You are on page 1of 47

KOMUNIKASYON SA

AKADEMIKONG
FILIPINO
PANUTO: BASAHIN ANG MGA PAHAYAG. PILIIN ANG
TITIK NG ANGKOP NA SAGOT SA BAWAT BILANG.
1.Teorya ng wika na ayon sa mga paham ang lahat ng tao o
bagay sa paligid ay kusang lumilikha ng sariling tunog.
a. Pooh-pooh c.Yo-he-ho
b.Ding-dong d.Bow-wow
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na kahulugan ng wika?
a. Isang sistematik na balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura.
b. Kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na
komunidad.
c. Kaugnay ng buhay at instrumento ng tao upang maging matalino at episyenteng
makilahok sa lipunang kanyang kinabibilangan.
d. Naririnig at binibigkas na pananalita na nalilikha sa pamamagitan ng dila at ng ibang
pang mga sangkap ng pagsasalita.
3. Ang mga salitang “datung, orb, yosi, pare, utol at marami pang iba ay
ilan lamang sa mga salitang hindi umiiral noon na sa kasalukuyan ay
karaniwang naririnig lalo na sa mga kabataan. Anong
katangian ng wika ang tinutukoy?
a. Masistema b. Ginagamit c. Kultura d. Nagbabago
4. Ang mga salitang dinengdeng, pinakbet, adobo, pinapaitan ay mga
salitang walang katumbas sa ibang wika. Anong katangian ng wika ang
tinutukoy?
a. Kultura b. Arbitraryo c. Ginagamit d. Masistema
5. Anong varayti ng wika ang itinuturing na panrehiyon dahil karaniwang
ginagamit ng mga tao sa isang
rehiyon o pook?
a. Dayalek b. Idyolek c. Sosyolek d. Register
6. Kailan nagsimulang itadhana na Tagalog ang gawing opisyal
na wika?
a. 1897 b.1935 c.1940 d.1945
7.Siya ang nanguna sa pagsasagawa ng hakbang upang magkaroon ng
Wikang Pambansa?
a.Emilio Aguinaldo c.Andres Bonifacio
b.Jose Rizal d.Manuel Quezon
8.Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na dahilan sa pagpili ng
Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa?
a.Nahahawig ang Tagalog sa maraming wikain sa bansa.
b.Kumpleto ang tunog na bumubuo sa alfabeto ng Tagalog.
c.Madaling pag- aralan ang istruktura ng Tagalog.
d.Tagalog ang sinasalita sa sentro ng kalakalan at edukasyon.
9. Sinong pangulo ang naglagda sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa na gaganapin tuwing ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto?
a.Ramon Magsaysay c.Fidel Ramos
b.Corazon Aquino d.Diosdado Macapagal
10. Sinong pangulo ang lumagda sa pagpapanibago ng pagdiriwang ng
Linggo ng Wika sa buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wika?
a.Ramon Magsaysay c.Fidel Ramos
b.Corazon Aquino d.Diosdado Macapagal
11. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Ito ang isinasaad sa
Konstitusyon ng 1987 sa Artikulo XIV, seksyon ___________.
a. 6 b.7 c.8 d.9
12. Ano ang tawag sa unang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino na
dinatnan pa ng mga kastila?
a.Abakada b.Abecedario c.Baybayin d.Eybisi
13.Ang bagong alpabetong Filipino ay binubuo ng ilang titik?
a.14 b.20 c.26 d.28
14. Ayon sa rebisyon ng alpabeto, nanghiram ito ng walong titik. Alin
sa mga sumusunod ang tinutukoy?
a.C,F,J,NG,Q,V,X,Z c.C,E,F,J,W,X,Y,Z
b.C,F,G,N,Q,V,W,X d.C,F,J,N,Q,V,X,Z
15.Ang salitang “makapangyarihan”ay may ilang pantig?
a.2 b.6 c.15 d.16
Alin sa mga sumusunod na salita ang may maling gamit ng gitling?

