You are on page 1of 7

Schools Division of Marinduque

District of Torrijos
DAMPULAN ELEMENTARY SCHOOL

THIRD PERIODICAL TEST IN FILIPINO 3


SY 2023- 2024

Pangalan: ____________________________________________ Petsa: ________________


Panuto: Piliin ang titik ng tambalang salita na tinutukoy ng kahulugan sa bawat
bilang.
1. maramdamin
A. balat-sibuyas B. kutis-kamatis
C. Kambal-tuko D. taingang-kawali

2. muling pag-aaral sa dating aralin


A. kapit-bisig B. hanap-buhay
C. balik-aral D. takdang-aralin
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng tambalang salita sa bawat pangungusap.
Piliin ang titik ng tamang sagot.

3. Si Glyden ay tila sirang-plaka kung magsalita.


A. malakas umawit B. paulit-ulit ang sinasabi
C. magandang magsalita D. pabulong kung magsalita
Panuto: Pakinggan ang kasabihan na babasahin ng guro. Piliin sa mga titik ang
iyong ideya ukol dito.
Kapag may itinanim, may aanihin.
4.

A. Marami ang pananim at halaman na maaaring itanim sa lupa.


B. Sa bukid nagtatanim ang mga magsasaka at doon din nag-aani.
C. Gumising nang maaga upang ang mga magulang ay matulungan sa
pagtatanim.
D. Kung magsisikap at maging masipag ay may mabuting matatamo pagdating
ng araw.
Panuto: Basahin ang nais na ipabatid ng nasa bawat bilang. Piliin sa mga titik ang
iyong opinyon o reaksyon ukol dito.
Pagsuot ng face mask at face shield
5.
A. Masyadong mainit ang panahon para magsuot nito.
B. Ang mahalaga ay mayroon nito kahit hindi naman suotin.
C. Nakakaabala ang paggamit ng mga ito lalo kung nagmamadali.
D. Nakabubuti ang pagsusuot nito upang hindi mahawahan ng sakit
Paglilinis ng paligid
6. 6.
A. May mga matatandang maaaring maglinis ng paligid natin.
B. Marami ang maaaring bayaran para maglinis ng ating kapaligiran.
C. Nakapagdudulot ito ng kaguluhan dahil hindi nagkakaisa ang mga tao.
D. Mabuti ang makiisa tayo sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran
upang maiwasan ang sakit.
Panuto: Basahing mabuti ang teksto at sabihin ang paksa nito. Piliin sa mga titik
ang iyong sagot.

Ang kahirapan ay hindi hadlang kay Nathaniel para matuto.


Dala ang lapis, papel at kuwaderno, siya ay pumapasok sa paaralan
kahit walang baong pera. Para sa kanya, wala ng mas mahalaga
pang iba kundi ang pag-aaral.

1
Schools Division of Marinduque
District of Torrijos
DAMPULAN ELEMENTARY SCHOOL

7. Tungkol saan ang paksa ng iyong binasang teksto?


A. Mga kagamitan ni Nathaniel sa paaralan
B. Pagsisikap na magkakaroon ng gamit sa pag-aaral
C. Kahalagahan ng pag-aaral at pagsisikap upang matuto
D. Kahirapan ng buhay at pagsuko ng batang si Nathaniel

8. Sa iyong palagay, ano kaya ang maging bunga sa kanyang pagiging masikap
sa pag-aaral?
A. Maging matanda siya.
B. Maging basurero siya.
C. Makapunta siya sa ibang bansa.
D. Matupad niya ang kanyang mga pangarap sa buhay.

9. Ano ang maaring pamagat ng teksto?


A. Dapat may Baon sa Paaralan
B. Ang mga Kagamitan ni Nathaniel
C. Kapag mahirap, Huwag mag-aral!
D. Hindi Hadlang ang Kahirapan upang Matuto

Mahaba ang buhok ni Syrene. Itim na itim ang kulay nito. Kaygandang
suklayin nang malambot at tuwid na hibla ng kaniyang buhok. Marami ang
humahanga sa magandang buhok ni Syrene.

