You are on page 1of 4

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa

Edukasyon sa Pagpapakatao 2

Pangalan: __________________________________________ Petsa: __________


Baitang at Pangkat: ______________________________________ Iskor: _______

I. Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang pahayag ay nagsasaad ng


pagbabahagi ng sarili sa kalagayan ng kapwa at malungkot na mukha naman kung
hindi.

1. “Mira, may sakit si Dani. Dalawin natin.”

2. “Inay, nahihirapan pong tumawid ang lola. Tulungan po natin.”

3. “Huwag natin siyang isali dahil napakadungis niya.”

4. “Narito ang aking mga lumang damit. Maayos pa naman ang mga ito. Iyo na lamang.”

5. “Umalis ka dito.”

II. Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng pagiging magiliwin at palakaibigan.


III. Basahin ang bawat sitwasyon. Sagutin ang tanong. Isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot.

11. Naabutan mong umiiyak ang kapatid mo dahil nasira ang kaniyang laruan. Ano ang
dapat mong gawin?
A. Bibigyan ko siya ng ibang laruan.
B. Ibibili ko siya ng bagong laruan.
C. Itatapon ko ang sira niyang laruan.
D. Lilibangin ko siya para hindi na siya umiyak.

12. Nagwawalis ang iyong ina sa inyong bakuran. Ano ang dapat mong gawin?
A. Makikipagkuwentuhan ako sa kaniya para hindi siya mapagod.
B. Kakantahan ko siya para maging masaya siya.
C. Kukuha ako ng pandakot at tutulungan siya.
D. Pipitasin ko ang bulaklak sa hardin at ibibigay sa kaniya.

13. Batid mong si Nessy ay mabagal pang magbasa. Lumapit siya sa iyo upang magpaturo.
Ano ang dapat mong gawin?
A. Uupo ako sa tabi niya at tuturuan ko siyang magbasa.
B. Pagtatawanan ko siya dahil mabagal siyang magbasa.
C. Ipagkakalat ko sa iba na mabagal siyang magbasa.
D. Magkukunwari akong hindi ko siya narinig.

14. Nakita mong nahihirapan si Mercy sa pagbuhat ng kaniyang mga pinamili. Ano ang
dapat mong gawin?
A. Magkukunwari akong hindi ko siya nakita.
B. Lalapitan ko siya at tutulungang magdala ng kaniyang mga pinamili.
C. Magsasayaw ako sa harap niya upang maging masaya siya.
D. Tatawagan ko ang kapatid ko upang siya tumulong.

15. Nakita mong nadapa ang iyong kaklase at nasugatan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Tutulungan ko siyang makatayo at sasabihin sa guro ang nangyari upang magamot
ang kaniyang sugat.
B. Kukuha ako ng cellphone at kukuhanan siya ng larawan.
C. Pagtatawanan ko siya nang malakas.
D. Panonoorin ko lamang siya.
IV. Pagtambalin ang sitwasyon na nasa Hanay A sa dapat mong sabihin sa Hanay B. Isulat
sa patlang ang letra ng tamang sagot.

A B

16. Aalis ka na ng bahay. A. “Maraming salamat po.”


B. “Inay, Tatay, narito na po ako.”
17. Tinulungan ka ng iyong kapatid sa gawain.
C. “Mabuti naman. Ikaw?”
18. Kinumusta ka ng iyong kaklase. D. “Makikiraan po.”
E. Paalam na po Inay at Tatay.”
19. Lalabas ka ngunit may nakatayo sa iyong

dadaanan

20. Dumating ka na sa inyong bahay.

V. Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang kung ang larawan ay nagpapakita ng pagmamalasakit


sa kapwa at ekis ( x ) naman kung hindi.

21. 24.

22. 25.

23.

VI. Basahin ang mga salita sa loob ng kahon. Bilugan ang mga salitang may kaugnayan sa
sariling malasakit.

pagbibigay panghihiya pagmamahal pagdadamayan

pagtulong pang-aapi pag-aalala pangmamaliit


SUSI SA PAGWAWASTO

1. 16. E
2. 17. A
3. 18. C
4. 19. D
5. 20. B
6. 21. /
7. 22. /
8. 23. /
9. 24. x
10. 25. x
11. D 26. pagbibigay
12. C 27. pagmamahal
13. A 28. pagdadamayan
14. B 29. pagtulong
15. A 30. pag-aalala

Inihanda nina:

GEMMA R. JAEN

LANELYN D. LIWANAG

Binigyang-pansin nina: VANESSA C. FABREAG

NYSSA YVES B. LIMBO

MYLENE MENDOZA-DIMAILIG
Master Teacher 1

RUBEN A. PANALIGAN
Principal II

You might also like