16.a.dala-dala b.pam-pinto c.bahay-bahayan d.bahay-ampunan


17.a.maka-alaska b.bahay-kubo c.taga-CSU d.lulubog-lilitaw
18.a.iba’t-iba b.ika-4 ng umaga c.saan-saan d.Macapagal-Arroyo
Alin sa mga sumusunod na salita ang may diptonggo?

19.a.bantayan b.kahulugan c.lantay d.sabawan


20.a.Kristiyano b.tambayan c.pagdungaw d.banlawan
Alin ang naiiba sa bigkas?
21. a.dula b.tula c.daga d.tila
22.a.mayaman b.bundok c.bulaklak d.halaman
23. Aalos ako kung sasama ka. Ang pangungusap ay
___________.
a.Payak b.Tambalan c.Hugnayan d. Langkapan
24. Ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at _______.
a.Espanyol b.Tagalog c.Ingles d.Latin
25.Ito ang pinakamaliit na yunit ng tunog.
a.ponema b.morpema c.ponolohiya d.sintaksis
26.Minabuti ng mag-iina ang lumayo upang wala ng hidwaang
mangyari. Anong kayarian ng salita ang nasalungguhitan?
a.payak b.tambalan c.maylapi d.inuulit
27.Kung ang isang panlapi ay nagtatapos ng “ng” at ito’y ikinabit
sa salitang ugat na nagsisimula sa /p/ o /b/, ang “ng” ay nagiging
_______.
a.ng b.m c.n d.s
28. Ang mga empleyado ng mga kagawaran ng gobyerno ay
masisinop. Ang pangungusap ay
a.Payak b.Tambalan c.Hugnayan d.Langkapan
29. Dakpin ang taong iyan at kung mapatunayang nagkasala ay
ipataw ang nararapat na parusa sa kanya.
a.asimilasyon c.paglilipat-diin
b.pagpapalit ng ponema d.pagkakaltas ng ponema
30.Alin sa mga pangungusap ang gumamit ng pang-uring nasa
lantay?
a.Bahagyang nainis ang matanda sa mga makukulit na bata.
b.Napakainit ng panahon ngayon.
c.Mayaman ang napangasawa ng babae.
d.Lubhang nabahala ang lahat sa pagkalat ng covid 19.
31.Alin ang pinakatamang ayos ng pangungusap?
a.Ang mga kabataan kung maliwanag ang buwan ay nagtatakbuhan sa
lansangan at naglalaro.
b.Ang mga kabataan ay naglalaro kung maliwanag ang buwan at
nagtatakbuhan sa lansangan.
c.Ang mga kabataan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan kung
maliwanag ang buwan.
d.Ang mga kabataan sa lansangan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa
lansangan.
32.Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
noong Hunyo 19,1940. Ang wikang Pilipino ay pinasimulang
ituro sa lahat ng paaralang ___________.
a.bayan at pribadong paaralan sa buong bansa
b.pampubliko sa buong bansa
c.bayan sa buong bansa
d.pamantasan at dalubhasaan sa buong bansa
33.Ang batas na ito ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos
na nagtatadhana na dapat pangalanan sa Pilipino ang mga gusali at
edificio ng pamahalaan.
a.Kautusang Tagapagpaganap Blg.308
b.Kautusang Tagapagpaganap Blg.96
c.Memorandum Sirkular Blg.176
d.Memorandum Sirkular Blg.277
34.Siya ang pangulo ng Pilipinas na nag-utos na awitin ang
Pambansang awit ng Pilipinas sa wikang Filipino.
a. Diosdado Macapagal c.Manuel Quezon
b.Ferdinand Marcos d. Manuel Roxas
35.Noong ika-13 ng Nobyembre,1936, itinadhana ni Pangulong
Manuel L. Quezon ang pagtatag ng Surian ng wikang Pambansa.
Ang hakbang na ito ay nakapaloob sa __________.
