You are on page 1of 2

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Kuwarter 4 – Modyul 10
Pagbuo ng Konseptong Papel

Pangwakas na Pagtataya
A. Basahing mabuti ang bawat pahayag na nasa ibaba at ibigay ang tinutukoy nito.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Ito ay kalansay ng mga ideyang pinagbabatayan ng aktuwal na proyektong gagawin


A. Konseptong papel
B. Balangkas
C. Papaksang balangkas
D. Layunin
2. Ito ay binubuo ng mga parirala o salita na siyang punong kaisipan.
A. Papaksang balangkas
B. Balangkas
C. Patalatang balangkas
D. Pangungusap na balangkas
3. Nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik.
A. Konseptong papel
B. Balangkas
C. Papangusap na balangkas
D. Layunin
4. Makikita dito ang paraang ginagamit ng mananaliksik sa pangangalap ng datos at sa
pagkalap ng impormasyon.
A. Paksa
B. Layunin
C. Metodolohiya
D. Rasyonale
5. Dito makikita ang kalalabasan ng pag-aaral.
A. Layunin
B. Awtput/Resulta
C. Layunin
D. Rasyonale

B. Basahing mabuti ang bawat pahayag at tukuyin kung anong bahagi o template
ng konseptong papel ang isinasaad nito. Isulat ang katumbas na bilang ng iyong
sagot sa sagutang papel.

1 – Rasyunale 3 - Metodolohiya o Pamamaraan


2 – Layunin 4 - Resulta o Awtput
4 1. Bubuo ng 20 pahinang sulating pananaliksik tungkol sa mga epekto ng
paglalaro ng video games sa batang nasa preschool.

3 2. Makapapanayam at mapasasagot sa mga talatanungan ang magulang


ng mga batang madalas maglaro ng video games at oobserbahan ang
mga batang mahilig maglaro nito sa loob ng isang buwan.

3 3. Mangangalap ng tala mula sa internet, aklatan, at dyornal at


makikipanayam sa mga dalubhasa.

1 4. Ang paggamit ng marijuana bilang gamot sa iilang karamdaman ay


ipinapanukala ng ilang eksperto.

2 5. Susubuking alamin ang mga benepisyo at panganib sa paggamit ng


marijuana bilang gamot o medisina.

1 6. Ipapakita ang ugat ng problema tungkol sa kahirapan sa Pilipinas.

4 7. Maaaring maging dahilan ang teknolohiya sa pagbaba ng marka ng


mga mag-aaral.

2 8. Ninanais mabigyang-linaw ang ugnayan ng malnutrisyon at kawalang


trabaho ng mga magulang.

3 9. Gumawa ng sarbey kung sumasaang-ayon ba ang mga mag-aaral na


gawing Agosto ang pagbubukas ng klase.

1 10. Pagpapaliwanag sa magandang maidudulot ng pag-eehersisyo sa


Kalusugan.

Maraming Salamat at Nawa’y pagpalain kayo ng Panginoon!

You might also like