You are on page 1of 4

WEST PRIME

Pagadian City

1. Opisyal na nagkaroon ng pambansang wika noong ________


a. 1987 b. 1973 c. 1937 d. 1935

2. Ang sumusunod na katangian ng wikang Filipino MALIBAN sa _________

a. Lingua franca ng ating bansa


b. Batay lamang sa Tagalog
c. Amalgamasyon ng mga wika sa ating bansa
d. Dinamiko kaya nagbabago

3. Alin sa sumusunod ang HINDI ahensyang may atas sa paglinang ng wikang pambansa.

a. Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)


b. Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining
c. Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP)
d. Surian ng Wikang Pambansa (SWP)

4. Siya ang instrumento/nagbigay ng utos na magkaroon ng pambansang wika.

a. Manuel L. Quezon c. Virgilio Almario


b. Jose E. Romero d. Ferdinand Marcos

5. Ipinanganak sa taong ito ang tawag sa pambansang wika na Pilipino.

a. Pebrero 1986 c. Marso 1952


b. Agosto 1959 d. Mayo 1987

6. Ang wikang Filipino ay amalgamasyon ng ______________.

a. Bisaya, Waray at Ilokano


b. Tagalog, Hiligaynon at Maranao
c. Bicolano, Pampango at Pangasinense
d. Ingles, Espanyol at iba pang wika sa Pilipinas
e. Lahat ng nabanggit

7. Nagsasalita si Ana ng Cebuano, si Cristine ng Hiligaynon at si Stanley ng English. Hindi sila nagkakaunawaan dahil sa
sitwasyong ito kaya ginamit nila ang Filipino na alam nilang tatlo. Ano ang tawag sa wikang Filipino nito?

a. Pambansang Wika c. Opisyal na Wika


b. Lingua Franca d. Bernakular

8. Sa isang lipunan, may kanya-kanyang paraan ng paggamit ng wika ang bawat subgrupo dito. Anong uri ng wika ang tinutukoy?

a. Dayalekto b. Ecolek c. Etnolek d. Sosyolek

9. Ano ang kasalukuyang ahensya ng pamahalaan na nagpapaunlad at nagpapalawak sa gamit ng wikang pambansa?

a. Surian ng Wikang Pambansa


b. Komisyon sa Wikang Filipino
c. Linangan ng mga wika sa Pilipinas
d. Komite sa Wikang Pambansa

10. Ang kasalukuyang namamahala sa ahensyang binanggit sa tanong bilang 9.

a. Ponciano B.P Pineda


b. Jose Laderas Santos
c. Virgilio Almario
d. Jesli Lapus
e. Arthur Casanova

11. Ito ang wikang pambansa na isinaad sa 1935.

a. Filipino b. Tagalog c. Wikang Pambansa batay sa Tagalog d. Wikang Pambansa batay sa Filipino

12. Binubuo ng 3 patinig at 14 na katinig ang ___________


a. ABAKADANG Tagalog b. Alfabetong Romano
c. Alibatang Silabaryo (BAYBAYIN) d. Alfabetong Filipino

13. Ang kasalukuyang alfabetong Filipino ay may ________


a. 30 titik b. 20 titik c. 28 titik d. 17 titik

14. Ang patakatang paggamit ng Ingles o Filipino sa mga tiyak na subjek ay tinatawag na ______

a. Edukasyong baylinggwal b. Edukasyong pribado c. Edukasyong monolinggwal d. Edukasyong Pampubliko

15. Ito ang wikang pinagmulan ng mga wika sa Pilipinas.

a. Malayo Polinesyo b. Indones Polinesyo c. Bahasa Indonesya d. Indones Malayo

16. Nagkaroon ng uri ng Cebuano gaya ng Cebuano-Cagayan de Oro, Cebuano-Iligan, Cebuano-Cebu at iba pa. Ano ang tawag sa
sitwasyong ito ng wika.

a. Barayti b. Wika sa lugar c. Bernakular d. Baryasyon

17. Teorya ng pinagmulan ng wika na likha ng Maykapal.

a. Bow-wow b. Ding-dong c. Ta-ra-ra-boom-de-ay


d. Tore ng babel

18. Tinaguriang ama ng Bararilang Tagalog.

a. Manuel L. Quezon b. Francisco Baltazar c.Jose E. Romero d. Lope K. Santos

19. Siya ay may kutsarang pilak nang ipinanganak? Ano ang ipinapahiwatig ng sinalungguhitang salita?

a. Marami siyang kagamitang pilak b. Siya ay mayaman c. Siya ay mahilig sa pilak.

20. Alin sa sumusunod ang salitang pambansa?


a. Bintana b. kumusta c. nagdadalangtao d. kusina

21. Ano ang tuntunin ng ngayon ng na susundin ang pagtutumbas sa Filipino ng Rice Terraces?

a. Kung ano ang bigkas siyang sulat


b. Gamitin ang katutubong katumbas hagdan-hagdan Palayan
c. Tumbasan sa Espanyol at baybayin sa Filipino
d. Hiramin ng ganap

22. Nagmumurang kamatis si lola sa sout niyang damit.

a. Nagmumukang matanda b. gumaganda si lola c. namumula si lola d. bumabata si lola

23. Nagagandahan si Leo kay Audrey ngunit hanggang ligaw-tingin lamang siya.
a. Iniligaw ang tingin b. nagmamahal nang lihim c. nakatingin sa malayo d. hanggang tingin lang

24. Ilista mo na lang sa tubig ang hiniram mong pera sa akin.

a. Basain ng tubig ang perang ipambayad


b. Matagal kung magbayad ng utang
c. Kalimutan na lamang ang hiniram na pera
d. Lahat ng nabanggit

25. Di-malalagyan ng karayom ang iba’t ibang kalsada sa Cebu City tuwing pista ng sto. Nino.

a. Nagsisikip sa dami ng tao b. laganap ang dami ng tao c. hiwa-hiwalay ang dami ng tao d. nag-uumppugan ang dami ng tao.

