You are on page 1of 3

SPJ INTERNATIONAL TECHNOLOGY INSTITUTE, INC.

San Isidro Poblacion, Tinambac, Camarines Sur


S/Y: 2018-2019

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

“ Ang totoong pagmamahal ay parang matinong estudyante nag-eexam. Hindi tumitingin sa iba
kahit nahihirapan na”

PANGALAN;____________________________________SEKSYON_____________

PANUTO: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot.

1. Sino ang dalubwing nagsabi nito “Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang
tunog na pinili at isinaayos”?
a. Henry Gleason c. Noam Chomsky
b. Karl Marx d. Nelson Mandela
2. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino, Samantalang nililinang ito, ito ay dapat
payabungin, pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika. Ito ay ayon
sa anong batas.
a. Saligang –Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6
b. Saligang –Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 7
c. Saligang –Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6
d. Saligang –Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6
3. Pinalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang kautusan na
nagsasaad na dapat tukuyin ang Wikang Pambansa bilang Pilipino.
a. Agosto 13, 1959 c. Agosto 23, 1956
b. Agosto 23, 1959 d. Agosto 13, 1956
4. Ito ay nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika na simula sa Marso 29 hanngang
Abril 4
a. Proklama Blg. 122 c. Proklama Blg. 22
b,Kautusan Tagapagganap Blg. 12 d. Proklama Blg. 12
5. Ayon sa teoryang ito, maaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng
kalikasan. Dahil dito ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa
pamamagitan ng mga tunog na nililikha niyo.
a. Teoryang Yo-he-ho c. Teoryang Pooh-pooh
b. Teoryang Bow-bow d. Teoryang Ding-dong
6. Ito ay kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao sa pamamagitan ng
mga tunog na nililikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado
sa mga kalikasan lamang kundi maging sa mga bagay na likha ng tao.
a.Teoryang Pooh-pooh c.Teoryang Yo-he-ho
b.Teoryang Ding-dong d.Teoryang Tara-ra-boom-de-ay
7. Si Dinde ay nagsasalita ng Tagalog-Bulacan. Ano uri salita ang ginanamit niya?
a. Wika b. Diyalekto c. Bernakular d. Wikang Panrehiyon
8. Ano ang wikang panturo?
a. Ang wikang panturo ang ay ang wika ng banyaga.
b. Ang wikang panturo ang ay ang wikang ginagamit o itinatalaga ng pamahalaan para sa
edukasyon.
c. Ang wikang panturo ang ay ang wikang opisyal.
d. Ang wikang panturo ang ay ang wikang pamana ng mga ninuno.
9. Ang mga kagawad ng uang Surian ng Wikang pambansa; MALIBAN KAY;
a. Filemon Sotto b. Santiago Sotto c. Felix S. Rodriguez d. Manuel Quezon
10. Noong Abril 1, 1940, inilabas ang Kautusang Tagpagpaganap Blg. 263. Ipag-uutos nito
ang;
a. Paglipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13 hanggang 19
b.Isama ang Ingles at Pilipino sa kurikulum mula sa elementarya hanggang kolehiyo,
publiko o pribado man.
c. Paglilimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at isang aklat sa gramatika na
pinamagatang Ang Bararila ng WIkang Pambansa
d. Pagkakaroon ng Surian Wikang Pambasa
11. Siya ang kinikilalang ama ng Balarilang Tagalog.
a. Lope K. Santos c. Jose B. Romero
b. Rafael Salas d. Manuel L. Quezon
12. Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag sa unang Surian ng Wikang Pambansa. Alinsunod
sa naturang batas, ang mga kapagyarihan at tungkulin ng Surian ay ang mga sumusunod;
MALIBAN SA;
a. Gumawa ng pag-aaral sa mga pangkalahatang wika sa Pilipinas;
b. Maging malaya sa mga dayuhan at ipagmalaki ang wika ng Pilipinas.
c. Magpaunlad at magpatibayng isang wikang panlahat na Wikang Pambansa batay sa
is asa mga umiiral na katutubong wika
d. Bigyang-halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa lbalangkas mekanismo, at
panitikang tinatanggap.
13.Sinasabing gagamitin ang Filipino sa pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas sa isang
Order Pangkagawaran Blg. 22 s. 1987 sa petsang;
a. Marso 12, 1987 b. Marso 13, 1987 c. April 12, 1987 d. April 13, 1987
14. Inilabas ng Surian ang resolusyon na tagalog ang gawaing batayan ng pabansang wika
noong;
a. Disyembre 7, 1937 b. Disyembre 8, 1937 c. Nobyembre 7, 1937 d. Nobyembre 8, 1937
15. Nilipat ang pagdiriwang ng Linggo ng wika sa Agosto 13 hanggang 19 taon-taon bilang;
a. Paggunita sa kaarawan ni Francisco Balagtas
b. Paggunita sa kaarawan ni Ama ng WIkang Pambansa
c. Paggunita sa kaarawan ni Jose Rizal
d. Paggunita sa kaarawan ni Ramon Magsaysay

Maraming Pagpipilian: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
II. Wastong gamit ng mga salita

