You are on page 1of 6

Unang Markahang Pagsusulit sa

Edukasyon sa Pagpapakatao 2

Pangalan: __________________________________________ Petsa: __________


Baitang at Pangkat: ______________________________________ Iskor: _______

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot.

1. Bata pa lang si Daniel ay kinakitaan na siya ng galing sa pagtugtog ng iba’t ibang


instrumentong pangmusika. Anong kakayahan mayroon si Daniel?
A. pag-awit C. pagsayat
B. pagguhit D. pagtugtog

2. Patuloy pa rin sa pagsasanay sa pag-awit si Mela kahit natalo siya ng tatlong beses sa
mga paligsahan. Tama bang ipagpatuloy pa niya ang kaniyang hilig sa pag-awit? Bakit?
A. Opo, dahil ito ang tamang paraan upang maging mahusay siya sa pag-awit.
B. Opo, dahil ito ang nais ng kaniyang ina upang Manalo siya sa paligsahan.
C. Opo, dahil malalamangan niya ang kaniyang kalaban.
D. Opo, dahil hindi niya matanggap ang kaniyang pagkatalo.

3. May gaganaping paligsahan sa pagtakbo sa inyong paaralan. Alam mong mabilis kang
tumakbo. Ano ang dapat mong gawin?
A. Lalahok ako ngunit hindi ako tatakbo.
B. Ipagwawalang bahala ko ang paligsahan sa aming paaralan.
C. Hindi ko ipapaalam na mabilis akong tumakbo.
D. Sasali at magsasanay akong mabuti upang magtagumpay sa paligsahan.

4. Si Clarisse at ang kaniyang mga kaibigan ay mahuhusay sumayaw. Bumuo sila ng


kanilang grupo upang maipakita nila ang kanilang kakayahan. Paano pa nila maipapakita
ang kanilang galit at husay sa pagsayaw?
A. Ipagsawalang bahala ang kanilang kakayahan sa pagsayaw.
B. Huwag pansinin ang mga paligsahan.
C. Sumali sa mga paligsahan.
D. Maglaro araw-araw.
5. Si Flor ay tanyag sa kaniyang natatanging kakayahan. Maraming tao ang humahanga sa
kaniya. Sa iyong palagay, paano niya napananatili ang kaniyang husay sa pag-awit?
A. Nagsasanay siyang umawit araw-araw.
B. Hindi siya nagpapadaig sa ibang mang-aawit.
C. Pinipili lamang niya ang mga awiting kaniyang aawitin.
D. Ginagawa niya ang mga bagay na ipinagbabawal bilang isang mang-aawit.

6. Magaling tumugtog ng tambol si Nathan. Ano ang dapat niyang gawin upang malinang
ang kaniyang kakayahan sa pagtugtog?
A. Sumali siya sa banda ng paaralan upang malinang ang kaniyang kakayahan.
B. Lumahok siya sa iba’t ibang paligsahan sa kanilang paaralan kahit kulang pa siya
sa pagsasanay.
C. Hindi nakikipagkompetensiya sa iba.
D. Ipinagwawalang bahala niya ang mga turo sa kaniya.

7. Habang tumutula si Arabella sa palatuntunan ay nakalimutan niya ang sunod sa linya


ng tulang kaniyang binibigkas. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Iiyak dahil napahiya siya.
B. Tatakbo siya dahil nakalimutan niya ang sunod na linya ng tula.
C. Lalakasan ang loob at ipagpapatuloy ang pagtula.
D. Lalapit siya sa guro at sasabihing nakakahiya ang kaniyang ginawa.

8. Nahihiyang sumali si Ashley sa kompetisyon sa pagsayaw kahit kabisado niya ang mga
hakbang. Natatakot siyang humarap sa maraming tao. Anong payo ang sasabihin mo sa
kaniyag upang lumakas ang kaniyang loob?
A. Lumiban siya sa takdang oras ng kompetisyon.
B. Huwag siyang lumahok upang hindi mapahiya.
C. Lakasan ang loob at subukang sumali upang masanay.
D. Magdahilan na lamang na masama ang pakiramdam upang hindi makasali.

9. Iyak ng iyak si Michael dahil hindi niya magawang bumasa nang mabilis. Kung ikaw si
Michael, ano ang gagawin mo?
A. maglalaro na lamang
B. iiyak na lamang
C. mananahimik na lamang upang hindi mapansin
D. magpapaturo ng pagbasa sa mga marunong magbasa.
10. Napansin ng nanay ni Trisha na nasa tono ang kaniyang pag-awit. Dahil dito, naisipan
ng nanay niya na bumili ng mikropono para makapagsanay siya. Sinabi din ng kaniyang
ina na siya ay await kapag dumating ang kanilang bisita sa makalawa. Ano ang dapat
gawin ni Trisha?
A. Huwag pakinggan ang kaniyang ina.
B. Sumunod sa ina at mag-ensayo nang mabuti.
C. Magmaktol siya upang hindi paawitin.
D. Lumabas na lamang siya upang maglaro.

