You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa


Pagpapakatao 2

Pangalan: ______________________ Iskor: _________


Baitang at pangkat:____________ Petsa: _________

Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem.


Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang dapat pasalamatan sa mga biyayang


natatanggap natin sa araw-araw?
A. Diyos B. guro C. kaibigan D. kaklase

2. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng


pasasalamat sa mga biyayang kaloob ng Diyos?

A. B. C. D.
3. Binilhan ka ng bagong damit ng iyong nanay
subalit hindi mo gusto ang kulay nito. Ano ang
gagawin mo?
A. Hindi ko ito isusuot.
B. Itatago ko na lamang ito.
C. Ibibigay ko ito sa aking kapatid.
D. Magpapasalamat ako kay nanay.

4. Dapat tayong magpasalamat sa mga biyayang


tinatanggap natin. Paano mo maipapakita ang
pasasalamat sa Diyos?
A. pagtatapon ng basura sa ilog
B. pagsira sa mga puno at halaman
C. pananakit sa mga alagang hayop
D. pagdarasal at pangangalaga sa mga
biyayang kaloob ng Diyos

5. Anu-ano ang mga biyayang bigay sa atin ng


Diyos?
A. mga pagkain natin sa araw-araw
B. malusog na pangangatawan
C. magandang kapaligiran
D. lahat ng nabanggit.

6. Nakita mo na sinisira ng iyong nakababatang


kapatid ang mga halaman sa inyong bakuran.
Ano ang iyong gagawin?
A. Pagagalitan ko siya.
B. Isusumbong ko siya kay tatay.
C. Hahayaan ko siya na sirain ito.
D. Pagsasabihan ko siya na huwag sirain ito.
7. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng tamang
paggamit ng talento at kakayahan?

A. B. C. D.

8. Tinanong ka ng iyong guro kung nais mong


lumahok sa gaganaping patimpalak sa pagguhit
dahil magaling kang gumuhit. Ano ang iyong
gagawin?
A. Sasabihin ko na iba nalang ang isali niya.
B. Hindi ko ito tatanggapin dahil nahihiya ako.
C. Tatanggapin ko para ipakita sa lahat na
pinakamagaling ako.
D. Tatanggapin ko ito para maipakita ang aking
talento sa pagguhit.

9. Bakit dapat tayong magpasalamat sa ibinigay na


talento ng Diyos?
A. para maging mayaman
B. para gabayan tayo ng Diyos
C. para maging masaya ang magulang
D. para madagdagan pa ang ating talento

10. Alin ang nagpapakita ng tamang paggamit ng


kakayahan?
A. batang nagsasanay gumuhit
B. batang pinagyayabang ang talento
C. batang walang ginawa kundi kumain
D. batang laging naglalaro ng computer games
11. Ano ang dapat gawin sa mga talento na bigay sa
atin ng Diyos?
A. ipagdamot
B. ipagyabang
C. ipagpasalamat
D. ipagwalang bahala

12. Pinakamahusay kang magbasa sa inyong klase.


Ano ang gagawin mo kung may kamag-aral ka na
hindi marunong bumasa?
A. Pagtatawanan ko siya.
B. Tuturuan ko siyang magbasa.
C. Ipagsasabi ko na hindi siya marunong
magbasa.
D. Sasabihin ko sa guro na turuan siyang
magbasa.

13. Mahusay sumayaw si Lita. Alin sa sumusunod na


larawan ang nagpapakita na ibinabahagi niya ang
kanyang talento sa iba?

A. B. C. D.

14. Anong ugali ang ipinapakita mo kung ibinabahagi


mo ang iyong kakayahan o talento sa iba?
A. magalang
B. masipag
C. matapat
D. matulungin
15. Ano ang magandang naidudulot ng pagbabahagi
ng talento sa kapwa?
A. mapapasaya mo ang iyong kapwa
B. makakatulong ka sa iyong kapwa
C. magiging sikat ka
D. sagot A at B

16. Nakita mong nahihirapan sa paggawa ng


saranggola ang iyong kaibigan. Ano ang gagawin
mo?
A. Hindi ko siya papansinin.
B. Tutulungan ko siya sa paggawa.
C. Hahayaan ko siyang gumawang mag-isa.
D. Sasabihin ko na magpatulong siya sa tatay
niya.

17. Alin sa mga larawan sa ibaba ang nagpapakita ng


pagpapaunlad ng talino na bigay ng Diyos?

A. B. C. D.

18. Papaano mo pauunlarin ang mga talentong


ibinigay sa iyo?
A. pagsali sa mga paligsahan
B. panonood ng TV maghapon
C. pakikipaglaro sa mga kaibigan
D. pakikipagkwentuhan sa kaklase
19. Ano ang nararamdaman mo kapag lumalahok ka
sa mga gawaing nakapagpapaunlad ng iyong
talino at kakayahan?
A. kinakabahan
A. malungkot
B. masaya
C. natatakot

20. Si Rica ay mahusay umawit. Paano niya higit na


mapapaunlad ang kanyang talento ?
A. palagiang magsanay
B. magpuyat sa pagsasanay
C. magsanay lamang kung may paligsahan
D. sumali sa lahat ng paligsahan sa pag-awit

21. Sino sa sumusunod ang higit na mapapaunlad


ang kakayahan?
A. Si Marco ay tamad magsanay.
B. Si Mika ay laging sumasali sa mga paligsahan.
C. Ikinahihiya ni Leo ang kanyang kakayahan.
D. Si Kim ay laging wala sa kanilang pagsasanay.

22. Kung ikaw ay tumutulong sa kapwa, anong ugali


ang iyong ipinapakita?
A. mabuti
B. mapagsamantala
C. maramot
D. masama
23. Nakita mong walang baon ang iyong kamag-aral.
Ano ang iyong gagawin?
A. Tutuksuhin ko siya.
B. Pagtatawanan ko siya.
C. Hahatian ko siya ng aking baon.
D. Sasabihin ko sa iba na bigyan siya ng baon.

24. Alin sa sumusunod na gawain ang nagpapakita


ng pagtulong sa kapwa?

A. B. C. D.

25. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng


pagtulong sa kapwa gamit ang kakayahang
bigay ng Diyos?
A. Nagagalit si Victor sa tuwing may magpapaturo
sa kanya sa pagguhit.
B. Nahihiya si Verson kaya hindi niya ipinapakita na
marunong siyang kumanta.
C. Tinuturuan ni Helen ang mga bata sa kanilang
lugar na tumugtog ng piyano.
D.Iniiwasang turuan ni Joan ang kanyang
nakababatang kapatid sa kaniyang mga
gawain sa paaralan.

Inihanda ni:

MORENA B. MAGCALAS
Teacher 1
Balas Elementary/Mexico North District

You might also like