You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
KAONG ELEMENTARY SCHOOL

Ika-apat na Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 3


Pangalan: _________________________________________ Baitang: _____________
Panuto. Basahin ang mga sumusunod na tanong at isulat ang titik ng wastong sagot.

1. Si Glen ay nakatira sa Lalawigan ng Laguna. Namamasukan siya sa isang pagawaan.


Bakit kaya ito ang kanyang hanapbuhay?
a. dahil maraming sakahan dito b. dahil maraming pabrika dito
c. dahil nakatira malapit sa bayan d. dahil maraming tindahan dito

2. Ang Bayan ng Taal ay kilala sa pag-aalaga ng baka kaya ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan
dito ay pagtitinda ng ________.
I. kesong puti II. gatas III. Tapa IV. karne
a. I at II b. II at III c. III d. III at IV
3. Ang likas na yaman ay ang mga bagay na nagmumula sa kalikasan. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan
nito?
I. Pinagkukunan ng pagkain at inumin.
II. Pinagkukunan ng materyales sa paggawa ng bahay.
III. Pinagkukunan ng hanapbuhay.
IV. Pinagkukunan ng kaalaman ng mga mamamayan.
a. I,II at III b. II at III c. I at IV d. IV
4. Ano ang maaaring gawin sa sobrang produksiyon ng saging at pinya sa ating lalawigan?
a. Maaaring makipagpalitan ng produkto sa ibang lalawigan.
b. Ipagbili sa karatig lalawigan.
c. Ipamigay na lamang para maubos na.
d. Itago na lamang para sa darating na pangangailangan.
5. Ang mga pangunahing produktong Agrikultural sa lalawigan ng Cavite ay ang mga sumusunod.
a. saging, pinya, abokado, kape, lanzones b. saging, pinya, abokado, niyog, lanzones
c. saging, pinya, abokado, kape, palay d. saging, pinya, rambutan, niyog, lanzones

Lalawigan Produkto Dami Dami ng pangangailangan ng mga lalawigan sa buong


rehiyon
Cavite Palay 4500 kaban 3400 kaban
Laguna Palay 1500 kaban
Batangas Kape 2500 kilo 1300 kilo
Rizal Isda 5500 kilo 3000 kilo
Quezon Niyog 2500 toneladas 2500 para maging langis

6. Ano sa palagay mo ang magiging presyo ng palay sa buwan ng Hulyo hangang Disyembre batay sa datos?
I. Tataas ang presyo nito
II. Bababa ang presyo
III. Sakto lamang ang magiging presyo nito dahil sapat ang dami nito.
IV. Sapat lamang ang dami nito

a. I at II b. II at III c. III at IV d. II at IV
7. Ano naman ang presyo ng isda?
I. Tataas ang presyo nito II. Bababa ang presyo
III. Sakto lamang ang magiging presyo nito dahil sapat ang dami nito.
IV. Sapat lamang ang dami nito
a. I at II b. II at III c. III at IV d. II at IV

8. Ano ang maitutulong ng lalawigan ng Rizal sa buong rehiyon?


I. isda II. Niyog III. Palay IV. Kape
a. I at II b. I c. I at III d. IV
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
KAONG ELEMENTARY SCHOOL

9. Ano ang mabuting idudulot ng pag-aangkat ng ibang lalawigan sa isang lalawigan ng rehiyon?
I. Nakakatulong ito sa pangangailangan ng lalawigan.
II. Nadadagdagan ang kita ng ibang lalawigan kung mag-aangkat.
III. Sumasapat ang pangangailangan ng lalawigan kung mag-aangkat ng produkto.
IV. Hindi na dapat mag-angkat sa ibang lalawigan.
a. I at II b. II at III c. I at III d. IV

10. Dapat ba na isang magaling na lider ang namumuno sa bawat lungsod?


a. Oo, sapagkat binoto sila upang pamunuan ang bawat lungsod
b. Oo, sapagkat kung ang lider ay mahusay madaming programa ang magagawa
c. Oo, sapagkat kung ang lider ay magaling maraming tao ang matutulungan.
d. Hindi, sikat dapat at mayaman ang iboto para maging lider ng bawat lungsod

11. Ang gobernador ang pinakamataas na namumuno sa isang lalawigan. Alin sa mga sumusunod ang kanyang
mga gawain?
I. Namumuno sa lahat ng proyekto/programa serbisyo at gawai sa lalawigan.
II. Namamahala sa paggamit ng pondo.
III. Sinisiguro niya na naipatutupad ang batas o ordinansa sa lalawigan.
IV. Naipatutupad ang serbisyong panlipunan.
a. I, II, III at IV b. II at III c. I, II, at III d. IV

12. Ang tatay ni Emilio ay may sakit sa baga, subalit hindi nila problema ang gamut nito dahil______.
a. mura ang gamot sa botika b. may nahihinging gamot sa kapit-bahay
c. may libreng gamot sa health centerd. may nakukuhang gamot sa barangay

13. Ano ang tawag sa namumuno sa isang lungsod o siyudad?


a. Chairman b. Presidente c. Mayor/Alkalde d. Senador

14. Ang SK Chairman ay nanunungkulan sa mga __________________ ng bawat barangay.

15. Nais mong mag-aral sa kolehiyo subalit hindi ka kayang tustusan ng iyong mga magulang sa pag-aaral.
Matataas naman ang iyong mga marka. Ano ang gagawin mo?
a. Susuportahan ang Reforestation Program. B. Maghahanap ng part-time job.
c. Mag-aaplay sa Scholarship Program ng pamahalaan at mag-aplay bilang Student Assistant.
d. Lalapit sa politiko upang humingi ng suportang pinansyal.

16. Ito ay mahalagang proyekto ng gobyerno upang mas madali ang pagdadala ng mga pangunahing produkto
mula sa mga probinsiya patungo sa mga pamilihan.
a. Tulay at daan b. Irigasyon c. Waterdam d. Palengke

17. Alin sa mga sumusunod ang nakapagpapadali ng transportasyon at pagbyahe ng mga produkto ng ating
rehiyon?
a. lubak lubak na daanb. ulan c. baha d. konkretong daan

18. Ito ay isang maayos na lugar kung saan maaaring makabili ng mga pangunahing produkto ang mga
mamamayan.
a. Palengke b. Piyer c. Bukid d. Tindahan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
KAONG ELEMENTARY SCHOOL

SUSI SA PAGWAWASTO
SA ARALING PANLIPUNAN 3

SOLO

A B C D
1 0 3 2 1
2 1 2 0 3
3 3 2 1 0
4 2 3 1 0
5 2 1 3 0
6 0 1 3 1
7 0 1 3 1
8 1 3 1 0
9 3 1 1 0
10 1 3 2 0
11 3 2 2 1

NON SOLO

12. C
13. C
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
KAONG ELEMENTARY SCHOOL

14. KABATAAN
15.C
16. A
17. D
18. A

Inihanda ni:

PAMELA JOY G. AVILA


Teacher I

Iniwasto ni :

LEONIDA A. REYES
Master Teacher II

Binigyang Pansin:

ROSA P. CAPAGCUAN
Principal II

You might also like