a.Seksyon 3, Artikulo XIII
b.Batas Komonwelt Blg. 570
c.Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
d.Batas Komonwelt Blg.184
36. Ito ang dahilan kung bakit tinawag na “Ama ng Balarilang
Tagalog si Lope K. Santos.
a.Hinirang siyang kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa.
b.Naglimbag siya ng Balarilang Tagalog.
c.Sumulat siya ng Balarila ng Wikang Pambansa na batay sa Tagalog.
d.Nagsagawa siya ng pag-aaral tungkol sa gramatikong Pilipino.
37. Noong 1959, nilinaw ng kagawaran ng Edukasyon na
kailanma’y tutukuyin ang wikang Pambansa. Ito ay tatawaging
____________.
a.Filipino b.Tagalog c.Pilipino d.Filipinas
38. Ang patakarang sinimulang ipatupad sa mga paaralan noong 1974
ay tinatawag na Edukasyong __________.
a.Bilingguwal b.Palakasan c.Pangkalusugan d.Multilingguwal
39.Ang ponemang /p/, /b/ at /m/ ay binibigkas ng paano?
a.pangngipin b.panggilagid c.panlabi d.velar
40. Ang alagang baboy ni Bea ay nilitson ng mga kabinataan para
sa pista.Nasa anong pokus ng pandiwa ang ginamit sa
pangungusap?
a.gol o layon b.aktor c.sanhi d.direksyunal
41.Ibigay ang pokus ng pangungusap na ito. “Ikinaligaya ko ang
pagdating mo.”
a.aktor b.layon c.direksyunal d.sanhi
42. Alin ang pokus ng pandiwa sa pangungusap na, “Pinitas ni
Kevin ang mga bulaklak.”?
a.aktor b.layon c.ganapan d.sanhi
43. Batay sa patnubay sa ispeling ng wikang Filipino, alin ang
nagpapakita ng wastong pagpapantig?
a.tu-tole;eks-por-tas-yon
b.kop-ya;eks-pe-ri-men-to
c.to-too;sob-re
d.ma-a-ga;ka-pre
44.Aling pahayag ang tumutukoy sa kalagayan/sitwasyon sa ibaba.
Ipinakilala mo ang iyong kasintahan sa isang Doktor at kay Jenny.
a.Jenny/ang girlfriend ko/Doktor.
b.Jenny/Doktor/ang girlfriend ko.
c.Doktor Jenny/ang girlfriend ko.
d.Lahat tama
45.Ayaw mong tanggapin na si Rolly ang nanalo sa paligsahan.
a.Hindi si Rolly/ang kampeon.
b.Hindi/si Rolly ang kampeon.
c.Hindi si Rolly ang kampeon.//
d.Walang tamang sagot
46. Ano ang tawag sa makrong kasanayan na nasa paraang
interaktibo at di-pasibo na nangangailangan ng higit sa itatakdang
lakas at pagsasanay?
a.pakikinig b.pagsasalita c.pagbasa d.pagsulat
47. Ang makrong kasanayan na tumutukoy sa pagkilala at
pagkuha ng ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag .
a. pakikinig b.pagsasalita c.pagbasa d.pagsulat
48. Ang bilang ng ponema sa Filipino ay __________.
a. 18 b. 19 c. 20 d.21
49. Alin sa sumusunod na salita ang may wastong gamit ng
gitling?
1.Malayu-layo 2. Bahay-kubo 3. Ika-anim 4. Barong-Tagalog
a. 2, 3, at 4 b. 1, 2 at 3 c. 1, 2 at 4 d. 1, 2, 3, at 4
50. Unawaing mabuti ang pangungusap sa ibaba at suriin ito.
“Ang pangulo ng bansa ay nagtungo sa bansang Korea at siya ay
nakipagkita sa embahada upang mapag-usapan ang solusyon hinggil sa
usaping pangkapayapaan sa Pilipinas.”
Tukuyin ang bilang ng sugnay na makapag-iisa (SM) at di makapag-
iisa (SDM).
a.1 SM+ 2SDM b. 2SM+ 1 SDM c. 2 SM+2 SDM d. 3 SM+1 SDM

You might also like