16. Matagal _________ pinagmasdan ang kanyang mukhang napakaamo.


a. kong b. ko c. kung d. ko nang
17. _________ wala kang magandang sasabihin sa kapwa huwag ka na lamang magsalita.
a. kong b. ko c. kung d. ko
nang
18. Uunlad pa rin ang bansa natin _________ nagtutulungan ang bawat isa.
a. kong b. ko c. kung d. ko
nang
19. Mahinhin siya _________ kumilos.
a. kong b. ko c. kung d. ko nang
20. Sa makalawa pupunta na _________ sa Estados Unidos
a. sila b. nila c. sina d. nina
21. Sa palabas na La Luna Sangre, ang mga pangunahing tauhan ay _________ Tristan at
Malia.
a. sina b. si c.sila d. sa
22. Gumamit _________ng sariling wika sa opisyal na komunikasyon.
a. sina b. na c. sila d. sa
23. Siya ay natutulog _________ pabaluktot kapag malamig ang panahon.
a. ng b. rin c. nang d. din
24. Si Cardo ay kumakain _________ mag-isa dahil wala pa si Alyana.
a. ng b. rin c. nang d. din
25. Kagabi ay tumawag siya _________ manggagamot para kay Robinhood.
a. ng b. nang c. sa d. sa
mga
26. Si Enzo ay sumigaw dahil sa sakit _________ kaniyang sugat.
a. nang b. sa c. ng d. sa may
27. Ang tao _________ na matalino ay malayo ang mararating.
a. daw b. din c. raw d. rin
28. Kung masipag _________ ang taong bayan, walang puwang ang kahirapan.
a. daw b. din c. raw d. rin
29. Magiliw _________ sa kanyang mga kapatid si Jericho.
a. daw b. din c. raw d. rin
30. Pupunta _________ sa palengke si Lola Flora pagkatapos niyang maglaba.
a. din b. daw c.rin d. raw

III. Pagkilala sa Kamalian


1. Iniligtas siya ni Robinhood sa mga masasamang tao. Walang mali.
a b c d
2. Itatakda na ang pagkilala sa bagong pinuno ng mga Ravena kahapon. Walang mali.
a b c d
3. Halos magkakasinkulay ang mga damit na gagamitin nila sa palabas. Walang mali.
a b c d
4. Naiinis na si Sophia pagkat hindi tumitingin si Nicholas sa kamera. Walang mali.
a b c d
5. Nagkikita kami sa bundok ng ibang Mulawin nang nakaraang linggo. Walang mali.
a b c d
6. May-ani sila ng mais tuwing buwan ng Mayo. Walang mali.
a b c d
7. Mahal ang bigas ngayon. Ilan ba ang halaga ng isang kilo? Walang mali.
a b c d
8. Sa ika-dalawamput dalawa ng setyembre ay magtatapos na ang palabas na A Love to
Last.
a b c
Walang mali.
d
9. Alam ko na balak niyang maghigante sa mga Argente. Walang mali.
a b c d
10. Halu-halo ang emosyong nadama ni Camille sa lahat ng nangyari. Walang mali.
a b c d

Bahagi ng Pananalita
1. Hindi ito tinutumbasan ng letra sa halip ang sinasagisap nito ang notasyong ponemik upang
mabanggit ang paraan ng pagbigkas
a. Ponema b. Suprasegmental c. Segmental d. Morpema
2. Pag-aaral sa mga tunog na may katumbas na titik para mabasa. Binubuo ng patinig, katinig,
klaster, diptonggo, malayang pagpapalitan at pares minimal.
a. Ponema b. Suprasegmental c. Segmental d. Morpema
3. Mga salitang nagbibigay ng turing o larawan sa ibang salita upang lalong maging mabisa ang
pahayag.
a. Pangngalan b. Pandiwa c. Panghalip d. Pang-uri
4. Panghalili sa Pangngalan.
a. Pang-halip b. Pang-abay c. Pandiwa d. Pang-uri
5. Salitang nagpapahayag ng kilos o glaw.
a. Pangngalan b. Pandiwa c. Panghalip d. Pang-uri

Pagtukoy sa anong bahagi ng pananalita ang mga salitang may salungguhit.

5 WAYS PARA MAKAPASA SA EXAM


1. THE I FORGOT
Kunwari nakalimutan mo yung sagot, nag-iisip kunwari pero yun pala nasa papel na ng katabi
nakatingin ang mata.
a. Pandiwa b. Pangngalan c. Pang-abay c. Pang-uri
2. THE WALK OUT
Magkakagulo ang buong klase kung lumabas ang guro.
a. Pangatnig b. Pang-angkop c. Pangtukoy d. Pang-ukol
3.THE FEELING CLOSE
Makikipag-close sa katabi dahil may tatanungin at pagkatapos ng exam dedma na.
a. Pangatnig b. Pang-angkop c. Pangtukoy d. Pang-ukol
4. THE GROUP WORK
Ang paborito ng lahat. Magtutulungan ang bawat isa para masagot ang mga katangungan.
a. Pandiwa b. Pangngalan c. Pang-abay c. Pang-uri
5. MAG-ARAL
Mag-aral ka ng mabuti, hindi yung asa-asa lang. May pinatago ka? Hindi yung lakwatsa
inaatupag. Hindi puro lovelife! PBB Teens?
a. Pandiwa b. Pangngalan c. Pang-abay c. Pang-uri

Inihanda ni:
Bb. Jessica H. Angeles
Guro sa Filipino

You might also like