10. Sa binasang teksto sa itaas, ano ang angkop na pamagat ukol dito?
A. Ang Buhok ni Syrene
B. Ang Mabuting Bata
C. Kahanga-hanga si Syrene
D. Si Syrene at ang kanyang Alaga
Panuto: Basahing mabuti ang teksto na nasa kahon at sagutin ang mga katanungan
ukol dito. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Kilala ang bayan ng Santa Cruz sa probinsiya ng Marinduque sa mga
magagandang tanawin. Maraming turista ang dumarayo dito upang makita ang
itinatagong taglay na ganda ng bayan. Ilan sa mga ito ay ang mga beach ng tatlong isla
ng Maniwaya, Polo at Mongpong. Gayundin ang Palad Sandbar na makikita sa
malaparaisong isla ng Maniwaya at ang Ungab Rock Formation naman na nasa
Mongpong. Hindi rin pahuhuli ang Dapdap Beach at Kawa-Kawa Falls. Ang selebrasyon
naman ng Moriones Festival gayundin ang pagdiriwang ng Mahal na Araw na ginaganap
sa bayan ng Santa Cruz na kung tawagin ay “Pugutan,” ang pinakatampok sa lahat ng
palabas sa bayang ito. At marami pang iba na talagang binabalikan ng mga panauhin at
turista. Ito ang dahilan upang maging espesyal nilang lugar bilang kanilang
bakasyunan. Tunay na maipagmamalaki ang magagandang tanawin at mayamang
kulturang ito na matatagpuan sa bayan ng Santa Cruz.
11.Tungkol saan ang paksa ng tekstong iyong binasa?
A. Espesyal na lugar bilang bakasyunan ng mga turista
B. Maraming turista ang dumarayo sa Bayan ng Santa Cruz
C. Kilala ang bayan ng Santa Cruz sa probinsiya ng Marinduque
D. Maipagmamalaking kagandahan ng Tanawin at Kultura na matatagpuan sa

2
Schools Division of Marinduque
District of Torrijos
DAMPULAN ELEMENTARY SCHOOL

Bayan ng Santa Cruz

12.Ano ang angkop na pamagat sa tekstong iyong binasa?


A. Ang Taglay na Kagandahan ng Bayan ng Santa Cruz
B. Masaya ang Magbakasyon sa Marinduque
C. Ang mga Turista sa Santa Cruz
D. Ang Lalawigan ng Marinduque

13. Alin sa mga sumusunod ang sumusuportang kaisipan sa tekstong iyong


binasa?
A. Maraming turista ang dumarayo upang makita ang itinatagong taglay na
ganda ng plaza.
B. Ang selebrasyon naman ng Moriones Festival gayundin ang pagdiriwang ng
Mahal na Araw ay madalang isagawa.
C. Ito ang dahilan upang maging espesyal nilang lugar bilang kanilang
bakasyunan.
D. Kilala ang bayan ng Santa Cruz sa probinsiya ng Marinduque sa mga
magagandang at kahanga-hangang tanawin nito.
Panuto: Gamitin ang wastong salitang kilos/pandiwa upang mabuo ang
pangungusap
ukol sa inyong mga karanasan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

14.__________ si Joana ng masarap na keyk.


A. Uminom B. Kumain C. Sumakay D. Gumuhit

15.Si Charles ay _________ ng aklat.


A. nagbabasa B. naliligo C. naghuhugas D. kumakain

1 16. ___________ ni Brenan ang basura sa tamang lalagyan.


A. Iniwasan B. Itinapon C. Ibinenta D. Hinugasan

17. Si Rommel ay _________ ng bintana ng silid-aralan.


A. kumuha B. nagpunas C. naglaba D. pumalo
Panuto: Tukuyin kung anong bagong salita ang mabubuo kapag pinalitan ang
unang tunog ng salita sa ibaba?

18. sanga= _________________


A. Baga B. panga C. langga D. sangga

19. Anong tunog ang idadagdag sa patlang upang mabuo ang salita?

___ata

A. /b/ B. /c/ C. /b/ D. /d/

3
Schools Division of Marinduque
District of Torrijos
DAMPULAN ELEMENTARY SCHOOL

Panuto: Basahin at ibigay ang iyong sariling hinuha sa pangyayari sa kuwento. Piliin
ang titik ng tamang sagot.
Ang Butas na Bulsa

Si Hazel ay nag-aaral sa Ikatlong Baitang sa Paaralang Elementarya ng Ipil.


Isang araw, binigyan siya ng kanyang gurong si Gng. Regalia ng proyekto sa
asignaturang MAPEH. Ito ay paggawa ng paso mula sa plastic na bote. Kailangan niya
itong pintahan kaya humingi siya ng pera sa kaniyang nanay para bumili ng pintura.
Binigyan si Hazel ng dalawandaang piso para dito at ito’y kaniyang inilagay sa bulsa
ng kaniyang palda. Hindi niya alam na may butas pala ang kaniyang bulsa.
20. Bakit kaya humingi ng pera si Hazel sa kaniyang nanay?
A. Upang bumili ng laruan B. Upang bumili pintura
C. Upang bumili ng paso D. Upang bumili ng pagkain

2 21. Sa pagkawala ng pera ni Hazel sa kanyang bulsa, ano kaya inaasahan


mong
mangyayari?
A. Matutuwa ang kanyang nanay at bibigyan siya ulit.
B. Ipatatahi niya ang butas sa bulsa ng kanyang palda.
C. Hindi na siya bibili ng pintura para sa proyekto niya.
D. Pagagalitan siya ng nanay dahil naiwala niya ang pambili

ng pintura.
Panuto: Basahin at piliin ang titik ng wastong sagot.
22. Kung susulat ka ng liham sa iyong kaibigan. Paano mo isusulat ang bating
panimula?
A. Central, Barangay Ipil,
Santa Cruz, Marinduque 4902
B. Mahal Kong Alden,
C. Labis akong nasisiyahan dahil nagkasama tayo kahit isang araw sa bukid.
D. Nagmamahal, Angelo

Panuto: Punan ang patlang nang angkop na pang-abay na naglalarawan ng kilos


upang mabuo ang diwa ng bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang
sagot.