26. Di napaunlakan ni Ara ang imbitasyon manood ng sine sapagkat butas ang kanyang bulsa.

a. Sira ang pantalon ni Ara b. walang pera c. nagtitipid si Ara d. Walang panahon si Ara.

27. Binata na si Leo kaya siya ay naniningalang-pugad na.

a. Naninigarilyo na si Leo b. Nanliligaw si Leo c. Nagbabarkada na si Leo d. Naninirahan nang mag-isa si Leo.

28. Si Nora Aunor ay amoy-lupa na.


a. Hindi naliligo b. Laos na c. matanda na d. patay na

29. Ang mga daliri ni Sharon Cuneta ay hugis-kandila.

a. umaapoy ang mga daliri b. maganda ang mga daliri c. matuwid ang mga daliri d. marumi ang mga daliri

30. Hindi mapigilan ang nag-aapoy na damdamin ng magkasintahang Romeo at Juliet.


a. Nag-aaway b. nagmamahalan c. naglalambingan d. nagliligawan

31. Sumali sa kontest ng takbuhan ang isang binata kaya hingal-aso siya pagkatapos.
a. Labas-dila b. habol ang hininga c. pagod na pagod d. patang-pata

32. Malambing ang dalawang magkasintahan, kapit-tuko kahit saan.


a. Naging naglalandian b. di-mahiwalay c. naghahalikan d. hawak na hawak
33. Buntot-aso si inday sa lahat ng utos ng kanyang amo.
a. Tanggi nang tanggi b. sunod nang sunod c. naghahalikan d. hawak na hawak

34. MAGKAHAWAK KAMAY ang ginawa nilang pagpangko sa mga aklat. Anong bahagi ng pananalita ang nasa malaking titik?
a. Pandiwa b. Panghalip c. Panlapi d. Pang-abay

35. Matapang ang TANDANG na manok-panabong ni Tiyo Maning. Anong kasarian ang nasa malaking titik?
a. Pambabae b. Panlalake c. Pambalake d. Walang kasarian

36. Halimbawa ng anyo ng pangngalang tambalang salita.


a. Kaibigan b. manok c. dala-dalawa d. hukbong-dagat

37. MALAKAS ang maunlad na bansa. Ang nasa malaking titik ay halimbawa ng _______.
a. Pang-abay b. Pandiwa c. Pang-uri d. Panghalip

38. Kumakain ng gulay ang matabang bata. Simuno ng pangungusap ang ________?
a. Kumain ng gulay b. matabang bata c. ang matabang bata d. bata

39. Ang Rizal Park ay _______ kaysa Bonifacio Park.


a. Mas malawak b. magsinlawak c. pinakamalawak d. napakalawak

40. “Magtratrabaho ako at ikaw ay mag-aral upang makatapos ka ng pag-aaral.” Anong uri ng pangungusap ito?
a. Tambalan b. Payak c. Langkapan d. Hugnayan

41. Ito ang pinagsama-sama ng mga salita sa isang wika upang makabuo ng talata/diwa

a. Sintaksis b. Morpolohiya c. Ponolohiya d. parirala

42. Tawag ito sa salitang may magkasunod na katinig sa isang wika upang makabuo ng talata.
a. pares minimal b. diptonggo c. klaster d. patinig
43. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga salitang pangkayarian?
a. Pangngalan b. Pang-angkop c. Pangatnig d. Pang-ukol

44. Binilhan ni Leny ng damit sa Divisooria para sa nanay.


a. Lokatib b. Aktor c. Benepektib d. Layon

45. Bahagi ng pananalita na ginagamit bilang panghalili sa tiyak na ngalan ng tao, bagay at pangyayari.
a. Pangngalan b. Panghalip c. Pandiwa d. Pang-abay

46. Manaka-naka kaming dumalaw sa kanila buhat nang napalayo kami ng tirahan.
a. Madalas b. bihira c. instrumental d. sanhi

47. Sabihin ang aspekto ng Pandiwa sa pangungusap na ito. “ Mag-aral sa bahay ng mga araling ukol sa halaman.
a. Pawatas b. kontemplatibo c. imperpektibo d. perpektibo

48. Pinasyal ng mag-anak ang Enchanted Kingdom noong isang buwan. Ano ang pokus ng Pandiwa?
a. Sanhi b. tagaganap c. direksyonal d. tagaganap

49. Anong anyo ng Pangngalan ang mga salitang PINTUAN, KAIBIGAN, KASUOTAN.
a. Payak b. maylapi c. inuulit d. tambalan

50. Siya ang kinikilalang Ama ng Demokrasyang Pilipino.


a. Jose Rizal b. Antonio Luna c. Marcelo H. del Pilar d. Andres Bonifacio

You might also like