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang


ginagawa sa isang partikular na okasyon ay sinasabayan ng
kanyang pagsasalita. Ang TA-TA ay paalam o goodbye sa
Pranses na binibigkas ng dila nang pataas at pababa katulad
ng pagkampay ng kamay
TEORYANG TORE NG BABEL ( BABEL TOWER
THEORY)

•Nagkaroon ng iba’t ibang wika dahil na rin sa


kapangyarihan ng Diyos na lituhin ang bawat
taong nabuhay noong unang panahon
TEORYANG ARAMAIC (ARAMAIC THEORY)

•May paniniwalang Aramaic ang kauna-unahang wikang


ginamit sa daigdig. Ginamit ito ng mga Arameans, ang
mga sinaunang taong nanirahan sa Mesopatamia at Syria.
Sinasabing sa wikang ito rin ay nasusulat ang bibliya.

You might also like