11. Mahusay maglaro ng basketball si Allan. Nakita niya ang kaniyang kaibigan na gusto
ring matutong maglaro. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Hindi papansinin ang kaniyang kaibigan.
B. Sasabihin niya sa kaniya na magpaturo na lamang siya sa iba.
C. Tuturuan niya ang kaibigan ngunit hihingi siya ng bayad.
D. Lalapitan at sasabihin niya sa kaniyang kaibigan na tuturuan niya siyang maglaro
ng basketball.

12. Sino sa mga sumusunod na bata ang nagpapahalaga sa sayang dulot ng pagbabahagi ng
kaniyang kakayahan o talento?
A. Si Lisa na masayang tinuturuan sa pagbabasa ang mga kamag-aral na mabagal
magbasa at hindi marunong magbasa.
B. Si Dona na napipilitang magturo sa pagtugtog ng gitara sa kaniyang kapatid.
C. Si Lyn na napapagod magturo sa paglalangoy sa kaniyang pinsan.
D. Si Reb na tinatamad magturo ng larong chess sa kaniyang kaibigan.

13. Naging mahusay ka sa larangan ng paglalaro ng badminton dahil sa mga itinuro at


pagsasanay na ginawa ng iyong pinsan. Paano mo pahahalagahan ang mga natutunan mo?
A. Tatanggihan ko ang lahat ng magpapaturo sa akin.
B. Pipiliin ko lamang ang mga taong tuturuan ko ng larong badminton.
C. Pipiliin ko lamang ang ilan sa mga natutunan ko sa paglalaro ng badminton.
D. Lahat ng natutunan ko sa paglalaro ng badminton ay masayang kong ibabahagi
sa iba.
14. Matalinong bata si Zev. Lagi siyang inuutusan ng kaniyang kaklase na igawa sila ng
takdang-aralin. Tinatakot din siya na kung hindi susunod ay sasaktan siya. Ano ang
dapat niyang gawin?
A. Iiyak na lamang siya at magmumukmok sa isang tabi.
B. Hindi na lamang siya papasok para maiwasan ang mga kaklase.
C. Magsusumbong siya sa guro tungkol sa pambubully ng mga kaklase.
D. Susunod na lamang siya sa ipinagagaw ng mga kaklase para hindi siya masaktan.

15. Si Ellen ay isang tahimik na bata. Lagi siyang hinihingan ng pera ng kaniyang kaklase.
Napipilitan siyang magbigay ng pera dahil sasaktan siya kapag hindi nagbigay. Ano ang
dapat niyang gawin?
A. Magbigay na lamang siya ng pera sa kaklase para walang gulo.
B. Iiwasan ang kaklaseng nanghihingi ng pera sa kaniya.
C. Iiyak na lamang hanggang sa maawa sila.
D. Sasabihin sa guro na may kaklase siyang nambubully sa kaniya.

II. Iguhit ang masayang mukha ( ) kung tama ang isinasaad ng pangungusap at
malungkot na mukha ( ) naman kung hindi. Isulit sa patlang ang iyong sagot.

16. Masaya ako kapag nakapagtatanghal ako sa aking paaralan.

17. Hindi ako sumasali sa mga palatuntunan dahil nahihiya akong ipakita ang aking talent.

18. Tutulungan ko maunawaan ng kamag-aral kong nahihirapan pang magbasa ang aming
aralin.

19. Masaya kong ipinakikita ang aking kakayahan sa iba bilang pasasalamat sa kakayahan
na mayroon ako.

20.Alin sa mga sumusunod na Gawain ang dapat mong gawin upang mapanatiling malusog
ang katawan?

III. Pagtapat-tapatin. Basahin ang mga sitwasyon sa Hanay A at piliin ang tamang larawan
sa Hanay B na nagpapakita ng pagtapos ng Gawain. Isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot.
21. Tumulong sa pagpulot ng mga nakakalat na A.

basura

22. Tapusin ang mga ipinagagawang proyekto


B.
guro.

23. Tulungan ang guro sa paggawa ng

dekorasyon ng silid-aralan C.
24. Tumulong sa pagpunas ng pisara.

25. Tumulong kay nanay sa pagpupunas ng


D.
mesa.

E.

IV. Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang kung ang larawan ay nagpapakita ng paghahanda upang
makapasok sa eskuwela sa tamang oras at ekis ( x ) naman kung hindi.

26. 29.

27. 30.

28.
SUSI SA PAGWAWASTO

1. D 16. A
2. A 17. C
3. D 18. A
4. C 19. D
5. A 20. A
6. A 21. C
7. C 22. D
8. C 23. A
9. D 24. E
10. B 25. B
11. D 26. /
12. A 27. X
13. D 28. /
14. C 29. /
15. D 30. X

Inihanda nina:

GEMMA R. JAEN

LANELYN D. LIWANAG

Binigyang-pansin nina: VANESSA C. FABREAG

NYSSA YVES B. LIMBO

MYLENE MENDOZA-DIMAILIG
Master Teacher 1

RUBEN A. PANALIGAN
Principal II

You might also like