23. ________binuksan ang pinto upang makapasok si Tiya Anna galing


palengke.
A. Agad-agad C. Masayang
B. tuwing Linggo D. sa kusina

24. ________tumayo ang may sakit kong pinsan.


A. Dahan-dahang C. Patalong
B. Masiglang D. Madaling

25. _________________ na umakyat ang mga tao sa matarik na bundok.

4
Schools Division of Marinduque
District of Torrijos
DAMPULAN ELEMENTARY SCHOOL

A. Maingat C. malamig
B. Malawak D. malakas

26. Ang mga bata ay ________________ nag-eehersisyo.


A. matipid C. maliwanag
B. masaya D. mabilis

Panuto: Basahin at tukuyin kung alin ang sanhi o bunga sa pangyayari. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
Si Lian ay nagkasakit dahil matigas ang ulo sumusuway sa mga utos
ng kanyang mga magulang .

27. Alin sa pangyayari ang sanhi ng pagkakasakit ni Lian ?


A. Matigas ang ulo
B. Nakipaghabulan sa mga kapatid.
Nagpaulan siya kasama ang mga kaibigan.

Panuto: Gumamit nang wastong pang-ukol upang mabuo ang pangungusap.


Piliin ang titik ng iyong sagot.

28. ____________ World Health Organization (WHO), nakamamatay ang sakit


na COVID-19.
A. Ayon sa C. Para sa
B. Laban sa D. Galing sa
29. Kailangang palakasin ang ating resistensya ___________ COVID-19.
A. ukol sa C. ayon sa
B. laban sa D. tungkol sa

30. Pinaigting ang curfew __________ mga kabataang may gulang na 21


anyos pababa at mga matatandang may gulang na 65 anyos pataas.
A. para sa B. ukol sa
C. tungkol sa D. laban sa

------------------Goodluck!!!------------------

5
Schools Division of Marinduque
District of Torrijos
DAMPULAN ELEMENTARY SCHOOL

THIRD PERIODICAL TEST IN FILIPINO 3


SY 2022-2023

TABLE OF SPECIFICATIONS
Learning No. of Percentage No. of Item
Competencies Days Items Placement
(with Code)

Natutukoy ang kahulugan ng mga


1,2,3
tambalang salita na nananatili ang
kahulugan. F3PT-IIIci-3.1 5 12.5 4
Nasasabi ang sariling ideya tungkol sa
4
tekstong napakinggan. F3PN-IIId-14
Naipahahayag ang sariling opinyon o
reaksyon sa Isang napakinggang isyu. 3 7.5 2 5, 6
(F3PS-IIId-1)
Nasasabi ang paksa o tema ng teksto,
3 7.5 2 7, 11
kuwento o sanaysay. (F3PB-IIId-10)
Napapalitan at nadadagdagan ang mga
tunog upang makabuo ng bagong salita. 3 7.5 2 18,19
F3KP-IIIe-g-6
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa
3 7.5 9,10,12
binasang teksto. F3PB-IIIf-8 3
Naibibigay ang mga sumusuportang
kaisipan sapangunahing kaisipan ng 2 5 1 13
tekstong binasa.F3PB-IIIe-11.2
Naibibigay ang sariling hinuha bago,
habang, at pagkatapos mapakinggan ang 3 7.5 2 20, 21
teksto. F3PN-IIIf-12
Nasisipi nang wasto at maayos ang mga
2 5 1 22
liham.F3KM-IIa-e-1.2
Nagagamit ang tamang salitang kilos/
pandiwa sa pagsasalaysay ng personal na 5 12.5 4 14,15,16,17
karanasan.F3WG-IIIe-f-5
Nakabubuo ng mabisang pangungusap
gamit ang pang-abay na naglalarawan ng 5 12.5 4 23,24, 25, 26
isang kilos o gawi. F3WG-IIIh-6
Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng
mga pangyayari sa binasang teksto. 3 7.5 2 8, 27,
F3PB-IIIh-6.2
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na
laban sa, ayon sa, para sa, ukol sa, 3 7.5 3 28, 29, 30
tungkol sa. F3WG-IIIi-j-7/ F3WG-IVi-j-7
40 100% 30 30

6
Schools Division of Marinduque
District of Torrijos
DAMPULAN ELEMENTARY SCHOOL

Answer Key
1. A
2. C
3. B
4. D
5. D
6. D
7. C
8. D
9. D
10. A
11. D
12. A
13. D
14. B
15. A
16. B
17. B
18. B
19. A
20. B
21. D
22. B
23. A
24. A
25. A
26. B
27. B
28. A
29. B
30. A

Prepared by:

NEZZALYN P. REGALIA
Teacher

You might also like