You are on page 1of 3

Department of Education

Region III – Central Luzon


Schools Division of Pampanga
SAN NICOLAS ELEMENTARY SCHOOL
Dau, San Nicolas, Masantol, Pampanga
Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Arts V
SY 2019-2020

Pangalan _________________________________________Grado ________________

Panuto: Basahin ang bawat katanungan. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Mahilig magkuwento si Lola Bebeng sa kanyang mga apo lalo na kung walang pasok. Isang araw
ng Sabado tinawag niya ang mga ito at kinuwentuhan kung paano nagsimula ang pinya. Anong
kuwento ang isinalaysay ni Lola Bebeng?
A. Alamat
B. Bugtong
C. Pabula
D. Parabula

2. Isang kuwentong bayan na kilala sa lalawigan ng Laguna. Pinaniniwalaan na noong unang


panahon ay may magandang dalaga na naninirahan sa bundok at tumutulong sa mga naninirahan
doon. Hindi nagtagal ay nilapastangan ng mga tao ang kabundukan, simula noonay hindi na nakita
pa ang diwatang ito. Alin sa mga sumusunod ang pamagat ng kuwentong bayang ito?
A. Juan Tamad
B. Maria Makiling
C. Bernardo Carpio
D. Dalagang Magayon

3. Maraming tuyong dahon sa bakuran nina Marie. Naisip niyang gamitin ang mga ito sa paglilimabag
gaya ng natutunan niya sa kanyang aralin sa Sining. Kinulayan niya ito ng magagandang kulay at
inilipat ang disenyo sa malinis na illustration board. Pinabalatan niya ito ng plastic at isinabit sa
kanilang dingding. Paano nakatulong kay Marie ang nasabing gawain?
A. Ipinagbili niya ito
B. Ipinangregalo niya ito
C. Ginawa niya itong laruan.
D. Ginawa niya itong palamuti
.
4. Ang mga nasa ibaba ay mga kagamitan sa paglilimbag, kung makabagong paraan ang iyong
gagamitin, alin sa mga sumusunod ang iyong gagamitin?
A. Dahon, tansan, pisi
B. Dahon, tansan goma
C. Goma, kahoy, dahon
D. Linoleum, goma, kahoy

5. May proyekto sa Sining ang mga mag-aaral sa ika-limang baitang tungkol sa paglilimbag. Nais ni
Sherwin na maging kakaiba ang kanyang proyekto. Sa halip na dahon ang kanyang gamitin ay
humanap siya sa kanilang tahanan ng maaaring ihalili ditto. Kung ikaw si Sherwin, alin ang iyong
pipiliin?
A. lata
B. Takip ng bote
C. Tirang linoleum
D. Bulaklak sa bakuran

6. Ano ang maaari mong gawin sa mga maninipis na goma ng sapatos?


A. Sunugin ito
B. Ipagsulat ito
C. Gamitin sa pagguhit
C. Gamitin sa paglilimbag
7. Ang ________ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng
bakas ng isang kinulayang bagay.
A. Iskultura
B. Pagguhit
C. Pagpipinta
D. Paglilimbag

8. Bakit mahalagang isaalang-alang ang wastong paglalapat ng kulay sa ginawang limbag na sining?
A. A at B ay tama
B. Upang lalong mapaganda
C. Upang mapansin ang ginawa
D. Upang maging makatotohanan

9. Ano ang dapat gawin sa mga limbag na sining na gawa ng mga mag-aaral?
A. Huwag pansinin
B. Kolektahin at ieksibit
C. Itambak sa silid-aralan
D. Piliin lamang ang magaganda para ieksibit

10. Ano ang tamang kilos kung ikaw ay manonood ng isang eksibit?
A. Ipagmalaki ang mga obra.
B. Punitin ang mga ginawang limbag na sining
C. Ihagis ang mga di nagustuhang likhang-sining.
D. Pagtawanan ang hindi maayos ang pagkakagawa

11. Napagkasunduan ng magkakaibigang Marie, Andrea at Leila na pagsama-samahin ang kanilang


ginawang limbag na sining upang iregalo sa kanilang guro. Ano kaya ang maaari nilang gawin dito
upang mas maging kaakit-akit ang kanilang ibibigay?
A. Gawin itong placemat
B. Gawin itong kalendaryo
C. Gawin itong palamuti sa dingding
D. Lahat ay tama

12. Paano mo ipakikita ang contrast sa pamamagitan ng paglilimbag?


A. Sa paggamit ng mga hugis
B. Sa paggamit ng espasyo at balance
C. Sa paggamit ng mga patapong bagay
D. Sa paggamit ng tuwid at pakurbang linya

13. Kung ang ginamit mo sa iyong limbag na sining ay mga linyang tuwid, pakurba, paputol-putol at
patuldok-tuldok, anong elemento ng sining ang iyong ipinakita sa pamamagitan ng paglilimbag?
A. Kulay
B. Balanse
C. Contrast
D. Espasyo

14. Paano mo higit na mapapaganda ang isang limbag na sining?


A. Humanap ng ibang taong gagawa nito
B. Sa paggamit ng mga mamahaling kagamitan.
C. Pagpapagawa ng limbag na sining sa kapatid.
D. Sa paggamit ng maayos at angkop na dami ng kulay

15. Bakit mahalagang gumagamit ng maayos at angkop na kulay sa limbag na sining?


A. Upang maging maganda ang inilimbag
B. Upang maipakita ang pagiging malikhain
C. Upang mapansin ang kakayahan
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
16. Ang mga sumusunod ay mga kilalang alamat sa Pilipinas maliban sa isa. Alin ito?
A. Bernardo Carpio
B. Ang Lawa ng Sampalok
C. Si Langgam at si Tipaklong
D. Si Malakas at si Maganda

17. Maisasagawa ang paglilimbag sa paggamit ng __________.


A. Manila paper
B. Puting Papel
C. Papel de Hapon
D. Softwood na nilagyan ng disenyo

18. Paano dapat pahalagahan ang mga disenyo ng mga Pilipino?


A. Ipagmalaki
B. Sulatan at sirain
C. Tumahimik lang
D. Huwag papansinin

19. Pagkatapos ng isang gaawaing- sining sa inyong klase ano ang dapat mong gawin sa mga
ginamit mong art materials?
A. Ipaliligpit sa kamag- aral
B. Iwanan sa ibabaw ng mesa.
C. Ililigpit at itatago ang mga gamit
D. Itatapon ang lahat sa basurahan

20. Habang kayo ng mga kaklase mo ay gumagawa ng isang gawaing- sining ay di sinasadyang
nasabuyan ng tubig ang iyong likhang- sining. Ano ang magiging reaksiyon mo?
A. Maiinis ka
B. Isusumbong sa guro
C. Pupunasan ang papel
D. Pagagalitan ang kaklase.

You might also like