You are on page 1of 2

STO.

DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija
SENIOR HIGH SCHOOL

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


PAGSUSULIT #1
I. Ano ang wika? Bakit ito mahalaga? Iugnay ito sa iyong buhay o tunay na karanasan. (5 puntos)
WIKA – Iugnay sa iyong buhay ang wika.

Kahalagahan-

II. Isulat ang wastong sagot kung anong katangian ng wika nabibilang ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Arbitraryo pinipili at isinasaayos dinamiko sinasalitang tunog

Ginagamit kaugnay ng kultura masistemang balangkas

1. Pinag-iisipang mabuti ang mga salitang nasa isip bago mo sabihin sa kausap.
2. Napagkakasunduan ng isang lugar kung ano ang salitaang wika o gagamiting salita sapagkat ang wika ay nakabatay
rin sa anyong lipunan.
3. Habang patuloy ang panahon, ang wika ay patuloy ring nagbabago.
4. Kapag ang tao ay bumigkas ng salita, nararapat lamang na may tunog ito upang mas maunawaan ng kausap.
5. Malalaman ang kinalakihan dahil sa wikang iyong kinalakihan nang dahil sa iyong wikang sinasalita.
6. Ang wika ay may prosesong pinagdadaanan bago ito mabuo at magamit sa pakikipagkomunikasyon.
7. Ang wika ay laging nariyan upang makatulong sa atin sa larangan ng komunikasyon.
8. Hindi mauunawaan ng isang tao ang nais ipahayag kung ang mga salita ay hindi magkakatugma at hindi nakaayos
nang wasto.
9. Ang wika ay mula sa ponema na naging morpema at naging pangungusap.
10. Nang dahil sa wika, nagiging madali ang ating buhay.
III. Tukuyin kung anung uri ng ponemang segmental at suprasegmental nabibilang ang mga sumusunod na
halimbawa.

Malayang nagpapalitan Diptongo klaster Pares Minimal


Diin Tono Antala

11. Hindi, nawawala ang kalupi ko. 16. politika - pulitika


Hindi nawawala ang kalupi ko.
12. nanay – tatay 17. gripo
13. ha’pon – hapôn 18.. ligo – bigo
14. alingawngaw 19. buhay
15. ano? – ano! 20. Plato
IV. Tukuyin ang mga sumusunod na halimbawa o pahayag ukol sa teoryang pinaniiwalaan kung bakit natututuong
magsalita at gumamit ng wika ang mga tao.
21. Pinaniniwalaang tayo raw ay nakapagsalita dahil sa ating matinding emosyon o damdamin tulad ng ating
pagkagalak, pagkagalit, pagkatakot at marami pang iba.
22. Nang dahil sa tayo ay may taglay na lakas, bunga ng ating pwersang pisikal natuto tayong magsalita.
23. Ang kilos o kumpas ng kamay ay ginagaya ng ating dila na siyang nagging dahilan ng paggawala ng ating dila kung
kaya’t tayo ay natutuong magsalita.
24. Likas na sa ating mga katutubo ang pagsasagawa ng ritwal. Nang dahil dito, ang kanilang ritwal ay nakabubuo ng
mga tunog na kanilang binubuo. Ito ang pinaniniwalaan sa teoryang ito.
25. Ginagaya raw natin ang mga tunog ng kalikasan tulad ng tunog ng mga hayop sa kagubatan, tunog ng tubig at iba
pa na siyang dahilan kung bakit tayo nagsasalita.

You might also like